Share

Cold Stare (Tagalog)
Cold Stare (Tagalog)
Author: ultimategel

Chapter 1

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

DO NOT PLAGIARIZE!

-----------------------------------------------------------------------------------

"Mama, saan po ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa bus. 

Nakaupo si Mama sa tabi ng bintana habang nasa kandungan niya ang kapatid ko na limang taong gulang.

Tiningnan ako ni Mama, "Anak, sa totoo lang hindi ko rin alam." Nagsimula nang umiyak si Mama.

Hindi ko maintindihan. Bakit umiiyak si Mama? May problema ba siya? Nitong mga nakaraang araw kasi ay panay ang away nila Mama at Papa hanggang sa hindi na nga umuwi si Papa. Pinapaliwanag naman sa akin ni Mama ang lahat pero parang ang gulo pa rin para sa akin. 

"Huwag na po kayong umiyak, Mama. Magtatanong na lang po ako kung saan papunta itong bus," sabi ko kay Mama na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak.

Tatayo na sana ako nang hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Huwag na, alam mo ba kung bakit umiiyak si Mama?" tanong niya sa akin.

"Opo!" sagot ko.

"Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung bakit."

"Dahil hindi natin kasama si Papa." Malungkot na sabi ko.

Inipit ni Mama ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.

"Tama pero may iba pang dahilan, umiiyak si Mama dahil masaya siya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mama! Paano po 'yon? Umiiyak tapos masaya pala? E?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Hinagod niya ang mahaba kong buhok, "Tears of joy ang tawag doon, Anak. Masaya lang ako dahil naging mga anak ko kayo." 

"Masaya rin po kami na naging Mama ka namin!" Pagmamalaking sabi ko.

Nginitian lang ako ni Mama at ganon din ang ginawa ko. 

Isinandal ko ang ulo ko sa braso ni Mama. Iidlip muna ako habang nagba-biyahe kami. 

Nagising ako nang makarinig ako ng ingay. Kinusot-kusot ko ang mata ko gamit ang kamay ko.

"Manong? Ano pong nangyayari?" tanong ng isang Ginang.

Tiningnan ko si Mama na ngayon ay yakap si Teedy, ang bunso kong kapatid. Nakita ko sa mukha ni Mama ang pag-aalala.

"Mama, ano pong nangyayari?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Nakatuon kasi ang kan'yang tingin sa Ginang na nagtanong.

"Kuya! Sabihin mo sa amin ang totoo!" sigaw ng isang lalaki. Napatingin na rin ako sa kanila.

"H-hindi g-gumagana ang break!" nauutal na sabi nung Driver at nagsimula nang magpanic ang iba.

"Ma..." sabi ko habang nangingiligid na ang luha sa mga mata ko.

"Shh, huwag iiyak, okay?" sabi sa akin ni Mama at tumango lang ako.

Lumakas ang sigawan nang nagpa-geywang geywang ang bus. Hindi na alam nung Driver kung ano ang gagawin niya. Napatingin ako sa mga nakasakay sa loob ng bus. May mga umiiyak at nagyayakapan na. Meron naman na sumisigaw habang sinesermonan ang Driver at ang nagpaiyak sa akin ay sila Lola, wala silang magawa kung hindi ang tingnan na lang ang nangyayari.

"Anak, hawakan mo nang mahigpit itong kapatid mo, ha? Huwag mo siyang iiwan." Tumango ako sa sinabi ni Mama at tumulo na ang luha sa pisngi ko.

Umusog ako ng kaunti habang nilalagay ni Mama si Teedy sa tabi ko. Agad ko namang hinawakan ang kamay ng kapatid ko. Maamo itong natutulog. Mabuti na lang at hindi siya nagigising sa sobrang ingay.

"Babangga tayo, Manong!" sigaw nung kung sino man dahil hindi ko na ito tiningnan.

Niyakap ko ang kapatid ko hanggang sa maramdaman ko na may yumakap sa amin. 

"Mama!" Umiiyak na sabi ko at bumangga na nga kami sa hindi ko malaman kung saan at unti unting nawala ang mga sigawan.

Bahagyang nakabukas ang mga mata ko nang may kumuha sa kapatid ko. Hindi ako makagalaw at wala rin akong sapat na lakas para ibuka ang aking bibig. Hindi. Hindi maaari, ang kapatid ko! 

Gusto ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Naramdaman ko rin na tila may likidong lumalandas sa mukha ko. Hindi ito ordinaryong likido dahil kulay pula ito, dugo na nanggagaling sa ulo ng Mama ko. 

Wala na akong maramdaman hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko. 

Sa aking pagpikit ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko na kasama sila. 

Ito na nga ba ang huling araw na masisilayan ko sila?

---

7 years ago after the incident...

"Mel! Bumaba ka na rito, isasabay ka na ng Daddy mo!" rinig kong sigaw ni Mommy sa ibaba. 

Agad kong isinukbit sa isang braso ko ang backpack ko at kinuha ko na ang phone ko na may nakasaksak na earphones.

"Nariyan na po," sabi ko at nagmadali nang bumaba sa hagdan.

"Nasa labas na ang Daddy mo," sabi Mommy nang makababa na ako. Tumango lang ako sa sinabi niya.

Lalabas na sana ako nang tinawag niya ulit ako.

"Mel, halika nga rito," sabi niya at lumapit naman ako sa kan'ya.

"Bakit po?" tanong ko.

Bigla niya akong niyakap, "Mag-iingat kayo," sabi niya at pagkatapos ay tiningnan niya ako sa mukha.

"Opo, alis na po kami," sabi ko at tumango siya sa akin.

Lumabas na ako ng bahay at nakita kong naghihintay na nga si Daddy sa labas. Agad akong pumasok sa passenger seat.

Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay inilagay ko ang earphones sa tenga ko at nakinig ng music. 

"Good Morning," bati ni Daddy at itinanggal ang isa kong earphones sa tenga ko.

Napatingin ako sa kan'ya na tinatawanan ako, "Morning, Dad. You're really happy by pissing me off, huh?" mas lalo siyang natawa sa sinabi ko.

Inilagay ko ulit ang isang earphones sa tenga ko at tumingin ako nang deresto sa dinaraanan namin.

Pitong taon na ang nakakaraan pero naalala ko pa rin ang gabing 'yon. I was eleven years old that time while Teedy is five years old. Napakabata pa namin at naranasan na namin 'yon. Hindi ko alam kung saan napunta si Teedy ang huling kita ko sa kan'ya ay may kumuha sa kan'ya at hindi ko kilala kung sino. Si Mama naman ay wala na rin akong balita. Ako naman ay may nagmagandang loob na tulungan ako at inilagay sa orphanage. Doon ako kinuha nila Mommy at Daddy. Minahal nila ako na parang tunay nilang anak. Pinaramdam din nila na may mga magulang ako. Halos hindi sila nagkulang kahit sa pagmamahal ay hindi nila ipinagkait.

Pero alam ko sa sarili ko na may kulang pa rin sa akin. Kulang na hindi mapuno-puno ng kahit na sino. I will always missed my Mama and Teedy.

Tumigil ang sasakyan sa harapan ng school na pinapasukan ko. Bago ako lumabas ay nagpaalam ako kay Daddy.

"Be friendly, anak," paalala niya.

"Dad naman, kung gusto nilang makipagkaibigan edi makipagkaibigan sila." 

"Okay, just be friendly para hindi ka nag-iisa." Tumango lang ako kay Dad ay umalis na siya.

Hindi ko talaga gusto ang magkaroon ng kaibigan. Ang gusto ko lang ay ang mapag-isa lagi. Pakiramdam ko kasi kapag mag-isa ako ay doon ko nararamdaman ang tunay na kapayapaan. 

Diretso lang ang lakad ko papuntang room. Pagkapasok ko sa room ay napatingin sila sa akin hanggang sa maupo ako. What's new? Araw-araw na lang silang ganito. Pagkaupo ko sa likuran ay nagsimula na ulit sila sa kanilang kan'ya-kan'yang ginagawa. Napairap ako sa kawalan. 

Nang dumating ang teacher namin ay nagsi-ayos sila. Tinanggal ko naman ang earphones ko at nakinig sa discussion. 

Tumunog ang bell, hudyat na lunch time na. Agad naman nagsilabasan ang mga kaklasi ko at ang iba ay nagpapaganda muna. Tumayo ako at inilagay ko ulit sa tenga ko ang earphones ko.

Imbis na sa cafeteria ang punta ko ay lumihis ako ng landas. Pumunta ako sa music room. Wala naman tao rito kaya ayos lang siguro. Umupo ako sa isang upuan sa loob at kinuha ko ang isang gitara rito. Hindi ko alam kung sa school ba 'to o kung may nagmamay-ari rito. Ibabalik ko rin naman agad at wala namang tao rito e.

Ididikit ko pa lang sana ang mga daliri ko sa string nang bumukas ang pintuan. Napapikit ako saglit at hindi tiningnan kung sino ang pumasok. I started to play the guitar with a random song that I know. It's Closer.

Tumigil ako nang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Tumayo ako at ibinalik sa kung saan ko kinuha ang gitara. Pagkalagay ko roon ay humarap ako pero wala akong nakitang tao kundi ako lang, mag-isa.

Bumuntonghininga ako at umalis na sa music room. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na kabahan. May tao ba talagang pumasok kanina sa music room?

"Pre, ito pala ang sinasabi nilang lonely girl," sabi nung isang estudayanteng lalaki.

Natigil ako sa paglalakad dahil hinarangan nila ako. Tinitigan ko lang sila nang diretso.

"May angking ganda rin pala, pre!" harap-harapan nilang sabi sa akin.

"Hi," sabi ng kasama niya.

Hindi ko ako nagsalita at patuloy ko lang silang tinitigan. 

"Pre, snobber siya!"

Nilagpasan ko na lang sila dahil napakawalang kwenta ng mga sinasabi nila.

"Teka lang, kinakausap ka pa namin e," hinigit niya ang braso ko.

Mabilis ko namang tinggal ito at mariin ko siyang tinitigan.

"Tara na, Pre! Mukhang may gagawing hindi mabuti sa atin 'yan! Titig niya pa lang!" sigaw nung kasama niya at hinila niya ito paalis.

Maglalakad na sana ulit ako nang may bigla na lang bumunggo sa akin. Hindi naman gaanong masakit pero agad niya akong nilagpasan. Nagmamadali ata 'yon?

Napatingin ako sa isang maliit na notebook, I think notepad ito. Pinulot ko ito at kasabay no'n ay nagring ang bell. 

Bumalik ulit ako sa room at as usual nakatingin na naman sila sa akin. Gaya nang dati ay binalewala ko lang sila at umupo sa upuan ko rito sa likuran.

Inilagay ko sa ibabaw ng desk ko ang notepad na napulot ko kanina. Bubuksan ko sana ito nang dumating ang teacher namin. Nakinig na muna ako, mamaya ko na lang tingnan kung ano ito. Para malaman ko kung kanino rin ito baka importante ito sa kan'ya.

"Good day, Class!" paalam ng last teacher namin sa araw na ito.

"Good day, Ma'am," sabi ng mga kaklasi ko.

Pagkalabas ng teacher namin ay agad na silang nagsi-alisan. Ang bilis nilang mawala. Tanging ako at mga iilang babae na lang ang naiwan rito sa loob ng room.

Inayos ko na ang mga gamit ko at muli kong nakita ang note pad sa desk ko. Tumayo ako at isinukbit ang backpack ko sa isa kong balikat.

Muli kong inilagay ang earphones sa tenga ko habang ang phone ko ay nasa bulsa nitong palda ko. Hawak-hawak ko ang notepad nang lumabas ako nang room.

Binuksan ko ito at doon ko nakita ang pangalan ng may-ari nito. Hindi kaya isa itong journal? Naku-curious tuloy ako.

Binasa ko ang pangalan niya pero hindi ito pamilyar sa akin. Hindi ko rin ito kaklasi. Inilipat ko ang isang page, sa pangalawang page naman ay nabasa ko ang pamagat nito.

Cold Stare: Let me tell you my story.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Violeta Ilustre
bakit wala ka u free story ,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status