Share

Chapter 6

Sandro's POV

"We're here. Umayos kayong dalawa,"babala ni Cianna kina Rage at Levin bago naunang bumaba sa sasakyan na mabilis ko namang sinundan.

"Wait for us,Cianna!" Levin called her pero hindi niya ito nilingon.

"Are you in hurry,Cianna?" Rage added. Agad na lumingon si Maven at tinapunan ng masamang tingin ang dalawa.

"Ako ng bahala sa kanila Cianna," Saad ni Eve at hinawakan sa magkabilang braso ang dalawa.

"Kapag hindi kayo tumahimik at kapag hindi ninyo tinigilan si Cianna ay ako mismo ang mag dadala sa sainyo sa operating room dito." pananakot ni Eve sa dalawa habang nagpupumilit kumawala mula sa pagkakahawak niya.

"Doc! Doc! Emergency!" Agad kaming napalingon mula sa kinaroroonan ng entrance ng hospital at nakita ang sunod sunod na pagpasok ng mga pasyente.

"What's happening?" Cianna asked.

"I think there's an emergency." Sagot ko dahil sa mga nakita kong duguang pasyente. Mukhang may aksidenteng naganap. Tumango na lang si Cianna bago muling naglakad.

"Holly shit! I'm sorry!" paumanhin ng lalaking nakabangga kay Cianna bago ito agad na tinulungang makatayo.

Sandaling natulala ito kay Cianna at tila kinikilala siya nito.

Does she knows him?

"Doc Jin!" Hiyaw ng isa pang doctor dahilan upang mawala ang atensyon nito kay Maven at mabilis na umalis sa harapan nito.

"Hey? You okay?" Agad na tanong ko.

"I'm fine," aniya.

"Cianna, ayos ka lang ba?" Mabilis ding lumapit ang mga ito sa amin.

"I'm okayx" sagot niya.

"That guy. Hindi ba siya nag-iingat?" Rage hissed.

"It's okay kuya, masyado silang abala dahil sa emergency hindi niya napansin na nabangga niya ako." Agad na sagot naman nito.

"Let's go. Von is waiting." Sabi nito bago muling naunang naglakad.

"Kilala mo ba ang lalaking 'yon?" Tanong ko kay Cianna.

"Nope. But his face is familiar," Simpleng sagot nito.

"Oh?!—" agad itong tumigil sa paglalakad at muling nilingon ang lalaking abala sa mga pasyente ngayon.

"What's wrong?" i asked in confusion.

"That's him!" Aniya habang nakaturo sa lalaki.

"Who?" Sabay na tanong naming apat.

" 'Yong lalaking nabangga at natapunan ko ng juice noong nakaraang araw." aniya.

"That's why he seems familiarx" She added.

"Do you know his name?" Levin asked. Umiling ito bilang sagot sa tanong ni Levin.

"Anyway, puntahan na natin si Von." Muling sabi nito. Bakit parang may mali sa kilos ni Cianna ngayon?

"Hey,Von! Long time no see." naunang bati ni Rage sa abalang si Von.

"Che succede cugino?" Levin also greet his cousin.

"Mi sei mancato, tesoro "Eve added before hugging him.

"Hey! I didn't expect you all to be here," Von said happily.

"They keep on insisting." inis na saad ni Cianna bagay na ikinatawa ni Von.

"I can't do anything about it." Agad na saad ako dahil baka mapunta na naman sa akin ang sisi lalo na at mukhang masama ang timpla ni Cianna ngayon.

"Well, it is a good thing anyway. Let's have a lunch later." Aniya at iginaya kami paupo. Inilapag ni Von sa lamesang nasa harapan namin ang isang envelope.

"Open it,Sandro. Aside from me, you're Cianna's doctor." sabi nito sa akin. Tinignan ko muna sandali si Maven at tinanguan ako nito bago ko binuksan ang envelope.

Isa-isa kong tinignan ang mga resulta ng test ni Cianna Nanginginig ang mga kamay ko na tila ba pinipiga ang dibdib ko. I couldn't believe on what i am seeing right now.

"Sandro? What's wrong?" Naguguluhang tanong ni Eve.

"Dude?" Levin added.

"Sandro? What the hell—" hindi na naituloy pa ni Rage ang sasabihin niya ng magsalita si Cianna.

Tumingin ito ng diretso kay Von at sa pagkakataong 'yon gusto kong pigilan si Von na sabihin kay Cianna ang totoo.

"Von, tell me." Utos ni Cianna rito.

"You..." Von paused. Maging si Von ay tila nahihirapang magsalita. Nakita ko ang paghawak ni Eve kay Rage ng mahigpit, she has an idea right now.

"You don't have much time left,Cianna " mababang boses na sabi ni Von.

Natigilan ang lahat mula sa narinig nila, walang gumalaw ni isa man mula sa kanilang kinauupuan. Nilingon ko si Cianna at nakita ang labis na lungkot sa mga mata nito. Marahan kong hinawakan ang mga kamay nito, nilingon niya ako and she gave her reassuring smile.

"What the hell ,Von? Is that a joke?!" galit na sigaw ni Rage.

I can't blame him, kahit sino sa amin ay hindi matanggap ang nalaman namin ngayon.

"Calm down,Kuya Lucius." Awat ni Cianna rito.

"Cianna! You're not going to die. Understand?!" Levin added.

"We're going to find cure for your fucking disease no matter what." Lucius added.

"It's incurable, so please stop it already," Mababang sabi nito sa dalawa.

"Sandro? Aren't you going to say anything?"tanong ni Levin sa akin ngunit pinili ko na lang na tumahimik.

Marami akong gustong sabihin pero alam kung hindi ito magugustuhan ni Cianna. I don't want to hurt her at ayokong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman niya.

"Wala na ba talaga tayo magagawa? Can you do something about it,Von? Sandro?" Nanghihinang sabi ni Rage at bumalik sa kanyang pagkakaupo.

"Don't worry. I'm still trying my best to find something for her condition. But it isn't easy," Von said.

"I understand,Von. Don't mind them, they're just being overreacting." may ngiti sa mga labing saad ni Cianna.

She's faking it, she's faking her smile.

"Maven Cianna!" Magkasabay na hiyaw ni Rage at Levin.

"Figlio di puttana! Can you shut the hell up?!" Galit na sigaw ni Eve sa dalawa.

Ito ang unang pagkakataon na nagalit si Eve nang ganito. Natahimik ang lahat,tila naging maamong bata ang dalawa dahil sa ginawa ni Eve.

"Cia,Sandro,and Von. I think you still have something to talk about, we'll be leaving first. Let's have a lunch later. Call me once you guys are done." Ani ni Eve.

Alam nitong hindi kami makakapag-usap ng maayos hanggat nandito sa harapan namin ang dalawang ito. Tumango naman si Cianna at nagpoprotesta pa sana ang dalawa ngunit malakas na nahablot ni Eve ang mga ito palabas ng opisina ni Von.

"You need to be very careful right now,Cianna. Avoid the things that may hurt you or can cause wounds. Please listen to us."pakiusap ni Von.

"He's right,Cianna. Masyadong mabagal ang pag galing ng mga sugat mo kaya please iwasan mo muna ang mga bagay na maaring maging dahilan ng mga ito. Stop risking your life please." Dagdag ko pa.

"Thank you. Thank you for everything." May ngiti sa mga labing sabi nito sa amin.

"I'll try my best to avoid such accident," she added.

"Don't just try, do it." Istriktong saad ni Von na ikinatawa lang ni Cianna.

"Anyway, Sandro mentioned something earlier about the doctor you asked for help?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Oh? Yes. He is Doctor Trigger Jin Madrigal, a Filipino general surgeon. He's one of the best surgeon here in our hospital, and i can assure you that we can trust him to keep your condition a secret." Von explained.

"Can he help you?" I asked.

"Yes. And i am asking for your permission now Cianna. I can't do this alone, we need someone's help," Von said.

"Can i meet him now?" Cianna asked instead.

Tila nagulat si Von sa sinabi nito ngunit agad naman itong nakabawi.

"Just give me a second, I'll call him, " mabilis na kinuha nito ang telepono at may tinawagan. Ilang segundo muna itong nag ring bago may sumagot.

"Hello,Von?" Ani ng isang baritong boses mula sa kabilang linya.

"Where are you,Jin? Can you come to my—"

"Check his vital. faster!" rinig naming hiyaw nito sa kabilang linya.

"I'm sorry about that ,Von. Is it that important? I am inside the ER now," Dagdag pa ng lalaki.

"The CIPA patient is here. She wants to meet you," Alanganing sagot ni Von.

"Doc, his vital is dropping!" Muling sigaw ng isang tinig mula sa telepono.

"I'm sorry,Von. As much as i want to meet her, i can't right now," saad pa nito na bakas ang panghihinanyang sa kanyang boses. I can tell that he really wants to meet Cianna.

"Von, it's okay. I can meet him next time. He's busy," Sabat ni Cianna.

"Alright. Call me if you need my help,Jin." Von said bago nito ibinaba ang telepono.

"I'm sorry about that,Cianna, " hingi nito ng paumanhin.

"It's okay. Seems like there is an emergency right now." Sagot naman ni Cianna rito.

"She's right,Von. Cianna can still meet him next time." dagdag ko pa na ikinatango nito.

"Let's have a lunch now? Siguradong naghihintay na ang tatlong 'yon." Dagdag ko pa. Tumango naman ang mga ito bago kami sabay sabay na tumayo at lumabas sa opisina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status