Share

Five

"Good morning, bakla!" 

Nagkasalubong sila ni Pia sa hagdan. Papasok ito at papunta naman siyang eskwelahan. 

"Hi, bakla!" She greeted back. 

Lumawak ang ngiti nito. "Ikaw ha? May secret ka pala." 

"Anong secret ang sinasabi mo diyan?" Tanong niya. 

"Kilala mo na pala 'yong nagbibigay ng pera sa 'yo?" 

"Ha?" 

"Yung lalakeng kasama-" 

"Kassandra." 

They both turned their heads to the guy who called her name. 

This is the first time he voiced out my name and it's like music to my ears even though it lacks so much emotion. 

Napaarko ang kilay niya. "Ano na naman ang ginagawa mo dito?" 

"Kass! Siya-" 

"Good morning, Pia," mahinahong bati ni Xerez dito. Something in his eyes was making Pia uneasy.

Ba't ba hindi nito matapos-tapos ang sinasabi? 

"Siya ang ano?" Tanong niya. "Teka, magkakilala ba kayo?" 

"S-Siya ang-" 

"We met at the club," putol ni Xerez sa iba pang sasabihin ni Pia. He looked at Pia and the latter looked away. 

Kinilabit niya si Pia. "Siya ang ano?" 

Pia forced a wide smile. "W-Wala! S-Siya ang sinasabi ko sa 'yong p-pogi," Pia's eyes shifted to other directions.

Parang ayaw salubungin ang mga mata niya. O baka ilag lang ito kay Xerez dahil sa pagiging suplado nito? 

"S-Sige, bakla. Mauna na 'ko," Pia left immediately. 

Hinarap naman niya si Xerez. "Seriously, bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot na parang kabute?" Despite the irritation she felt, she have this feeling of running her fingers through his hair. 

"I'll take you to your school." 

She rolled her eyes and headed to his car. Hindi na lang siya makikipag-argumento dito. Sasamantalahin na lang niya ang mga ginagawa nito. Advantage din 'yun sa kanya. Makakatipid siya sa oras at pamasahe. Una siyang pumasok sa kotse at sumunod ito. Wala silang kibuan. Nagtaka nga rin siya sa sarili niya. 

Hindi niya kilala si Xerez pero parang palagay ang loob niyang kasama ito. She feels safe and secure whenever he's around. Pa'no kung may gawin itong hindi maganda sa kanya? Ano naman ang laban niya? If it were to happen, she has no one to blame but herself. She let him in in her life without knowing much about him.

After twenty minutes, nakarating na sila sa eskwelahan niya. Bago bumaba, she faced him. "Thank you," aniya. She wasn't sure if she really saw a small smile appeared on his lips or is it just her imagination? Tumango ito at umibis naman siya. Walang ibang dahilan pero ganado siyang sumabak ngayong araw sa hamon ng buhay.

"ATE!" Masayang salubong ng nakababatang kapatid niyang si Angel. She ran to her sister and hugged her tight. 

"Angel! Naku! Anong ginagawa n'yo dito?" Sinulyapan at nginitian niya si Tiyang Sheilla na nakaupo. "Hindi ka dapat mag-byahe sabi ng doktor." 

Ngumuso ang kapatid niya. "Ate naman, e! Ngayon lang ako nakapunta dito tapos pagbabawalan mo pa 'ko?" 

Tumawa siya. "Ikaw talaga." Ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Kanina pa kayo nandito, Tiyang?" She asked and hang her bag at the side of the door.

Even though Angel was living in the province, she gave her a duplicate key of her boarding house.

Marahang ngumiti ito at umiling. "Kadarating lang namin." 

Mabuti na lang pala at nakabili siya ng pan at palaman kanina sa grocery store. Kinuha niya ang mga iyon sa bag at inilapag sa mesa. Nagtimpla rin siya ng kape at gatas para kina Tiyang Sheilla at Angel. 

"Naparito kayo, Tiyang? Sana tumawag na lang kayo para hindi kayo nahirapan sa byahe." 

"Okay lang naman, Kass." 

She knew something isn't right. These two will never leave the house if it's not important. "May problema ho ba?" 

Tahimik lang si Angel na naglalaro sa cellphone niya. 

Huminga nang malalim ang matanda. "May pumuntang mga kalalakihan sa bahay kahapon. May utang daw sa kanila ang tatay n'yo. Malaki daw kaya hindi niya kayang kalimutan kahit patay na ito." 

Napatango siya. Ilang taon na ring patay ang tatay nila pero ngayon lang nagparamdam ang inutangan nito. May inilabas na papel ang matanda at ipinakita sa kanya. May pangalan doon ng tatay nila at may pirma pa. Sigurista talaga ang nagpautang at ginawan pa ng kasulatan. Lumipad ang tingin niya sa gitna ng sulat at nanlaki ang mga mata. One hundred fifty thousand ang utang ng tatay nila at ginawang pang-collateral ang bahay nila dahil lang sa sabong? Her knees melted as she sat on the bed. She felt her energy being drained by what she just read. Kung kailan medyo nakaluwag-luwag na siya, saka naman dumating ang delubyo. Bahagya siyang tumalikod sa kapatid para hindi nito makita ang pamamasa ng mga mata niya. 

What kind of a sick joke is this? Is she not allowed to somehow rest for the mean time from her debts?

Tinabihan siya ni Tiyang Sheilla at hinagod ang likod niya. "Babalik daw sila sa Lunes para sa paunang bayad. Kahit sengkwenta mil lang daw muna ang sisingilin nila." 

She wanted to scream but her mind stopped her. Hindi niya kailangang maglabas ng emosyon sa harap ng kapatid. Siya ang lakas nito at hindi siya papayag na makita nito ang kamiserablehan niya. Nanunubig na rin ang mga mata ni Tiyang Sheilla.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil may katuwang siya sa damdaming lumulukob sa kanya. She hugged the old lady. Hindi man nila ito kamag-anak, alam niyang pamilya na rin ang turing nila sa isa't isa. 

"Ano'ng balak mo ngayon?" Tanong nito maya-maya. 

Suminghot-singhot siya bago sumagot. "M-Manghihiram muna siguro ako sa boss ko, Tiyang." 

"Pasensya ka na, Kass ha? Hindi kita matutulungan sa gastusin mo." The old lady was also sad.

Umiling siya at ngumiti. "Okay lang, Tiyang. Sobra-sobra na po ang tulong na ginagawa n'yo sa amin," aniya. 

Nagtitinda si Tiyang Sheilla ng mga kakanin sa tapat ng bahay nila kaya hindi na niya tinatanggap ang perang binibigay nito sa tuwing umuuwi siya ng probinsiya. 

"Nga pala, may dinala kaming prutas para sa'yo. Anihan na kasi noong isang linggo. Binigyan kami ni Mareng Ailyn." 

"Sana, Tiyang, hindi n'yo na 'ko dinalhan." 

"Okay lang. Marami naman ang binigay niya eh. Hindi rin naman namin mauubos 'yon." 

"Salamat, Tiyang." 

Mula nang mamatay ang mga magulang nila, si Tiyang Sheilla na ang tumayong pangalawang ina nila. 

"Kumusta naman ang pakiramdam mo, Angel?" Baling niya sa kapatid na sige pa rin sa paglalaro ng Temple Run.

"Okay lang, ate. Salamat sa pagpapadala ng pera para sa mga gamot ko." She smiled at her sister. She will do everything for her even if it means of selling her body, dignity and morality.

ISINUKBIT ni Kassandra ang bag sa balikat at lumabas na ng boarding house. It's only seven thirty in the evening. Maglalakad-lakad muna siya para makasagap ng sariwang hangin. Umuwi na rin si Angel at Tiyang Sheilla sa probinsiya. Hinatid niya ang mga ito kanina sa terminal. Nagkaiyakan pa sila ni Angel dahil maghihiwalay na naman daw sila. Kinandado niya ang kwarto at pagtalikod niya ay napaharap naman siya sa lalakeng hindi yata marunong gumawa ng ingay. 

Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. "Ano ka ba? Papatayin mo ba ako sa nerbiyos?!" Angil niya. 

Despite the irritation, Xerez looks more handsome and masculine in a suit. Did he went here straight from work? What kind of work does he have, anyway?

"That's the dumbest thing I will do," he answered in a low tone. 

"Ha?" Hindi yata klaro ang pagkakarinig niya. 

He snatched her hand as they headed out of the building. 

"Hoy! Sa'n mo ko dadalhin?" 

Binalot ng init ang magkabilang pisngi niya nang makitang nasa kanilang dalawa ang mga mata ng mga tao. Walang hindi chismosa pa naman sa lugar nila. Who wouldn't get people's attention when you're with a handsome guy? May gwapo ba namang lalake na yummy ang nakahawak sa kamay mo, bulag na lang ang hindi makakapansin sa kanila este- sa lalakeng 'to. 

Maya-maya ay nasa kotse na sila at nasa daan nang maisipang ibuka ang bibig para may mapag-usapan. Pag ito talaga ang kasama niya, napapanis ang laway niya. 

"Kailangang nasa club na ako bago mag-alas nueve." 

She saw his fist clenched. Teka, may mali ba sa sinabi niya? Nagtatakang nilingon niya ito when he took the total opposite direction. 

"Hindi dito ang daan." 

"Shut up." 

Her temper got the better of her. No one can order her around. "Hoy, mister! We're not close in the first place kaya bakit bigla mo na lang akong kinaladkad dito? I don't even care about you!" She glared at the guy beside her. 

He didn't argue and just kept on driving. She can feel the anger his body is producing. Hindi niya gustong makita itong galit pero hindi niya maiwasang mainis sa tuwing tahimik ito. Tumahimik na lang din siya dahil alam niyang hindi bubuka ang bibig nito. Inabala na lang niya ang sarili sa pagtanaw sa mga butuin. If her parents were still alive, will she get to meet this guy? Will she ever get the chance to dance in front of DOMs just to earn cheap money? So many what ifs in her mind that she didn't know if she'll ever have a definite answer. 'Di nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa isang exclusive subdivision.

She had heard things about this place. Pulos nasa alta-sociedad lang ang may kakayahang manirahan dito dahil sa pagkamahal-mahal ng lote at bahay. Imbes na manalangin para makaligtas kung sakaling baliw ito, she found herself in awe when the car went in in a two-storey house. The house was painted white all over. There's a six feet swimming pool at the left side of the house and a fountain in front of the gate. The car went inside the garage and she found three more luxury cars in it. 

Hala! Carnapper ba ang gwapong lalakeng ito? 

Nang umibis ito ay lumabas na rin siya. "K-Kaninong bahay 'to?" 

"Welcome to my house."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status