Share

Chapter 04

"Ma, nasaan ka?" I asked to her over the phone. 

Galing ako sa opisina, inasikaso ang problema doon. My last meal was the steak I ate at Conrads house. Hindi ko magawang makapagmerienda dahil sa mg inasikasong papeles. 

It's getting dark, naisipan ko yayain magdinner si Mama since hindi pa kami talaga nakakapag-usap ng masinsinan. 

[I'm still at Conrad's house. Why?] Sagot niya. 

"You're still there?! Let's have dinner. Mag-usap tayo, Ma." Maldita kong sabi. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. 

[I wanted to talk with you earlier pero umalis ka.] Medyo inis niyang sabi. 

"I had a business emergency! Ngayon pa lang ako natapos ayusin iyon. Wala pa akong kain mula kanina! My last meal was the meal I ate there." Sambit ko. 

Isa-isa kong dinampot ang mga gamit ko mula sa mesa at ipinasok iyon sa purse ko. Huli kong dinampot ang susi ng kotse ko. 

[Let's talk some other time. May pag-uusapan pa kami ni Conrad tungkol sa kasal namin.]

"Oh really? Hindi pa ako pumapayag na ikasal kayo. Tayo muna ang mag-usap, Ma. Walang kasal ang dapat na pag-usapan." 

That made me really want to talk to her. Ano ng pag-uusapan nila? Inaayos na yata talaga ang kasal. Hindi pwedeng matuloy iyon! 

[Artia–] pinutol ko kaagad ang sasabihin niya. 

"Stop, Ma. Huwag mong ituloy yang sasabihin mo. Continue that later on our dinner. Magdidinner tayo mamaya sa ayaw at sa gusto mo, Ma. Itetext ko sayo ang address kung saan. Magkita nalang tayo doon." 

[Hindi ako pwedeng makipagkita sayo. May kailangan kaming pag-usapan ni Con–]

"Hindi ako aalis doon hanggat hindi ka dumadating, Ma. I can stay there all night waiting for you. Sisiputin mo ako and thats final. Paalis na ako. Tetext nalang kita. Bye!" 

Pinatay ko kaagad ang call para wala na siyang masabi. She will come. Wala 'yang magagawa kundi ang siputin ako. Alam niyang tototohanin ko ang sinabi ko. 

I texted her the address. Naghanap ako ng restaurant na convenient ang location para sa aming dalawa. Para mas lalo siyang sumipot. I received complaint messages from her pero diko na pinansin. Sisipot 'yan. She knows I'll stay there until she comes. 

Tinext ko siya pagkapasok sa loob. I ordered some drinks for myself and appetizer. Nagugutom na ako. Baka mahaba habang paghihintay ito. 

I did this to her before. She always ditch her dates, and come to me. Kapag alam kong busy siya sa business meeting ay hindi ko naman ginagawa ito. Kapag alam ko lang na nakikipagdate lang siya o shopping with her amigas. 

Kung hindi niya ako sisiputin, iba na talaga ang epekto ni Conrad sa kanya. But I know she'll come, hindi niya ako matitiis. Sana.

I waited for about 30 minutes. I saw Mama entering the restaurant with a frowned face. Napangisi ako. 

Nag-away ba sila ni Conrad dahil dito? Nagustuhan ko ang ideyang iyon. Kung lagi silang mag-aaway, there will be a chance na hindi na nila itutuloy ang binabalak na kasal. Another tactic, hmm....

"Artia you should stop doing this! Paano nalang kapag sobrang importanti ng ginagawa ko and you do this?" Paunang reklamo ni Mama. Lukot na lukot ang mukha. 

"I will not do this if you're doing something important." Plain kong sagot, lalo pang nalukot ang mukha niya. 

"What we're supposed to do is so important to us, Artia. Pag-uusapan namin ang gagawin sa kasal."

Umirap ako.

"Wala pa namang kailangan pag-usapan dahil walang kasal na magaganap. Hindi pa ako pumapayag na ikasal ka sa kanya, Ma!" Matigas kong sabi. Bahagya ng tumataas ang mga boses namin. Buti nalang ay walang masyadong tao dito sa banda namin. 

"Are we going to argue about this again?" Aniya.

"Why do you want to get married again?" 

"If this is about your Dad–"

"Prove to me your point. Make me understand, Ma. Kung napilitan ka lang at nasilaw sa yaman niya or kung anong dahilan. Kung ayaw mo naman talagang ikasal sa kanya, I can help you get away, Ma. I can help you–"

"You don't need to help me. I want this marriage." 

Natahimik ako. Nasaktan dahil hindi niya kailangan ang tulong ko at sa sinabi niyang gusto niya talagang magpakasal sa lalaking 'yon!

Hindi kaagad ako nagsalita at nagisip muna. Baka hindi niya naman talaga gusto ito baka biglaan lang talaga ang pagdedesisyon biya, baka may kung ano na naguudyok sa kanya na magpakasal sa lalaking yon. Baka sa ngayon gusto niya pero sa susunod ay ayaw na. Baka kapag nakapag-isip-isip pa sila ay hindi na nila ituloy ang kasal. 

This is just so sudden. Ilang linggo niya akong hindi kinausap o tinawagan tapos ay bigla bigla nalang ganito na kasal na kaagad ang ibubungad niya sa akin?! 

"What's pushing you to get married, Ma? Bakit gusto mo nalang bigla magpakasal?" 

"I told you matagal na naming balak ito."

"Pero bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit hindi ko sinabi kaagad? Anak mo ako, hindi ba dapat ako ang unang nakakaalam sa mga plano mo? Hindi ba dapat sinasabihan mo ako sa bagay na ganito?" 

"I wanted to tell it to tou sooner–"

"Pero bakit hindi nga, Ma? Bakit ngayon lang?" 

"You were busy." 

My face turned blank. 

"Really? Ako ba talaga ang busy? O kayo?" 

Tuluyan na akong nakaramdam ng galit at hinanakit. 

Now she's using that excuse on me. I wasn't really that busy! Yes there were times where I need to take care of my work first,  like what happened yesterday, pero negosyo naman namin iyon. At naglalaan ako ng oras para kay Mama. She's the one who doesn't have tine for me. 

I wanted us to live in one house, so that we could always be together, and so that she can become a mother to me again but she refused. I always text her, ask her if she has time for us to meet. Pero madalas ay inuuna pang magdate at maglakwatsa kasama mga amiga niya. 

We don't even meet once a month. Tapos kapag magkikita pa kami ay ako ang gumagawa ng paraan, ako ang naghahanap at pupunta sa kanya. Like what I did now. 

Nagkita lang naman kami kaninang umaga dahil sa kagustuhan niyang ma-meet ko ang lalaking gusto niyang pakasalan, tapos sa bahay pa ng lalaking iyon!  

Hindi man lang niya muna ako kinausap ng kaming dalawa lang bago ipinakiusap sakin ang lalaki niya! 

"I asked you to go home and live together again. You refused. You can't even provide some time to be with me. Mas inuuna mong makipagdate at magshopping kasama ang mga amiga mo tapos ngayon ay ikakasal ka nalang bigla tapos ako pa itong walang oras para sayo, Ma?!" Tuluyan ng lumakas ang boses ko. 

"And if you really wanted to tell that to me, why not make use of your phone? Kahit sinabi mo sa text or just through a call. You reason is not valid, Ma. Sinadya mong itago ito sakin. Because you know I will disagree, sa kasal na gusto niyo." 

Hindi siya sumagot. She's guilty. What I said was all true. 

"Sana man lang inisip niyo ko. Naisip niyo ba kung anong mararamdaman ko sa pagpapakasal niyo na ito?! Sige. If you cant take account of my feelings sana man lang naisip niyo kung anong mararamdaman ni Dad."

"Artia your Dad is–"

"Dead!" Pagtutuloy ko sa sasabihin niya. Alam ko naman 'yan ang sasabihin niya. 

"I am not forgetting that, Ma. Walang nakakalimot na patay na si Dad. Pero kahit na patay na siya siya parin ang asawa niyo. At kahit namatayan na kayo ng asawa hindi niyo naman talaga kailangan ng bagong asawa na kapalit ni Dad."

"You don't get my point."

"Then make me understand your point, Ma!" Sigaw ko. Mas lalo akong nagutom dahil sa sagutan naming ito. Wala pa akong kain mula kanina. Pero kahit gutom na gutom na ako ay wala akong ganang kumain. 

I saw a waiter coming close earlier pero umurong nang makitang nagsasagutan kami ni Mama. 

"This one is serious Artia."

Umirap ako. 

"You said that many times before. Ilang boyfriend na ang lumipas sinasabi mo seryoso na kayo pero maghihiwalay din naman. Maybe this is just like those relationships you had, Ma." 

"No, seryoso na talaga ako ngayon. I love him." 

"Oh you loved your exes too!"

"But not like this way."

"You love him like how you live Dad?" 

 I asked with a low but firm tone. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. I expected her to answer quickly but she didn't. Mukhang nagiisip muna siya bago sumagot. 

"No? You are not sure? See! Hindi ka pa dapat magpakasal kasi isa lang ito sa mga larong relasyon niyo–"

"I love him, like–like how I loved your Dad." She said, stuttered a bit. 

"Nautal ka. Nagsisinungaling ka. Hindi ka sigurado. Ma! Pagisipan mo muna bago ka magbalak magpakasal ulit!" 

"I know what I'm doing and I am sure of this. Magpapakasal kami ni Conrad."

"Kahit ayaw ko?" 

Naputulan nanaman siya ng dila. I bit my lowerlip and blinked repeatedly. 

"Magpapakasal ka kahit ayaw ko." I stated not a question anymore. By the way she looked, totoo ang sinabi ko. 

Nilunok ko ang laway sa lalamunan ko at mabilis na tumayo. If I saty longer here hindi ko na mapipigilan bumuhos ang emosyon ko. 

"Hanggang dito na muna ang usapan natin Ma. I will give you time to think. Isipin mo ako at si Dad, Ma. Huwag puro ikaw." Huling sambit ko atsaka na dinampot ang purse at mabilis na umalis. 

Imbis na umuwi ako ay naghanap ako ng ibamg restaurant, I saw one but mas nahikayat akong pumunta sa isang bar na katabi nito. 

I need wine. 

Akala ko wine lang ang mahahanap ko doon hindi ko naman alam na pati si Kingsley ay mahahanap ko din dito. What a great timing.  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status