Share

Chapter 3.1

Tanya's POV

"Grabe, ganon na ba kalala ang kalagayan niya at umabot siya sa ganong sitwasyon?" wika ni Grace habang umiiling-iling pa.

Ang tinutukoy niya ay si Devin. Kahapon kasi ay nagwawala ito sa kanyang silid. Pilit niyang binabato ng mga gamit sa loob ang mga nurse at doktor na nais siyang pakalmahin.

Ngunit may isang pangungusap lamang siyang paulit-ulit na binabanggit.

"Mamamatay kayong lahat! Nandito na siya!"

Nagbuga ako ng malalim na hininga bago uminom sa aking fruit juice. 

"He needs more attention."

"Duh, girl too much attention na nga ang binibigay ng ospital sa kanya. Hindi pa ba 'yon enough?"

"Kahit na, Grace. Maybe he needs friend. Kailangan niya lang ng kaibigang makikinig sa mga bagay na nasa isip niya. Kagaya natin, tao din siya, Grace."

Bahagya siyang napailing at saka nagpatuloy sa pagkain. Kung alam mo lang Grace, kung alam mo lang ang pinagdaanan niya.

Maya-maya ay may naisip akong itanong kay Grace. Dapat talaga ay noon ko pa ito nais ikwento sa kanya kaso palagi ko na lamang nakakalimutan.

"Grace, may kilala ka bang Lea?" tanong ko sa kanya at bahagya siyang napaangat ng tingin sa akin at nakakunot ang noo. Nag-iisip siguro.

"Hmm... wala naman. You mean dito ba sa ospital?"

"Yup."

Umiling siya. 

"Nothing talaga. Bakit? Sino ba 'yong Lea na sinasabi mo?" 

"Bata siya eh. Sa tingin ko mga edad twelve years old. Mahaba ang buhok tapos may dimples."

Nag-isip pa siyang muli. Inabot siya ng sampung segundo bago muling tumingin sa akin.

"Wala talaga. Pero parang gusto ko siyang makita. Minsan isama mo naman siya," saad niya. 

"Oo naman, walang problema," sagot ko naman nang nakangiti at saka na kami nagpatuloy sa pagkain. Siguradong matutuwa din siya sa batang iyon.

----------

Nandito ako ngayon sa kusina habang inaayos ang mga pinagkainan ng pasyente ko kanina. Mag-isa ko lamang dito dahil ang mga dishwasher at cook ng ospital ay naglu-lunch pa siguro.

Nag-volunteer na ako sa ibang hugasin dahil wala naman akong pasyente ngayon. Tulong-tulong kami dito sa ospital sa pag-aalaga at paglilinis.

Habang nagsasabon ng mga pinggan at baso ay bigla akong naiihi. Itinigil ko muna ito at saka pumasok sa banyo dito sa kusina. 

Matapos maghugas at mag-flush ay lumabas na ako at muling dumiretso sa mga hinuhugasan ko kanina. Ngunit laking pagtataka ko nang makitang wala na ang sponge na ginagamit ko sa lagayan na pinag-iwanan ko kanina.

Hindi pa naman ako makakalimutin ah. 

"Nasaan na 'yon?"

Hinalungkat ko ang mga gamit sa ilalim ng lababo hanggang sa mga cabinet nito sa taas ngunit wala talaga. Napahawak na lamang ako sa aking bewan habang pinagmamasdan ang natitira pang hugasin.

"Paano ko kayo ngayon tatapusin, ha?" Para akong baliw na kinakausap ang nga hugasin. Maya-maya lamang ay may kamay na may hawak na sponge ang lumabas mula sa gilid ko. 

"Ay, salamat. Ginamit mo ba kanina? Akala ko nawala na," wika ko nang hindi nililingon ang nasa likuran ko ngayon. 

Hindi ito nagsalita kaya naman nanahimik na lamang ako. Baka kasi may ginagawa din siya.

Kinuha ko ito kaagad at pinagpatuloy ang paghuhugas. Ilang minuto din iyon at saka ko na binanlawan at nilagay sa mga lagayan.

"Sa wakas, natapos din."

Nagpunas na ako ng aking mga kamay at saka na lumabas ng kusina. Sa aking paglabas ng pintuan ay nakasalubong ko pa ang mga cook at dishwasher ng ospital.

"Naku, Nurse Tanya! Pasensya na po at hindi na namin kayo natulungan. Kakatapos lang po naming kumain eh," wika ng isang dishwasher.

Napakunot ang aking noo habang binibilang sila ng mga kasama niya.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Anim.

Pito.

Walo.

Ibinaling ko muli ang tingin sa kanya.

"Ah, maaari ko po bang malaman kung ilan kayong tumutulong sa kusina?" tanong ko.

"Walo po kami, Nurse Tanya. Bakit niyo po natanong?"

Muli ko silang binilang. Ngunit walo nga silang lahat. Nakakapagtaka. Hindi ba sila siyam?

"Wala po bang pumasok sa inyo sa kusina kani-kanina lamang?"

"Nurse Tanya, kagaya po ng sinabi ko kanina, kakatapos lang po naming kumain lahat. May problema po ba?"

Nanlamig ang buong sistema ko dahil sa narinig. Kung walo sila, tapos kakatapos lang nilang kumain lahat. Sino 'yong kasama ko kanina sa kusina?

Napalunok ako.

Imposible ding nurse iyon dahil naka duty sila Grace ngayon at sa pagkakaalam ko ay ako lamang ang walang duty now. 

Tumingin ako sa bukas na pintuan ng kusina at doon ay may natanaw akong nakatalikod na babae na nakaharap sa lababo.

Napahawak ako sa aking bibig at nanginginig habang nakatingin doon.

"Nurse Tanya, okay ka lang po ba?" 

Hindi ko sila sinagot at mabilis silang nilampasan. Ang pagtibok ng puso ko ay bumilis, nakaramdam ako ng takot.

-------

"Naikwento kita sa kaibigan ko. Gusto ka daw niya makilala," saad ko kay Lea habang kumakain kami ng ice cream dito sa isang bench sa field.

"Wala akong time."

"Bakit naman? Gaano ka ba ka-busy bata ka ha?" natatawa ko namang tanong sa kanya. Nagkibit-balikat siya at saka dinilaan ang ice cream niya na chocolate flavor.

"Sinusundo ako ni Mommy dito sa hapon, minsan naman binabantayan ko ang kaibigan kong pasyente dito," wika niya.

"Ah, ganon ba? Sayang naman, kapag nakita ka 'non, siguradong matutuwa 'yon sayo."

Tumingin siya sa akin na ganon pa din ang ekspresyon ng mukha at ang bibig niya ay madumi dahil sa pagkain niya ng ice cream.

"Sa tingin mo?" she asked.

I smile at her at saka ko pinunasan ang kanyang bibig gamit ang panyo ko. Basta talaga bata walang pakialam sa hitsura kahit madungisan na. Sana one day, magkaroon ako ng anak kagaya ni Lea.

"Oo naman, napaka cute mo kaya."

"Aray! Tama na Ate Tanya!" sigaw niya habang pinipisil ko ang magkabilang pisngi niya. Natatawa naman ako habang nanggigil sa kanya. 

"Hehe, ang cute-cute mo talaga. Sige na, maiwan na muna kita ha? May trabaho pa 'ko," wika ko. 

Tumayo na ako at siya naman ay nanatiling nakaupo habang pinagmamasdan akong maglakad papalayo. Kumaway na siya sa akin at saka na ako tuluyang pumasok sa ospital. Si Devin ngayon ang aasikasuhin ko.

Pagkarating ko sa kanyang kwarto ay naabutan ko siyang nakahiga sa kanyang kama habang nagbabasa ng libro. Nakuha ko naman ang atensyon niya at kaagad na isinarado ito.

"Hi Devin. I-che-check up lang kita ha?"

Hindi siya umimik at umayos na lamang ng pagkakaupo sa higaan. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng sample ng kanyang dugo gamit ang dala kong maliit na injection.

Pagkatapos 'non at nilagyan ko na ito ng bulak na may alcohol. 

"Look at me."

Tiningnan ko naman ang kanyang mata gamit ang maliit na flashlight na nasa bulsa ko. 

"Malaki ang improvement mo, Devin. May mga nararamdaman ka bang mga pagbabago sa katawan mo nitong mga nakaraang araw?" 

Umiling siya. 

"Okay, magpahinga ka na. Dadalhan na lang kita ng dinner mamaya," nakangiti kong tugon at tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay na dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jared Altez
Hala bakit di na maopen next chap ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status