Share

4. Mafia Sarmiento

Isang palo lang ng kahoy ay kaagad na siyang nakatulog. Inaasahan kong makaka-apat o limang palo pa ako ng kahoy sa kanya para lang makatulog siya.

Tsk! Anong klase kang tagapagmana ng Mafia boss?

Habang natutulog siya sa papag ay tinititigan ko lang siya. Nagdadalawang isip kung bakit ganun na lang kadali upang agad ko siyang makuha. Dahil kung ako ang tatanungin ay kahit saang lugar siya pumunta ay may mga nakaabang na sniper o kung ano pa sa paligid. Ni hindi man lang nga ako nahabol ng mga kasama niya.

Habang nagmumunimuni ako ay may narinig akong katok mula sa pinto ng aking kwarto. Napalaki ang ngisi sa aking labi ng mapagtanto kong nasa tamang landas ang plano ko. Dahan-dahan ko pang itinapat ang upuan ko sa harap ng pintuan, hindi iyon nakalock at hindi sila tanga para hindi iyon mabuksan. Nakataas na kaagad ang dalawa kong kamay habang unti-unting bumubukas ang pintuan ng apartment ko.

At hindi nga ako nagkakamali. Tatlong lalaki at dalawang babae, lahat ay nakaitim at may hawak na malalaking baril. Lahat ng baril nila ay nakatutok sa akin. 

Dahan-dahan pa akong nilapitan ng isa sa mga lalaki, habang nakatutok pa rin ang baril sa akin. Pinatalikod niya ako at naramdaman ko ang malamig na metal sa aking pulso. Posas.

Gotcha!

Hindi ko na sila nakuhang asarin nang maramdaman ko ang malakas na pwersang pumukpok sa batok ko, dahilan para unti-unti akong mawalan ng malay.

Nagising ako bigla at dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng aking mga mata, nasa madilim akong lugar. Sobrang dilim, wala akong makita, pero ramdam ko ang malamig na bagay na nasa aking mga pulso. Sinubukan ko itong galawin upang malaman kung paano ko ito matatanggal, pero narinig ko lang ang kalansing ng mga bakal. Kadena.

Hinuha ko ay nakakabit ang posas ko sa kadena at ang kadena naman ay nakatali sa kung saan.

Ganyan ba kayo katakot sa akin.

Ginalaw ko pa ng ginalaw ang mga kadena na parang nagwawala, gumagawa ito ng malakas na tunog. At hindi nga ako pumalya, dahil biglang bumukas ang pintuan, hindi maaninag kung sino-sino ang nasa harapan ko, pero kitang-kita ang mga anino nito.

"Gising na pala ang aming bilanggo haha," tumatawang ani ng lalaking nasa harapan ko. 

Maya-maya pa ay may naririnig pa akong ibang yabag mula sa kanyang likod hanggang sa unti-unti na silang rumami. Base sa aninong nakikita ko ay nasa pito silang lahat. Sobrang dilim ng kinaroroonan ko at kung papasok sila ay hindi ko na rin sila makikita.

At tulad nga ng inaasahan, pumasok silang pito at pabagsak na isinara ang pinto. Wala akong makita pero ramdam na ramdam ko ang presensya nila. Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang may biglang humila sa kadena ng aking posas at sinuntok ako sa tagiliran nang sandaling makalapit sa akin. Hindi rin sila makakita.

Pilit kong tinatayo ang sarili ko dahil sa sakit ng suntok na iyon.

"Haha! At sino ka sa tingin mo para makialam sa aming negosyo?" tanong ng isa sa kanila.

"Sana ay pumili ka man lang ng kaya mong kalabanin. Iyan tuloy! Mukhang mamamatay ka ng wala sa hulog hahahahaha!" Rinig ko ang halakhakan ng mga taong nasa loob.

Unti-unting lumaki ang aking ngiti ng mahawakan ko ang aking hinahanap. Kinapkap ko ang aking taenga at naramdamang hindi manlang nila kinuha ang mga hikaw ko.

Tsk! Mga bobo!

Binuksan ko ang pagkakalock ng hikaw ko at sinubukang lumaban sa isa sa kanila. At dahil nga hindi ko sila makita ay sa binti ng kung sino, tumama ang sipa ko, na agad naman nitong ginantihan ng malutong na sampal, pero tumama ito sa ulo ko imbes na sa pisngi kaya medyo nahilo ako sa ginawa niya. 

Naramdaman ko pa ang paghawak nila sa dalawa kong balikat at unti-unti nila akong binugbog habang naka posas. 

Nang maramdaman kong tanggal na ang pagkakalock ng posas na suot-suot ko ay humila ako ng isa sa kanila. Halatang babae, dahil hindi man lang nakuhang manlaban.

Biglaan ko siyang hinila at siniko ang ulong bahagi niya dahilan para mawalan siya ng malay. Ramdam ko pa rin ang suntok at sipa ng anim na tao, pero hindi tumatama ang iba, habang ang iba naman ay sa masakit na parte tumatama dahil lahat kami ay walang makita.

Dahan-dahan kong hinila ang babaeng hawak ko at pinosasan ito, gamit ang posas na ginamit nila sakin. Dahan-dahan akong umalis sa kinaroroonan ko gamit lamang ang aking pandama, ramdam ko kung saan sila nakapwesto kaya dahan-dahan ko silang iniwasan.

Lumapit ako sa pader na nahawakan ko at doon muna ipinahinga ang aking sarili.

"Putangina ka! Papatayin ka namin!"

"Nagkamali ka ng mga taong kinalaban."

"Puta! Ang ganda mo pa naman. Kitang kita ko iyong ginawa mo kay Alexis. Parang gusto ko rin ng ganun."

Rinig ko pang mga ani nila habang ramdam na ramdam ko ang walang tigil nilang suntok at sipa. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko linibot ang sulok-sulok ng kwartong kinaroroonan ko, gamit ang pandama. Iniiwasan ko ang presensya ng ibang taong nasa loob at hinahanap ang bukasan ng ilaw.

Nang wala akong mahanap ay umupo nalang ako at hinintay na matapos silang bugbugin ang isa sa mga kasamahan nila.

Masyado silang mga bobo para sa isang malaking sindikato. May mali dito.

Saad ko pa sa isip ko na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Lahat ng ito ay malayo sa inaasahan ko, malaki ang sindikato ng Mafia Sarmiento, kaya hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay walang pang balang dumadampi sa katawan ko.

Hindi na ako nagtagal at nayayamot na tumayo. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pintuan at gulat naman silang lahat na napatingin sakin.

Gulat na gulat ang kanilang mga mata, at dahan-dahan ding napunta sa kasama nilang babae na nakagapos, duguan at walang malay. Isa-isa silang sumugod sa akin ngunit huli na iyon, dahil kaagad akong lumabas at-

Muli ko na namang narinig ang malakas na pagsabog ng anim na microbomb na nasa loob ng kwartong iyong. Mabilis kong naisira ang pinto pero marahas din iyong nabuksan kaya napatalsik din ako palayo. 

Naglibot-libot pa ako sa mansyon na kinaroroonan ko at napagtanto ko kung ano ang mali.

Ngingisi-ngisi kong dinampot ang isang baseball bat na nasa gilid ng pader at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarinig ako ng mahinang bulungan ay agad kong hinanap ang kinaroroonan niyon. Nahagip ng aking mata ang isang malaking pinto, at rinig na rinig ko na ang unti-unting paglakas ng mga bulungang iyon. Sumilip naman ako sa siwang nito at nakinig sa usapan.

"Kailangan nating malaman kung sino iyon!" sabi ng lalaking matanda at inihampas pa ang dalawang kamay sa lamesa.

Maraming tao ang nakapaligid dito. Ang naglalakihan at mayayamang tao ay nakaupo habang ang mga tauhan naman ay pawang mga nakayuko.

Nasa labas lang ako ng pinto at komportableng pinag krus pa ang dalawang braso habang hawak pa rin ang baseball bat.

Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.

Saad ko sa isip ko habang hinihintay ang susunod nilang gagawin.

Masyado kang halata, pero pagbibigyan kita.

Nakangisi kong saad sa isip at hindi na nakapaghintay pa. Dahan-dahan kong binuksan ang malaking pinto sa harapan ko at naagaw naman niyon ang atensyon ng lahat.

Isa-isa silang kumuha ng kani-kanilang baril at itinutok iyon sa akin. Walang emosyon ko silang pinasadahan ng tingin at itinutok ang paningin sa isang lalaki na komportableng nakaupo sa malaking sofa. May naglalarong ngisi sa kanyang labi na parang alam na alam niya na mangyayari ito.

Dahan-dahan din naman akong lumapit sa kanya at tumayo sa mismong harapan niya. Sumimsim pa muna siya sa kanyang alak bago nagsalita.

"Long time no see, Xine."

Ramdam ko ang panunuya sa boses niya na ginagantihan ko lang ng matamis na ngiti.

"Long time no see..."

Pinantayan ko ang pagiging sarkastiko niya bago unti-unting lumapit at naupo sa tabi niya, nakapan dekwatro pa ako at kinuha ang baso ng alak na hawak niya bago iyon sinimsim. Tinignan ko siya sa mata at agad niya namang linabanan.

"Ex-husband."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status