Share

The Dominant Beast
The Dominant Beast
Author: Jade Reid

One

Kumikislap ang iba't ibang kulay ng ilaw sa katawan ni Kassandra habang mapang-akit na sumasayaw sa ibabaw ng entabtado. Hindi niya alintana ang halos hubad na katawan na malayang pinagpipyestahan ng mga kalalakihan. She smiled seductively when someone threw a one thousand peso bill. She reached for it and hid it inside her lacy bra. Napasipol naman ang mga nanonood sa ginawa niya.

Konting tiis na lang.

Palakpakan ang mga tao nang matapos ang sayaw niya. She smiled at the crowd before exiting the stage.

Nahahapong umupo siya sa harap ng salamin. She's been a stripper for four months now. Gabi-gabi siyang sumasayaw pero hinding-hindi yata siya masasanay. She felt ashamed every time her performance starts and comes to end. Napakababa at nakakahiya ang ginagawa niya para may ipantustos sa pag-aaral niya.

"Dear, may customer ka. Kausapin mo lang daw. Five thousand agad ang tip mo," humahangos na saad ng kaibigan niyang bakla na si Pia.

Ito ang nagrekomenda sa kanya sa trabahong 'to. Bahala na daw siya kung magpapa-table siya o hindi. Magsabi lang daw siya.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at hinubad ang maskarang nakatabon sa mukha niya. Malakas ang loob niya magsayaw na halos hubad ang katawan kasi may maskara siya. Si Pia din ang nag-suggest na magsuot siya ng maskara para hindi siya agad makilala.

"Pia, I told you. Hindi ako magpapa-table."

Tumabi ito sa kanya. "Sayang naman kasi. Five thousand din yun. Kakausapin mo lang."

Sa uri ng trabaho nila, walang lalake ang kakausapin lang siya at five thousand pa ang ibibigay.

Although nate-tempt din siya minsan, hinding-hindi siya magpapa-table. Dagdag hiya lang yun sa nararamdaman niya.

Umiling siya. 

She even rejected those guys who offered her ten thousand, five thousand pa kaya?

Tumango ito at tumayo. "Okay. Sasabihin ko. Diretso uwi ka na ba?"

"Oo, maaga pa kasi ang klase ko bukas."

"Sige, ingat ka," anito at lumabas na.

Binura niya ang make-up sa mukha at nag-ayos. May exam siya bukas at graduating na that's why she's eager to sustain her tuition fee. Even her bestfriend in school doesn't know what kind of work she have. Hindi niya masabi at hinding-hindi niya sasabihin. Pakiramdam kasi niya ay naaapakan ang dignidad at pagkababae niya.

Dumaan siya saglit sa office ni Pia para kunin ang kinita niya. Mabilis niyang inipit sa bag ang sobreng binigay ng isa pang bakla sa kanya. Hindi man galing sa marangal na trabaho ang iginagastos niya sa pag-aaral niya, kaya niyang tiisin ang ganoong klase ng trabaho para sa sarili niya at kapatid niya. Dalawa na lang silang magkaramay kaya gagawin niya ang lahat para makaahon sa kahirapan.

Nag-aabang siya ng masasakyan nang may lalakeng humigit sa braso niya.

"M-Miss, s-sama ka s-sa 'kin," anitong nakangisi at pinasadahan siya ng nakakabastos na tingin.

She felt a pang of nervous and her downy hair rise. The man looks drunk because he couldn't stand still and he said those words like a toddler asking for something.

"H-Hindi na po."

She was dumbfounded when he grabbed her arm.

"H-Halika."

She tried to get her arm back pero humigpit pa ang pagkakahawak nito.

"P-Paliligayahin k-kita," ngumisi ito.

"H-Hindi na po."

"H-Huwag kang m-mag-alala. Masasarapan k-ka sa 'kin."

Akmang magsasalita pa siya pero nagulat siya nang bigla na lang itong bumulagta sa kalye. Napatingin siya sa lalakeng nasa harapan niya at nakakuyom ang kamao.

"Are you okay?" Malamig na tanong nito.

The guy is downright handsome. From his eyes that seems to hide something, high-bridged nose and red lips. Bumagay din ang panga nito sa mukha. She guessed he's about six feet and one inch. Dahil katamtaman lang ang height, nakatingala siya dito.

Wala sa sariling napatango siya. Still lost because of his cold aura.

Tumalikod ito at naglakad palayo. Doon siya biglang nagising at hinabol ito.

"Sandali!"

He turned to her with eyes clouded with something she couldn't name. Mababakas din ang lamig at kalungkutan sa mga mata nito that you would think he hides something.

"T-Thank you nga pala."

Tumalikod ulit ito at sumakay na sa motorsiklo nito. Naiwan siyang kumakain ng usok.

Ganun na lang 'yon? Ni walang you're welcome? Himutok niya.

Deep inside her, she wants to meet him formally. Sa'n ba kasi pinaglihi ang lalakeng yun at hindi yata marunong ngumiti?

Nagkibit-balikat na lang siya at sumakay na sa jeep na dumaan.

"SIGE po," aniya at lumabas na ng accounting office.

Pinuntahan siya ng classmate niya kanina sa canteen para sabihing hinahanap siya sa accounting office. She needed to pay the remaining balance for her tuition fee or else, hindi siya makakaakyat ng stage. Wala naman siyang magagawa. Yun ang patakaran ng eskwelahan nila.

Napakarami niyang bayarin. Upa, tuition fee at kailangan pa niyang magpadala ng pera sa kapatid niya para sa maintenance nito. Kahit gabi-gabi siyang kumikita, hindi pa rin iyon sapat. 

Bahala na. Manghihiram na lang ako kay Pia.

Pagkatapos niyang sumaglit kanina sa library ay umuwi na rin siya. Kapag may libreng oras lang din siya, sa library niya ginugugol iyon. Kesa naman maglakwatsa siya. Bestfriend na nga sila ng librarian nila dahil perfect attendance siya.

She went home to get ready for her performance tonight. No need to have a synchronize steps. As long as you can make them drool, you're cool.

She ate her dinner and made her way to the club. Changed her clothes into a revealing one and had her make up done. And lastly, she put her mask on. It's her lifeline in this kind of work.

She took a deep breath before walking towards the stage. Malamyos na awit at masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanya. She swayed her hips slowly as if tempting the viewers to touch her skin. Hindi pa siya nangangalahati sa performance niya nang may maramdamang iba. Parang may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya. Oo at nakakahiya ang ginagawa niya pero kailanman ay hindi siya nakaramdam ng grabeng pagkaasiwa.

Pagharap niya, she found a pair of emotionless and cold eyes. Parang biglang nanayo ang balahibo niya sa katawan. Iglap ay gusto niyang bumaba at takpan ng kahit kurtina lang ang katawan. She wanted the guy to forget what he just saw. Pero ano ba naman ang pakialam nito sa kanya? Surely, wala siyang pinagkaiba sa ibang dancer. Mabibili din ng pera ang katawan.

Pagkatapos ng sayaw niya, dali-dali siyang bumalik ng backstage. Humihingal siya ng makarating doon.

"Bakla! May gusting tumeybol sayo! Madatong at sobrang pogi!" Bungad ni Pia sa kanya.

Dahan-dahan siyang umiling. Kahit gusto na niyang patulan ang customer, may munting boses na pumipigil sa kanya. Iyon lagi ang ginagawa niyang guide para hindi lalong masadlak sa ginagawa niya.

"Ano ka ba naman, bakla? Pasalamat ka nga at may matris ka, kaya mong magpaligaya ng lalake. Eh, ako? Nagkakasya na lang sa kung sino ang papatol sa 'kin!" Pinandilatan siya nito.

Nakalimutan niya bigla ang alalahanin dahil sa inasal nito. Her friend never failed to make her forget her problems for a little while. Alam niya, dini-distract din siya nito para kahit papaano ay mkalimutan niya ang mga problema.

"Bakla, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"P-Pahiram ng kahit five thousand lang. Bayaran na lang kita pag nagkaluwag-luwag ako,"nahihiyang tugon niya.

Si Pia nga ang nagpasok sa kanya sa trabahong 'to pero matinong tao naman ito. Nagmumukha lang itong mamasang pero ginagawa lang nito iyon dahil katulad niya ay may mga umaasa din dito.

Lumungkot ang anyo ng kausap. "Naku, bakla. Binayad ko na kanina ang pera ko sa five-six ni nanay at sa pag-aaral ng tatlong kapatid ko. Pasensya na."

Tumango siya. Tulad niya, si Pia lang din ang inaasahan ng pamilya nito. Alam din niya ang mga hinaing nito sa buhay dahil magkalapit lang sila ng tinutuluyan.

Ginagap nito ang kamay niya. "Sorry talaga, bakla. Walang-wala ako ngayon, eh."

Pilit siyang ngumiti. "A-Ano ka ba? Okay lang."

"Para ba 'yan sa maintenance ni Angel?"

She shook her head. "Para sa tuition fee ko. Medyo malaki pa ang kulang ko eh."

"Pasensya na talaga, bakla."

Natawa siya. "Gaga ka talaga. Okay nga lang talaga."

Nakakaunawang nginitian siya nito at inabot ang kita niya. "Matumal ang customer ngayon."

She accepted the envelope. "Okay lang. Tsupi na. Magbibihis na ko."

Iniwan din siya nito.

Binilang niya ang pera. Two thousand and eight hundred lang ang laman. Three thousand pa naman ang maintenance ng kapatid niya sa isang linggo. 

Di bale. May six hundred pa naman siya sa wallet niya. Hindi na lang muna siya magko-commute. Papakiusapan na lang din niya ang accounting office bukas kung pwede pa siyang makabayad sa susunod.

Isinukbit niya ang bag at lumabas.

Saan naman kaya siya uutang ng pera ngayon?

Sana naman may bumagsak na anghel para tulungan ako.

"Hi."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status