Share

Four

Kumakain na ng almusal si Kassandra nang gumalaw ang buwisita niya. At home talaga ang mokong. Napailing na lang siya. 

Bumangon ito at kinusot ang mga mata. 

Kagabi ay nilagyan niya ng dalawang unan ang kabilang kama para hindi sila magtabi.

Kung ito ba naman ang makikita ko tuwing umaga, busog na siguro ako lagi. Lihim siyang napangiti sa kapilyahan ng sariling isip. She stood up to get a glass of water. Paglingon niya, nilalantakan na ng buwisita niya ang pagkain niya. 

"Hoy! Anong ginagawa mo?" 

"Eating. Can't you see?" He looked so fresh and natural by just eating. Partidang hindi pa ito nakapaligo. Magulo ang buhok at gusot ang t-shirt na suot. 

God! Ano kayang posisyon ang ginawa ng mga magulang nito at ganito ito kagwapo? 

Parang gusto naman niyang kutusan ang sarili sa mga bagay na pumapasok sa isip niya. Yes, he's handsome, no doubt about that but he's also a child trapped in a gorgeous body. He didn't even bother getting his own spoon and fork. Basta na lang nito ginamit ang ginamit niya. 

"Are you going to school?" Tanong nito matapos maubos ang pagkain niya.

"Hindi halata sa uniform ko?" 

Nilinis nito ang pinagkainan at uminom ng isang basong tubig. "I'll bring you to your school." 

"No," agad na sagot niya. 

"I won't take no for an answer." 

"Teka, ano pa ba ang ginagawa mo dito? Nakatulog ka na at nakapag-almusal, hindi ka pa ba aalis?" 

He took a moment to think and nod. "Okay." 

Pagkasabi niyon ay lumabas na ito. Napabuntong-hininga siya. Wala talagang manners e. Didn't even bid goodbye. She grabbed her bag and locked the door. Paglabas niya, someone was waiting and she found herself inside the car of this annoying guy. 

She narrowed her eyes on him. "I thought you already left?" 

Hindi siya nito pinansin at nagmaneho papuntang eskwelahan niya. When they arrived, she quickly got off and went inside the school. Naiinis siya dito. At mas naiinis siya sa sarili niya. Hindi man niya aminin, nag-eenjoy siyang kasama ito kahit walang kabuluhan ang mga pinag-uusapan nila.

You guys talk? A voice teased her.

"SABAY na tayong mag-lunch, Kass." 

Kassandra smiled at her classmate. She's her friend since day one. "Oo ba." 

Sabay silang lumabas ng school para naglakad-lakad at baka may matipuhang karinderia. They don't eat at the canteen, masyadong mahal, hindi niya afford. 

Pumasok sila sa bagong tayong karinderia 'di kalayuan sa school nila. "Dito kaya tayo kumain, Mae." 

Tumango ito at pumasok na sila. "Ako na ang o-order," aniya at pumili ng ulam. She chose adobo for herself and caldereta for Mae. 

Someone cleared his throat at her back. Paglingon niya, halos mabitawan niya ang dala. What is he doing here? 

"Ikaw na naman?" Inis niyang saad. 

Nagkibit-balikat ito at pumili din ng ulam. Nilampasan niya ito at bumalik sa mesa nila. 

Mae stared at her. "Anyare?" 

Umiling siya. "Wala. Kain na tayo." Luminga-linga siya na parang may hinahanap. Napatingin siya sa kabilang mesa nang may umukopa doon. 

Xerez is eating his food leisurely. Parang walang iniintindi at nagpapakabusog lang. 

Wala bang trabaho ang isang 'to?

Hindi naman niya maiwasang pukulin ng masasamang tingin ang mga babaeng lantarang nagpapa-cute dito. 

Hah! Dream on, girls! 

"Kilala mo 'yon?" Kinalabit siya ni Mae. Ininguso nito si Xerez.

"Ha? Ahm... H-Hindi." 

Nagdududang tiningnan siya nito. She put her gaze back to her food. Hindi niya alam pero parang ayaw niyang may makilalang ibang babae si Xerez. 'Di nagtagal ay may tumabi sa kanya. It's none other than the guy with no manners. 

"Hi." 

Hindi niya ito pinansin. She'd rather stay silent than entertain this annoying guy. 

"Hi! Magkakilala kayo ni Kass?" 

"Yeah." 

"Oh. Buti naman at my ibang kaibigan na lalake si Kass dito aside sa mga classmates namin." Mae extended her hand. "Mae here. Best friend at classmate ni Kass."

Xerez accepted Mae's hand. "Nice to meet you. I'm Xerez." 

Napatingin siya sa kamay ng mga ito. Nagngingitngit ang kalooban niya. Hindi niya alam kung bakit. Maybe because she only wants Xerez's attention to focus on her? 

"San kayo nagkakilala nitong si Kass? I don't believe you're the same school with us. I didn't saw you even once." 

Xerez's eyes glistened with tease. "We met at a cl-" 

"We met at the park near here. He's the jerk I'm talking about," sansala niya sa sinasabi ng katabi. 

Mae's eyes widened in excitement. "Oh my! Talaga? And you two are going out since then?" 

He just slept in my bed last night. 

"Of course-" 

"Not." Putol niya. Parang gustong kumawala ng usok sa ilong niya. Uminom siya ng tubig at niligpit ang gamit. Alam niyang iba ang pupuntahan ng topic nila.

"Mauna na ako, Mae. May kailangan pa pala akong tapusin."

Narinig pa niya ang reklamo ni Mae pero hindi niya ito nilingon. Tuluy-tuloy siya sa paglalakad hanggang makarating ng library. Doon niya na lang uubusin ang free time niya. She grabbed a book and sat at the corner. Minutes have passed but she couldn't understand a single word. Naiinis na ibinagsak niya ang libro. Ano na kaya ang ginagawa ngayon nina Mae at Xerez? Para siyang mababaliw sa kaiisip ng posibleng nangyari. 

Tumayo siya at nagpasyang umuwi. Itutulog na lang niya ang nararamdaman.

"BAKLA, ba't nandito ka?"

"Para magtrabaho?" She answered sarcastically. Sometimes, Pia has this attitude to ask what is obvious.

Pia rolled his eyes. "Bakla, nandito ang perang para sa'yo. Kunin mo na at exit ka na."

"Ayoko."

"Please, bakla?" Pia did the beautiful eyes thing.

Imbes na ngumiti, napangiwi siya sa hitsura nito. "No." That sponsor creature creeps her out. It's better not to rely to him or she might be sorry later.

She changed her clothes and put some make up. She heard Pia sigh. 

"Bakla, pasalamat ka at umalis na yung lalake kanina. Baka patayin ako n'on pag hinayaan kitang magsayaw."

She turned her head to him. "What do you mean? Kilala mo ang lalakeng 'yun?"

Tumango ito. "Pero hindi ko alam ang pangalan niya. Binibigay lang niya sa 'kin ang pera at lumalarga na."

She doesn't care who the hell he is. Bigla niyang naalala ang Xerez na 'yun. Bumalik ang inis na naramdaman niya.

"Ah, basta! Sasayaw ako!"

Pia left her and she waited for her turn. Lumabas siya para sana may itatanong kay Pia nang may humigit sa braso niya.

"A-Anong-" Kinaladkad siya nito hanggang makalabas sila.

"Bitawan mo nga ako!" Sikmat niya.

Now that she saw him again, nadagdagan lang ang inis niya. Tapos na ba itong makipagharutan kay Mae? She couldn't read his face. He's emotionless and dangerous. Naalala niya ang unang pagtatagpo nila.

Parang wala itong nararamdaman at walang pakialam sa paligid.

"We have to go somewhere," he said in a cold voice.

"Ayoko." She crossed her arms on her chest. Isa pa, nilalamig siya dahil manipis na tela lang ang suot niya. Akmang papasok siya ulit ng club nang bigla siya nitong buhatin na parang bigas. Hindi alintana ang bigat niya.

"Hoy! Ano ba! Ibaba mo ko!" She wriggled but to no use. Ilang saglit pa ay narating na nila ang kinaroroonan ng kotse nito. He deposited her to the passenger seat at mabilis ring pumasok ng driver seat. He threw a small paper. She saw it and her eyes went in shock. One hundred thousand in a cheque!

"Ano 'to?" Tukoy niya sa cheke.

He didn't answered and just started the ignition. Is the cheque for her? Bakit? Para saan? Napakadaming tanong ang nagra-ramble sa isip niya. Where and why would he take her? Why did he became so furious all of the sudden? 

His eyes went distant. Hindi niya alam pero hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Nilukob ng nakabibinging katahimikan ang sasakyan. He's so silent and so she was. Hindi siya ang mag-aadjust para sa lalakeng 'to. A moment later, the car stopped in front of the sea. Where he took her the first time he demanded for her attention. Umibis ito ng sasakyan at naglakad papunta sa pampang. 

She followed him. She stared at him and was mesmerized by his face. She thought he came from a comic book. From his black eyes, prominent check bone and square jaw, high-bridged nose and those oh so tempting red lips. Partida nakita niya itong naninigarilyo. How can a guy be this handsome as if were born to be physically perfect? She cleared her throat after being lost for minutes.

"W-What are we doing here?" Lakas-loob niyang tanong. Inabot nito ang checkeng binalik niya kanina sa dashboard. 

"A-Ano 'to?" 

"Is that enough for you to not show yourself tonight in that club?" His eyes pleading. She saw an emotion at last mirrored in his eyes. Naguguluhan siya sa inaakto nito.

Kanina lang ay galit ito tapos ngayon naman ay parang nagmamakaawa.

"Ano?"

"That's your fee for tonight," he said then walked back to the car. Naiwan siyang natitigilan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status