Share

The Unlikely Business
The Unlikely Business
Author: ScarletteQueen

1 - The Plan

"It's not stupid, it's you, being an adult." Nakangiti na sabi ni Theresa bago muling sumimsim sa frappe nito. Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop na paborito naming tambayan kapag hindi kami busy sa trabaho.

I bit my lower lip. Bakit ko ba sinabi sa mga ito ang naisip ko'ng gawin?

"Seriously, Kat. Wala namang masama. Mabuti nga iyon, para hindi ka na masyado'ng out of place kapag medyo steamy na ang usapan ng grupo." Sabat naman ni Reiza. Sa aming apat ay ito ang pinaka liberated.

Well, lahat naman kami. Game din naman ako kaya lang, hindi pa talaga ako ready isuko ang virginity ko. Hanggang make out lang. My past boyfriends, who are by the way from college pa, nakuntento na din sa ganoon. Ako ang nakipag break dahil nawalan na ako ng interes sa kanila.

I tend to just like the chase and the challenge. Hindi naman ako kagandahan pero sabi nila, ma appeal daw ako kaya palaging may nagkakagusto sa akin kapag pumupunta ako in certian places. Thus, yung dalawang naging boyfriend ko, mga snob sa akin before. I did things para mapansin nila in a not so obvious way, tapos nanligaw sila. Nang sagutin ko na sila, nagsimula ako ma bored.

At hindi na sila nasundan pa. Naka focus na lang ako sa trabaho ko.

"Right. So mag isip ka na kung sino gusto mo pagbigyan nyan. Uso naman ngayon yan. Syempre kailangan sure mo na walang sakit at worth it. Tipong magiging memorable." Tila kinikilig na singit naman ni Zara.

"At syempre, yummy! Isang beses ka lang mawawalan ng virginity no!" Si Theresa ulit.

Then they all giggled.

"Mga sira talaga kayo, eh no? Tingin nyo sa virginity ko, bargain?" Naka nguso na sabi ko.

Muli silang nagtawanan.

"Nag suggest lang ako. I lost my virginity to Andrew Stevens, and believe me, kahit hindi kami noon at aksidente lang iyon, hinding hindi ako magsisisi." Patang tango pa na kwento ni Reiza.

All of us knows about it. All of us knows who got their virginities. Lahat sila sa college, and lahat din sila ay pulos crush nila ang naka kuha sa virginity nila. At so far, walang pinagsisisihan ang mga ito. They all look contented.

Ever since naman kasi ay open minded ako. Hindi ako tipong nag iisip na kapag kasal na, tsaka lang dapat. Although kung ganoon ang mangyayari, fine. Noon, naisip ko na rin na anytime ay mawawala na ang virginity ko. I don't think lightly of it. In fact, importante sa akin ito. Kaya lang, gusto ko ay bigla na lang mangyayari. Ayoko pagplanuhan.

"So it's settled. Aalis ka na naman na bukas. Ayaw mo noon, new country, new beginning, tapos hindi ka na virgin?" Pilya na sabi ni Zara.

"Correct. Susuportahan ka namin. Mamaya na natin gawin. Sino ba ang bet mo?" Si Therese taalaga ang pinaka persistent.

Hindi ako agad nakapag salita.

Siniko ako ni Reiza. "Hoy, ano? Nganga na lang tayo dito? Suportado ka naman namin, eh."

"Change topic na nga. Wag na lang." Nahihiya na sabi ko.

Tumawa yung tatlo. "Wag kang estupida, Katrina San Sebastian. Ito na 'yon. This is it. Mamaya magka clubbing tayo. Okay ba yon? Doon ka mamili. Isasama kita sa club that i frequent, madaming hot and yummy doon." Si Reiza iyon. Ultimate party girl. Unica hija kasi, kaya spoiled.

Napangiwi ako. "Ang pokpok lang ng dating?"

Tinapik ako ni Zara. "Basta, kami na bahala."

"Eh.. ayoko ng kung sino lang." Agad na bawi ko. Ayoko man aminin pero na excite ako sa katotohanan na may choice ako kung kanino ko gusto tapos tutulungan nila ako.

Lahat sila lumapit sa akin.

"Oh, eh sino ba gusto mo?" Naka ngiti na tanong ni Theresa.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "J-Julian. Si Julian."

Nabilaukan mula sa iniinom na frappe si Theresa ng sabihin ko iyon, tumawa naman sila Zara at Reiza, napa awang lang ang labi ko sa kanila.

"Are you seriously considering that ice man?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Zara.

"W-why not?" Naka simangot na tanong ko. Akala ko pa naman susuportahan pa rin nila ako.

"My God, Katrina. I knew it! Umaasa ka pa rin kay Julian." Si Reiza iyon.

We all knew Julian dahil sa iisang University kami pumapasok. Julian has been famous for his suplado and over achiever attitude kaya kahit gaano man ito ka gwapo at kayaman, hindi rin ito malapitan ng mga babae na patay na patay dito.

In my case, nakakausap ko sya dahil personal assistant ng Daddy ni Julian si Papa. One time ay isinama ako ni Papa sa mansion ng mga Scott at doon ko nakita si Julian. Ever since then, sya ang naging ultimate crush ko. Hanggang mag high school at college at ngayon na may trabaho na ako.

"No! I mean, di ako umaasa at never ako umasa sa kanya. It just happens na hanggang ngayon ay crush ko pa rin sya. At kayo ang nagtanong kung sino ang gusto ko, at sya lang." Matigas na sabi ko.

Nawala ang ngiti nang tatlo tapos nagtinginan sila bago nagsalita si Zara.

"Alright, alright. Consider this our gift since aalis ka na bukas at for sure, matagal tayo'ng hindi magkikita kita after this." Sa Centero nagtatrabaho si Zara, sa maketing department nila. Pag aari ng pamilya nila Julian ang Centero.

Lahat sila nag apply doon, si Zara lang ang mapalad na natanggap. Ako naman, well, hindi ko pinangarap mag trabaho doon. Unang apply ko sa company na pinagtatrabahuhan ko, natanggap naman ako. Pero pakiramdma ko kasi, kulang pa rin kahit na wala naman na kami pinapa aral. Gusto ko magtayo ng bahay at business at sa sweldo ko, pakiramdam ko kahit isang dekada, hindi mangyayari iyon.

Pumunta ng Canada ang panganay ko'ng kapatid na si Ate Karen five years ago. Tumulong sya sa pagpapa aral sa akin. Nang magka trabaho ako, nagtulong kami ni Ate sa pag aaral ni Kevin, yung bunso. Ngayo'ng graduate na si Kevin, may work na rin, ako naman ang nag plano pumunta sa Canada.

Si Papa naman, kahit pinapag resign na namin bilang assistant ni Mr. Adler Scott na Daddy ni Julian, ayaw pa rin nito. Sya na lang daw ang mapagkakatiwalaan ng tumatanda nang si Mr. Scott.

"Ganito, i'll try to ask David para ayain si Julian." Si David ang bago'ng boy toy ni Zara, na fortunately ay close friend ni Julian.

Nagningning ang mga mata ko. "Talaga?" Pero agad iyon napalitan ng lungkot dahil alam ko na hindi naman mahilig mag clubbing yon. "Pero ayaw kaya nun sa mga club at bar!"

"I know. Kaya sasabihin ni Zara kay David na birthday ko at doon tayo sa condo ko." Si Reiza naman iyon.

"Ayos ha? Planado'ng planado?" Natatawa na sabi ko. "Para tayo'ng nagpaplano ng rape." Napangiwi ako sa idea.

Natawa kaming lahat.

"Hindi naman. Iseseduce mo sya, hindi mo sya re rape-in!" Bawi ni Theresa.

So it's settled.

Napag usapan namin na umorder na lang ng pagkain at didretso na kami sa condo ni Reiza. Zara called David at pumayag naman ito. Kaya lang hindi ito nagbigay ng guarantee na makakasama si Julian dahil busy daw ang mga tao sa Centero.

"Panao kapag hindi sya pumunta?" Tanong ko sa kanila.

Kasalukuyan na naming inaayos ang mga pagkain. Medyo naglinis na din kami ng condo ni Reiza at nag handa ng mga alak at kakailanganin.

"Believe in me, my dearest friend. Sinabihan ko din sila Jones." Sabi ni Zara habang inaayos ang pagkaka kabit ng painting sa wall ng sala.

Jones is also one of Julian's close friend.

I sighed. Sana lang. Doble ang kaba ko, eh.

Kinakabahan ako sa plano ko, kinakabahan din ako kung pupunta sya.

How can i seduce the Julian Darl Scott? Eh sa pangalan nya pa lang, ako na ang naseseduce?

Evening came and umuwi muna ako. Sinabi nila na dapat ay late ako dumating ng kaunti dahil malamang na gabi na rin pumunta ang mga ito.

I chose a not so revealing dress. Well, hindi naman ako nagsusuot ng revealing na damit. Sabi lang nila, kailangan medyo revealing ang damit ko para mas madali. Magpakita daw ako ng cleavage at legs. I had to choose my shortest dress i have. Hanggang gitna ng legs ko ang haba.

They sent me a message na dumating na daw yung tatlo kaya pumunta na ako.

Muntik ko na mabitawan ang bago ko'ng cellphone nang mabasa ko iyon.

Shit! Julian came. Julian came. Julian came! Para ako'ng tanga na pinapaulit ulit iyon.

Ilang beses pa ako'ng tumingin sa salamin bago magpasya na umalis.

Sa tapat naman kasi ng inuupahan ko'ng apartment ay may masasakyan na agad na mga dumadaan na taxi. Nakailang retouch pa ako ng make up habang nasa taxi. Ilang beses pa ako umusal ng dasal habang nasa elevator paakyat sa unit ni Reiza.

"Shit. Ayoko na." Bigla ko'ng nasabi nang nasa tapat na ako ng pinto ng condo ni Reiza. Parang tambol sa lakas ang kabog ng dibdib ko.

Pipindutin ko na sana yung code, pero napatigil ako. I heard the door clicked, so it mean mas lalabas. Shit! Shit! Tumalikod ako at akmang aalis na, nang may tumawag sa akin.

"Katrina?"

Mariin ako'ng napapikit. Ninamnam ko yung pagtawag nya ng pangalan ko.

Tapos humarap na ako sa kanya. "U-uy, J-julian.." Nangangatal pa ako.

He look so damn perfect in his grey button down polo that complimented his grey eyes. His sleeves were folded up to his elbows at naka black slacks ito. His facial hairs were visible at mas lalo pa yata iyo'ng pumti. Nakakahiya tuloy tumabi sa kanya.

Labas na labas ang pagka British nito. Pinay ang Mommy ni Julian at nakilala ko na rin si Mrs. Scott. Housewife sya at sobrang bait.

"Hey." Tumango sya sa akin. "Kanina ka pa yata hinihintay nila Zara." Sabi nya. Lumabas na si Julian ng pinto at sumara na iyon.

"Ah, o-oo. Kakarating ko pa lang. I-ikaw? A-aalis ka na?" I bit my lower lip after. Bakit ba ako kinakabahan? Ayoko magmukhang tanga sa harap ni Julian.

Civil naman kami mag usap ever since dahil nga sa nature ng relationship ng Papa ko at Daddy nya. Medyo close din sila ni Papa, eh.

"Ah, nope. Naiwan ko yung gift namin para kay Reiza sa kotse, kukunin ko sana." All the time na nagsasalita sya ay parang nahihipnotismo ako sa mga labi nya. "Sama ka, gusto mo?"

Nagpantig sa tenga ko yung huling sinabi nya. "Ah, o-okay lang ba sayo?"

Tumango si Julian. "Tara." Tapos nauna ito maglakad sa akin.

Ngumiti ako nang wala sa oras. Damn. Pagkakataon nga naman.

Habang nasa elevator kami, hindi ko maiwasan na sumulyap sa kanya. Kaya ko bang iseduce to'ng lalaking ito? Ang dating eh parang ang desperada ko.

Pero haller! Wala naman mawawala sa kanya. Sa akin meron, at okay lang sa akin. mag iinarte pa ba yan? At plano naman namin na lalasingin lang ng tama si Julian. Sila Reiza na daw ang bahala kila David at Jones.

"May dumi ba ako sa mukha at hindi mo masabi?" His husky voice resonated in the elevator.

Automatic na napatingin ako sa kanya. "Ah w-wala. Pasensya na. Ang tagal na kasi nating hindi nagkita. Bagay pala sayo may facial hair." Nasabi ko na lang, which is totoo naman.

Then he chuckled.

Wide eyed na tiningnan ko sya. Damn! Si Julian tumawa! Sa harap ko pa!

"Really? It's a first. Most of them tells me i looked stressed." Sabi nito pagkatapos. Straight ang tingin nito sa pinto ng elevator doors na mistulang salamin.

"H-hindi kaya. Mas naging gwapo ka." Mahina lang iyon, at hindi ko inaasahan na maririnig nya.

"Thanks." I heard him said tapos agad na naglakad palabas ng elevator when the door opened.

Aagd naman ako'ng sumunod sa kanya.

We went into his car tapos binuksan nya iyon. Ako na ang nagdala nung isa'ng box. Tatlo kasi iyon. Malamang na tig iisa sila.

Napanganga pa sila Reiza, Theresa at Zara nang sabay kaming bumalik ni Julian.

"Here's our gift." Inabot namin ni Julian kay Reiza yung tatlong box na naka awang pa rin ang labi ng tatlo.

"T-thank you.. K-kung tapos na kayo kumain, ilalabas ko na yung wine." Sabi ni Reiza. Kinuha nito yung mga regalo at inilagay sa estante na malapit sa terrace ng condo nya. "Girls, if you don't mind, patulong naman ako sa kusina." Sabi pa nito.

Hinila na ako ni Theresa at Zara papunta sa kusina.

"Oh my God! Bakit magkasama na kayo?" Agad na nakangiti na tanong ni Zara.

"Eh papasok na sana ako kanina nung palabas sya tapos inaya nya ako samahan sya na kunin yung regalo nga. Edi sumama ako." Tapos ngumiti ako. "Shit ang gwapo gwapo gwapo nya!" Nagtatalon ako pati. Hindi ko mapigilan ang kilig.

"My God! Lumaki ng lumaki ang success rate ng plano!" Sabi ni Theresa.

"Okay, ganito." Sumilip si Zara sa sala tapos muling tumingin sa amin. "Bakante yung upuan sa tabi ni Julian. Mauuna kaming tatlo para no choice ka na umupo sa tabi nya." Kinuha ni Zara yung bote na nasa counter. "Here, scotch. Favorite daw yan ni Julian sabi nung dalawa. Ikaw magdala nyan at mag tagay sa kanya."

Kanya kanya na nang kuha ang mga ito. si Zara naman nagdala nung isa'ng bote tapos tray na may mga baso. Si Theresa sa yelo tapos si Reiza sa dalawang bowl ng fresh fruits na nasa tray din. Nauna na sila maglakad.

Mag hintay daw ako ng five seconds bago sumunod and i did.

I bit my lower lip nang makita ko na umusog si Julian nang paparating na ako tapos tinapik yung upuan sa tabi nya habang nakatingin sa akin.

Gusto ko'ng magtatalon nang oras na iyon.

Matapos ko ilapag yung alak sa harap nya ay parang tumigila ng mundo ko nang makaupo na ako sa tabi nya at tumingin sya sa akin.

Yung lima naman sa kabilang side ay nag usap usap na.

"Tagayan na kita ha?" Tanong ko.

"Oh, sure. Sure." Sabi nya.

Kumuha ako ng baso tapos yelo tapos nilagyan ko na.

"How about you? Di ka ba iinom?" Nangunot ang noo nito nang tila hindi na ako kumuha pa ng isang baso.

"Ah, o-oo. Iinom." Tapos tumawa ako at kumuha ng para sa akin. "Cheers?" Tanong ko habang hawak ko yung baso ko.

"Cheers." Sabi naman nya tapos pinag untog ang mga baso namin at uminom na kami.

"Hey, scotch people. May sariling mundo na kayo dyan, ah." Maya maya ay rinig ko na sabi ni Reiza.

Napatingin kami sa kanila na ngayon pala ay naka tingin na sa amin.

"Pare naman. Ang ganda ng katabi mo tapos hindi mo man lang kausapin." Si Jones iyon. Sa rinig nya ay ito ang pinaka loko sa tatlo.

Kung baga may Reiza kami, sila naman may Jones.

"Shut up." Masungit lang na sabi ni Julian.

"Kita mo 'to. kaya kita inaya dito para mag loosen up, hindi para mag sungit." Si David naman iyon.

Hindi na sumagot si Julian at ito na mismo ang nagtagay para sa sarili nito.

Napa tingin ako kila Reiza nang makita ko na pinuno ng lalaki ang bsao nito, at ininum ng isa'ng inuman lang iyon bago muling nagtagay sa baso nya.

"May problema ka ba?" Natatawa na kunyari ay tanong ko.

He wiped his mouth using the back of his left hand. "Nah, i just missed the taste. Here." The he poured an ample amount at my glass too.

Nag OKAy sign si Reina sa akin.

So ang nangyari, kami ni Julian ang outcast dahil nakikinig lang kami sa kanila. Bihira kami magsalita at mag participate. Pero pasulyap sulyap ako sa kanya. Ang gwapo gwapo gwapo nya lang. Well defined yung panga nya tapos ang tangos ng ilong.

Biglang pumasok sa isip ko yung gagawin ko mamaya kaya bigla ako'ng naging uncomfortable kaya bigla ako'ng napa tayo. Pakiramdam ko mapapasok ako sa sobrang lapit namin ni Julian.

"Shit." Mahinang usal ko tapos bigla ako'ng tumayo.

Kaunti pa lang naman yung naiinom ko kaya di ko alam bakit para ako'ng nahilo.

"Hey!" Matutumba na sana ako nang may sumalo sa akin.

"Damn, are you okay, Kat?" I heard Theresa.

Mabilis ako'ng umayos ng tayo at nagulat nang makita na si Julian pala yung sumalo sa akin. 

"I'm fine. Nabigla lang ako pag tayo ko." Ngumiti ako sa kanila. "Punta lang ako comfort room." Sabi ko tapos naglakad na ako palayo.

Hindi ko alam kung ilang beses ako nagmura nang makapasok na ako sa bathroom. Iba talaga epekto sa akin ni Julian eh. Hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal sa bathroom nang katukin na ako ni Reiza.

"Bitch! What's taking you so long?" Bulong iyon pero mariin.

"Eh.. parang ayoko na ituloy." sabi ko nang buksan ko yung pinto.

"No! Ang effort na namin eh. Aalis ka naman na bukas. Wag na maarte!" Hinila nya ako palabas.

Pagbalik namin doon, kanya kanyang pwesto na si Zara at David. Nasa terrace sila ang God know kung nagme make out na sila. Madilim na kasi, city lights na lang kita at shadow nila. Sila Theresa at Jones naman, di ko alam kung nasaan na.

Pagtingin ko kay Julian, well, he's pouring some more scotch into his glass.

Itinulak ako ni Reiza. "Lambingin mo na. Humilig ka sa balikat, ganun. Lasing na yan." Bulong nya sa akin.

I bit my lower lip bago umupo ulit sa tabi ni Julian.

"Okay ka na ba?" Taas ang kilay na tanong nya sa akin bago uminom sa baso nya.

Imbes na sumagot ay linagok ko ang laman ng baso ko. "Ah, o-oo." Ramdam ko ang init noon sa lalamunan ko.

Julian smirked. "Looks like tayo na lang ang matini dito." Kibit balikat na sabi nya, then poured an amount sa glass.

Hindi ko na kailangan lasingin si Julian dahil malalasing sya ng kusa. Natawa ako sa naisip ko.

Ilang sandali pa at hindi ko na kailangan humilig sa kanya. Automatic na bumagsak yung ulo nya sa balikat ko. I stiffened. Nakiramdam ako pero hindi na sya gumagalaw.

"Fudge! He's drunk! This is it!" Mula kung saan sumulpot si Reiza.

"A-ano'ng gagawin ko?" Nalito ako bigla.

Tumawa si Reiza. "Tulungan mo ako. Dalhin natin sya sa kabilang kwarto." Reiza smiled wickedly.

Wala na ako'ng nagawa kundi sumunod.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status