Share

6

SIX –

Hindi pa ako nakaka recover sa mga nangyari ng hilahin ako ni Joon palayo sa kanila. Lumabas na kami ng penthouse actually, but i feel like i was just being swayed by the wind. Tulala lang ako. Hindi ko alam kung totoo ba talaga na si Rance yun.

Nasa elevator na kami ni Joon ng bumalik ako sa wisyo. Walang elevator assistant. Hindi ko alam kung wala talaga o pinaalis nya. Hindi ko na napansin.

"Why the hell did you do that for?!" Kaunting taas na lang ng boses ko nang sabihin ko yon, siguradong matatawag na iyon na sigaw.

"What are you being mad for? Kung gusto mo, babayaran pa kita. Besides, it's not as if i did a physical damage to you or what." He did not even blinked an eye when he said that.

"What? Are you crazy? Ano ba ang pumasok sa kukote mo at sinabi mo na girlfriend mo ako? May saltik ka yata talaga eh. Nag da drugs ka ba, ha?" Hindi ko na napigilan ang bunganga ko. I was so mad i feel like all my fear for this guys faded.

Seryoso pa rin ang mukha ni Joon. Naglakad sya ng dahan dahan palapit sa akin. Unti unti din ako'ng umatras. "That mouth of yours need some proper spanking, eh?" Tinukod nya yung isang kamay nya sa gilid ko.

Unti unting bumalik ang takot ko kay Joon.

We're stuck in an elevator, paano kung saktan nya ako dito?

Then biglang lumambot ng kaunti yung reaction ng mukha nya at unti unti sya'ng lumayo.

"Come to think of it, you did a big favor for me."

"W-what are you talking about?" My lips were trembling!

Then the elevator door opened. 8th floor pa lang. May sumakay na dalawang teenager, mag syota pa ata. Pababa din sila sa lobby. Walang nagsalita o gumalaw sa amin ni Joon at pakiramdam ko eh ang sarap tadyakan ng mag jowa sa harap pa namin nag sweet-sweet-an!

Then the elevator door opened.

The big clock says it's 6:45pm.

"Saan ba tayo pupunta?" Hindi nya na ako hawak, but i feel like i have to follow him.

Ano pa ba ang babalikan ko sa taas?

Pero si Shin. Baka hanapin nya ako.  He even sent me these dress and the accessories to come with it and it's not cheap! Original lahat. My God. Paano kung hanapin nya? Isa din yun na may saltik, eh. Baka bigla na naman manapak.

"Somewhere fun." Sagot ni Joon.

Naglakad kami palabas sa lobby. Napansin ko na umaambon.

"Wait there." Sabi nya.

So i did.

This is crazy! Ang gulo ng nangyari. Makakausap ko na sana si Oppa.

Rance Yu. Dati sya'ng kaibigan ni kuya. Namin.Technically 'dati' kasi mga bata pa kami magkaka kilala na kami but nag migrate sila. Elementary pa lang kami magkaka kilala na kami.. at sya yung first crush ko. Baka nga first love. Haaay. Lalo ako nanghina.

Dun na kasi nag HS si Oppa sa America ayon sa pagkaka alam ko. At naka balik na pala sya, tapos kakilala pa ng mga kumag na kontra bida ng buhay ko sa School!

Literal na small world!

Nagulat ako ng ibato sa akin ni Joon yung helmet. Pink. Pamilyar sa akin.

"K-kay Shin to ah?" Sabi ko. Mabuti at mabilis ang reflexes ko at nasalo ko. Medyo mabigat pa naman.

Joon smirked. "It's everyone's." Naka sakay sya sa motor na parang kagaya ng kay Shin, pero black, red at silver yung kulay nung kanya. "Hop in!" Utos nyang maisuot ko na yung helmet.

Dahan dahan ako'ng sumakay ng patagilid sa motor nya. Naka dress ako, diba? Hay. Ano ba to'ng mga pangyayare na to.

"Hindi na ba tayo babalik?" Tanong ko.

Imbes na sumagot ay pinaharurot nya yung motor, napa sigaw pa ako.

 2am.

Hindi ko na mabilang kung naka ilang miscall na si kuya.

Joon is effin drunk.

Sinama nya ako sa isa'ng bar. Not just some bar, actually. I know how expensive to drink there dahil minsan na kaming pumunta doon ni Jelly nang malasing din si Kuya. We paid for his bill, not because walang dala si Kuya, but he's so drunk he can't even pay.

Nagkataon na nasa nearby area lang kami ni Jelly, being foodies ourself, nagta try kami kumain sa iba't ibang kainan, then we comment on the foods and everything, then someone from the bar called me kasi naka recently called list ako sa cellphone ni Kuya.

That was two years ago, at kaya din naman nalasing si Kuya eh second time nya pa lang nung uminom. Hindi ko na nga sya natanong kung bakit sya uminom that time.

And now, naka handusay si Joon sa mesa, in front of me, with some bottles of random wines and drinks he ordered.

Wala namang problema sa bill dahil kakilala halos ni Joon lahat ng nagserve sa amin, even the chef na nagdala ng pagkain ko. As much as na enjoy ko ang pagkain ulit ng mamahalin na pagkain, he forced me to drink.

Forced, pero na obliga na ako.

Ano pa ba ang gagawin ko, diba? But unlike him na tinutungga bawat bote, sumisimsim lang ako.

A minute ago, Joon's cellphone rang. Kinapa ko iyon sa suit pocket nya. Kapareho ng cellphone nya ngayon yung cellphone ko before. Ugh.

It's Kidd.

"Wala ka na ba balak bumalik?" It's Kidd's super serious voice.

"Ah.. Kidd. S-si Aura to. Ano kasi.. si Joon. He's drunk. C-can you help me here?" Awkward. Iniisip ko kung ano reaction nya nung biglang sabihin ni Joon na girlfriend nya ako. Ni hindi nga kami nag uusap!

Hindi agad nagsalita si Kidd.

I can still hear the crowd on his back ground.

"Nasaan kayo?" Maya maya ay sabi nya.

I told him the place. After fifteen minutes, Kidd came. Kung gaano ito ka dashing kanina ay ganun pa rin ito nang dumating sya. Pero parang may kakaiba.

"Come with us." Sabi ni Kidd sa akin nung naipasok nya na sa kotse si Joon.

May driver yung kotse. Hindi ko alam kung kanino yun.

"B-bakit? Uuwi na ako." Sabi ko. Wala naman na ako'ng gagawin dun.

Kidd smirked. It's the first change of emotion mula ng dumating sya para sunduin si Joon. "Girlfriend ka nya, diba? You have to go with us." Muling naging seryoso yung reaction nya.

Parang kumabog yung dibdib ko sa sinabi nya. Parang hindi sya yung Kidd na kausap ko kanina.

"Tara." He was still holding the car's door.

Hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya habang dahan dahan ako'ng pumasok sa kotse.

Malakas nya'ng tinulak pasara yung pintuan ng makapasok na ako. Then pumasok sya sa front seat, tabi ng driver. Wala kaming imikan.

Si Joon, he's still sleeping. Sa dami ng nainum nya, goodluck na lang kung wala syang hangover pagka gisingnya bukas o mamaya.

Kinakabahan ako actually. Ano naman gagawin ko dun?

Ah. Magpapasalamat ako kay Shin. At itatanong ko na rin kung bakit nya ako pinadalhan ng damit at mga accessories. It's insane.

Mabilis na bumaba si Kidd, then he opened my door. Nang makalabas ako, i saw Min Jae waiting, and he doesn't look happy. What's heppning? Bakit parang kakaiba ang ikinikilos nilang lahat?

"Si Joon?" Tanong ni Min Jae sa akin.

"Ah, ano. Nasa loob. L-lasing." Hindi ko alam kung bakit bigla ako'ng nahiya. Itinuro ko yung kotse.

Tumango tango lang ito.

"Let's go?" Si Kidd naman iyon, nasa gilid ko.

"Ah kailangan ko pa ba talaga sumama?" Mahinang tanong ko.

They both looked at me.

"Aura, Joon just announced na girlfriend ka nya." Min Jae said as if it was the most unusual thing in the world to happen. "It won't be that easy from now on."

Napa awang ang labi ko.

"B-but he was just.. he don't mean it." Depensa ko.

They both laughed like i was telling them a joke.

"Hey, Aura. You're back?" Liningon ko yung nagsalita. Si Oppa, kasama na naman yung girl.

Dahil nagulat ako sa ginawa ni Joon kanina, hindi na ako nagka chance na tingnan yung babae, but now that i have seen her in front of me.. Grabe. Ang ganda nya. Model type si ate.

"Aura, tara na." Aya ni Kidd.

"S-si Joon? Panu sya?" I asked.

Lahat na naman sila napatingin sa akin. Uh oh, that went out wrong. I was just wondering dahil pakiramdam ko ay kakainin nila ako anytime.

"Someone will take care of him." Si Min Jae iyon.

So sumunod na ako sa kanila. Nasa elevator na kami ng maalala ko na i text si Kuya. I texted him na may maghahatid sa akin kahit wala, na hindi ko narinig ang tawag nya kanina, then ini-off ko yung cellphone ko.

Sabay sabay kaming bumaba sa pinaka mataas na floor.

The place was now literally swarming with people. At hyper pa ang mga ito. Sabay sabay kaming pumasok.

"Hi Cheska. Can we take a photo with you?" May tatlong babae ang lumapit sa kasama namin.

Yung tinawag na Cheska, ngumiti sya. "Sure!" Magiliw na sabi nya.

Is she a celebrity or what?

Sa kasamaang palad ay si Oppa pa yung nag picture sa kanila.

Oppa. Oppa pa din ba ang dapat itawag ko sa kanya? It started when we met our Korean neighbor. Si Eunha. Ka age lang namin sya. Tinuro nya samin na ang tawag sa mga older boys our age is Oppa. Si Eunha nga, yun yung tawag kay Kuya, pero lagi syang binabara ni Kuya tapos tatawa lang si Eunha.

Speaking of Eunha, nasan na kaya yun? Halos magkasunudan lang kasi na umalis sila ni Rance.

Min Jae clapped his hand in front of my face. Mahina lang iyon.

"Are you okay?" Tanong nya.

Tapos na pala yung picture taking.

I saw Shin. Syempre pa ay wala rin ako itulak kabigin sa itsura nya ngayon. Kung noong naka school uniform pa lang sila, sobrang 'hot' na sila, ngayon pa na uber classy ng itsura nila?

Nasa may terrace si Shin, and he was talking with numerous girls.

Bigla ako'ng may na realize. Hindi na nga pala ako kasali sa mundo nila. Hindi na dapat ako nandito. In the first place, hindi ko nga alam bakit pa ako pumunta dito? Mukhang hindi rin naman ako kailangan dito.

I don't know why Shin sent me what i wore, pero.. parang nakaka disappoint na nag effort sya ng ganun ng walang dahilan.. or kung meron man, parang wala lang. I'm having the urge to talk to Shin.

Hindi ako assuming na may gusto sya sa akin or what. What i was thinking is WHY HE SENT me the gifts. Sa pagkaka alam ko, hindi rin naman kami close.

2:30 am na ang i am getting restless.

Kasama ko sila but i feel insignificant.

They were all over that Cheska girl.

I stood up. Ang sabi ko, pupunta lang ako sa comfort room, pero nag hanap ako ng waiter para kumuha ng booze. I might as well take the opportunity para uminom.

"Hi Aura." Muntik ko nang mabuga yung iniinom ko ng biglang sumulpot sa harap ko so Cheska.

She was smiling at me.

"H-hello." Sagot ko.

"I'm Francheska Oliveros. Call me Cheska." Ilinahad nya yung kamay nya sa harap ko. Nakipag kamay naman ako.

"Alaura Marquez, Aura for short." Sagot ko naman.

"Yeah. So.. girlfriend ka ni Joon?" Ah. I know what she's doing, fishing for information.

"Bakit?" I tried to smile and let out a soft laugh.

"Yes, she is." Mula sa gilid namin ay may sumabat.

It's Joon. Susuray suray pa ito sa paglakad. He was holding his neck as if na stiff neck ito. Magulo na rin ang pagkaka ayos ng tie nya at bukas na ang suit nya.

"You're back." Nakita ko na lumiwanag yung mata ni Cheska, pero hindi sya pinansin ni Joon.

Imbes ay sa akin lumapit si Joon. "Bakit mo ako iniwan? And why are we here again?" Matigas na tanong nya sa akin.

"Eh-" Sasagot pa lang sana ako.

"Tara na. Ihahatid na kita." Hinawakan nya yung kamay ko. Kinuha nya yung baso na hawak ko at inilapag sa katabi na mesa.

"T-teka lang." Kinuha ko yung kamay ko mula sa pagkaka hawak nya.

"Hey. There's a party here." Sabay sabay kami lumingon ng magsalita si Shin. So hindi na ito busy.

Hindi sya pinansin ni Joon at hinila ako ulit. "Let's go."

Nagpa tangay na ako. Bakit ba ugali nila ang manghila? Nagulat ako ng hawakan ni Shin yung isang kamay ko.

"Wait. Where are you going?" Kunot ang noo at halatang nagulat na tanong ni Shin. Nakatingin sya sa pagkaka hawak ni Joon sa wrist ko.

"Uuwi. This is a fucked up party." Si Joon ang sumagot.

"What?" Tiningnan ni Shin si Cheska. "But you just got here!"

"Actually kanina pa kami-" Hindi pa ako tapos magsalita pero hinila na ako ni Joon.

"Let them go, Shin. Kanina pa gusto umuwi ni Joon." Narinig ko na sabi ni Cheska.

Nasa tapat na kami ng elevator ng bitawan nya ako. Walang nagsasalita sa amin.

Nang bumukas yung elevator, pumasok kami.

"Lobby." Sabi ni Joon sa elevator assistance.

"Iniiwasan mo ba si Cheska?" Tanong ko, not looking at him.

Hindi sumagot si Joon.

"She's nice." Sabi ko pa.

"Shut up." Sagot nya naman.

I bit my lip. Ano ba ang ugali meron ang lalaking ito?

Hindi na ako nagsalita hanggang sa maka baba kami ng lobby. Naglalakad na kami palabas ng habulin kami ni Rance. Humihingal pa ito ng pumunta sa harap namin.

"What the fuck are you doing, Joon? Do you know what you just did?" Halatang galit ito. Tinulak pa nito sa balikat si Joon.

"Fuck off!" Singhal ni Joon. Patuloy syang naglakad.

Ako naman ay natulala sa kanila. What is happening?!

Pero sumunod pa rin si Rance. "You are hurting her. Stop it, Joon.It's too much!" Tumaas na ang boses ni Rance.

I really don't know what's going on!

"Edi i comfort mo. Yun naman gawain mo, diba? Hindi ka pa ba nasanay? Hahabulin nya ako, sasaktan ko sya, at ikaw ang mag cocomfort sa kanya?" Joon said.

Oh, they were talking about Cheska..

Nakita ko na ikinuyom ni Rance yung kamay nya bago suntukin si Joon.

I gasped. What?!

Syempre bumawi si Joon. This is the first time i saw Oppa being violent!

Nagka gulo na, i screamed for them to stop and asked for help.

Luckily, Min Jae, Kidd and Shin came rushing and help them tore apart.

"Tama na, ano ba kayo?!" Sigaw ko. "Kung may problema kayo, kayo kayo na lang ang mamroblema, huwagnyo na ako'ng isali!" They looked at me, i looked at Joon. "At ikaw, wag mo na ako'ng kausapin kahit kailan!" Sigaw ko bago ako nag walk out.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status