Share

5

“I hope na maisama mo si Aled sa birthday ko if you don’t mind..” Sabi ni Judy.

Nagulat si Sandy dito nang bigla itong tumabi sa kanya sa classroom. Kasalukuyan syang nagsusulat nang kung anu-ano nang marinig nyang nagsalita si Judy.

Tiningnan nya ito. “Ha?”

Ngumiti si Judy. “Ikaw talaga, pa humble ka pa. Boyfriend mo pala si Aled, hindi mo sinasabi. Anyway, since ganun nga, you might as well bring him as your escort.”

Napanganga sya. “E-escort?”

Tumango si Judy. “Ah, don’t tell me na nakalimutan mo ang birthday ko? Sa susunod na araw na iyon.” Tila nagtatampo na sabi nito.

“Ah, eh hindi. Nagulat lang ako. Titingnan ko kung sumama sya. Hindi sya mahilig magparty.” Dahilan nya. Wala naman talaga syang balak na isama ito. Maiinis lang sya.

“I know. Remember, crush ko sya. Marami rin akong alam sa kanya. I was just taking chances, mukhang mahal ka talaga ni Aled. Sinundo ka pa talaga so, baka makumbinsi mo sya.” Parang nagdi-daydream na sabi nito.

Sa loob nya ay gusto nyang isigaw sa harap nito na hindi totoo ang relationship nila dahil kasunduan lang ito. Kung tutuusin ay parang mas bagay pa ang lalaki at si Judy.

Biyernes nang gabi ay inimbitahan nang mag-asawang Lyn at Renato sila Sandy kasama na ang mama at kapatid nito. Naghanda daw ang mga ito para sa isang simpleng hapunan.

Alas syete nang gabi nang marating nang mag-iina ang mansion. Muli ay ipinasundo ito sa driver.

“Wow, ang laki naman nang bahay nila mama.” Tuwang tuwang sabi ni Chloe.

“Ano ka ba Chloe, ang ignorante mo. Hindi bahay ang tawag dito kundi mansion.” Sabi ni Carina.

Sinaway ito ni Loreta. “Carina, watch your mouth.”

Tumahimik na lamang si Carina. Ilang sandali pa ay natipon na sila sa hapag-kainan. Naroon rin si Aled, na ikinagulat ni Sandy.

Masiglang nag-uusap ang mag-asawa at ang mama ni Sandy samantalang tahimik lamang ang mga bata at nakikinig lamang.

Nagulat na lamang si Sandy nang biglang banggitin nang mama nya kung pupunta sya sa debut party ni Judy kinabukasan sa La Vera hotel.

“Is it true hija?” Tanong ni Lyn.

Nahihiyang tumango si Sandy. Isa iyon sa mga bagay na hindi nya ipinagmamalaki. Magsusuot sya nang gown na ayaw na ayaw nya.

“Very well then. Aled can accompany you tomorrow night. How’s that?” Suggestion ni Renato.

Nanlaki ang mga mata ni Sandy.

Napatigil naman sa pagsubo si Aled. Liningon ito ni Sandy.

“Ah naku baka ho may gagawin pa si Aled bukas nang gabi, kaya ko naman ho pumunta mag-isa.” Dahilan nya. Ayaw nyang sumama ito. Tiningnan nya ang lalaki sa mata, pleading na wag sana ito pumayag.

Liningon naman ni Donya Lyn ang anak, asking his approval.

“It’s fine. I’ll go.” Sagot nito bago muling sumubo.

Tila nakahinga nang maluwag ang mag-asawa habang si Sandy naman ay tila nagkaroon pa nang problema. Bumuntong hininga sya.

“So it’s settled then. Mula sa school ay dito na kayo dumiretso bukas. I’ll call my personal stylist. Is it alright with you Loreta?” Tanong nang donya kay Loreta.

“W-wala hong problema madam.” Sagot naman nito.

Napangiwi si Sandy sa sagot nang mama nya. Naiinis na naman sya. Ilang lingo na lang at hindi na sya single, hindi man lang sya makapag-enjoy, lagi pa silang pinagsasama nang lalaki na iyon.

Naging mabilis ang oras kinabukasan. Sa ikatlong pagkakataon ay sabay silang pumasok ni Aled, at ikatlong beses din silang umuwi nang sabay. Araw-araw ay tatlumpong minuto nya itong hinihintay dahil nauunang natatapos ang klase nya rito. Nagkekwentuhan na lamang sila ni Renz.

May sasakyan si Renz kaya walang problema dito kahit medyo ma-late ito nang uwi. Mas lalo silang nagiging close nito sa araw-araw na pagkikita nila.

“Hey, I thought girlfriend ka ni Aled. How come na itong bakla na ito ang kasama mo tuwing lunch at hindi sya?” Nagulat si Sandy at Renz nang biglang may sumulpot na babae sa harap nila at sinabi iyon.

May kasama ang babae, mga kapwa estudyante rin. Malamang ay may gusto rin itokay Aled kaya ganoon ito. Hindi nya ito pinansin, ganun din ang ginawa ni Renz at tuloy-tuloy lang silang kumain.

Nagulat muli si Sandy nang bigla na lamang sya itulak nang babae. “Hey, I’m talking to you.” Matigas na sabi nito.

Natapunan nang juice ang suot na uniform ni Sandy. Sa galit nya ay tumayo sya at hinarap ang babae. Si Renz naman ay pinupunasan ang juice sa damit ni Sandy.

“Ano ba ang pakealam mo kung hindi sya ang kasama kong kumain tuwing lunch? Ikamamatay mo ba?” Tiningnan nya ito nang masama.

Nakipagtitigan din ang babae. Base sa itusra nito ay halatang pala-away ito, boyish kung kumilos bagamat mahaba ang buhok nito.

“Eh ano naman sayo? Wala ka ring pakealam kung gusto kong malaman.” Tila nangpo-provoke na sabi nito.

Umikot ang eyeballs ni Sandy. Walang sense kausap ang babae. Sa inis ay umupo syang muli ngunit bago pa sya makaupo ay hinatak nang babae ang buhok nya at sinabunutan sya.

Hindi sya agad nakapag react. Nalaman nya na lang ang ginawa nito nang pinipigilan ito ni Renz sa pagsabunot sa kanya.

Agad nya ring hinila ang buhok nito. Now they were creating a scene. Pinalibutan na sila nang ibang studyante sa canteen. Sa isip nya ay as long as hindi sya ang nauna manggulo ay makakaligtas sya sa gulo na iyon.

Sinampal sya nang babae. Doon talaga sya nagalit. Ang mama nya nga ay hindi sya sinasampal, itong babae pa na ito ang nakasampal sa kanya. Sinampal nya rin ito nang ilang ulit. Magkaheight lamang sila kaya madali para sa kanya na gumanti rito.

Galit na galit sya sa babae na sa tingin nya ay mapapatay nya ito. Nagulat sila pareho nang may pumigil sa kanila, kapwa malalaking lalaki. That’s when she realized, ang mga bodyguards iyon ni Aled.

“What are you doing?” Salubong ang kilay na tanong ni Aled na lumabas mula sa kumpol nang mga estudyante. Matiim ang titg nito sa kanya. Nasa itsura nito na hindi ito Masaya sa eksena na nakita.

Hindi nya ito sinagot. Napayuko sya sa hiya. Hinila sya ni Aled makalipas ang ilang segundo nang katahimikan at dinala sya sa clinic. Nagulat ang nurse nang makita ang dalawa.

Matapos malinis ang ilang kalmot sa braso at leeg ni Sandy ay nag-usap si Sandy at Aled. Sinusuklay ni Sandy ang buhok nya na sobrang nagulo. Pakiramdam nya ay napakadumi nya.

“What were you doing there? Bakit ka nakipag bugbugan sa canteen?” Palakad-lakad ito sa harap nang babae, hindi mapakali.

Hindi sumagot si Sandy. Sya pa ang sinisisi nito gayung hindi nito alam na ang babaeng iyon ang nauna. Hindi nya alam pero tila gusto nyang magtampo sa kaharap. Kung tutuusin ay dahil dito kung bakit sya napa-away.

“Cassandra, I am talking to you, for God’s sake!” Tila nanggigigil na sabi ni Aled. Tumigil ito sa harap nang babae, matigas ang anyo.

Nagulat naman si Sandy nang tawagin sya nito sa buo nyang pangalan. Hindi nya akalain na alam pala nito ang totoo nyang pangalan. Hindi nya pa rin ito sinasagot

“Sinabihan mo ako nang walang manners the last time. Pero sa ginawa mo knina, ayun ba ang may manners? My God. You’re acting like a child!” Pangaral nito.

Tumayo sya at sumagot. Hindi nya matanggap ang mga sinabi nito. “Kasalanan ko ba na araw-araw, iba’t-ibang babae ang humahabol at nang-aaway sa akin dahil sayo? Kasalanan ko ba na para nila akong papatayin sa titig knowing na girlfriend mo ako? Kasalana ko ba?!” Naiiyak na sabi nya. Muli syang napaupo sa clinic bed.

Napatigil sa paglalakd si Aled at gulat na nagsalita. “What?”

“Narinig mo naman diba? Dahil sayo ang lahat nang ito! Galit sila sa akin dahil girlfriend mo daw ako. Lahat sila gusto akong usisain! At yung babae kanina, bakit sa akin ka nagagalit? Sya ang unang nanabunot! Lumaban lang ako!” This time ay humahagulhol na sya na tila bata.

Pinagsalikop nya ang dalawang kamay at isinubsob doon ang mukha. Ang sama nang loob nya para sa lalaki.

Hindi naman makapagsalita si Aled. Nakatayo lang ito at nakatitig sa umiiyak na babae, tila nagdadalawang isip sa kung anu mang gagawin. Sa huli ay nagpasya ito na umalis.

Lalong napahagulhol ang dalaga sa ginawa ni Aled nang makaalis na ito. Pakiramdam nya ay parang b****a lang sya rito. Ni hindi man lang ito humingi nang paumanhin sa maling akala nito.

Ilang sandali pa ay may nag-abot nang panyo sa kanya. Si Renz. Sinundan sya nito at inalo.

“Girl, what happened? Bakit ka umiiyak?” Halata ang pag-aalala sa boses ni Renz.

Sa garalgal na boses ay ikiniwento nya rito ang ginawa ni Aled. Pati ang sama nya anng loob para sa lalaki.

“God knows na hindi ko ginusto ang nangyare Renz. Pero ako pa ang sinisisi nya. Nakakasar sya.” Umiiyak pa rin na sabi nya.

“Huwag ka nang umiyak, girl. Kahit nakakasar talaga yang soon to be husband mo, wala tayong magagawa. Hay nako. Tumahan ka na. Hindi nya rin naman nakita yung pangyayari.” Pag-alo ni Renz dito.

Nang mahimasmasan sya ay pinahiram sya nang isang set nang uniform nang nurse. Mabuti at may mga spare uniforms sa clinic. Mugto ang mga mata na pumasok sya sa sumunod na subject nya.

“Perfect!” exclaimed Ethan, ang personal stylist ni Donya Lyn. Inayusan nito si Sandy, nagtanong pa ito kung bakit namumugto ang mata nang babae ngunit hindi ito sinagot ni Sandy.

Lingid kay Sandy ay binilhan sya nang umaga rin na iyon nang gown ni Donya Lyn upang isuot nya sa party. Ang mga galos at kalmot sa leeg at braso nya ay natakpan nang make-up kaya bumagay talaga sa kanya ang itim na tube gown na pinasuot sa kanya.

Tumingin sya sa salamin at nagulat talaga sya. Hindi nya na halos makilala ang sarili nya. Itinaas ang kanyang buhok at linagyan nang mga bulaklak sa paligid. Hindi makapal ang make-up nya at ipinasuot din ni Donya sa dalaga ang isang pares nang hikaw nito.

Suot nya rin ang kwintas na bigay nang lolo nya, gayun din si Aled. Kasalukuyan itong naghihintay sa living room. Naka bihis na ito at talaga namang naguumapaw ang kagwapuhan nito, bagamat ayaw itong tingnan ni Sandy.

Bago iyon ay kinausap sya nang Donya kung bakit namumugto ang mga mata nya at may mga sugat sya. Sinabi nya rito ang totoo, ngunit hindi nya sinabi na dahil sa anak nito kung bakit sya sinugod nang naturang babae.

Habang pababa sa hagdan si Sandy ay malapad ang pagkakangiti nang Donya. Naaalala daw nito noong kabataan nito.

Tumayo si Aled nang makitang pababa na ang kanyang hinihintay. Hindi ito kinakitaan nang emosyon. Pinagtabi ang dalawa nang Donya.

“Ayan, bago kayo umalis, kailangan nang souvenir!” Ethan is holding a digital camera. Agad iyong nagflash, na ikinagulat ni Sandy.

Nakatatlong shot muna ang baklang stylist bago sila nito pinayagang umalis. Agad na naunang naglakad patungo sa kotse si Aled.

Ipinangako ni Sandy na hindi nya ito kakausapin mula sa gabing iyon. Naguguluhan na sya sa nararamdaman nya. Naiinis sya dito pero tila ayaw nyang galit ito sa kanya kaya nagtatampo sya dahil hindi muna nito inalam ang totoong nangyari kanina.

Lulan na sila nang kotse papunta sa La Vera hotel. Nagtext na rin sa kanya si Judy kung anong oras sya pupunta at kung kasama nya si Aled. Sinabi nya lang na papunta na sya, ngunit hindi nya binaggit na kasama nya ang lalaki.

Hindi nya alam kung bakit pero naiinis sya sa tuwing nagtatanong ang mga kaklase nya nang kung anu-ano about kay Aled. Hindi nya pa rin naman ito ganoon kakilala kaya panay “secret” ang sagot nya sa mga ito.

Pasado alas otso na nang marating nila ang hotel, at dahil kilala rin ang pamilya ni Judy ay may mangilan ngilang photographer ang nagkakalat at kumukuha nang pictures.

Nang makababa sila sa kotse ay may kumuha rin nang picture sa kanila, lalo na kay Aled. Pati mga simpleng bisita ni Judy ay kinuhaan din nang picture ang lalaki. Sabay silang pumasok nang lalaki at agad silang sinalubong ni Judy. Napaka ganda nito sa suot nitong baby pink gown.

Nagbeso sila nito. “God, akala ko hindi ka na pupunta.” Excited na sabi nito pero kay Aled nakatingin. Si Aled naman ay lumilinga-linga lang, nagmamasid.

Ngumiti sya. “Pwede ba naman yun.”

Ngumiti din ito. “O sya, follow me.” Naglakad si Judy patungo sa isang table, doon sila nito pina-upo. Tahimik lang na sumunod ang dalawa.

“Maiwan ko na muna kayo ha? I’ll assist some guests.” Paalam nito bagamat kay Aled na naman nakatingin.

Tumango lang si Sandy. Binalewala nya na lang ang pagtingin ni Judy kay Aled.

Makaraan ang ilang sandali ay nagsimula na ang program. Kasalukuyang isinasayaw nang isang lalaki si Judy nang makaramdan nang uhaw si Sandy. Nang may dumaang waiter ay kumuha sya nang isang baso nang wine sa dala nito. Not knowing na may kapaitan ang lasa noon ay tinungga nya ang laman nang baso upang magsisi sa huli.

Naubo sya sa lasa nang ininom nya. Tinakpan nya nang panyo ang bibig nya habang umuubo.

“Silly, that’s vodka. Hindi mo dapat agad inubos ang laman nang baso.” Tila amused na sabi ni Aled.

Inirapan lang ito ni Sandy. “Huwag mo nga akong kausapin.” Sabi nya bago muling tuloy tuloy na maubo.

Nagsalubong ang kilay nang lalaki. “Fine.” Tipid na sagot nito.

Inusog ni Sandy palayo sa upuan nito ang upuan nya. Ganoon din ang ginawa nang lalaki. Akala nang katabing babae ni Aled ay sinasadya nang binata na ilapit sa kanyang ang upuan ni Aled.

“Hi.” Tila kinikilig na bati nang babae, todo ngiti pa ito.

Tiningnan lang ito ni Aled at muling ibinaling sa nagsasayaw ang atensyon. Napasimangot naman ang babae.

Nang matapos ang cotillion ay sabay silang kumuha nang pagkain ni Aled bagamat hindi pa rin sila nag-uusap. Tahimik silang kumain. Matapos kumain ni Aled ay bigla itong tumayo. Hinayaan na lang ito ni Sandy. Naglakad-lakad din sya nang matapos na syang kumain.

Lumabas sya sa hall nang La Vera hotel at naglakadlakad sa garden noon. May mga ilaw roon na mapusyaw, at may mga bench. Napangiti sya. Perfect iyon para sa kanya. Habang papunta sa bench ay kinukuha nya sa purse nya ang kanyang mp3 player kaya hindi nya namalayan na may mababangga sya.

Nalaglag ang kanyang mp3 player at muntik na syang matumba ngunit agad syang nasalo nang nakabangga sa kanya. Napapikit at napatili sya nang bahagya.

“Miss, okay ka lang?” Malambing ang boses na tanong nang lalaki.

Agad syang nagdilat at tumayo nang maayos. Agad nyang dinampot ang kanyang mp3 player tsaka hinarap ang nakabangga sa kanya.

“Miss, I’m sorry. Nasaktan ka ba?” Muli ay sabi nang lalaki. Bagamat may kadiliman ay namukhaan nya ang lalaki. Pamilyar ang mukha nito. Tsaka nya ito nakilala.

“O-okay lang ako. S-sorry din..” Pagpaumanhin nya. Maglalakd na sana sya palayo ngunit hinawakan sya nang lalaki sa kamay.

“Sandali..” Mahinang sabi nang lalaki.

Muli ay humarap si Sandy dito. “B-bakit?” Napalunok sya. Parang bigla syang nilamig nang hawakan sya nito.

“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” Binitawan na sya nito sa pagkakataon na iyon.

“Ah.. ano..” Hindi sya makapagsalita nang maayos. “P-pwede.” Sa wakas ay sabi nya.

Natawa ang lalaki. “Sigurado ka bang okay ka lang?”

Tumango si Sandy.

Inilahad nang lalaki ang kamay. “I’m Prince by the way.”

“I know. I’m Sandy.” Inabot nya ang isang kamay nya rito.

“You know?” Parang nagtataka ang lalaki.

“Artista ka, remember?” Sabi ni Sandy.

“Ah.. oo nga pala.” Natatawang sabi ni Prince sa dalaga.

“So, anong ginagawa mo dito? I mean, bakit wala ka sa party?”

“Wala naman. Gusto ko lang lumabas, makikinig sana ako nang kanta sa mp3 ko.” Sagot nya. “Eh ikaw?”

“Same. Magpapahangin. Sorry pala ulit kanina. Hindi kita napansin.”

Umiling sya rito.  “Wala yon. Ako ang hindi nag-iingat. Hindi ko naman alam na may tao pala.”

Inaya ni Prince si Sandy na umupo sa bench malapit sa iposte nang ilaw at doon sila nag kwentuhan. Hindi makapaniwala ang babae na ang sikat na artista at model na si Prince Montreal ay ganoon kabait.

“Kaibigan mo ba si Judy?” Tanong ni Sandy dito.

“Not really. Kaibigan sya ni Red, tapos inimbitahan kaming mag guests dito. Nag perform kami kanina.” Tukoy nito sa kaibigan na kapwa artista at kasama sa grupo nito na Solace.

“I see. Late na kasi kami nakarating dito nang kasama ko.”

“May kasama ka? Bakit ka nag-iisa dito?”

“Hay nako. Mas gugustuhin ko na lang mag-isa kaysa isama ko pa yon dito. Naiinis lang ako.” Sabi nya.

“Halata ngang naiinis ka.” Natatawang sabi ni Prince.

Magsasalita pa sana si Sandy nang mag ring ang cellphone nya sa bag. Nang ilabas nya ang cellphone nya ay may tumatawag na unknown number. Sinagot nya iyon.

“Nasaan ka ba?” Tanong nang nasa kabilang linya.

Agad nyang nakilala ang malamig na boses ni Aled. “Ah nasa labas.”

“Anong ginagawa mo dyan? Get back here or uuwi kang mag-isa.” Iyon lang at agad na pinutol ni Ale dang linya.

Nangigigil sa inis na inilagay ni Sandy sa bag ang cellphone nya. How come na alam nito ang cellphon number nya?”

“Who is it?” Tanong ni Prince.

“Yung kasama ko. Hinahanap na ako.” Tumayo na sya. “N-nice meeting you.” Akmang tatalikod na sya ngunit muli ay pinigilan sya ni Prince.

“A-aalis ka na?”

Tumango sya. “Yeah. K-kailangan ko ng umalis.”

“S-sandali” Muli ay sabi ni Prince. “Pwede ko bang makuha ang number mo?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status