Share

Chapter 28

Napasandal ako sa kinauupuan ko nang umalis na si Mr. Guevarra. Muli kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras roon. Alas-dose na ng tanghali. Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Bago ako lumabas ay tiningnan ko kung saan ang address nung kompanya ni Jairus. Balak kong puntahan siya para makipag-usap nang maayos.

Nagsearch din ako ng malapit na restaurant sa kompanya nila. Mabuti na lang at meron kahit fast food chain lang. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at pinaandar na ito. Hindi pa rin mawala-wala sa isipin ko ang mga titig ni Jairus, bumalik yung dati. Yung una ko siyang nakita gan'on, ganoon ang paraan ng titig niya kanina. Hindi ko alam kung bakit, wala naman talaga kaming pinag-awayan. 

Pagkatapos kong kumain ng lunch ay dumiretso na ako sa kompanya niya. Pagkapark ko sa parking lot ay lumabas agad ako. Napakunot ang noo ko dahil ang daming tao sa labas ng building. Anong meron? May audition bang nagaganap?

Kahit na ganon ang sitwasyon ay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status