Share

7: Feelings

Arilyz's Pov

After ng class ko, dumiretso na ako sa isa sa mga gig ko for tonight. A known brand of car hired me as their new model para sa bagong car na ilalabas nila. I don't know how it happened but I was very happy! So far, isa ito sa pinakamalaking gig ko!

And si Arthur ulit ang aking make up artist! I know he's really a talented and can turn someone into a masterpiece!

"So, Ari. Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?" biglang tanong niya while working on my face.

"Yup. I'm planning to join. Hanggang kailan ba ang deadline?" I asked.

"Hanggang december then next year iaannounce lahat ng pasado then will go to New York for workshops. I'm glad you take it! Sayang ang opportunity, girl! For sure naman na tanggap ka!"

"Thanks, Arthur. Fan talaga kita," I joked then chuckled. Natawa din siya sa sinabi ko.

"Oo naman! Ikaw kaya favorite ko sa lahat ng namake-upan ko. Basta just messaged me if you need anything or magpapasa ka na ng portfolio mo."

I felt grateful to hear Arthur support. Parang nadagdagan ang lakas ng loob ko. The next days ay busy ako sa pag-aasikaso ng portfolio. Sabi ni Arthur, I need at least three layouts to pass and video while walking in a runway. Kinakabahan ako sa paglalakad dahil kailangan ko pang practisin ang paglalakad and the right poise for it.

"Hmm. Ilang araw ka na busy, ah?" tanong sa akin ni Keegan.

For weeks, we've been eating lunch together, lalo na kapag tumama talagang free ang sched namin dalawa. I am so happy that I found a good friend like him. It felt like I'm not lonely anymore because I have him.

He never make me feel alone.

"I am busy with my portfolio. I told you naman na I want to give it a try 'di ba? Now, I am looking for a good photographer to take my photos," I told him.

"Photographer?" tanong niya.

"Yup. May mga list ako rito but I can't afford the fee. You know all the expenses are on me kaya pinagkakasya ko talaga."

"Well, I can be your photographer," he said then cleared his throat kaya nagulat ako.

"Really? Marunong ka?" I asekd surprisingly.

"Oo naman. It's actually one of my hobbies."

"Wow! Then it's settled! You're my photographer na ah? Pwedeng discount rin since friends naman tayo?"

"Don't worry sapat na sa akin ang dinner date para pambayad," he then winked. Nagtaka naman ako sa inasal niya. Did I hear it right, date?

"It's almost time now for your next class. Hatid na kita?" He asked kaya tumayo na kami at hinatid niya nga ako sa room ko.

Siya nga ang naging photographer ko para sa portfolio ko. Weekend namin napag-usapang gawin ang first lay out ko. Nagrent lang ako ng isang studio at inayos ang background namin. I styled it all katulong si Keegan dahil wala na akong budget for stylist, planner and everything. So, I need to do it on my own.

The first layout is the bratz style. The background looks like 'The Bratz's Office' and ofcourse, my outfits looks like I'm one of the Bratz.

I made my own make up, hair and styled my own outfit. Tinulungan din ako ni Keegan magdecide kung ano ba ang mas okay.

"Do you think it's okay?" I asked him. I am wearing crop top bralette and fur jacket for my tops, and high waisted jeans for my bottoms then high heel sandals.

"You look amazing, Ari," he complimented while looking at me admiringly.

"Thanks. So, let's start?"

Nagsimula na kami mag photoshoot. He took me photos and sometimes guide me with my poses.

"Turn around then give me your fierce pose." I did what he said. "Very good!"

I am super satisfied with the output and didn't expect that it would exceed my expectations! Keegan is a great photographer I must say.

"Thank you talaga, Keegan! Hindi ko 'to magagawa kung hindi dahil sayo," I said, truly grateful for him.

"Ano ka ba. What are friends for right? Ano? Next week ba ulit next layout mo?" I was stunned nang bigla niya akong inakbayan but I didn't give it any meaning. Friendly akbay lang naman.

"Yup. Pero plan ko kasi sa Baguio, pwede ka ba?"

"I am always available for you, Ari." He winked again kaya pabiro ko siyang tinulak. Natawa naman siya.

"Ewan ko sayo!" Natawa naman siya.

As I spent more time with Keegan, I got to know him more. Nakikita ko na rin ang makukulit niyang side at pagiging madaldal niya. Hmp. Sa una lang pala tahimik. But I am happy and grateful that I met him. I am lucky that I have him as a friend.

Pagabi na nang matapos kami. We fixed our things then decided to eat sa Mcdo. One thing about him is that he likes fast-food at sobrang takaw niya. After we eat, as usual, hinatid ko siya sa kanila bago ako umuwi sa amin.

Naabutan ko si Dad na nasa Sala at kakatapos lang kausapin ang katawagan niya.

"Saan ka galing, Arilyz?" tanong nito nang humarap sa akin.

"May inasikaso lang po, Dad. Akyat na—"

"Para na naman sa walang kwentang modeling na 'yan? At ano itong naririnig kong may ksama ka palaging lalaki, Arilyz? Stay away from that man. Remember you have a fianće."

Pagod na tiningnan ko si Dad. "I don't have a fianće, Dad so I can be with anyone who I want to be with. Akyat na po ako. Goodnight, Dad."

"Stay away from that man. I am warning you!"

Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag nang maisarado ko ang pinto. I don't really care what my father will think or do. Ang mahalaga para sa akin ngayon ay ang sarili ko.

Since may pinaggagastusan ako para sa portfolio ko, kumuha ako ng maraming gigs since foundation week naman sa university namin kaya wala kami masyadong class.

Sa isang gig ko ay nakatrabaho ko ulit si Arthur. Ngiting ngiti siya nang ipakita ko yung kuha namin last weekend and nagdagdag din ng ibang tips para sa next layout ko.

Kee:

Ari, hindi ka pumasok?

Napatingin ako sa phone nang biglang nag chat si Keegan. Wala na rin naman akong ginagawa at hinihintay lang ang start ng photoshoot. Which is nadelay dahil wala pa iyong male model na partner ko sana.

Ari:

Yup. Wala naman may ginagawa. Nasa gig ako.

Kee:

Puntahan kita. Wala naman ako ginagawa. I want to see you.

Nagtataka man pero sinend ko ang location ko nang tanungin niya. I also have this feeling deep inside me that I want to see him. Minutes later nandito na nga sita sa studio.

Kumaway siya sa akin nang makita ako. Maya-maya ay bigla siyang nilapitan ng stylist namin.

"Hi! Anong pangalan mo?" tanong ni Anne, ang stylist.

"Ah. Keegan po. Kaibigan ni Arilyz," sagot ni Keegan at napakamot pa sa batok.

"Magkaibigan kayo? Great! Pwede ka ba maging model kahit ngayon lang? Hindi na namin pwedeng icancel 'to dahil hindi makakarating ang male model."

Hindi pa nakakasagot si Keegan nang hilahin na siya ni Bea. Hindi ko rin inaasahan 'to. Hindi ko maiwasan matawa sa itsura ni Keegan habang inaayusan siya. Halatang hindi siya sanay sa mga pinaggagawa sa kaniya.

Sa huli ay pinagbihis siya ng tank short lang. Swimwear kasi ang imomodel namin. Nakasuot ako ng one piece sa loob ng bathrobe ko.

Mukhang naiilang pa si Keegan dahil yakap-yakap niya ang sarili. Hindi ko mapigilan pasadahan ang katawan niya. I mean, he really has a nice body that anyone could drool of plus his handsome face.

"Okay! Pwesto na models!"

Agad akong tumayo at hinubad ang robe, showing my body in a red one piece. Pumunta na ako sa gitna kung saan kami pipicturan at ganoon din si Keegan na mukhang natigilan pa.

Lumapit ako sa kaniya at bumulong.

"Naabala pa kita. Sorry."

"Ayos lang pero hindi ako magaling sa ganito," nahihiya niyang sabi.

"I'll guide you," I said and winked at him.

Keegan's Pov

"Just feel your body at sundin mo lang ang sinasabi ng photographer. You have a nice body, Kee. Be confident," bulong sa akin ni Arilyz.

I did what she just told me. Kinakabahan nga ako dahil hindi naman ako sanay magpicture! Model pa! And I guess this will be seen by many people. Halos nakahubad pa ako.

Ang plano ko lang naman ay bisitahin si Arilyz. But anyways, it's better this way. I don't think I'd be able to watch her with other male models, wearing a sexy one piece bikini.

Heck, what I am thinking?

I put my hand around her small waist as what the photographer instructed. Tumingin siya sa akin at ngumiti. She seductively traced my chest using her finger. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Sunod-sunod naman ang ilaw na nagmula sa camera.

Sa dalawang layouts ay inabot kami ng isa't kalahating oras. Nakahinga naman ako nang matapos kami.

"Tara na?" aya ni Ari nang makalabas siya mula sa dressing room para magpalit ng damit.

I smiled and nodded. Nagpaalam muna siya sa mga crew at ganoon din ako bago umalis.

"Thank you ngayon ha? At sorry ulit sa abala," sabi niya habang papalakad kami papunta sa kotse niya.

"Ayos lang." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Nagtataka niya akong tiningnan. "Give me the keys. Ako ang magda-drive ngayon dahil mukhang pagod ka at inaantok."

"Ha? Kaya ko naman," sabi niya pero biglang humikab. Halatang inaantok.

"Tsk. Huwag nang makulit. Mamaya makatulog ka, mapahamak pa tayo."

Wala na siyang nagawa kun'di ibigay sa akin ang susi. Nakangiti ako habang sinusundan siya papunta sa kotse niya. Ako ang nag-drive sa aming dalawa pauwi sa kanila. Nang makarating kami ay tulog pa rin si Arilyz.

Hindi ko mapigilan na huwag siyang titigan. Parang ayoko muna siyang gisingin at dito muna siya. She's really a beauty even when she's snoring. I chuckled with what I thought.

Aliw na aliw ako nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse niya. Iyong lalaking sumalo kay Ari noong nakaraan na muntikan na siya mahulog sa hagdan.

Nawala ang ngiti ko sa labi at bumaba sa kotse.

"You again? Why are you with Arilyz?" tanong nito. Tindig palang hindi ko na nagustuhan. Mayabang.

"It's none of your business," sagot ko at umikot sa passenger seat para buhatin si Arilyz.

Humarang sa akin iyong lalaki.

"Let me carry her inside."

Napahinga ako nang malalim habang tinitingnan siya.

"Kaya ko. Ako na."

Pagak siyang tumawa sa sinabi ko na para bang may sinabi akong nakakatawa.

"You think makakapasok ka sa loob?" Mayabang siya ngumisi sa akin. "Kapag nakita ka ng ama ni Arilyz, you'll just put her into trouble. Ayaw pa naman ni Tito na may umaaligid sa kaniya na alam mo na."

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napaatras ako sa sinabi niya at hinayaan siyang buhatin si Arilyz na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Tiningnan muli ako ng lalaki.

"You know, Arilyz and her father are not in good terms. Huwag mo nang dagdagan pa ang pag-aawayan nilang dalawa. You don't belong in her world so no your place to stand."

Nakayukom ang kamao habang naglalakad ako pauwi sa apartment na tinutuluyan ko. I know. I know I don't belong in her world. Pero handa akong gawin ang lahat para makapasok sa kaniya. To be the man that deserves her. I am willing to do anything for Arilyz.

Siguro noon iniiwasan ko siya dahil alam ko talaga na hindi kami nababagay. Iniwasan kong humanga. But then, destiny gave me a chance to met her. To get to know her better. At iyong simpleng paghanga ay unti-unting lumalalim.

And I know, I have no escape. I will continue to go deep until I am drawn by this feelings.

I'll fight for it. Arilyz is worth fighting for. She is always worth it and she deserves the best in everything.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status