Share

2: Dinner

Arilyz's Pov

Umuwi ako ng bahay na pagod. Sobrang naenjoy ko naman ang ginawa ko kaya worth it. Wala ang parents ko ulit nang makauwi ako. I shrugged my shoulders at nagpalit na ng pampatulog. 

Kinabukasan, naabutan ko si dad na umiinom ng kape habang ang tablet nito ay nasa lamesa at parang may binabasa pa nga. 

"Good morning, Dad," bati ko sa kaniya. Tinapunan niya lang ako ng tingin saglit bago bumalik sa ginagawa. 

Umupo na ako sa tabi niya. Pabilog kasi ang lamesa namin na gusto ko talaga kaysa sa pahaba dahil hindi masyadong nakakalungkot kapag mag-isa lang ako kakain. 

Inilapag ng mga kasambahay namin ang breakfast. Simpleng fried rice lang at corn beef. Tahimik akong kumain habang si dad ay ganoon pa rin. Hanggang sa naubos niya ang kape niya at tumayo na siya, naghahanda para umalis. 

"Come home early later, Arilyz. Darating ang isa sa mga client ko," sabi ni dad. Tumango lang ako sa kaniya dahil alam kong hindi naman pwedeng humindi. 

Half day lang ang pasok ko ngayon dahil wala ang mga prof ko sa hapon. Magta-take lang din ako ng exam ulit at pagkatapos ay didiretso na sa gig ko ulit. Hindi kasi namin natapos kahapon ang isa pang lay-out dahil nagkaproblema sa susuotin ko. 

"Hindi ka ba nakatulog lately, girl?" sabi ni Arthur, my make up artist for today's gig while putting a concealer under my eyes. 

"Yeah. Stressed sa acads," dahilan ko which is true dahil focused ako sa pag-aaral para mahabol iyong bagsak kong exam. Ayoko nang masermonan dahil baka pigilan na talaga ko ng mga magulang ko sa pagmomodelo. 

Nagchikahan pa kami ni Arthur habang hindi ko mapigilan mamangha sa ginagawa niya sa mukha ko. He's great! Sa lahat ng nakatrabaho ko, siya ang pinakagusto ko.

"Alam mo? Ang ganda mo, Arilyz. Ayaw mo bang i-push to the highest level ang pagmomodelo? May kakilala ako na nagtratrabaho sa isang modeling agency sa New york. Ipasa mo lang sa akin ang portfolio mo at ako ang bahala sayo." 

Namangha ako sa sinabi niya at gusto sanang gawin pero naisip ko ulit ang mga magulang ko. Panigurado kasing tututol sila. At isa pa, kaya ko ba? Paano kung i-risk ko at hindi ako magtagumpay? What if I failed? 

"Pag-isipan mo ang sinabi ko, Arilyz. Naku! Ang ganda-ganda mo pa naman. Sayang opportunity!"

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Natutuwa dahil may nakakita ng potential ko. Nagbihis na ako ng puting dress para sa shoot na iyon. Sinuotan na rin ako ng mga alahas na ipopose ko. 

"Turn around, Ari then pose. There! Good job!" I followed the photographer asked me to do. I smiled when I hear their compliments. 

This is what I love doing. This is where I am good at. Sa tuwing nagpopose ako sa harap ng camera parang ibang Arilyz ako. Hindi ko maipaliwanag pero masarap talaga sa pakiramdam na magawa ang mga bagay na gusto mo. 

Natapos namin ang last na lay out and it's a wrap. It was an exhausting day but I enjoy. Pinuri pa ako ng mga staffs lalo na ng photographer dahil ang gaganda raw ng mga shoots ko. Natuwa naman ako roon. Nakakaganda ng loob na nagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Mas lalo pa ako naexcite na kukunin nila ako ulit para sa susunod na labas ng mga jewelries ng may-ari next month.

Paniguradong madadagdagan na naman ang savings ko. Simula noong tumanggap ako ng mga gigs sa pagmomodek ay nagsimula na rin akong kumita. I don't want to spent too much of my parent's money. Ewan ko, parang hindi lang tama sa akin. Kaya simula noong kumikita na ako since high school, pera ko na ginagamit ko mostly sa mga expenses ko. 

I started posting my pictures in i*******m before. Marami akong likers because I knew a lot of people at madalas din kasi ako lumabas labas noon pa. Sumasali din ako sa mga contest sa school kaya kilala talaga ako halos karamihan sa mga schoolmates ko.

Then one time, a gay named Gino Gumabao dmed me in i*******m asking me if I would like to pose for a brand. I remember it was just a small jewelry brand pero kahit ganoon sobrang saya ko at naenjoy ko talaga. Hanggang sa makilala ako at inofferan ng iba't ibang brands.

Nakilala ko na rin si Zoe na isa sa mga trusted person ko talaga at naghahandle ng mga gigs ko. 

Right then, I knew that modeling is my dream. Iyon ang gusto ko. Gusto ko sana mag focus sa career ko pero I just can't leave school. For sure, magagalit ang mga magulang ko and might disown me. I don't think I can live alone at a young age. 

Kaya pinagsabay ko nalang, kahit ayaw ko sa course ko. I have no choice but to obey my parents hanggat nasa pangangalaga nila ako. Kaya nag-iipon talaga ako para makalipat na ng bahay. I want to live alone. I want to heal myself. At sa tingin ko magagawa ko lang iyon kapag lumayo ako sa mga magulang ko. 

Umuwi na rin ako kaagad dahil nga sinabi ni Daddy na umuwi ng maaga. Nandoon na ang mga parents ko sa bahay ng makauwi ako. Hindi na ako nagtaka nang may makitang mga pagkain sa lamesa na minsan lang mangyari, kapag may bisita lang. 

Kunwari happy family kami. Kunwari masaya kami. Kunwari tahanan ito kahit na hindi ko ramdam at para sa akin, simpleng bahay lang. 

Pagkatapos kong magbihis ng presentable na damit para sa bisita ni Dad ay bumaba na ako. 

"Oh, nandito na pala ang anak ko." Pinilit kong ngumiti nang makita ang bisita ni Dad. May bahid na saya sa boses ni Daddy nang sabihin niya iyon kahit na alam kong pakitang tao lang. 

"Mr. Uy this is my daughter, Arilyz," pakilala ni Dad. "Arilyz, si Mr. Uy client ko at ang anak niya si Stephen." 

"Good evening po." 

Napatingin ako sa lalaking nasa lalaking nasa likod ni Mr. Uy. Ang laki ng ngiti niya at hindi ko nagustuhan ang pagpasada niya ng tingin sa katawan ko.

Tahimik kaming kumain habang nag-uusap sila Mr. Uy at Dad tungkol sa trabaho nila. Gustong-gusto ko na umakyat at magkulong sa kwarto. Ayaw na ayaw ko talaga sa tuwing may bisita si Dad. Nakakapagod lang magpanggap at ngumiti. 

"Balita ko sa Earist din nag-aaral itong si Arilyz?" tanong ni Mr. Uy. Ito ang pinakaayaw ko na tagpo. "Doon din nag-aaral ang anak ko. Anong course mo, hija?" 

"Marketing po," simpleng sagot ko. 

"Marketing? Si Stephen ay sunod sa yapak ko, nag-law din! Ayaw mo bang gayahin ang Daddy mo?" 

"Hindi po ako interesado." Napakagat ako ng labi. Gusto ko na mabaling sa iba ang usapan. 

"Naku, Mr. Uy. Sa mga walang kwentang bagay lang yan nagkakainteresado. Hindi ko nga alam kung anong mararating niya sa buhay. She never listen to me."

Mas napadiin ang kagat ko sa labi dahil sa narinig. Hindi na sumagot si Mr. Uy ay iniba na ang usapan. Hindi sinasadyang nagtagpo ang mata namin ni Stephen at naka-ngisi na naman siya sa akin. 

Umalis na rin sila pagkatapos kaya umakyat na rin ako sa kwarto ko. Tapos na rin ang pagpapanggap! 

Sabado kinabukasan kaya nag-decide ako na magshopping. Kailangan ko rin kasi bumili ng mga damit dahil may shoot kami next week sa La Union. Sa beach iyon kaya naeexcite ako dahil ang tagal ko nang hindi nakakapag-beach. 

Pagkatapos ko naman mamili ay dumaan ako sa salon para magpa-trim at treatment. I also got my nails done kaya tuwang-tuwa ako. Ito ang paborito kong araw. Self day! 

Dapat magkaroon din tayo ng oras sa sarili natin. Learn also to take care of yourself and treat yourself. We deserved it. 

Kumain ako sa isang restaurant at nagcheck ng phone ko. May mga text sa akin ang ibang kilala ko at may text din si Dave ng limang beses! 

'Ari. Sorry! Pinagsisisihan ko na ginawa ko last time.'

'Let's talk, please?'

'I want you back. Give me anotber chance?'

Napairap nalang ako sa mga text niya at binura ang mga iyon kasama ang number niya. 

Nang linggo ay naglinis lang ako ng kwarto at gumawa ng school works. Nang maghapon na nagbihis ako dahil nagyaya ang aking mga girlfriends mag-bar. 

"One tequila, please!" I ordered. Hindi na bago sa akin uminom. Sanay na ako at hindi naman madaling malasing. 

"God, si William! Ayaw akong tantanan," inis na sabi ni Venice and drink a shot. Napahalakhak ako. Si William iyong naka-one night stand niya. This is always what we talked sa tuwing magkakasama kami, ranting about our exes. 

"Si Dave din. Nagtext kanina lang, " sabi ko. I rolled my eyes as I remembered the text. 

I want you back my ass. Bahala siya. I already cut ties with him the day he broke up with me. Wala ng balikan. Isa pa, I realized that we are not compatible to each other. Wala naman talaga kami nararamdaman para sa isa kaya kahit ako talaga subok at balikan hindi ko ginagawa dahil alam kong mauuwi din sa break up ulit. 

"William is a good in bed though pero hanggang doon lang talaga. Masyado siyang mahangin. I hate it!" 

Napahalakhak ulit kami. We continued chatting about boys until midnight. Nagsayaw rin kami at syempre hindi mawawala ang pakikipagmake-out. I enjoyed it. Ganitong panahon ko lang nararamdaman that I am free. Nag-decide na akong umuwi nang maalala kong may pasok bukas at baka malate ako. 

As usual, walang tao pag-uwi ko. Siguro ay tulog na ang mga magulang. I shrugged my shoulders and went up to my room. Sanay na rin naman ako and honestly, mas gusto ko pang huwag silang maabutan sa bahay.

The next day, I spent my whole day in school. After class ay pumunta akong library para tapusin ang iba kong school works para hindi ako tambakan dahil may mga gigs ako sa mga susunod na araw. Kapag sa bahay ko kasi ginawa ay paniguradong tatamarin lang ako. 

I chose a seat next to the window kaya kita ko ang mga naglalaro ng soccer sa field. Suddenly, a young man sat in front of me. Nagulat ako nang makita ang lalaki sa seven-eleven! He put his backpack beside him before he run his fingers through his hair. 

"You again, huh?" he murmured and the corner of his lips rose a bit. 

Doon ko lang siya napagmasdan mabuti. I like the soft features of his face kaya kahit noong nakaraan ay alam kong galit siya sa akin pero hindi pa rin halata. He's also tanned na talagang bet ko sa lalaki. 

"Can I sit here? That's actually my usual spot but unfortunately. . ." he shrugged his shoulders while looking at me. 

"Uh, gusto mo bang umalis ako? I can find another seat—"

"No, it's fine. Hindi naman kita pinapaalis," mahinahong sabi niya at binuksan na ang libro para magbasa. 

I stared at his long lashes for a moment. His pointed nose and his thin lips that were pressed together. I cleared my throat realizing that I am staring at him! Now, how can I focus in my schoolworks when he's here? 

"Ahm. Sorry nga pala last time at mukhang importante iyong folder. Hindi ko naman sinasadya." I bit my lower lip. Gusto ko lang mag sorry sa kaniya properly. 

"It's fine. What's done is done. Besides hindi naman ako kontento roon sa una kong gawa. I had the chance to change my work, thanks to you." He raised his head and look at me. There's a small smile on his lips that made me stunned for a second. "Stop saying sorry, Missy." 

"But I felt guilty about it. Is there something I can do para makabawi? Perhaps sa dinner later? My treat!" 

Doon na siya napahalakhak. Shit. Did I say something wrong?

"Are you somehow asking me out?" he asked, still chuckling and amused by what I've just said. 

Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin kanina! Gusto ko lang makabawi! 

"N-no! Gusto ko lang makabawi becuase I thought I caused you a trouble—" 

"And just like what I said, you didn't? So, stop thinking about it." Napailing siya at bumalik sa pagbabasa. 

I pursed my lips to stop talking. I hate myself because somehow I felt rejected. Like what the hell? Kasalanan niya 'to! Bakit niya kasi naisip iyon. 

"But on the second thought, I'd like to have a dinner with you. Sayang ang libre." Tumawa siya siya saglit. "But you need to finished your school work first and stop staring at me." 

"I'm not staring at you!" giit ko. 

"Okay," he said and laughed. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kahit na iyon naman ang totoo! 

Oh, god. He just love to tease me! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status