Share

Two

Lumingon siya sa nagsalita at parang tinambol ang dibdib niya nang mapagsino ang lalake. Napakagwapo nito sa suot na rugged jeans at T-shirt. He even looked so sexy the way he held the cigar. 

Tinuro niya ang sarili. "A-Ako?" 

Tinapon nito ang sigarilyo. "Yes, you." 

Napakurap siya. "B-Bakit ako?" Maang niyang tanong. 

Seriously, Kassandra? Kunwari ka pang nagulat diyan, naipanalangin mo nga kanina na sana magkita kayo ulit eh. 

Naglakad ito palapit sa kanya. 

Napaurong naman siya. 

"You're indebted to me." 

"Ha?" Nalaglag yata ang panga niya sa sinabi nito. Paano naman siya magkakautang dito? Pangalawang beses pa lang naman silang nagkita.

"I saved your life the other night." 

"Oh, ngayon?" Pinamaywangan niya ito. Aba, nagpasalamat na siya, hindi na niya problema kung hindi nito tinanggap ang thank you niya. 

"I want your company as a thank you." 

"Hoy, hindi tayo close kaya hindi ako sasama sayo." Makautos 'to akala mo naman kung sinong VIP. 

Mabilis ang naging kilos nito at huli na nang mapagtanto niyang nasa loob na siya ng kotse nito. Instead na matakot dahil baka kung ano ang gawin nito sa kanya, nabuhay ang pagkamaldita niya. 

"Hoy, sa'n mo ko dadalhin? Ihinto mo ang kotse! Bababa ako!" 

Humarurot ang kotse nito sa kahabaan ng kalye. 'Di nagtagal ay inihinto nito ang kotse malapit sa dagat. 

"Anong ginagawa natin dito?" Sinundan niya ito habang lumabas ito at umupo sa buhanginan. Uupo din ba siya o tatayo na lang? Buti na lang at nakapantalon na siya. 

She sat few meters away from him. Nakatingin lang siya dito habang nasa dagat naman ang mga mata nito. Is he not feeling well? Parang namumula ito. Nagulat siya nang tumabi ito sa kanya at inihilig ang ulo sa balikat niya. 

"Hoy! What do you think you're doing?" Angal niya. Hindi sila close kaya wala itong karapatan na umakto nang gano'n. Akmang papalisin niya ang ulo nito nang magsalita ito.  

"I'm not feeling okay. Let's stay like this for a while." 

She went speechless. Hindi niya alam kung bakit niya hinahayaan ang isang estranghero na makalapit sa kanya nang gano'n. 

Maybe because I feel protected every time he's around.

She remained silent as she turned to him. He looks amazingly handsome even when his eyes closed. Mahabang sandali ang lumipas bago ito gumalaw, tila naalimpungatan. Pupungay-pungay itong tumingin sa kanya at inilipat sa relo ang mga mata. 

"It's getting late. Let's go," he offered his hand. 

She didn't accept it and stand on her own. Nauna na siyang pumasok sa kotse nito na akala mo siya ang may-ari. He was driving as if she wasn't there when she broke the silence that's eating them. 

"Diyan mo na lang ako ibaba sa kanto," aniya. Mapapanis talaga ang laway niya dito. Napatingin naman siya dito nang lumagpas na sila sa sakayan. "T-Teka... Ihinto mo." 

He just shrugged his shoulders. 

She counted one to ten to calm herself. Kalma ka lang, self. Sa susunod na sakayan ka na lang bumaba para mas malapit. 

Lumipas ang ilang minuto, palapit na sila sa sakayan. "Dito na lang ako." 

He looked at her but didn't stop the car. Sa halip ay tinutumbok na nila ang kalye papasok sa boarding house niya. Gusto na talaga niyang mainis kung hindi lang siya lumingon dito. He's really handsome with a piercing on his upper left ear. Nakadagdag sa misteryosong aura nito ang mga mata nitong kung tumingin ay talagang matiim. 

She came back to reality when the car stopped. Doon niya nalamang nasa harap na sila ng boarding house niya. Kumunot ang noo niya. Wala siyang natatandaan na sinabi niya dito ang address niya. Paano nito nalaman ang lugar niya? 

Pinatay nito ang makita at hinarap siya. "Nandito na tayo." 

"P-Paano mo nalaman..." 

"I have my ways," prenteng sagot nito. 

 Gusto niyang matawa sa inaasal nito. Parang simpleng bagay lang dito ang alamin kung saan siya nakatira. She got off his car and went inside. She didn't even bothered thanking him for the ride. Dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya at sumilip sa bintana. He's still outside. 

"Ano ba naman ang trip ng lalakeng yun?" Pagsilip niya ulit, unti-unti nang lumalayo ang sasakyan nito. What's happening to her? Dapat siyang makaramdam ng takot dahil sa kinikilos nito pero hindi niya makapa ang kahit anong negatibong damdamin. She even hopes he will show his face again to her instead. Ginulo niya ang buhok. Nababaliw na yata siya. She had never been this way because of a guy. Nakatuon lang ang atensyon niya sa kapatid at pag-aaral. Ngayon, she doesn't know what to do because some guy keeps invading her mind. 

"KASS, may naghahanap sa'yo." 

Napatingin si Kassandra sa classmate niya nang lumitaw ito sa harap niya. Kasalukuyan silang nasa Philosophy subject but due to their teacher's personal matter, hindi ito nakapasok. Kaya kanya-kanya silang aral. 

"Sino?" She asked and closed her notebook. 

Nagkibit-balikat lang ito. 

Tumango siya. "Sige, salamat." Tumayo siya at lumabas ng room. Nasa 'di kalayuan ay may lalakeng nakatalikod. Parang pamilyar sa kanya ang bulto ng katawan nito. The guy seem to felt her presence because he turned to her slowly. 

Her eyes widen in shock. God! How did he find me?! It's the guy with no manners! 

Hindi niya ipinahalata ang pagkagulat na lumukob sa kanya. 

"Hi," he greeted. 

She could feel the loneliness and coldness through his eyes. Parang gusto tuloy niyang pawiin ang yelo na bumabalot sa pagkatao nito. 

"A-Anong ginagawa mo dito?" 

"I want you to have lunch with me." 

Napakurap siya. Seryoso ba 'to? She rolled her eyes heavenward. Kunwari pakipot. "Ayoko". Nagmartsa siya pabalik sa room. 

"Venus." 

Dagli siyang napatigil sa paglalakad dahil sa sinambit nito. It's her name whenever she's at the club! She roamed her eyes around, baka may nakarinig dito. Medyo nakahinga siya nang maluwag nang makitang busy sa kanya-kanyang tsismis ang mga classmate niya. 

Hinarap niya ito. "Ano ba talaga ang kailangan mo?" If eyes could kill, siguro nakatihaya na ito. 

"Have lunch with me." 

Nagdadabog na kinuha niya ang gamit. Her blood is boiling. Pag may nakarinig lang talaga, makakasakal siya ng gwapo. 

Humabol ito sa kanya at dumiretso sa naka-park nitong sasakyan sa di-kalayuan. He opened the passenger's seat and she got in.

Wow! Gentleman!

Pumasok na rin ito at binuhay ang makina. Wala silang kibuan habang nasa daan. 

He brought her to a cozy restaurant. Nag-aalangan pa siya kung papasok o hindi dahil halatang mga mayayaman lang ang nakaka-afford nun. 

Sinalubong sila ng isang babae. 

"Reservation under Xerez Castellano, please," he said, not looking at the lady. 

The lady smiled seductively and motioned the way. "This way, Sir." 

Sumunod silang dalawa dito. Parang gusto niyang kutusan ang sarili. She knew she felt a little jealousy towards the lady but she will never admit it. Wala silang relasyon kaya hindi siya dapat makaramdam nang ganoon.

I mean, we just met so why on Earth did I feel jealousy?

Una itong umupo kaya umupo na rin siya. Hindi man lang siya pinaghila ng upuan unlike kanina sa sasakyan. Binabawi na niya ang sinabi kaninang gentleman ito.

She scanned through the menu. All the food looks delicious. Gusto niyang tikman lahat. 

"You want to try something?" 

"I want to try everything," she answered without looking at him. Tutal, mukhang mayaman naman ito, o-order-in niya na lahat-lahat. Pampalubag-loob sa ginawa nitong pagpapakaba sa kanya kanina.

"Give us everything in the menu," dikta nito sa babae. 

"Yes, Sir." 

She felt annoyed at how the lady gave this guy a seductive look. Wait! Ano nga ulit ang pangalan into?Napatingin siya dito, he's still looking at the menu. 

She cleared her throat. "A-Ano'ng pangalan mo?" Kunwari balewalang tanong niya. 

How did he knew about Venus? Hindi naman siguro gabi-gabi ito sa club. Desente naman ang hitsura nito at mukhang may pinag-aralan. Wala nga lang manners minsan.

"How did you know about Venus?" Mahinang tanong niya.

"I have my ways." 

Sinimangutan niya ito. She was about to say something when their food arrived. Sa dami ng order nila-order pala niya, hindi na magkasya sa mesa nila. The waiters have to bring another table. Hinintay niya ang pasaring nito pero hindi ito nagsalita. Nagkibit-balikat lang siya. Nilantakan niya ang mga pagkain sa harap niya at parang wala namang pakialam ang kaharap niya na nagsimula na ring kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status