Share

3. New Mission

Hindi pa man tuluyang bumubukas ang talukap ng aking mga mata ay naririnig ko na ang paulit-ulit at nakakarinding tunog na nililikha ng aking telepono. 

Wala sana akong balak na sagutin iyon at muling babalik sa pagtulog, nang marinig ko na naman ito. Kaya naman padabog ko iyong kinuha at inis na sinagot.

"Hmm!?" Inaantok at naiinis kong saad sa kung sino man ang walang hiyang tumatawag sa akin.

"Bumangon kana. Nandito kami kela mama Rage." Iyon lang ang sinabi ni Aryan at agad nang ibinaba ang linya.

Masakit pa ang katawan ko dahil sa mga pangyayari kahapon, at gustong-gusto ko pang matulog ng isang buong araw.

Pero dahil wala akong magagawa ay tamad na tamad akong bumangon kahit naka hubad, walang lingong likod akong tumuloy sa banyo upang maligo. Mahirap akong makatulog kapag hindi nakahubad, kaya naman dere-deretso ko nang binuksan ang shower at naligo. Ilang minuto lang ang ginugol ko dito at kinuha na ang twalya bago nagsimulang  punasan ang sarili. Hubad baro ulit akong pumasok sa walk-in closet at piniling magsuot ng jeans, leather jacket at high heels gray boots.

Kinuha ko ang susi ng aking motor at dumeretso sa cafe na pag aari ni mama Rage. Isa siya sa naging matalik naming kaibigan dito sa Pilipinas at dito kami palaging tumatambay sa cafe niya, kaya nakagawian narin namin.

Nang makarating ako doon ay ipinarki ko lang ang aking motor malapit sa kotse nila Aryan bago ako pumasok sa loob. Kaagad ko naman silang nakita kaya dumeretso muna ako sa counter para sabihin ang order ko.

Nagmuka lang akong hangin na dumating, at wala manlang lumingon kahit pabagsak akong naupo sa couch na katabi ni Liza. Busy silang lahat sa kani-kanilang pagkain at sobrang tahimik ng paligid. 

Para sa iba.

Pero para sa amin, ay normal na iyon. Kahit magkakasama kaming lahat ay wala kang maririnig na nagsasalita habang walang nagtatanong.

Ganyan kami magbonding.

Tahimik lang akong nagmamasid sa mga taong nasa loob ng cafe hanggang sa dumating na ang order ko. Katulad nila ay tahimik rin akong kumain. Maya maya pa ay si Aryan ang bumasag ng katahimikan, na palagi namang nangyayari, dahil pag nag sasama-sama kami ay palaging si Aryan ang unang nagsasalita.

"Pinadalhan ako ng mensahe ni Papa," Panimula niyang ani habang nasa pagkain parin ang paningin. "I already told them theirs, so yung sa iyo nalang ang sasabihin ko." Pagpapatuloy niya pa. Patuloy lang ako sa pagkain pero ang atensyon ay nasa mga sinasabi niya.

"Mafia Sarmiento." Iyon lang ang sinabi niya pero alam na alam namin ang ibig niyang sabihin. Alam na alam ko.

Nagptuloy ang tahimik na umagahan at isa-isang nagsi-alisan nang matapos sa kanya-kanyang pagkain. Sumakay narin ako sa aking motor at nag desisyon na pumunta sa isang computer shop. Doon mismo sa shop na iyon, ay ginamit ko ang username ng naunang gumamit sa computer na ginagamit ko. Nag research lang ako ng kaunti tungkol sa mga Sarmiento. Marami ang may Sarmiento na apelyedo, pero alam na alam ko kung sino-sino ang sindikato sa mga iyon.

Isang tingin lang. Kitang-kita kaagad. 

Agad-agad ko itong pinatay at muling sumakay sa aking motor papunta sa kung saan. May nadaanan akong eskinita na palihim kong pinuntahan, bago ako nagtuloy-tuloy sa isang hotel na agad kong pinasukan, at doon inubos ang ilang oras pang natitira. 

Gabi na nang magising ako at agad na dumeretso sa banyo, isunuot ko ulit ang mga hinubad kong damit bago nagapatuloy sa lakad.

Pumunta ako sa isa sa mga pinakamahal na club dito sa Manila. Puro mayayaman at bigatin ang mga taong nakikita doon. May mga artista, politiko, at kung sino-sino pang may mataas na pigura sa bansa.

Inisa-isa ko ang mga naroon at nung makita ang aking pakay ay pumunta na ako sa counter, hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya. Marami siyang kasama, at halatang mga bantay iyon, ang mga suot nila ay parang normal na sibilyan. Para lang silang magbabarkada sa kanilang mga suot, pero kung titignan ay iyong mga babae lang ang pinapansin niya.

Umorder ako ng isang bote ng alfonso at tinungga ito sa mismong bote. Nahihilo kong ibinaba ang alak na iniinom at nakitang halos makalahati ko na iyon. Dala-dala ang bote ng alfonso ay pasuray-suray akong naglakad papunta sa table nila. Napansin niya kaagad ako, at nakita ko naman kung paano ako tinignan ng mga tauhan niya, mula ulo hanggang paa.

Nang makitang wala na akong mauupuan sa magkabilang gilid niya, dahil sa mga babaeng nakalingkis sa kaniya, ay pinili ko nalang maupo sa kaniyang kandungan. Isiniksik ko ang aking muka sa kanyang leeg at dahan-dahan ko itong hinahalikan na bahagya pang sinisipsip.

Hindi ako nakarinig ng pagtanggi mula sa kanya, at sa halip ay naramdaman ko ang paghawak ng dalawa niyang kamay sa bewang ko. Tinataas-baba niya ito at pinapagapang papunta sa dibdib ko. Sinadya kong ilapit ang bibig ko malapit sa taenga niya at doon umungol ng umungol. 

Nararamdaman ko na ang pamumukol ng pantalon niya, kaya naman ginalaw ko na ang aking pwetan na mas lalong nagpa-ungol sa akin. Hinahalikan ko ang leeg niya habang siya naman ay nakahawak na sa aking malulusog na dibdib at minamasahe ito.

Hindi nagtagal ay hindi niya na rin napigilan ang sarili at agad akong pinatayo, nasa bewang ko na ang kamay niya at ngayon ay ginigiya ako paalis sa aming kinauupuan. Nakita ko naman ang lima sa kanyang mga kasama na sumusunod sa amin.

Ako na mismo ang humila sa kanya at hinila siya patungong dance floor, kung saan napakaraming tao. Hawak-hawak parin ang bote ay tinungga ko iyon sa mismong harap niya. Nakangiti ko namang ibinigay sa kanya ang bote at ginaya niya ang ginawa ko. Dahan-dahan kong isiniksik ang katawan ko sa kanya, ipinaparamdam ang init ng katawan ko.

"Hmmm..let's play baby?" Umuungol na tanong ko sa kanya, na kaagad niya namang sinagot ng isang mapagnasang halik. 

Habang naghahalikan kami ay sige ang hanap ko sa mga tauhan niya, iniisa-isa ko ang pwesto nila bago ko siya hilain papunta sa mas marami pang tao, at papunta sa loob ng kitchen nang club.

"Ma'am, we're sorry, but, you're not allowed to come here." Sabi ng isa sa mga staff.

"Oh! Haha, my bad I'm sorry," tatawa tawa ko pang sabi sa kanya, pinapahalatang lasing, bago palihim na lumabas gamit ang exit doon. 

Pagkalabas na pagkalabas namin ay kaagad niya akong pininid sa pader at hinalikan ng sobrang diin.

"You're planning something are you?" Lasing niyang anas, at ipinakita ko naman ang gulat ko.

Inaasahan ko na ito pero kailangan kong umarte ng todo. Sinunggaban ko siya ng halik na ginantihan niya din naman. Naramdaman ko na unti-unti niyang tinatali ang tie niya sa kamay ko, na nasa likuran, pilit ko naman itong pinipiglas.

Nang makawala ang mga kamay ko ay kaagad kong ipinalo sa ulo niya ang bote ng alfonso na hawak hawak ko, rinig na rinig ko pa ang tunog ng pagkabasag nito. Unti-unting tumulo ang dugo sa noo niya habang dahan-dahan siyang bumabalik sa huwisyo, kaya kaagad kong isinaksak sa balikat niya, malapit sa leeg, ang tirang bote na hawak ko.

Unti-unti na siyang nawawalan ng malay kaya kaagad ko siyang hinila papunta sa madilim na parte, sa likod ng club. Hinubad ko ang lahat ng suot niya. Relos, singsing, kwintas at damit. Tanging boxer niya lang ang itinira ko bago ko ulit siya akayin papunta sa pwesto ng taxi na binook ko bago ako pumunta dito.

"Kuya, hintayin niyo po ako dito ha, kukunin ko lang po yung motor ko. Hindi ko po kasi siya masasakay dun kasi baka bumangga kami," maayos kong pakiusap sa taxi driver na kanina pa naghihintay saamin.

"Oo naman ma'am, wala pong problema." Sagot niya na tinugunan ko lang ng ngiti.

Kinuha ko na ang motor ko at mabilis na pinaharurot, na sinundan naman nung taxi. Huminto kami sa isang maliit na eskinita at itinabi ang motor ko sa bahay ng nagmamay-ari ng apartment na inupahan ko. Inakay ko siya papasok sa eskinita at pumasok sa isa sa mga kwarto na nasa third floor, gabi na at walang tao ang makakakita sa kanya kaya padarag ko na siyang inakay.

Parang eskwater area ang paupahan na ito. Dadaan ka sa maiksing eskinita at sa likod niyon ay isang napakalaking building, tatlong palapag at kada isa ay may pitong kwarto. Nandito ako sa pinakataas at pinakagilid ng buong apartment.

Pabagsak ko siyang hiniga sa kama at itinali ang mga kamay at paa, binusalan ko muna ng tela ang kanyang bunganga bago ko siya binuhusan ng malamig na tubig.

Kaagad siyang nagising at napaigtad dahil sa ginawa ko, nagpupumilit makawala sa mga tali at pilit na inaalis ang busal sa bibig. Binigyan ko siyang ng nakakalokong ngisi bago ako umupo sa kanyang dibdib. Marahan kong tinanggal ang busal sa kanyang bunganga.

"Anong kailangan mo sakin!?! Pakawalan mo ako ngayon din! Dahil kung hindi ay sisiguraduhin kong mamamatay ka nang maaga!" Nanggagalaiti niyang sigaw. Kaagad ko naman ibinalik ang busal sa kanyang bunganga bago ko ibinaba ang ulo ko para maabot ang kanyang kanang taenga.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko," Nang aakit kong bulong sa kanya at marahan pang kinagat ang taenga niya. "Cause you are my new mission." Nakangisi kong bulong sa kanya, bago ko siya pinalo ng matigas na kahoy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status