Share

Three

Busog na busog si Kassandra nang umuwi siya sa boarding house niya. Pinabalot pa niya ang mga natira at hindi nagalaw na mga pagkain. That guy Xerez, seemed to be a rich guy, for real. She saw the receipt, maging siya ay nalula sa kabuuan ng in-order nila. That guy didn't mind the bill, he even paid it with black card. After they eat, hinatid siya nito pabalik sa eskwelahan niya. They didn't talk for the whole period of time at umibis siya ng sasakyan nito nang hindi nagpapasalamat. Aba, kulang pa nga ang in-order niya sa kabang naramdaman niya kanina. Dahil hanggang eleven thirty lang ang klase niya, umuwi na siya at pinamigay ang mga pagkaing dala niya sa pamilya ni Pia. Ngayon ay nasa kwarto lang siya at nagpapahinga. Matutulog na lang siya, palagi rin naman siyang puyat. 

"Here comes Venus!" 

Hiyawan at palakpakan ang mga naririnig niya. Humugot siya nang malalim na hininga bago pumasok sa stage. Sinabayan ng katawan niya ang malamyos na awitin. She swayed her hips in an erotic way and made a seductive smile. Every guy whistled and threw a few hundreds and thousands bill. She picked it up and slid it inside her bra. Behind her seductive smile is a girl needing for understanding. Nobody knows that every time she dances, she wanted to hang herself. She made one last twist of her body before going back to backstage. As always, Pia's face suddenly popped in. 

"Bakla, swerte ka ngayong gabi!" Tili nito. 

Umupo siya sa bakanteng silya at hinarap ito. 

Mas maswerte ang mga lalakeng nakakita ng katawan ko. 

"Bakit?" 

Inabutan siya nito ng sobre. "Bilangin mo, bakla! Bilangin mo!" Halos nakahiyaw na ito.

Kinuha niya ang sobre. "Gaga! Tumigil ka nga sa kakatili. Mabibingi ako nang wala sa oras eh." 

Tumawa lamang ito at umupo na din. "Magkano?"

"Fourty eight, fourty nine, fifty..." 

Tumili ulit ito. "Bakla, singkwenta mil! Ang yaman mo ngayong gabi!" 

"Ha?" Nabingi yata siya sa tili nito. 

"Para sayo 'yan, loka ka!" 

"A-Ano?" 

"May lalakeng lumapit kanina sa 'kin at binigay 'yan. Para daw sayo." 

Napanganga siya. "Sinong lalake?" 

Umiling ito. "Hindi ko na natanong ang pangalan eh. Bigla na lang umalis. Basta ang sabi niya, susustentuhan ka raw niya basta hindi ka na magsayaw," paliwanag nito. 

Her brain went blank. Sino namang lalake ang gagawa n'on? 

She gave the money back. "No. Hindi ko tatanggapin 'yan. Baka baliw o kriminal pa ang taong 'yun." 

Pinitik siya nito sa noo. "Baliw ka ba? Eto na nga at grasya na ang lumalapit sa'yo. Choosy ka pa?" Pia rolled his eyes. 

She can't get her eyes off the envelope. Malaking tulong na talaga ang singkwenta mil para sa kanyang tuition fre at kapatid. 

Pia forced her hands to accept the money. "Don't worry, bakla. Sinuri ko naman ang kalooban ng lalakeng 'yun. I can say that he's not a psychotic guy. Siguro nabighani lang talaga siya sa ganda mo," humagikgik ito sa huling sinabi. 

She needed the money. Bahala na. Pikit-matang tinanggap niya ang sobre at kumuha ng three thousand. Inabot niya iyon kay Pia. 

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong nito. 

"Parte mo. Kung sakali mang baliw nga ang nagbigay nito, hindi lang ako ang hahabulin niya."

"Gaga ka talaga!"

Sabay silang natawa at naghampasan sa balikat.

She paid her tuition fee and sent the rest to her sister. Thanks to that creature who gave her the money. Ngayon ay pansamantala siyang makakahinga nang maluwag nang hindi inaalala ang bayarin sa eskwelahan. Bayad na ang tuition fee niya for the first sem.

Napakunot ang noo niya sa unknown number na tumatawag.

No one in her school knows her number, not even her friend and classmate, Mae. Si Pia at kapatid niya lang ang nakakaalam nun kaya nagtataka siya kung sino ang tumagawag. 

She hesitated for a while before answering it. "H-Hello?" 

Walang may sumagot. 

"S-Sino 'to?" 

Wala pa rin. 

She cut the call off. That person might nothing have to do and did a prank call and her number is the lucky entry. Ibinulsa niya ang cellphone at nagpatuloy sa paglalakad. Mamaya na niya tatawagan si Pia para magpaalam na hindi muna siya papasok ngayong gabi. She'll let herself rest for today. 

"Ate, thank you." 

Napangiti si Kassandra. Her sister called her up in the middle of her sleep to thank her right after she received the money. 

"Wala 'yun. Ano ka ba? Okay ba ang pakiramdam mo?" 

"Oo, ate. Nakainom na rin ako ng gamot. Pinainom na ko ni Tiyang Sheilla.

Si Tiyang Sheilla ay kapitbahay nilang matandang-dalaga sa probinsiya. Nagprisinta itong alagaan ang kapatid niya habang nagtatrabaho at nag-aaral siya sa Maynila. 

"Kumusta naman kayo diyan?" 

"Okay lang kami, Ate. Inaalagaan akong mabuti ni Tiyang Sheilla." 

Pagkatapos nilang magkwentuhan ay nagbihis na siya para sa sayaw niya ngayong gabi. Marinig lang niya ang boses ng kapatid niya, lumalakas agad ang loob niya. 'Di nagtagal ay sinapit na niya ang pinagtatrabahuhan. Agad siyang nagbihis at naglagay ng make up. Minutes before her performance, ready na siya. Hinihintay na lang niyang tawagin ang pangalan niya pero panay na ang hugot niya ng malalim na hininga. Right before the host calls her name, humahangos na nilapitan ni Pia ang host at may ibinulong dito. Nagpatango-tango naman ang host. 

"Okay. So, for those who are waiting for Venus, hindi po siya magpe-perform ngayon. May inaasikaso po siyang ibang bagay." 

Kanya-kanyang reklamo ang mga tao. 

"Takte naman!" 

"Siya ang ipinunta ko dito!" 

"Kailan siya babalik?" 

Naguguluhan naman siya sa inasal ni Pia. Sigurado siyang nakita siya nito kanina dahil nginitian pa siya nito. 

Anyare? 

Hindi nagtagal, sumulpot si Pia. 

"Anong nangyare, bakla? Hindi mo ba ako nakita kanina?" 

Inabutan siya nito ng isang sobre. "Bakla, bumalik ang lalake. Binigay 'yan. Mukhang seryoso talaga na susustentuhan ka," may himig panunukso ang boses ni Pia. 

"Ano?" 

"Feeling ko kasi, stalker mo ang isang 'yun. Alam daw niya lahat ng ginagawa mo." 

Kinilabutan siya sa narinig. Stalker? 

Parang nahalata naman nito ang nararamdaman niya. "Uy, bakla. What I mean is, he's a good stalker. Hindi ka niya hinahayaang magsayaw pa. He truly cares for you." 

Hindi pa rin mabawasan ang takot niya. Malay ba niyang isa itong serial killer? Makikipaglapit sa kanya at pag close na sila, tsaka siya kikidnapin at pahihirapan hanggang sa malagutan siya hininga. Various of negative scenes are automatically playing in her mind.

She handed the envelope back. "Hindi ko matatanggap 'yan." Kandailing na tugon niya. 

"Bakla, gusto mo bang mawalan kami ng trabaho?" Lumungkot ang boses nito. Ewan ba niya pero parang nase-sense niya na pilit ang lungkot nito. 

"B-Bakit naman?" 

"Sabi niya kasi, pag nagpumilit ka raw na sumayaw, ipapa-raid niya ang club na 'to." 

"A-Ano? At sino namang Poncio Pilato ang kayang gawin 'yun?" 

"Ang lalakeng 'yun." Ibinalik nito ang pera sa kanya. "Tanggapin mo na, bakla. Naniniwala talaga akong ikaw lang ang inaalala niya." 

She must accept the money. Para sa mga umaasa sa club na 'to kung totoo nga ang raid na sinasabi ni Pia. Hindi niya mapapatawad ang sarili pag may nadamay na katrabaho niya. Pare-pareho lang naman silang nagtatrabaho sa club na 'to dahil may mga pamilya silang binubuhay.

She took a sigh. "Tatanggapin ko ang perang 'to dahil sa inyo, naiintindihan mo?" 

Mabilis itong tumango at ngumisi. "Thank you, bakla!" 

Pero siya, hindi niya magawang ngumiti man lang. Heto at nag-aalala siya kung sino ang nagbibigay ng pera sa kanya. Sinilip niya ang laman ng sobre. Sa kanyang tantiya, nasa singkwena mil pa rin ang pera. Ganun din kasi kakapal ang perang una niyang natanggap. 

Inabutan niya ng singko mil si Pia. "Para sa 'yo. Pag kinidnap ako, kasunod kita." 

"Gaga!" 

Akmang papasok na si Kassandra ng boarding house niya nang mamataan ang isang kotse sa 'di kalayuan na naka-park. The car looks familiar. Where did she saw that car again? 

Umibis ang driver niyon at napakurap siya nang mapagsino ito. "I-Ikaw?" 

Unti-unti itong naglakad hanggang nasa harapan na niya ito. "A-Anong ginagawa mo dito?" 

"I was here for twenty minutes. Where have you been? I saw you took the taxi from the club earlier." 

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Hinaan mo nga ang boses mo!" Aniya. Luminga siya at baka may nakarinig pero parang wala naman dahil busy sa chismis ang mga kapitbahay niya. Bigla yatang na-stress ang utak niya dahil dito. 

"Hoy!" Nauna pa itong pumasok kaysa sa kanya. "Hoy! Mahiya ka nga sa 'kin!" Naiinis na turan niya. Tinakpan niya ng inis ang boses dahil nahihiya siya.

Alam niyang mayaman ito. Hindi katulad niya na isang kahig, isang tuka. Simple lang naman ang mga gamit niya. Mesa para sa pagkain, electric fan, radyo, maliit na kama, aparador at lumang rice cooker. 

"Hoy! Ano ba?" 

Feeling at home talaga ang lalakeng 'to, humiga pa talaga sa kama niya. 

"Hoy!" Niyugyog niya ang balikat nito. "Umalis ka nga diyan!" 

"I'm tired," he said dreamily. 

Ilang sandali niyang tinitigan ang lalakeng nakadapa sa kama niya bago niya narinig ang mahinang paghilik nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status