Share

Chapter 2

Maven Cianna's POV

"Where do you think you're going?" Agad na bungad ni Sandro nang makalabas ako mula sa aking silid. Mabilis kong tinignan ang relong nasa kamay ko. 7:15 am pa lang, sobrang aga pa bakit nandito na ang lalaking 'to.

"What are you doing here? Sobrang aga mo naman ata?" Balik na tanong ko. Naningkit ang magagandang mata nito na nakatingin sa akin.

He's starting to get pissed.

Sinalubong ako nito ng matalim na tingin,"I'm asking you,Cianna. Where on earth are you going?" Seryosong saad nito na hindi man lamang pinansin ang naging tanong ko.

"I need to monitor the transaction na gagawin ni Ezekiel mamaya. Malaking pera ang nakasalalay dito kaya hindi dapat ito pumalya."sagot ko at nilagpasan siya. 

"You're not going anywhere," he said firmly. 

"Taci,Sandro! Kapag pumalya ang transaksyon ngayon ay siguradong magkakarooon ng pagkakataon ang mga hayop na 'yon para kalabanin ako. Alam mo kung paano mag-isip ang mga hudas na 'yon." matigas na sagot ko.

"May i just remind you na may mga test tayo na gagawin sa araw na ito,Cianna."saad nito na tila ba hindi narinig ang sinabi ko.

Tinignan ko ito ng masama,"Sandro."babala ko.

"It won't work on me,Cianna. You can't use that tone on me." he hissed.

"Hayaan mong si Lucius ang gumawa ng bagay na gagawin mo."giit nito. Hindi talaga ako mananalo sa isang ito.

"Mahalaga ang transakyong iyon,Sandro. Can't you understand that?" I said calmly.

"At mahalaga rin ang buhay mo,kaya gagawin natin ang mga test na 'yon! Don't make me repeat myself, Cianna. Kakausapin ko si Lucius para mag monitor sa transaction ni Ezekiel and you.." Duro nito sa akin.

"You will come with me  whether you like it or not and that's final. Magbihis ka na, hihintayin kita sa labas." Pinal na saad nito bago tuluyang umalis sa harap ko habang naiwan akong laglag ang panga at hindi makapaniwala sa mga narinig ko.

What the hell did just happen?! Come osa quel bastardo!

Inis akong bumalik sa aking silid at agad na kinuha ang aking telepono. Halos mabutas na ang screen nito dahil sa diin nang pagpindot ko. 

"Ezekiel," Sambit ko matapos nitong sagutin ang tawag ko.

"Lucius will  monitor the transaction. Make sure na hindi papalya ang transaksyon natin dahil sa lahat ng tao ikaw ang mas nakakaalam kung gaano kahalaga ang bagay na 'yan sa akin." paalala ko. Nang makuha ko ang sagot nito ay agad kong ibinaba ang telepono at nag simulang magbihis.

"Sandro! Kapag talaga pumalpak ang transaksyong ito ay malilintikan ka sa akin!" inis kong sambit.

"Halos isang oras ka ng nasa loob,Cianna. Natabunan ka na ba ng mga damit mo?" Dinig kong tawag ni Sandro mula sa labas ng aking silid.

1 hour? Is he kidding me?! Ni hindi pa nga 10 minutes na nandito ako!

"You shut up, Sandro! Huwag mong ubusin ang pasensya ko." bulyaw ko.

"At huwag mo ring ubusin ang pasensya ko,Cianna dahil kapag naubos ang pasensya ko papasukin na kita sa loob ng silid mo at ako mismo ang magbibihis sayo." Tila napantig ang tenga ko sa sinabi nito.

Ang kapal talaga ng mukha ng gagong 'to!

"Just give me 5 more minutes, will you?!" I shouted back.

He tsked,"Fine." sagot nito.

"Before i forgot, hindi fashion show ang pupuntahan natin kaya sana hindi ka mag-abala sa isusuot mo. Hospital ang pupuntahan natin."dagdag pa nito na akala ko ay tapos na. 

M****a!

"Let's go." walang gana kong saad nang makalabas ako sa silid.

"Ang buong akala ko ay balak mo ng tumira sa loob ng closet  mo."pang-aasar nito. Tinapunan ko ito ng masamang tingin na sinuklian niya lang ng ngisi.

I tsked,"What do we need to do now?" tanong ko habang nasa sasakyan kami.

"You need to undergo series of test."seryosong saad nito. Hindi ito ang Sandro na nang-inis sa akin kanina, ito ang Sandro na doctor ko.

"Lumalala na ba ang lagay ko? After what happened yesterday at sa mga mga ikinikilos mo i can tell that something is wrong." ani ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"I still don't know, that's why we need to do the tests." sagot nito ngunit alam kong nagsisinungaling siya. Alam kong hindi nito sasabihin sa akin na malapit na ang oras ko bagay na nauunawaan ko naman. Ever since takot silang banggitin o pag-usapan man lang ang tungkol sa bagay na yon.

"I'm 23 years old already,Sandro. Dalawang taon na lang ang natitira," Saad ko at gumuhit ang mapait na ngiti sa aking mga labi.

"What the hell,Sandro?!" Hiyaw ko dahil sa agad na pag-preno nito sa sasakyan.

"What's wrong with you? Are you trying to kill us?" hiyaw ko.

"Don't say that thing again,"mababa ngunit malamig na babala nito. Agad na nabiling ang tingin ko dito at nakita ang galit sa kanyang mga mata.

"Sandro.."

"You don't have the right to say that word,Cianna. You understand me?" madilim ang mukhang sabi nito. Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"We can't hide the fact that i only have two years. I can't run away from it,Sandro. I just need to accept it." sagot ko.

"Stop it,Cianna! You know that i am doing my best right? We we're doing our best to save you sana naman makisama ka." Aniya.

Lihim akong napangiti. I will surely miss them once I'm gone.

"Alright. I don't have a choice either." I murmured.

"Let's go. We are already late ." i added. Pinili kong manahimik na lamang sa buomg byahe namin. Maging si Sandro ay hindi na rin nagbigay ng kanyang opinyon pa bagay na ikinagaan ng loob dahil ayaw kong makipagtalo sa kanya pagdating sa bagay na ito.

"We're here."imporma nito. Isinuot ko ang sumbrero dala ko maging ang salamin para itago ang pagkakakilanlan ko. Hindi maaaring makilta ng kung sino man sa lugar na ito dahil siguradong makakarating ito sa mga taong kalaban ko. Mabilis kaming nakarating sa isang pribadong silid kung saan naroroon ang isa pang taong nakakaalam ng sitwasyon ko. 

"Von,long time no see." Bati ni Sandro sa lalaking nasa loob ng silid habang abala sa binabasa nito.

"Sandro my man! Haven't see you in a while," Ani nito bago kami sinalubong at niyakap si Sandro.

"And to you, Mia Cara. "baling naman nito sa akin. Mabilis kong ibinaba ang salamin at sumbrero ko bago matamis na ngumiti dito.

"Come stai, Von??" Pangungumusta ko.

"Still handsome as ever."aniya bago ako masuyong niyakap. Von Romanos, Levin's cousin.Isang kilalang general surgeon at pag-aari nila itong hospital. Maliban sa sa mga kaibigan ko ay isa rin si Von sa nakakaalam sa kalagayan ko.

"I heard about what happened. Sandro also called me last night regarding this," Panimula nito bago kami iginaya paupo.

"We will do the test and you need to comeback after five days for the result." He added.

"You ready?" Von asked. I slightly nodded. 

"I'll wait here." Sandro said. Tinanguan ko lang ito bago sumunod kay Von. Halos tumagal ng apat ba oras ang mga test na ginawa namin bago kami lumabas sa silid. 

"I'll call you once the results are out," Von said.

"Grazie, Von." Ani ko.

He smiled at me,"Don't mention it. You know how important you are to us,Cianna." He said that made me smile.

"I just need to go to the restroom." Paalam ko sa dalawa bago iniwanan ang mga ito dahil tila may balak pa itong mag-usap.Mabilis akong nagtungo sa comfort room at mabilis na inayos ang sarili ko at muling isinuot ang cap at salamin ko bago lumabas. Habang papalabas ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Sandro.

"Yeah, I'm on my way—"

"Che cazzo! look what you've done?!" Galit na sigaw ng taong nabangga ko. 

"I'm sorry, i didn't mean it." Paumanhin ko at akma na sanang pupunasan ang damit nitong natapunan ng juice ngunit malakas nitong tinapik ang kamay ko.

"Oh come on! How stupid of you?!" He added. Halos maningkit ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Iniangat ko ang mukha ko at bumalandra ang mukha ng isang gwapo ngunit demonyong lalaking nabangga ko. Mula sa makinis na balat nito at mapupulanh labi ay dumagdag din sa appeal nito.Ang magaganda niyang itim na mata at matangos na ilong. Mas matangkad din ito sa akin at may gray na buhok. 

"Stop drooling at me!" He hissed. Drooling? Me? What a delusional man! Matuwid akong tumayo at inalis ang salamin ko maging ang sumbrerong suot ko ag malamig itong tinignan.

"I'm not drooling at you. You look like a frog so why would i drool over you?" Mataray kong saad.

"You—" hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil nilagpasan ko na ito. Hahabol pa sana ito ngunit may tumawag dito dahilan upang hindi na ako nito masundan. I tsked, napakakapal naman talaga ng mukha niya.

"What's with that face?" Tanong ni Sandro ng makapasok ako ng sasakyan.

"Nothing. I just saw some frog." ani ko na ikinakibit lang ng balikat nito.

What kind of day is it?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status