Share

Nine

Bwisit na 'yun! Pagkatapos akong makuha, nawala na lang na parang bula!

Nangangalaiti si Kassandra nang magising kinaumagahan na wala nang kasama. At mas nangangalaiti siya ngayon dahil dalawang araw na itong hindi nagpapakita sa kanya. Tumawa siya nang pagak. Gaga din siya eh. Bakit pa kasi siya nagpatangay sa agos ng nararamdaman niya? Ayan tuloy, kawawa siya. Wala rin siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya.

"Thank you, Vin. Ingat ka pauwi," aniya kay Alvin. Isinabay na lang siya ng baklang kaibigan pauwi dahil nagkita sila kanina sa mall at madadaanan din naman ang boarding house niya. 

"Wala yun, bakla. Basta hanap mo ko ng fafang ha?" Ngumisi pa ito at umalis na. 

Natawa siya. Kung hindi mo kilala si Alvin, iisipin mong lalakeng-lalake ito. Hindi kasi ito naglaladlad kaya hindi halatang berde ang dugo nito. Akmang papasok na siya ng kwarto niya nang may humigit sa braso niya. She looked up at the creature who gripped her arm.&nb

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status