Share

CHAPTER FOUR

DOMINICA’S POV

THREE WEEKS have passed…

Naging busy ako sa school after that day na na-encounter ko ang aroganteng hayop na iyon na may deep dark blue eyes na parang hinuhubaran ako. But damn! Kahit anong inis ko sa pagiging full of himself aura niya, ‘di ko talaga maiwaksi ang angking kagwapuhan nito sa aking isipan. May mga times ding napapanaginipan ko siya, nasa isang dungeon daw kami and it’s not a sweet dream, but it’s a total nightmare. Mabuti na lang talaga at naging busy ako ng mga nakaraang araw dahil graduating na ako, at sina Ysa, Daniel at Anthony rin ay kasabay kong ga-graduate.

And today is that day…

The 25th Graduation Ceremony of Falcon University. Hindi sana ako a-attend dahil paniguradong maraming pupuntang media na makiki-etchuso dahil as usual present na naman ang mga politiko roon. Mula Presidente hanggang sa mga Congressman dahil kay Daddy, magka-senador ka ba namang ama eh.

But something is pushing me to go, kasi parang… parang may malalaman akong mahalaga concerning my school. Pero ikinibit-balikat ko na lang ito dahil baka wala lang iyon.

Nag-ayos na lang ako… simpleng white lacy dress lang ang suot ko at three inches silver stiletto kasi papatungan naman ito ng toga. Baccalaureate Mass kasi namin ngayong umaga at tumawag si Mommy na pupunta raw siya with Daddy and Kuya Dom, and she wants me to see wearing a black toga, meaning a degree holder kaya pagbibigyan ko na.

Naglalakad na ako sa hallway sa likod ng gymnasium. Sa likod kasi ako dumaan, sa secret passage ko rito sa University na ako lang ang nakakaalam, kasi umiiwas nga ako sa mata ng media na nakaabang sa main gate. May mga celebrity at mga estudyanteng galing sa mayayamang angkan din kasi ang ga-graduate kaya lagi talagang present ang media every may ganap sa University.

Pakaliwa na sana ako sa isang pasilyo papasok ng gym when I heard voices sa hindi kalayuang silid. At sa pagkakaalala ko it’s the storage room, memorized ko ang blue print ng school na ito because this would be mine someday. Hindi ko na sana pagbibigyang-pansin ang ingay na naririnig ko kasi baka mga janitor lang ito na may kukuhanin sa storage room. But something is pushing me to check it out at dahil sa isa akong pusang puno ng kuryusidad sa katawan kaya dahan-dahan akong naglakad patungo roon.

“Boss, sa susunod na linggo na ang auction sa underground. At paniguradong maraming pupuntang elites doon, magandang pagkakataon para maglabas ng bagong droga.”

Droga?

“O sige. Handle it, Simon! Siguraduhin mo lang na malinis ang mangyayaring bentahan.” Napakunot-noo ako. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ni Ninong Garry.

Sen. Garry Fontanilla, is he… a drug syndicate? Naramdaman kong papalabas na sila, kaya kaagad akong nagtago sa likod ng isang drum na naroroon. I need to confirm it, kung siya nga talaga ang nasa storage room.

Nanlaki ang mga mata ko! Tangina! Siya nga… ang isa sa kababata at matalik na kaibigan ni Daddy. Kasabayan niyang pumasok sa politika. Mayor si Daddy habang siya ang Vice Mayor. Naging Congressman si Daddy habang siya ang Governor, at ngayon nga ay parehas na silang nasa senado. Isa rin ito sa benefactor ng Falcon University kaya hindi ako makapaniwala, he is a drug dealer. Damn it! Alam ba ‘to ng Daddy ko? Was my Dad also part of this? Nako… huwag naman sana, hindi ko kakayaning malaman na sangkot si Daddy sa mga ganoong klase ng illegal. Oo, I am a famous highest bidder of guns/firearms in black market. But I never deal with drugs, I never tasted it, kahit halos lahat ng kaibigan ko sa black organizations ay mga high. Hindi ako nagsubok tumikim no’n, but damn it!

Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko maatim na malamang ang Daddy ko ay sangkot sa isang sindikato. I need to find answers to this. Hindi pwede! Hindi maaari. Ikakasira ito ng tatay ko at kahit may tampo ako sa kaniya. Never kong hiniling masira ang pangalang pinakaiingatan at pinapangalagaan niya ng halos ilang dekada ng buhay niya.

YAKAP. Yakap ang sinalubong sa akin ni Mommy nang makita niya ako.

“I miss you, Baby ko!” maririnig ang masayang tono sa pagsambit ni Mommy kaya ngumiti lang din ako at niyakap siya.

“Kumusta, Mommy? I miss you too.”

Lumapit na rin si Kuya Dom at kinurot ang pisngi ko, na ikinasimangot ko naman.

“Hey, Baby sis! Ba’t hindi mo sinabi ha!” sambit ni Kuya Dom sa himig na parang nagtatampo.

“Na ano? Aray kuya. Peste ka talaga!” Binitawan niya naman ang pisngi ko.

“Na ikaw ang SumaCumLaude ng batch niyo! Kung hindi ko pa nakita sa program. Kaya pala congrats nang congrats ang Dean at ang Council kay Daddy kanina,” masayang sambit nito… so? I just rolled my eyes.

“Bakit? Ano akala mo sa akin? Bobo?” iritang tugon ko na lamang.

Kahit naman nagsi-skip ako sa klase at hindi masyadong pinapakitang nag-aaral sa mata ng iba. It doesn’t mean hindi na ako nag-aaral ng mabuti. I need it for the future use. Kung bobo ka sa mundong ito. Kawawa ka, kaya kailangan mo ng good education kung gusto mong hindi ma-left behind.

Hindi ko lang inasahang sumobra iyong akin. Yabang eh no? Kasi si kuya, MagnaCumLaude lang ito nang grumaduate. At lahat naman ng kaibigan ko CumLaude. Si Ysabel, Magna pero kung mas naging focus ito sa pag-aaral, siya siguro ang Suma sa batch namin. Kaya lang mas naging focus kasi ito sa marriage nila ni Daniel. Kaya ayaw ko sanang umattend ngayon dahil may speech-speech daw. Ano naman kaya ang sasabihin ko? As you all know, I’m not prepared… hindi ako naghanda ng speech, for what pa. Bahala na kung anong lumabas sa bunganga ko mamaya.

Nag-uusap lang kami nina Mommy and Kuya Dom nang lumapit si Daddy… ngiting-ngiti itong nakatingin sa akin. I know right! Paniguradong proud na proud ito sa anak niyang babae which is ako, dahil ga-graduate ang anak niyang suwail with flying colors.

Naka-poker face lang ako. Kinokunsumo pa rin kasi ako ng mga narinig ko kanina sa storage room. Pero hangga't wala akong ebidensya na sangkot siya sa sindikato, I will not judge my own father… tatay ko pa rin ito, at naging mabuting ama pa rin naman ito sa amin ni kuya at asawa kay Mommy. Kaya lang nawalan siya ng oras noong last term nito sa kongreso, kasi nga ay tatakbo siyang senador after, iyon ‘yong panahong umalis na ako sa bahay.

“Congrats Dominica, anak. I missed you.”

Nakangiting-bati nito sabay yakap sa akin kaya ngumiti na lang din ako at yumakap pabalik. Nakita ko namang papalapit ang mga reporters. Here it goes! This will be the first time na makikita na ang mukha ko sa TV news at dyaryo.

“Thanks Dad, I missed you too…” sambit ko naman. Napatingin naman ako sa mukha nito, may signs na tumatanda na rin ito pero andoon pa rin ang ganda ng postura nito. Pero hindi kayang tanggapin ng sistema ko na ang tatay ko na sobrang mahal ang bayan ay parte ng isang sindikato na sumisira ng buhay dahil sa illegal drugs. I can’t take it. I need to find out the truth, the sooner the better.

Nang makalapit ang mga reporters agad itong nagtanong about sa akin.

“Siya na po ba ang nag-iisang anak niyong babae Sen. Falcon?” tanong ng isa.

Nakita ko naman ang magandang pagkakangiti ni Dad habang pinapakilala ako.

“Yes. This is my only daughter, Dominica Falcon.”

Maraming mga reporters na namangha nang makita ako in person. Marami rin akong natanggap na papuri like maganda raw ako, matalino, at nakaka-proud na maging anak. Sarap nga mag-roll eyes ngunit pinigilan ko lang. Pero syempre may mga magtatanong talaga bakit ngayon lang daw ako humarap sa media… as if I wanted it or dreamed to be the center of attention of the public. Hindi ako sumagot… Dad did that for me.

“Noong mag-senior highschool kasi si Dominica ay pinili na nitong maging independent, kaya hindi na ito masyadong na-expose sa mata ng publiko. At iyon naman ang hiniling niya noon, to have a private life. But not until now…” sambit ni Daddy, tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

“Siguro nga po… I couldn’t really escape the eyes of the public being a Falcon,” nakangiti ko namang dugtong.

Mabuti na lang at tumigil na rin sila, at nag-request lang sila ng isang family picture sa amin… kaya pose naman kami nang pose, kakaumay. Nakita ko rin si Kuya Dom, feel na feel niya talaga ang atensyon ng media sa kaniya, ang kapal. Marami ring nag-congrats sa akin like the President? Wala eh, malakas tayo! Nakamayan ko ang Presidente ng bansa.

“Dad, Mom, punta—” naputol ang pagpapaalam ko kina Mommy at Daddy nang biglang may masamang hanging sumulpot sa gawi namin.

“Hello, iha. Long time, no see. Madami na tuloy akong utang sa ‘yo, and congrats for being the best of the best in your batch. Ang swerte talaga nitong kaibigan ko sa mga anak niya. Sana ganyan din si Grace at Gilmore… mga pasaway,” pagbati nito at ngumiti lang ako ng medyo pilit.

It’s Ninong Garry, kung hindi ko siguro narinig ang mga narinig ko kanina ay hindi ako maiilang sa presensya niya.

“Thanks po, Ninong…” sambit ko lang.

Bigla namang may sumulpot sa gilid nito. Ngumisi ito nang mapatingin sa akin. Hindi ko na napigilang magrolyo ng mata.

“Hi babe!” pagbungad nito.

Gilmore Fontanilla, patay na patay sa akin. Ugh! He even suggested to be engage with me when we were just 13 years old… nakaka-badtrip lang. Buti hindi pumayag si Daddy. I know Dad, ayaw rin nito kay Gilmore na maging jowa ko, asawa pa kaya? Pinapakisamahan lang naman ito ni Daddy dahil magkaibigan sila ni Ninong Garry, kaya sobrang iwas ko talaga rito. Mabuti na nga lang at hindi ito nag-aral rito sa FU nitong college. Ang dalawang anak kasi ni Ninong Garry ay pinaaral niya sa ibang bansa. Kaedad ni Kuya Dom si Gilmore habang si Grace ay kaedad ko pero balita ko andoon siya sa Paris at nag-aaral ng fashion designing. Ambisyosa rin nun eh… inggit iyon lagi sa akin, kaya hate na hate niya ako. At wala akong pakialam kung hate niya ako dahil mas ayaw ko sa kaniya. Nasabunutan iyon dati ni Ysabel eh. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mga panahong ‘yon.

“Babe your face!” Irap ko sa kaniya.

“Dominica…” warning naman ni Daddy.

Tinignan ko naman si Mommy saying na pupunta lang ako sa mga kaibigan ko, kina Ysa.

Alam naman na nila ang ugali ko, kaya tumalikod na ako. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Gilmore. Ugh!

“Hey! Kahit anong gawin mong pag-iwas sa akin Nica, sisiguraduhin kong tayo pa rin ang magkakatuluyan…” litanya pa nito na akala mo siguradong sigurado ang gago.

“Tangina mo! Just keep on dreaming, Gilmore!” tugon ko rito at mabilis na naglakad patungo sa mga kaibigan ko dahil sigurado akong hindi ‘yan lalapit sa akin kapag kasama ko ang tropa. Kung ayaw niyang mabugbog nina kuya. Matinding kaaway nina kuya ang grupo nina Gilmore noong highschool days.

Pinapakisamahan lang siya ni kuya minsan dahil anak siya ng Ninong namin na kababata ni Daddy. Pogi naman si Gilmore, kasing tangkad din nina Kuya Dom. Pero hindi nakakalaglag panty… walang feels, kulang sa charms. At ang taas ng tingin sa sarili dahil politiko ang ama kaya akala niya hawak niya na ang nasa paligid niya, na kaya niyang bayaran na gawing mali ang tama. Ganoon siya ka mandurugas, using his money to manipulate things and people for his personal gain.

“Si Gilmore ba iyon, sis?” tanong kaagad ni Kuya Dom na nakatingin sa gawi na pinanggalingan ko, tumango lang ako.

“Bumalik na pala ang gago!” sambit naman ni Anthony, sabi sa inyo eh. Nag-aalala namang tumingin si Ysa sa akin.

“Okay ka lang, Nics? Hindi ka ba niya hinarass?” tanong nito. Umiling lang ako at ngumisi.

“Subukan niya lang. Tangina niya…” tugon ko naman.

“Aba? Ang lakas na ng loob ng hayop na bumalik dito pagkatapos tumakas sa mga awtoridad noon,” sambit din ni Daniel. Yes! Kaya pinatapon din ‘yan ni Ninong Garry sa ibang bansa para maglay-low, nahuli kasi itong nagpupuslit ng droga and now thinking of it… baka galing din ‘yon sa tatay niya.

Speaking of what I've heard kanina, hindi ko muna ito sasabihin sa barkada hangga’t wala pa akong sapat na ebidensya. Mahirap kalaban si Ninong Garry, lalo na at kung totoo ngang myembro ito ng isang sindikato. Huwag niya lang idamay ang tatay ko, kundi lintik lang ang walang ganti. I know my Dad is innocent with this, ang kinakatakot ko lang ay baka ginagamit nila ang university as a pawn to his games.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status