Share

Psycho 1.1

Tanya’s POV

“Hindi ako baliw!” 

Madalas ay ito ang naririnig ko sa araw-araw kapag papasok na ako ng aking trabaho bilang nurse sa Osmenia Mental Hospital. 

Ang mga taong nawala na sa sarili nilang mga katinuan, nasira ang buhay, nawala sa pag-iisip at nakaranas ng trauma sa kanilang buhay ay dito mo matatagpuan. Lahat sila ay may kani-kaniyang kwento kung bakit sila napadpad dito. ‘Wag niyo silang husgahan, sa halip ay maging bukas ang inyong isipan at unawain ninyo ang kanilang kalagayan.

My name is Tanya Sanchez, 23 years old. Madalas tinatawag nila akong Tan dahil ito na ang nakasanayan nilang itawag sa akin simula noong magsimula akong magtrabaho sa ospital na ito. Maraming mga pasyente ang nakakahalubilo ko sa araw-araw. May mababait, may maiilap.

Mayroon akong itim at mahabang buhok na hanggang bewang. Normal lang ang aking timbang at tangkad at dahil sa madalang akong masikatan ng araw, maputi ang aking makinis na balat. Matangos ang aking ilong, natural na mapula ang aking mga labi at kulay itim ang aking mga mata. 

“Good morning, Tan!” masiglang saad ng aking kaibigan na si Grace. Siya ang naging unang kaibigan ko dito at parang naging kapatid ko na din. Maliit lamang siya ng konti sa akin at ang buhok niya ay hanggang leeg. 

“Good morning. Anong room ka ngayon?” tanong ko sa kanya habang magkasabay kaming naglalakad ng mabagal sa hallway.

“As usual, ganon pa din naman. Ang balita ko wala na daw balak baguhin ang mga room na naka-assign sa atin. Tsk, ang sungit pa naman ng matandang inaalagaan ko.”

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.

“Hay naku! Kaya nga tayo naging nurse dito ‘di ba? Kailangan natin ng mahabang pasensya dahil kailangan nila tayo.”

“Alam ko naman ‘yon, Tan. Kaso minsan nakakasawa na din.” Napailing na lamang ako dahil sa pagrereklamo niya. Ang babaeng ‘to talaga, since birth ata reklamador na. Tumigil kami sa paglalakad nang matapat kami sa dulo ng hallway. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa at naglakad papunta sa magkaibang direksyon. Siya sa kanan, ako naman sa kaliwa.

Dumaan muna ako sa kitchen at kumuha ng pagkain ng una kong pasyente. Pagkakuha ko nito ay saka na ako dumiretso sa room 25. Ito ay nag-iisang kwarto sa dulo ng ikaapat na palapag kaya naman kinailangan ko pang sumakay ng elevator habang tulak-tulak ang rolling table.

Wala akong ibang kasama sa elevator nang makapasok ako dito. Pinindot ko na ang number four at nagsara na ang pintuan nito. Kitang-kita ko mula sa pader ng elevator ang aking hitsura ngayon. Nakaputing uniform ako mula ulo hanggang paa. I smile. I look so beautiful everyday.

*ting

Tumunog na ang elevator at ibig sabihin nito ay nandito na ako. Ngunit biglang nawala ang ngiti ko nang makita ang numero na nasa taas ng pintuan.

3rd floor.

Hindi naman ako nagkamali sa pagpindot kanina, bakit sa pangatlong palapag huminto? Pagkabukas ng pinto ay biglang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa isang malamig na hangin na tila ba dumaan sa akin. Walang sumakay mula sa floor na ito na ipinagtaka ko. Ngunit huminto dito? 

Nagsarado na ang pintuan at hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko dahil doon. Huminga ako ng malalim at ipinikit ng mariin ang aking mata. Marahil nasobrahan na ako sa kape kaya napaka nerbiyosa ko na ngayon. 

Nang makarating sa ikaapat na palapag ay lumabas na ako dito at naglakad na ng diretso papunta sa pinaka dulong pintuan. Mayroon pang nakalagay dito na warning sign. Maraming tao ang natatakot sa taong nasa loob nito dahil sa kakaibang sinasabi niya at tanging ako lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin siya palagi.

“Good morning, Devin,” bati ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan ng kanyang kwarto. Naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang kama habang nakatulala sa bintana na nakabukas. Lumapit ako sa kanya habang tulak-tulak pa din ang rolling table.

“Kain ka na. Para mamaya may lakas kang gawin ang mga activities—“

“Nandito na siya.”

Napatigil ako sa pag-aayos ng kanyang kakainin nang bigla siyang magsalita. Napunta ang tingin ko sa kanya na hindi pa din nawawala ang pares ng bilugan niyang mga mata sa bintana at mistulang hindi ako nakikita.

“S-sino?” utal kong banggit.

“The demon,” sambit niya na hindi ko naman masyadong naintindihan dahil sa pabulong niyang pagkakasabi. Ang mga mata niya ay tila ba may gumagalaw doon at mayroon siyang nakikitang kakaiba. 

“Ha?” Napunta an+g kanyang atensyon sa akin. Sinalubong ko ang bawat titig ng kanyang mga mata na para bang binabalaan ako at may ipinapahiwatig na magaganap.

“I’m hungry.” Dahil sa kanyang sinabi ay napakurap ako at mabilis na kinuha ang kanyang pagkain. Tahimik lamang siya habang kumakain at sinusubuan ko siya. Hindi ko alam kung bakit maraming tao ang natatakot sa kanya. Mukha naman siyang harmless.

Siya ang pinaka misteryosong pasyente ng ospital. Walang sino man ang nakakaalam kung paano siya napunta dito. Ang tanging nakasaksi ng kanyang kalbaryo dito na doktor ay namatay dahil sa ambush. Bukod sa kanya ay wala na. Nananatiling palaisipan pa din sa karamihan kung sino ba talaga siya. 

Matapos ko siyang pakainin at painumin ng kanyang gamot ay umalis na ako at nagpaalam sa kanya. Bago ko isarado ang pintuan ay muli ko siyang sinulyapan at nakatingin ito sa akin. Isinawalang bahala ko na lamang ito at bumaba na ako.

---------

[Tumutugtog ang kantang “Story of My Life” ng One Direction.]

Nandito ako ngayon sa bukas na gate sa unang palapag ng pangalawang building ng ospital kung saan napapanood ko sa malawak na field ang mga pasyente kasama ang ibang nurses na nagsasayawan. Araw-araw ay nagkakaroon dito ng iba’t-ibang activities para ma-improve ang physical at mental health ng bawat pasyente. 

Masaya silang nagsasayawan kasama ang mga kapwa may sakit sa pag-iisip. Mukha silang mga inosenteng tao na walang pakielam sa masamang nangyayari sa kanilang paligid. Hindi nababahala sa kung ano mang maaaring mangyari sa kanila.

Napaka swerte nila. Sarado ang kanilang isip sa magulong mundo ng kasalukuyan. 

Ngunit habang pinapanood ko sila ay nakuha ng atensyon ko ang isang batang babaeng mahaba ang buhok na naka bistidang puti mula sa katapat na building na kinaroroonan ko ngayon. Ang malawak na field ang nagmistulang hati ng dalawang gusali na ito. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mulan
so mysterious ha but I really admire the works of nurses Lalo na sa mga ganitong cases.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status