Share

Who Are You? (TAGALOG)
Who Are You? (TAGALOG)
Author: JJOYXSPIRIT

PROLOGO

Paano mo ba malalaman ang tunay na halaga ng buhay? Kapag ba nasa bingit ka na ng kamatayan o ’pag naranasan mo na ba ang sinasabi nilang pangalawang buhay? Eh, paano naman ang sinasabi nilang pagmamahal?

Sabi nila, may iba’t ibang klase ng pagmamahal sa mundo. May pagmamahal para sa pamilya, may pagmamahal na para sa kaibigan, may pagmamahal na para sa karelasyon, may pagmamahal para sa sarili, at ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal para sa Diyos.

Pero paano nga ba masasabi na nagmamahal ang isang tao? Kapag ba ito’y masaya? Kapag nasasaktan? Kapag nagsasakripisyo? O kapag handang ibigay ang lahat para sa taong mahal kahit hindi nito kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo?

May pagmamahal na masaya. May pagmamahal namang malungkot. May pagmamahal na nagsasakripisyo, at may pagmamahal na ipinipilit lamang.

Masasabi kong karamihan diyan ay naranasan ko na. Living my life is like living in hell. Tanging isang tao na lang ang kinakapitan ko sa buhay pero pati ang taong

 iyon ay ayaw rin sa akin— gusto niya akong mawala sa buhay niya at maglaho na lamang na parang bula.

Kasalukuyan akong nasa bar ngayon para maglabas ng sama ng loob, masiyado na akong kinakain ng galit at inis, hindi para sa ibang tao kundi galit para sa sarili ko. Hanggang kailan ba kayang tiisin ng puso ang sakit? Hanggang kailan ba matututo ang puso na sumuko? Hanggang kailan ba kayang panindigan ng tao ang salitang PAGMAMAHAL?

Ako kasi, hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mawalay sa kaniya kahit sobrang sakit na. Hindi ko kayang iwan siya kahit hindi ko na talaga kaya. Sobrang tanga ko na sa mata ng ibang tao pero ano bang pakialam ko sa sasabihin nila? Anong pakialam ko sa opinyon nila?

“Miss, may sundo po ba kayo? Magsasarado na po kasi kami, kayo na lang po ang tao dito maliban sa’ming mga crew.” Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa harapan ko, hindi ko na siya sinagot pa at agad na tumayo kahit sobrang umiikot na ang paningin ko. “Tulungan na po kitang tumawag ng taxi,” aniya pero winagayway ko lamamg ang aking kamay bilang pagtugon.

“Thanks but no thanks. I can manage,” sabi ko na lang saka pinilit maglakad kahit na medyo hilo pa ako. Hindi ako lasing pero aminado akong may konting tama na rin ako. Lumabas ako ng bar at tiningnan ang paligid. Madilim– katulad ng buhay ko, walang tao– katulad ko nag–iisa.

Ilang minuto pa akong naghintay doon pero maski isang taxi ay walang dumadaan kaya napagpasyahan ko na lang ang maglakad, okay na rin ito dahil kahit papaano ay mawawala ang espiritu ng alak sa katawan ko at mabibigyan ng kapayapaan ang isip ko kahit papaano. Malamig ang simoy ng hangin, mayroon din akong kulog na naririnig. Mukhang uulan pa yata. Hanggang sa naramdaman ko sa aking balat ang ilang butil ng patak ng ulan.

Wala ako sa sariling napatingin sa madilim na kalangitan at hindi alintana ang mga malalaking patak ng ulan na galing sa kalangitan. Kasabay pagpatak ng ulan ay ang pag-agos ng luha ko na para bang nakikisabay ito sa nararamdaman ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko ng naaninag ko sa gilid ang liwanag. Liwanag na hindi galing sa street light, kundi liwanag galing sa paparating na sasakyan.

Dahil sa lakas ng ulan, mukhang hindi ako nakikita ng nagmamaneho nito, gustuhin ko mang umalis doon upang sagipin ang sarili ko, pero kahit paghakbang ay hindi ko magawa.   Para bang nakadikit na doon ang aking mga paa. Totoo nga na kapag nasa bingit ka na ng kamatayan ay maaalala mo ang mga memoryang labis na tumatak sa iyong isipan.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagpasok ng memoryang labis na nagpakirot ng puso ko.

Can you stop this bullshits Lorei? Kailan ka ba gagawa ng walang kadugtong na problema? ” sigaw sa akin ni Lander ng subukan kong ayusin ang gripo namin sa banyo, sira na kasi iyon at may tagas na. Hindi na ako tumawag ng mag-aayos dahil sayang lang sa pera.

“I don’t know why dad let me marry a stupid like you. You’re so annoying… no, everything about you is annoying. So get out of my sight!” dagdag pa niya pero wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang masasakit niyang salita at ngitian na lang siya.

“I don’t love you! Ano bang mahirap intindihin doon!? Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga!?” Isang araw, nag-away kami at tinanong ko siya kung may katiting ba na pagmamahal siyang natitira para sa akin pero nagalit na naman siya at binato ako ng mga masasakit na salita. Tulad ng dati, wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon at ngumiti na parang ayos lang ang lahat.

“Ry sino ’yong–” Naputol ang sinasabi ko ng biglang may kumapit sa braso ni Lander. ’Yong kasama niya kagabi at katabi niya matulog sa kama namin.

“Babe, let’s go,” sabi nito habang kapit na kapit sa braso ni Lander. Wala akong nagawa kundi ang sundan sila ng tingin hanggang sa makalabas sila. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay agad akong nanghina at sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Mapait akong napangiti sa sasakyang sasalubong sa akin. Wala man lang akong masasayang alaala na mabababaon. Muli kong ipinikit ang mata ko at hinanda ang sarili ko sa pagtama ng katawan ko kung saan.

“Kailan ka ba mawawala sa buhay ko!?”

 Ito na ’yon. Ito na ang pinakahihintay mo. Sana maging masaya na ang buhay mo. Maraming salamat sa sakit na dinulot mo.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
jen_26jen
Sayang. Gusto ko Sana tapusin kaso ayoko sa story na may cheating, even it's arrange marriage pa
goodnovel comment avatar
Allen Ablarrot
nakkaiyak umpisa palang ............
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
umpisa palang madudurog ka na.....huhuhu
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status