Share

5

"Aura, Aura, tapos ka na ba?"

Muntik na ako'ng mapa mura ng mula sa likod ko eh kumanta ng ganun si Kidd. (To the tune of manga manga, hinog ka na ba? lol)

"Oo, oo, tapos na daw sya." Sagot naman ni Min Jae na kasunod lang nya din.

"Hindi pa ako tapos. At pwede ba, ako na lang ang kusa na magbibigay sa inyo nito, wag nyo na ako'ng puntahan." Iritado na sabi ko, bago muling ibalik sa ginagawa ko ang atensyon ko.

"Sungit mo na naman." Todo smile na naman si Min Jae, na tumayo pa sa harap ko. Palagi'ng masaya to'ng kumag na to eh. Nakakainis na.

Hindi ako sumagot, tinuloy ko lang yung ginagawa ko.

Oo, ginagawan ko sila ng assignment. Pwede ko naman sana'ng gawin sa bahay, kaya lang, hindi ko nakuha notebooks nila kung saan ko dapat isulat yung assignment namin sa Science kaya para ako'ng tanga na nagmamadali. Hindi na ako nakapag recess. Mabuti na lang at pulos after recess pa ang Science nila.

Umupo sila sa magkabilang tabi ko. Si Min Jae sa kaliwa, si Kidd sa kanan.

"Hay. Ang sarap ng hangin." Si Min Jae.

Kasalukuyan kaming nasa isa'ng bench na naka hilera sa gilid ng building namin. Pwede doon tumambay habang recess.

"Pumasok na ba?" Si Kidd iyon.

I wasn't paying attention. Buti na lang dahil hindi naman pala talaga para sa akin yun.

Sumagot si Min Jae. "Hindi pa yata."

"Wag nga kayo dito, hindi ako makapag concentrate." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanila.

"Kumokopya ka lang naman ah? Bakit kailangan mo mag concentrate?" Tanong pa ni Min Jae.

Hindi na ako ulit nagsalita. Last naman na to'ng ginagawa ko, at Friday na ulit kaya makakapag pahinga ako bukas. Matatapos na ang obligasyon ko sa mga tukmol na ito. Ayoko ng nakakasama sila. Lalo ako'ng nabubully sa room, lalo na sa ibang section.

Mabuti at nasa tabi ko si Jelly. May pagka mahadera kasi yun kaya sinasabi kung ano gusto sabihin, inaasar tuloy sya na palengkera. Hay.

"Oh, heto. Last na yan, ha. Wala na ako'ng obligasyon sa inyo." Inabot ko nay Min Jae yung notebook nya at ni Joon, tapos inabot ko yung kay Kidd sa kanya. "Please, pakibigay kay Shin yan, baka manapak na naman yun." Sabi ko, sabay tingin ng masama kay Kidd.

Tumawa si tanga. "Nagpaparinig ka pa. Exercise nya lang yun."

"Kahit na. As much as possible ayoko ng violence, which is exactly kabaliktaran ng gusto nyo, i bet." Sabi ko.

Natahimik yung dalawa, nawala ang ngiti nila.

Oooops. Should i say sorry? Besides, kahit na ganun sila, hindi nabugbog si Kuya dahil sa ginawa nilang dalawa.

"Sorry." Sabi ko.

Imbes magsalita ay may inabot si Kidd sa akin na parang envelope, tapos tumayo na sila.

"Pumunta ka ha." Sabi ni Kidd. Nasa bulsa ng pantalon yung isang kamay nya, tapos yung isa naman, pinangsaludo sa akin, tapos umalis na sila ni Min Jae na hindi ko na nakitang ngumiti. Okay, what he did was cool.

I opened the envelope nang wala na sila sa paningin ko.

Ang cute pa naman, lavender yung kulay, pero ang creepy nung nakita ko yung laman. Brown na paper na may skull drawing. May naka lagay na YOU'RE INVITED!

Birthday daw ni Shin? 

What: Bang Young Shin's 17th birthday.

Where: Black Ridge Penthouse

When: August 10, Saturday. 6pm onwards.

Attire: Formal

Napakamot ako ng ulo. Formal attire? Hay. Yeah, meron pa naman ako siguro'ng pang formal na natira at hindi namin nabenta.

Bumalik na ako sa class room at tamang tama na dumating na yung teacher namin pagpasok ko.

"May package na dumating para sayo kanina. I think it's a dress." Yun yung unang sabi ni mommy nung maka uwi na ako. 9am to 5pm ang pasok nya sa resto ni tita Rina at so far, so good naman daw kaya nakakapag adjust na sya.

Nangunot yung noo ko. I wasn't expecting a package, lalo na ang dress.

"Kanino daw po galing?" Ibinaba ko yung bag ko.

Mommy shrugged her shoulders. "May note, hindi ko naman binasa. Go ahead." She was preparing for our dinner at that time.

Curious na binuksan ko yung box. It's really a big one, mind you.

And yeah, it's a dress.. plus a pair of platforms, plus a YSL clutch which i know is original.. and a box, that when i opened contains a white gold rose necklace. I was impressd, but who the hell sent this?

Ibinalik ko lahat sa box at binasa yung note.

WEAR THESE

-SHIN

I rolled my eyeballs. Obviously ay can afford ng tukmol na iyon ang lahat ng ito, but why would he send me these? We're not even close. Tsaka wala sana ako balak na umattend, no. Hindi ko naman kilala mga pupunta.

"Oh, what is it?" Lumapit si mommy. Tapos na yata sya magluto.

I opened the box at hinayaan sya na tingnan ang laman.

"What? Who sent you this? Si Jelly?" Inangat pa ni mommy yung turquoise dress.

Umiling ako. "K-kakilala sa school. Magbibirthday kasi bukas."

Tumango tango si mommy. "Good, may kaibigan ka na pala, it's nice to hear. But.. aren't they supposed to be poor to middle class students? How can someone send you these things?" Bigla ay nabaha ng pagtataka yung mukha ni mommy.

"M-mayaman po, Korean. Hindi ko nga rin po alam kung bakit sya dun nag-aaral." Sagot ko. Totoo naman.

Inilapag ni mommy yung dress. Pakiramdam ko may doubt sya sa sinabi ko, pero alam ko sa sarili ko na totoo yun. Disaster naman to si Shin, oh. Kung ganun pala sya kayaman, hindi na ako magtataka kung paano nya nalaman kung saan ako naka tira.

I was in his shoes before. I know how having money works.

"P-pero isosoli ko po, mommy. H-hindi naman ako pupunta sa birthday nya tomorrow." Sabi ko. Hindi na kasi umimik si mommy at yun naman talaga ang plano ko.

"Why?" Tanong ni mommy.

"Ah, eh.. Wala rin naman po ako masyado'ng kilala dun eh."

"Paano mo sila makikilala kung hindi ka pupunta?" Biglang tanong ni mommy.

I was caught off guard. So pupunta ako?

"You go, Aura. It's not like porket mahirap na tayo, hindi ka na pwede umattend sa mga gatherings. Even the poor knows how to have fun too. Even the poor has friends."

Yumuko ako.

Tumawa si mommy. "Don't be afraid."

"Paano kung may kakilala ako dun? They will mock me, mommy. We used to be in their league and now, we are nobody." It's been on my thoughts too, actually.

Hinawakan ni mommy yung kamay ko. "Hindi naman lahat ng tao na mayaman, ganun. Ganun ka ba? Ganun ba tayo when we were rich? So think of it as a challenge. Hindi naman ganun kasama maging mahirap, diba? We still breathe, we can still eat three times a day, we have shelter. I have the two of you, you and Alis."

Napatingin ako kay mommy. She's so positive, and now i know kung bakit hindi nagrereklamo si mommy mula nung maging mahirap kami. She's thinking of the bright side of it. She made the right moves, kung hindi, we can even left the mansion with nothing, but here we are, still breathing.

Ngumiti ako. "S-sige po."

That night, halos hindi ako naka tulog. Bukod sa party, iniisip ko pa rin si Kuya. I am really worried about him. Ibang iba na kasi sya, hindi ko na sya makausap kagaya ng dati.I asked mommy about it but she just told me na hayaan na lang si Kuya kasi nag a adust pa daw ito sa malamang o hindi.

Ala una na. Gising pa rin ako.

So i decided to try on the dress. I don't even know if it will fit me or what would it look on me. Na concious ako bigla. Before, whenever may gathering, a day before the event, nagpapa spa o derma ako or madalas kasama ko si Jelly and our friends.

Surpisingly, it fitted me well. Malamang na babaero nga si Shin, paano nya nahulaan ang sukat ko? I look bigger than my size. Ugh.

Umikot ikot ako sa life size mirror sa kwarto. It's an antique piece. Hindi namin iyon binenta dahil isa iyon sa mga favorite piece ni mommy, so we decided to keep it, although malaki sana ang makukuha namin kung binenta din naman sya.

Sinukat ko din yung pumps. Right, kasyang kasya rin sa akin!

Napangiti ako. Nakaka miss magsuot ng mga ganung damit at sapatos. I also grabbed the YSL clutch. Hinimas himas ko pa ito ng kamay ko, at nag pose sa harap ng salamin. I really looked better in these things..

 Kinabukasan, pasado alas singko ako nag decided na umalis sa amin.

Hinatid ako ni Kuya sa labasan.

"May pera ka pa ba?"

Nagulat ako sa tanong nya.

Binigyan ako ni mommy kanina. Ayoko sana tanggapin kasi nga may natira pa naman sa sukli nung isang libo na binigay ni Shin, pero magtataka si mommy kaya tinanggap ko na.

"M-meron." Sagot ko.

This is awkward.

Why?

Unang una. Hindi ako inaasar ni Kuya. Hindi sya lively. Pangalawa, never nya ako hinatid para sumakay ng taxi. We have our drivers, or sya mismo naghahatid sa akin. Pangatlo, we never talked about money! We both had it, so hindi kami nag uusap tungkol doon.

"If you need some, magsabi ka lang ha. May natira pa naman ako mula sa pinagbentahan ko ng collection ko." Seryoso na sabi nya.

I saw it. I saw the sadness in his eyes. Alam ko kung gaano kahirap para sa kanya na ibenta yung basketball shoes collection at comics collection nya. Ang sabi nga ni mommy, huwag na sya mag benta nun kasi malaki rin naman na ang nakuha namin mula sa pinagbentahan ng mga antique at gamit sa mansion, but he insisted.

Maya maya ay may nakita na syang taxi. Sya ang pumara at kumausap. Nung pumayag na yung driver, pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Call me later. Sunduin kita." Sabi ni Kuya bago isara yung pnto.

Ngumiti at tumango ako.

Pasado alas sais ako nakarating sa Black Ridge.

Sinabi ko sa elevator girl na sa penthouse ang punta ko.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Paano kung may kakilala ako dun? Paano kung may mamahiya sa akin dun? Well, hindi pa naman kami nagkakasama o nagkita ni Shin before when we were rich kaya kahit papaano, umaasa ako na iba ang serkulo na ginagalawan nya.

Mas malaki ang chance na wala ako'ng kakilala dun.

"Ma'am, penthouse na po." Pukaw nung elevator girl sa akin.

"Ah, o-okay. Thanks." Sabi ko.

As i stepped out the elevator, tinunton ko ang maikling hallway patungo sa entrance ng penthouse. It was so elegant, and glamorous. High ceilings, fantastic chandelier, very stylish wallpaper.

Mga ganitong panahon ko namimiss maging mayaman, hay.

Ipinakita ko yung invitation ko tapos pumasok na ako.

Glass walls. Very very impressive. Luminga linga ako.

Kakaunti pa lang ang tao. Well, ugali ko rin before ang medyo magpa late, pero noon iyon. I have to be obedient this time. Hindi ko naman balak magpa gabi, para hindi na rin ako kailangan sunduin ni Kuya. Ayoko na sya abalahin.

Tsaka mukha namang hindi ako mag eenjoy dito.

Magpapakita lang ako kay Shin at magpapasalamat.

"You came, at last." Mula sa likod ko ay nagsalita si Min Jae.

"Will you stop showing up out of nowhere? You'll give me a heart attack!" I hissed.

Tumawa lang si kumag. He looked so dashing in his three piece suit. Pink ang polo nito, at hinding hindi ko maikakaila na nasa kanya ang lahat ng karapatan maging babaero. Why is he so cute? Dang.

"Tara, kain na tayo." Imbes ay aya nya.

"I'm not hungry. Busog pa ako." Pagdadahilan ko.

"C'mon, kaya ka nga pumunta eh."

"I don't even know why i have to go here. I should't be here. Hindi na kagaya ng dati ang pamumuhay namin." Nahihiya na sabi ko.

"Ah." He paused. "No i remember you. I thought i already saw you somewhere that's why i approached you nung unang araw na pumasok ako. You're Emmanuel Aragon's grand daughter?"

Napalabi ako bag tumango. Whew. He knows my gran father.

Hindi na ako magtataka kung alam nya pagka bankrupt namin.

"It's okay. You're still human, you need to enjoy even just a bit. Ngayon ka pa lang naman siguro nakaranas ng hirap. I enjoy mo na lang." He smiled.

"Sinasabi mo lang yan, palibhasa, rich kid ka pa rin." Sabi ko.

Tumawa sya. "Upo tayo." Inakay nya ako sa pinaka malapit na upuan. "And for your information." Sabi nya nung naka upo na kami. "I also earn for me, kahit na may allowance ako."

"Woo! At panu ka naman nag i earn?"

"I do a bit of modellings here and there."

"Wazzup!" Biglang dumating si Kidd.

At kagaya ni Min Jae, he looks so fresh... freshly picked out from the cover of a magazine! Why do they even have to make me see this side of them? They're way way too good looking.. ugh. Stop. I don't like them, i convince myself.

Umupo si Kidd sa kabilang side ko.

"Naks. Gumo-glowing ah." Bati sa akin ni Kidd na halatang may halo ng pang-aasar.

"Whatever." I ignored him and tried looking at Min Jae instead.

"Ikaw may ugali ka rin talagang masama. Push mo yan." Sagot ni Kidd.

 "What?" Did i heard him right?

Tumawa si Min Jae. "Nahawaan ka na ni Cheska pre." Sabi ni Min Jae kay Kidd.

"Oo nga eh. Lakas maka hawa ng babaeng yun." Natatawa rin na sabi ni Kidd.

Sabay na napatingin sa entrance yung dalawa, biglang tumayo si Min Jae. "Speaking!" Sabi pa.

Tumayo rin si Kidd. "Wait a minute, we'll be back." Sabi ni Kidd na hindi na tumingin sa akin.

I saw two people entering the premises, pero hindi ko makita yung mukha kasi malayo. Oh well, i stood up then went out to the terrace. Open ang area, malawak ang lugar. Madami dami ang tao na naka tambay sa bandang iyon.

Unti unti ng dumidilim at nakikita ko na yung city lights. I might as well enjoy looking at them for a while. Three months na rin naman mula nung maka kita ako ng ganito'ng view, nung binisita ko yung condo unit ni Kuya.

Yes, may unit sya before. It was in the plan na mag move si kuya doon once he graduate High School, pero syempre, pati yun kinuha ng bangko. Haaay.

Ineenjoy ko na ang view at ang hangin na linilipad lipad pa ang buhok ko ng may marinig ako'ng nagmura sa likod ko.

"Fuck it." Mariin iyon, at pamilyar ang malagom na boses na iyon.

Si Joon.

And what? He was wearing a three piece suit too! Like.. okay, fine. He looks decent. He was like the perfect epitome of a deliquent and good for nothing gangster boy when i first met him.. and the second as well. But this man in front of me is waaaay waaaay passed that boy i met before.

But he looked pissed.

I was A BIT drooling over his transformation and i saw that he looked pissed.

He was holding a glass of what i think is scotch. He walked passed me, pero pumwesto rin sya kagaya ng pwesto ko, naka harap sa city lights. Tinungga nya yung laman ng baso na hawak nya. Nung may dumaan na waiter, sinoli nya sa tray yung baso at kumuha ulit.

And i was like in front of him, looking at him like a fool.

Bigla sya'ng tumingin sa akin. "Gusto mo?" Bahagya nya'ng itinaas yung hawak nyang baso.

Umiling ako. "No."

He smirked. "Yeah, right."

Okay, what doesn he mean by that? I am a bit offended by that statement. Pakiramdam ko, parang sinabihan nya ako ng maarte, na nag iinarte lang ako.

"And what do you mean by that?" Bahagya ako'ng lumapit sa kanya.

Hindi sya sumagot. But he did something.

He did something na ni sa hinagap ko eh hindi ko akalain na gagawin nya.

Hinila nya yung kamay ko, hinapit ako sa bewang, at sinubsob yung mukha nya sa leeg ko. Bago pa ako makapag bigay ng violent reaction, may nagsalita sa likod ko.

"Joon!" It was rather an angry voice. "What the hell are you doing?!"

By that, bahagya ko na itinulak si Joon na mahigpit pa rin ang pagkaka hapit sa bewang ko. Samyo ko yung tapang ng pabango nya. I want to see who is it, the person who's behind us. Humarap ako.

They were like four people in front of us. Sila Kidd, Min Jae, a girl in pink dress, and.. 

"Rance? Oppa?" I blinked my eyes twice to make sure na hindi ako namamalik mata.

He looked like he was caught off guard.

"A-aura? Ikaw ba yan?" halatang gulat na gulat ito.

"So you two knew each other. That's nice. Hindi na ako mahihirapan pa na ipakilala sayo si Aura. She's my girlfriend, Rance. You can tell the lady beside you that i'm already taken." Si Joon iyon.

And everyone's face put on a shock reaction including me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status