Share

Chapter 05

I entered the bar, still wearing the fitted dress since this morning. Hindi naman ako napawisan. 

"Do you serve meal here?" I asked to the waiter walking by. 

"Yes Ma'am. Doon po sa area doon." Sagot niya saka itinuro ang kaliwang bahagi. 

"Thank you!" Sambit ko saka ngumiti. Muntik pa mahulog ang isang baso na nasa tray niya.  

Iniwan ko na nga. Baka manginig pa doon. 

Umupo ako sa pinaka bandang dulo. Kaagad naman na may lumapit sa akin na panibagong waiter. Wala pa naman masyadong tao dahil hindi pa malalim ang gabi. 

I asked for their menu and ordered meat. Pagkatapos kong kumain doon ay lumipat na ako ng pwesto sa may bar counter. Kanina ko pa sinisipat ang bar area nila habang kumakain. Medyo dumadami narin ang mga tao. 

I saw guys looking at me earlier pero diko binigyan ng atensyon. Sigurado pag nginitian ko o tinitigan pabalik ay lalapitan ako. 

"Give me your best wine." Tanging sambit ko sa bartender at inumpisahan ng kalikutin ang telepono. 

"F*ck! I don't know his surname." Usal ko sa sarili ko. I only know their names. Conrad and Kingsley. Paano ako makakakalap ng impormasyon tungkol sa kanila hindi ko naman alam ang apilido? I should have asked, Ma or Kingsley. 

Napangisi nalang ako. I remember our conversation earlier. 

"He knows something about me. It should be fair. Kailangan kong makakalap ng impormasyon tungkol sa kanya." Sambit ko ulit sa sarili ko habang nags-scroll sa F* sa mga may pangalan na Kingsley.

Hindi ko nahanap ang account niya. 

Dumating ang wine ko. I sipped a little, napataas ng kilay nang masarapan doon. 

"I like you na." I said a bit flirty with the bartender. Nginitian niya ako. I bet later on he will start making a conversation with me. 

I searched my mothers account, sure friends sila ni Conrad. Napangisi ako nang mahanap ang account ni Conrad. Now I stalked his account to find Kingsley. 

"Bang! Found you!" Nakangiti kong sabi saka na inumpisahan ang pagstalk ko sa kanya. 

"Damn hot!" Hindi ko mapigilan puri sa kanya. Shit! Is he a model? Tangina model nga yata siya. 

Napakagat ako sa labi ko at napalagok sa wine. That drowsy eyes really gives me the chills, the butterflies. Naakit talaga ako sa mga mata niya. 

"Stalking someone?" I heard a man said. Napalingon ako sa likod ko. Kinabahan pa dahil akala ko ay sino ng nakahuli sa akin sa ginagawa ko. 

It's one of the guys staring at me earlier. 

"Hi! Sorry I watched what you were doing with your phone. My name is Joshua." He said cutely. Sa pagngiti niya ay tuluyan naging isang guhit ang singkit niyang mata and his eyebags bulge more. 

What a cute guy! 

"Hello. It's okay." Palakaibigang sabi ko saka ngumiti. 

I smiled brightly then went back with my phone. He looks like a nice guy. He isn't the type of guy I flirt with. Baka mabahidan ko ng dumi ang malinis niyang pagkatao. Natawa ako doon. And I don't want to flirt right now. Kailangan kong makakalap ng impormasyon tungkol kay Kingsley at sa tatay niya. 

Kinalikot ko ulit ang phone ko at nagbasa sa mga comments sa ilang posts ni Kingsley. He doesn't do captions, or post anything other than his pictures or he was tagged by some of his friends. 

"Do you mind?" I heard Joshua said. Napalingon ako sa kanya, he is pointing the seat beside me. Nginitian ko lang siya. 

Umupo nga siya sa tabi ko. He ordered a drink ako naman ay nagfocus ulit sa pang-istalk. 

"You like him?" I heard him say. 

When I looked at him he was staring at my phone. Nakaflash doon ang picture ni Kingsley. He was wearing a black shirt, his hair is wet, hes just seating on the white floor and staring back to the camera with a drowsy cold look. 

"Not really." I said shyly. 

Tumaas ang dalawang kilay niya na para bang nagustuhan ang narinig. 

"I thought you are one of the girls who's crazy for Kingsley." 

Ako naman ang napataas ang dalawnag kilay ngayon. Nakuha niya ang atensyon ko. 

"You know him?" Pinigilan ko ang nagbabadyang ngisi. 

He shifted on his seat, tumagilid para makaharap pa lalo sa akin. Left arm resting on the table. 

"Yeah. We're friends actually." He said coolly. Mas lalong lumawak ang nagbabadya kong ngisi. 

"Really?" I asked lively. Nakangiti siyang tumango. 

"Not really close but we talk and hang out when we cross path." Kwento niya. Tumango-tango ako. Iniwas saglit ang mukha mula sa mata niya para pakawalan ang ngisi. 

Kung sinabi mo kaagad na magkakilala kayo ni Kingsley 'di sana kinausap na kita mula kanina pa. 

"Your name is Joshua, right?" I asked smiling sweetly. He was like mesmerized by my beauty. Napangiti ako lalo dahil natulala siya. 

"My name is Artia." Pakilala ko at naglahad ng kamay. Tinanggap niya ang kamay ko at ngumiti. 

"You thought I am one of his girls?" I asked, then let go of our hands. I tucked my hair behind my ear.

He'll think nagpapaganda ako sa kanya. 

"Yeah. I see you are stalking his F******k account." Aniya.

Pinatagal ko ang tingin ko sa mga mata niya bago sumagot. 

"Nah! I'm just searching for information about him. I just want to get to know him. Wala kasi akong masyadong alam tungkol sa kanya. I only know his name." Madramang sabi ko. 

"Why do you wanna get to know him?" Taka niyang tanong. 

Nag-isip ako sandali ng isasagot. I will not tell my true intentions.

"Does he do modeling? I was just wondering kung model ba siya." I lied. 

"Yeah. I heard he do modeling." 

"Really?" Hindi ko na napigilan mapangisi. 

"Anyway, why are you here? Mag-isa kalang?" Pagbabago ko ng usapan pero ibabalik din naman tungkol kay Kingsley mamaya. And I know he is with his friends, nakita ko sila kanina. 

"Just chillin. I'm with my friends." 

"Akala ko mag-isa ka lang." 

"No. My friends over there." Sambit niya saka itinuro ang banda kung saan ko nga sila nakita kanina. 

I looked at them, nakatingin din sila sa banda namin at mukhang pinag-uusapan ang kaibugan na pumoporma sakin. I waved at them and smiled, trying to be friendly.  Mabilis silang kumaway pabalik, tuwang-tuwa ang dalawa ay tumayo pa. Natawa ako. 

"Sasamahan ba kayo ni Kingsley mamaya?" Pasimpli kong tanong. I sipped on my wine. 

When I looked at him I caught him staring at my lips. 

"Uhm. No." Nahiya siya dahil nahuli kong nakatingin sa labi ko. He scratch his nape and smiled shyly. 

"But I saw him earlier. I saw him around." Aniya. 

Nanlaki ang mata ko at bahagyang napasinghap. 

"Really?! He's here?" Medyo excited kong sabi. Lumunok ako ng laway at kinalma ang teaksyon. Huwag kang magpahalatang gustong-gymusto kong making si Kingsley, Artia. 

"Madalas silang pumunta dito sila ng mga kaibigan niya." 

Tumango-tango ako kunwari at pasimpling inikot ang mga mata sa paligid hinahanap siya. 

"I only met him once." Sambit ko. Totoo naman, kanina palang kami nagkita. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang siya nakilala. Baka nagkita na kami noon but I just don't remember or hindi ko napansin? 

But he is my type malabong hindi ko siya mapansin kung sakali man na nagkatagpo na kami ng landas noon. 

"I wanna see him in person. I'm actually looking for models kaya gusto ko din na mameet siya." I lied. 

"Ganoon ba. I'll introduce you to him later if I see him around." 

Natuwa naman ako sa narinig ko. 

"You're so nice!" I said sweetly. "And you're cute." Banat ko sa kanya. 

He chuckled shyly and pat his nape. Nakita kong namula ng kaunti ang pisngi niya at nag-isang guhit ang mata dahil sa pagngiti. 

I will flirt with you, although you are not the type of guy na usually nilalandi ko. He looks nice and conservative not like the other guy na nanghahawak kaagad.

Hindi pa siya bumanat ng malaswang linya sa akin mula kanina. 

I will flirt with you to get to Kingsley. Sana lang ay mailapit mo nga ako sa kanya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status