Share

Chapter 10

"Jairus! Sandali!" Binilisan ko ang paglakad ko para lang maabutan siya. Bakit ba ang bilis niyang maglakad?

Habol-habol ko ang hininga ko nang maabutan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-ilang sa paraan ng titig niya sa akin.

Nang maayos na ang paghinga ko ay umayos ako ng pagkakatayo ko. "Sundan natin si Gail, baka kung anong gawin no'n." 

"Walang gagawing masama 'yon. Pumasok ka na sa room mo," sabi niya at walang bakas na pag-aalala sa boses niya. Ganyan ka bang klasing lalaki?

Akmang tatalikod siya nang tinawag ko ulit ang pangalan niya. Nilingon niya ako at hinintay ang sasabihin ko.

Kinuha ko sa bag ang Jacket at ang Notepad niya.

"Here, thank you again." Ibinigay ko sa kaniya ang gamit niya at kinuha naman niya ito.

Pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang mga 'yon ay naglakad na ako papunta sa room ko. Habang naglalakad ako ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status