Share

CHAPTER TWO

DOMINICA’S POV

GALAXY BAR

“Hey!” tawag-pansin ko kina Ysa at Hani nang makapasok ang mga ito sa bar ni Tito Art. Kumaway naman si Hani habang napansin ko ang pagkabalisa ni Ysabel.

“Hala! Buti na lang pinapasok ako,” sambit naman ni Hani sabay halik sa VIP pass na card niya. Sabagay 16 palang kasi siya kaya hindi dapat siya nakakapasok pero dahil may VIP cards kami na binigay ni Tito Art, anytime pwede kami rito, oh well… special ang VIP cards na iyon, with names namin ‘yon at may serial number, parang credit card ang itsura and having that card also means free drinks and foods sa kahit saang bar na pag-aari ni Tito. And kami lang sa barkada ang meron, depende na lang kapag may gustong bigyan si Anthony o si Tito.

Naupo naman na kami sa bar counter at umorder ng drinks. Tamang alcohol lang pangpalakas ng loob mamaya sa dance floor.

“Hoy Hani, mag-shake ka lang ha…” paalala ko rito at tumango naman siya. Mahirap na baka malaman pa ni Leyson, patay ako ron. Nakakatakot pa naman ang aura ng lalaking ‘yon, grabe… kung kilala niyo lang talaga siya.

Tindig palang nun nagsusumigaw na ng "I AM THE KING", kaya wag kang haharang-harang sa dinadaanan niya. Si Ysabel at Hani lang ang hindi natatakot dun eh.

Tinignan ko naman si Ysabel, ang tahimik niya.

“Problema?” I asked her.

Alam kong may problema na ito, hindi siya pupunta rito kung wala. Tinawagan kasi niya ako kanina kung nasaan daw ako. Hindi naman kasi ma-night out na tao si Ysabel, pumupunta lang ‘yan sa bar kapag may family gatherings kami na rito ginaganap o nagkayayaan ang barkada. Pero sabihing siya mismo? Iinom gabi-gabi rito? Ako lang ‘yun... ako lang ang ganun.

Tinungga naman nito ang inorder na alak bago sumagot.

“Nag-usap kami ni Daniel kanina pagkauwi natin galing sa EK and nag-suggest ako ng divorce.”

What? Malungkot ba siya dahil pumayag ang gago?

“Pumayag ba siya?” tanong ko pero umiling lang ito.

“Hindi naman pala, so ibig sabihin ayaw niyang maghiwalay kayo. Eh dapat maging masaya ka ‘di ba?” komento ko pa, nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa baso.

“Sino ba ang sasaya… kung ang dahilan kaya ayaw niyang pumayag ay siya? He is staying with me because he wants to protect the woman he loves… ang sakit, ang sakit-sakit na Nics!” kuwento nito at yumakap sa akin, naramdaman ko ang pag-iyak nito, damn that jerk! Gago talagang Daniel na ‘yan… tangina niya. Niyakap ko naman din si Ysabel. I patted her back. Nakatingin lang din si Hani sa amin, alam ko malungkot din ito sa nakikitang kahinaan ng soon to be Ate niya.

“Enough! Tara, sayaw na lang tayo. Isayaw na lang natin ang heartbreak na iyan,” yaya ko sa kanila kaya tumayo na ako at hinila ang dalawa sa dance floor.

We are enjoying the party music. Kembot dito, kembot doon. We are like party animals. Walang pakialam sa paligid kahit halos tyansingan na kami ng mga lalaki roon. But then, alam kong safe kami rito sa bar ni Tito.

Not until mapadako ang paningin ko sa second floor. Bigla akong napadahan-dahan sa paggalaw ng aking bewang habang nakatanaw pa rin sa itaas, sa lalaking nakatingin din sa akin. Well, hindi ko sure kung ako talaga ang tinitignan nito but my guts are saying so, tumungga ito sa hawak-hawak niyang kopita habang hindi rin iniaalis ang tingin sa gawi ko. I have this feeling that I know him… deep inside me is shouting that I know the man.

Hindi ko masyadong maaninag ang hitsura nito dahil madilim sa gawi niya. Pero bigla akong napapikit and suddenly I saw that deep dark blue eyes again, nag-flash ito sa isipan ko… siya ba ‘yon? Kaya bigla akong napamulat at sa pagmulat ko, wala na ang lalaki sa taas. What the? Am I hallucinating things?

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration.

Lumapit naman ako sa gawi nina Ysabel nang may humablot dito. Damn!

It's Daniel, at nakasunod dito sina Kuya Dom at Anthony. I am about to say something nang umalis na lang ito bigla dala-dala si Ysabel. Susundan ko sana nang hawakan ako ni Kuya Dom. I looked at him.

“What?” sambit ko.

“Don't follow them, sis. Alam ni Daniel ang ginagawa niya,” sagot naman ng magaling kong kuya. I just rolled my eyes.

“Alam? ang alam lang nun ay saktan at paiyakin ang best friend ko. Tangina niya,” inis kong sambit. Galit talaga ako kay Daniel kahit noon pa mang mga bata kami.

Dahil nakita at nasaksihan ko kung paano niya paglaruan ang damdamin ni Ysabel, ito namang gagang kaibigan ko sige pa rin ng sige kahit sobrang nasasaktan na.

But still I can't stop her for loving Daniel so much... kasi doon siya masaya, ayaw ko namang kunin ang sayang nararamdaman niya dahil sa ayaw ko lang siyang nasasaktan.

Ironic, right? ‘Yung kung ano o sino pa ang nanakit sa’yo doon ka pa nakakaramdam ng sobrang saya.

“Nica, watch your words,” suway pa ng kuya ko. Kainis din ‘tong isang ito, pa-goodie goodie pa akala mo santo, demonyo rin naman. Inirapan ko lang siya. Hindi naman sa may galit ako o kung ano sa kuya ko pero shit lang kasi. Nakakasuka kaya ang kabaitan niyan, eh alam na alam ko namang galing din sa empyerno ‘yan. Kaya nga kami magkapatid, ‘di ba.

“Ms. Hanibella!” Napatingin naman kami sa gawi ni Hani nang may tumawag dito na galing sa second floor.

Men in black. Napasapo ako sa noo ko. Patay! Mga tauhan ‘yan ni Frederik Leyson Wilford. 

Mabilis na yumakap sa beywang ko si Hani.

“Ate! Ayaw ko pang bumalik sa Spain. Ang boring doon! Araw-araw kong kasama si Leyson, nakakaumay na ang pagmumukha niya. Buti sana kung nakangiti, eh halos talunin na si Mona Lisa sa pagkaseryoso,” paawang sambit pa ni Hani.

Eh pagtumakas kami sa mga ‘yan, ako naman ang patay kay Leyson, the cold-hearted monster!

Lumapit na rin ang mga men in black sa amin. Buti dalawa lang ito kaya hindi nakakaagaw ng atensyon masyado.

“Ms. Hanibella, Mr. Wilford ordered us to bring you home this instant. Please come with us.”

Pagsusumamo rin ng mga ito, halatang natatakot ang mga itong bumalik sa Spain na walang dalang Hanibella Custodio.

“Hani, sumama ka na. Mas magagalit si Derik sa amin kapag ‘di ka pa umuwi,” sambit naman ni Anthony. Tumango lang din ang kuya ko bilang pagsang-ayon dito.

I looked at Hani.

“Sige na little girl…” pagtudyo ko rito na sumama na siya sa mga tauhan ni Leyson. Malungkot lang itong tumingin sa akin at nag-pout. Pero bago pa man siya makaalis sa tabi ko ay binulungan ko pa siya.

“Takas ka na lang ulit kapag may chance. Have a safetrip.” At ngumisi rito.

“Ate Nica naman eh! Sige na, I'll text na lang din si Ate Ysa na umuwi na ako. Bye!”

Nakasimangot at bagsak-balikat na paalam nito at sumama na sa mga men in black ni Leyson.

Ako naman? Aalis na rin ako rito, andito kasi ang kapatid ko kaya nakakawalang-gana ang ambiance.

I am about to make a step nang magsalita siya, “Saan ka na naman pupunta, Nica? Sabay ka na sa akin, let’s go home. Nami-miss ka na ni Mom,” sambit nito pero hindi ko siya nilingon at humakbang na palabas. Pero hinablot pa niya ang braso ko. Kaya iwinaksi ko lang ito at nagsalita nang hindi nakatingin sa kaniya.

“At sa tingin mo sasama ako sa ‘yo? Dream on, santo kong kapatid.”

ANDITO AKO sa isang beach resort sa Cavite. Dito ako dinala ng guts ko nang umalis ako roon sa bar. Tamang tambay lang sa dalampasigan. Medyo malamig ang simoy ng hangin dahil na rin naka-backless fitted casual dress pa rin ako.

I didn’t even bother to wear my jacket, iniwan ko ito sa kotse ko. Okay lang din naman dahil may dala akong canned beers, pangpainit lang ng lalamunan.

Nakaupo lang ako sa buhanginan at nakatanaw sa madilim na dagat.

“If I have experienced a happy normal life when I was 5… Ganito rin kaya ang kahahantungan ng buhay ko ngayon?” tanong ko sa sarili ko.

Napailing na lang ako. Nangyari o hindi man ang nangyari noon. Hindi pa rin magiging normal ang buhay ko being with this family. Walang salitang "normal life" sa pagiging Falcon.

Buti na nga lang at bago naging senador ang tatay ko ay wala na ako sa puder nila, kaya medyo naging normal ang buhay ko. Walang sunod-sunurang bodyguards na magbabantay sa bawat galaw mo dahil wala namang magtatangka ng masama sa ‘yo. Dahil hindi ka naman kilala ng mga tao, by name siguro pero nang dahil nga umalis ako sa bahay namin, hindi na ako nasasama kapag may mga TV guestings o interviews si Dad sa mansion bilang isa ito sa pinakamayaman pero makatao at magaling na senador ng bansa.

Inisang lagok ko ang natitirang beer in can ko.

“Nakakainggit naman ang mga taong pinagsisilbihan ng tatay ko. Buti pa ang ibang tao, inuuna niya at pinaparamdam na mahal niya ang mga ito,” monologue ko at tumayo na, makauwi na nga lang.

Habang naglalakad ay nakatungo ako at pinapagpag ang buhangin na kumapit sa damit ko nang biglang naramdaman ko ang pagdampi ng ulo ko sa isang medyo matigas na bagay, pero hindi malakas ang impact kaya hindi naman masakit.

Napatingala ako. Ops! Dibdib pala iyon ng isang tao.

“Sor—” naputol ang paghingi ko ng sorry nang magsalita ito… napasinghap naman ako nang marinig ko ang isinambit nito.

“Are you lost, baby girl?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status