Share

Chapter 5

Maven Cianna's POV

Abala ako sa pagbabasa ng mga impormasyon tungkol sa mga nakalipas na transaksyon namin nang pumasok si Ezekiel sa aking opisina.

"Anong balita?" Agad na tanong ko.

"Gusto ng elders na sila ang humarap sa transaksyon natin sa Legrand sa darating na linggo. Ayaw nilang pumayag na ikaw ang humawak sa transaskyong ito."imporma ni Ezekiel sa akin. Inalis ko ang tingin sa aking binabasa at hinarap ito.

"What?" I asked.

"They don't want you to handle the transactions with Legrand. Ipinipilit nila na siguradong papalya ka sa transaksyong ito," He added. Sarkastiko akong tumawa dahil sa narinig ko.

"Is that a joke? What a bunch of clowns," naiiling na saad ko. Sinusubukan talaga nila ang pasensya ko.

Simula nang hawakan ko ang mga business ng magulang ko at maging ang Sygros Imperium mafia na binuo nila ay sumalungat na ang iilang miyembro nito, lalo na ang mga taong matagal ng may galit sa mga magulang ko. They want the position, they want the power and they want the money na pinaghirapan ng mga magulang ko. But i won't give them the satisfaction to have them, hindi ako papayag na mapunta lang sa mga taong katulad nila ang mga bagay na pinaghirapan ni Mama at Papá.

"Sinabi rin sa akin ng ilang tao natin na hinihikayat ni Signore Frederic ang iba pang miyembro ng samahan para sumalungat sayo kabilang na ang matatas na miyembro ng samahan," Ezekiel added.

"Vecchio stupido! Does he really think na mapapabagsak niya ako nang basta-basta na lang? Nahihibang na ba siya? He does really want to play a game huh? Then, I'll give him what he want." Walang emosyong saad ko.

"What do you want me to do,Signora?" tanong nito.

"We will be doing the transactions with Legrands on saturday. Inform the Legrand Legacy that we will change the time and place. Make sure na walang ibang makakaalam tungkol sa pagbabago ng plano,Ezekiel. Gusto kong paglaruan si Frederic at ang mga kasabwat niya."tiim bagang na saad ko.

"Sì Signora," He answered.

"By the way, do you want me to inform Signor Sandro and the others?"tanong nito.

"Leave it to me. Mahabang paliwanagan ang kailangan para pumayag sila. Kilala mo naman ang mga taong 'yon hindi ba?" buntong hiningang saad ko.

Napangiti na lamang si Ezekiel dahil sa sinabi ko. Alam nitong gigisahin na naman ako ng apat na 'yon kapag sinabi ko ang tungkol sa bagay na ito.

"I'll go ahead, Signora. And good luck to you," Ezekiel said then left my office. Yeah, i do really need that one.  Nagkibit balikat na lamang ako at muling ibinalik ang atensyon ko sa aking binabasa, ilang minuto pa ay narinig kong muling bumukas ang aking opisina. It's probably Ezekiel again.

"What's the matter,Ezekiel?" Tanong ko na hindi iniaangat ang aking ulo.

"You're working too hard again. I told you to rest." Kusang umangat ang mukha ko nang marinig ang baritonong boses na 'yon.

"Sandro,"

"Hey," Aniya at lumapit sa akin pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Still the sweetest Sandro pero minsan demonyo rin sa buhay ko.

"What brings you here? Akala ko ba nasa Venice ka?" tanong ko dito.

"Kababalik ko lang kanina," Aniya.

"Ah, so what brings you here?"tanong kong muli na ikinakunot ng noo nito.

"Don't tell me na nakalimutan mo kung anong mayroon sa araw na 'to?" tila hindi makapaniwalang tanong niya. Eh? Ano bang meron ngayon?

"Silly," saad nito at pinitik ang noo ko.

"Ngayon ang labas ng resulta sa mga test mo. Von called last night at gusto niyang pumunta tayo sa hospital ngayon." Sagot nito.

"Oh. Nawala sa isip ko," ani ko. Oo nga pala,ngayon nga pala 'yon.

"Can you wait for a minute? Ayusin ko lang ang mga gamit ko."ani ko.

"Sure, go ahead." sagot nito at umupo sa sofang nasa harapan niya.

"May sasabihin din daw si Von. He said that he asked for someone's help para sa kondisyon mo." Sambit nito na ikinatigil ko.

"He asked for help?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Masyadong secluded ang tungkol sa kondisyon ko at maliban sa kanila ay wala ng nakakaalam dito para na rin sa ikinabubuti ko kaya hindi ako makapaniwalang may bago na namang makakaalam ng tungkol dito.

"Relax. Hindi niya pa ipinapaalam sa taong 'yon kung sino ka. He just mentioned about your condition. Nahihirapan si Von sa lagay mo so he needs someone. Don't worry Mav, nasa iyo parin naman ang desisyon. Mag-usap na lang kayo mamaya ni Von."paliwanag nito. Hindi na ako sumagot at bumuntong hininga na lamang. Sana naman mapagkakatiwalaan ang taong 'yon kung sakaling pumayag akong ipaalam sa kanya ang kalagayan ko.

"I'm done. Let's go." Pag-aaya ko dito matapos ang ilang minuto. Nauna na akong lumabas ng opisina habang nakasunod naman ito sa akin. Nang makarating kami sa parking lot ay agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at tumambad sa akin ang mukha ng tatlong tao habang may malaking ngiti sa mga labi.

"What the hell are you doing here?" Bulyaw ko sa mga ito.

"Porca miseria! Lower down your voice,Cianna. We're not deaf."reklamo ni Kuya Lucius habang maarting nakatakip sa kanyang tenga.

"Pwede ka namang mag tanong sa mababang boses, why do you even need to shout?" Levin added. So, kasalan ko pa talaga ngayon?!

"Tumahimik na lang kayong dalawa. Natural lang na sisigaw si Cianna dahil sa mga pangit na mukhang nakita niya sa loob ng sasakyang ito." Eve hissed.

"You're not an exception,Eve." Sagot ni Levin dito pabalik dahilan upang hablutin ni Eve ang buhok nito.

"Aw. Ouch! Cazzo! Let go of me!" Hiyaw ni Levin habang tinutulungan ni Kuya Lucius na makawala mula sa pagkakahawak ni Eve rito. Agad kong nilingon si Sandro na nasa likuran ko.

"Gusto nilang sumama, hindi ako pumayag pero nakita ko na lang sila sa loob ng sasakyan ko." Agad na depensa nito kahit na wala pa man akong sinasabi. Inis ko na lang na tinapunan ng tingin ang mga ito.

"Will you please shut up?! You're noisy." Hiyaw ko sa mga ito na agad namang tumahimik.

"Make sure na hindi kayo gagawa ng kalokohan dahil kapag nagkataon ako mismo ang maglilibing sa bawat isa sainyo. Especially you two," Duro ko kay Kuya Lucius at Levin.

"Why—"

"What—" hindi na naituloy ng dalawa ang balak pa sana nilang sabihin dahil masama ko itong tinapunan ng tingin.

"Get in,Cianna." utos ni Sandro sa akin bago ako padabog na pumasok sa sasasakyan. Hindi talaga matatahimik ang araw kapag kasama ko ang mga bwesit na ito.

"Bakit feeling ko parents meeting ang pupuntahan ko dahil sainyo?" Asik ko sa mga ito habang nasa loob ng sasakyan.

"You're right. Parang pinatawag kami ng principal dahil may ginawa kang kalokohan." Kuya Lucius said while grinning.

"Naisip mo pa talaga ang bagay na 'yan Rage? Ibang klase talaga ang utak mo dude."saad ni Levin at nakipag apir pa dito.

"Kapag hindi kayo tumahimik na dalawa d'yan ay ako mismo ang sisipa sainyo palabas sa sasakyang ito." Banta ni Eve sa kanila. Eve really knows how to control these freak dahil sabay na tumahimik ang mga ito.

"Don't worry, Cianna. Gusto lang naming malaman ang tungkol sa kalagayan mo ngayon."

"I know and i understand that. May tiwala ako sainyo ni Sandro pero sa dalawang 'yan? Ewan ko na lang." pagbibiro ko dahil napansin ko nagiging seryoso na ang usapan.

"You're hurting our feelings,Cianna,"madrama at may pahawak pa sa dibdib na sagot ni Levin.

"Hindi niya na tayo mahal!" dagdag pa ni Kuya Lucius sabay yakap kay Levin.

"Wala na talaga silang pag-asang tumino pa." Mahinang sabi ni Sandro sa akin.  Napailing na lamang ako sa mga kalokohan nila, wala na akong magagawa kung hindi masanay sa mga kalokohan nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status