Share

3: Safe

Arilyz's Pov

Sinubukan kong magfocus sa mga dapat kong gawin kahit na hindi ko alam kung tama ba ang mga ginagawa ko. My forehead were creased while my lips were slightly pouted. I could see in my peripheral vision that the guy's chuckling as he glanced at me. 

I suddenly have an urge to punch him. Talagang nagpipigil ako. Bakit parang bigla kaming naging close? Bakit parang natural na sa kaniyang asarin ako? We doesn't even know each other's name! Ako na nga ang bumabawi, ayaw niya pa. Psh.

"Hey, I'm sorry if I pissed you off okay?" sabi niya at sinara ang libro na binabasa. 

"Look at me, gorgeous," he whispered. 

I could feel my cheeks heated. Inis na napatingin ako sa kaniya. I hate what I am feeling right now! 

"Tapos ka na ba?" tanong niya at sinulyapan ang papel ko. 

Umiling ako sa kaniya. "Baka mamaya pa ako matapos," sabi ko. In just a snapped, nawala ang inis ko. The hell? Tinawag lang akong maganda? A lot of people told me that! 

"Okay. Maaga pa naman. I'll just wait for you." 

He really did wait for me kahit na natagalan ako dahil hindi ko masyadong nagets ang isang subject. Inabala nalang niya ang sarili niya sa pagda-drawing.

"Pasensya na natagalan ako," sabi ko and started fixing my things. Nagmadali ako dahil nahihiya akong pinaghintay ko siya. 

Well, pwede naman siyang umalis but he chose to wait for a free dinner! Iniisip ko kung sakto ba ang dala kong pera at baka kung saan kami kumain. 

"It's fine." He smiled at me. Nag volunteer siyang bitbitin ang gamit ko pero tinanggihan ko siya. Hindi ko naman siya boyfriend at kaya ko naman. 

Nabang naglalakad palabas ng campus, I realized that I still don't know his name! Kanina pa kami nag-aasaran at nag-uusap pero hindi pa rin kami magkakilala. Ang awkward tuloy. I am walking with a stranger! Idagdag pa na pinagtitinginan kami ngayon. Siguro iniisip nila na si Keegan ang bago kong biktima, lalaki, boyfriend o kung ano-ano pa. Napairap nalang ako. 

Pinagmasdan ko ang likod ni Keegan. Mas nauna kasi siya sa akin ng kaunti. Sa totoo lang, mas gwapo si Keegan sa lahat ng naging boyfriend ko. Fit na fit pa ang katawan. Hindi ko maiwasan titigan ang biceps niya na hapit na hapit sa fit na pulang polo shirt na suot niya at pinartneran niya ng maong pants. Simple at walang kahit anong arte pero ang lakas ng dating. No wonder na pinagtitinginan din siya ng mga babae sa school. 

Nakakapagtaka lang na hindi ko siya kilala. Ang ganitong klaseng lalaki ay paniguradong kilala ko. O baka naman hindi lang talaga ako nagagawi sa department niya na halata namang hindi business at something about art stuff yata ang course niya. Nagkabit balikat nalang ako.

"Hey!" I called him out. Tumigil naman siya at humarap sa akin. Pumantay ako sa kaniya at nagsimula na ulit lumakad.

"What's your name? I just realized that we still don't introduce ourselves to each other." Inayos ko ang buhok ko na nilipad ng hangin at tumingala sa kaniya. "I'm Arilyz, by the way."

"Keegan," he said with a slight smile on his lips. 

"Okay, Keegan," I breathe out. "Do you have a car?" tanong ko. 

"Uh. No." Mukha pa siyang hesitant na sagutin ako. Ngayon lang ako nakakilala rito sa school na walang sasakyan. Lalaki pa!  Siguro ay nagcocommute siya. Hindi naman issue sa akin iyon.

"I brought my car with me kaya ako nalang ang magda-drive," suggestion ko. Wala naman problema sa akin iyon. 

"No. I don't have a car but I can drive. I'll drive your car, is that okay?" Tumango nalang ako sa kaniya. Okay lang naman sa akin kahit ano. 

Siya nga nag-drive ng kotse ko. Hindi ko pa alam kung saan kami kakain but I'm craving for sangyup. 

"Is it okay if mag sangyup nalang tayo? I know dapat tanungin kita kung saan mo gusto but I am craving for it." I pouted my lips and looked at him. 

Natawa naman siya. I noticed na mahilig siyang matawa at ngumiti. Bagay sa kaniya dahil mas lalo siyang nagmumukhang mabait. 

"Ayos lang naman sa akin kahit ano."

Nakarating na kami sa mall at pumunta sa Sangyupsal. Hindi na ako makapaghintay sa order namin habang si Keegan naman ay nakatingin lang sa akin at minsan at natatawa lalo na sa reaction ko. 

"Anong course mo, Keegan?" tanong ko nang unti-unti nang nabubusog. 

"Architecture," sagot naman niya. Hindi ko mapigilan mamangha kahit na may hinala na ako na iyon nga ang course niya. 

"Wow! Sorry talaga natapunan ko mga gawa mo." 

"Ayan ka na naman. Stop saying sorry, okay?" 

We talked a lot while eating. Hindi ko na nga naisip magbar ngayon because I'm in the good mood. Masaya kausap si Keegan. He's humorous and funny. Mas lalo akong naamaze nang malaman kong scholar siya sa school namin at nagpapart time bilang bartender sa isang bar! How come hindi ko siya nakilala? 

"It's because you're attention was not on me," he stated as a matter of fact. Hindi ko na napapansin ang mga bartender because I am busy drinking, dancing and so whatever. 

"So, kilala mo na ako?" 

"Yeah, who wouldn't know you?" 

I pouted. I hope kilala niya ako sa good side at hindi sa bad side na kilala ng iba. Marami pa naman kumakalat na chismis sa akin kahit na hindi naman iyon totoo. Sa unang pagkakataon, nahuya ako tungkol doon. 

Natapos kaming kumain at dumating na ang bill. Gusto niya pang magbayad pero hindi ko siya hinayaan. Like what I said, pambawi ko ito sa kaniya. 

Pagkalabas namin sakto naman na tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay si Zoe ang nag-text. Pinaalalahanan ako tungkol sa shool ko bukas ng hapon ay kailangan ko raw bumili ng yellow ma dress! 

Nahihiyang tumingin ako kay Keegan na nakatingin lang din sa akin. 

"Uh. Pasensya na pero kasi may bibilhin pa ako. Okay lang ba na mauna ka na o pwede mo rin ako samabahan? It will be quick, kailangan ko lang bumili ng bagong dress para sa shoot ko," nahihiyang tanong ko sa kaniya. Good thing, pumayag naman siya kaya napangiti ako. 

There's a part of me that wants to be with him pa. Dumiretso kami sa isang store and I picked dresses na isusukat ko. He patiently waited for me. 

"Is this okay?" tanong ko habang pinakita sa kaniya ang suot kong 

backless red dress. He looked stunned for a moment bago tumango. 

"But I think, this suits me better," sabi ko at itinaas ang isa pang puting dress na tube naman. 

"Anything suits you, Arilyz," sabi naman ni Keegan. Bolero! I chucked and decided to buy the two dresses. 

"Thanks for tonight, Keegan," I said. "Ako na ang magdadrive pauwi sa inyo or may pupuntahan ka pa?"

"Wala na." Umiling siya. "And I'll drive you home, Arilyz. Magcocommute nalang ako pauwi." 

"No! Ako na, Keegan. It's fine. Mahihirapan ka pa eh!"

Ilang minuto kaming nag-away kung sino ang magda-drive pero sa huli ay hindi siya nanalo sa akin kaya wala siyang nagawa. Ayoko naman kasi na pabalik-balik siya kapag siya ang nag-drive. Nakakahiya 'yon! 

Hinatid ko siya hanggang sa apartment na malapit sa school. 

"Salamat sa libre, Arilyz. Sa susunod ay ako naman." Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. 

Shit. May next time pa? The thought of seeing him again excites me.

"By the way, can I get your number? Para masiguro kong makauwi ka ng maayos." Iniabot niya sa akin ang phone niya. 

Natigilan pa ako saglit. This is the first time someone asked me my number para malaman kung nakauwi ba ako ng maayos. I don't know what to feel. Kinuha ko ang phone niya and typed my number. 

"Drive safely okay? Text me when you got home," paalala niya sa akin. 

"Yeah, sure. Take care, Keegan." 

Umalis na ako roon. Nakita ko pa sa rear mirror na nakatanaw siya sa sasakyan ko. I sighed. Keegan made me feel something I can't name and I don't know if it is good for me.

'I'm home! Thank you ulit, Keegan :)' 

The first thing I did was to text him when I entered my room. I was smiling like a silly girl who just got noticed by her crush. Nag-shower muna ako at nagpalit ng pangtulog bago ulit tiningnan ang cellphone ko. May tatlong text mula sa kaniya.

'glad you got home safe :)'

'thank you sa treat although hindi naman na kailangan. haha. i enjoyed the food'

'are you asleep now? have a goodnight, arilyz. sweet dreams.' 

I can't stop myself from smiling, parang mapupunit na nga ang labi ko. 

'goodnight too'

I replied and put my phone on my chest. I stared at my ceiling while smiling widely. This is the first time I felt like this. 

God, Keegan. What have you done to me?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status