Share

WAY I: LIFE IS PRECIOUS

It was 2004 when it’s all started.

Maaga akong gumising upang maghanda sa unang araw ko bilang isang college student. Excited din akong makita ulit sina Mira, Cassey, at Mark na s’yang mga kaibigan ko. We knew each other since highschool, school mate ko sina Mira and Mark who were in higher grade level and Cassey was my classmate back then. Mira and Mark are twins pero ang layo ng mukha nila sa isa’t isa dahil praternal twins sila.

I packed my things before I go downstairs. Dad is there, as usual reading a newspaper while sipping on his cup of coffee. Nang makaupo ako sa tabi niya ay saka niya lang binaba ang binabasa niya.

“Good morning, my princess, how’s your sleep? Are you excited for college?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Daddy. Dad is such a good man. He is caring husband, a diligent son to his father, and above all, a loving father. That’s why I swear to myself that I will marry a man like him someday.

“Good morning, Mr. Handsome,” sabi ko, bahagya namang natawa si Daddy.

“Yes dad, I prayed last night. I hope we all have a good day today,” masayang wika ko saka ako nagsimulang kumain.

“Yeah, para maging mas maganda ang araw mo ngayon, ako ang maghahatid sa’yo sa school mo,” aniya na ikinaliwanag ng mukha ko. Dad is such a busy person pero nakakapaglaan pa rin siya ng oras para sa akin.

“Aren’t you busy?”

“Hmmm… Of course, I am. But I promised to your mom that I am going to take care of you, give the best for you, protect you and love you with all my heart," sabi ni Dad na s’yang ikinangiti ko lalo.

Mom died because of a gun shot. Nadala pa siya sa hospital at mayroon pang malay, and her last wish to dad was to take care of me and make me grow up as a fine young lady. And dad never fails her because he’s doing his best to fulfill my mom's death wish. Just look at me now. I've grown up into fine young pretty lady. I giggled because of that thought. I’m pretty and I know it.

“Aw, you’re the sweetest. I love you!” sambit ko sa kaniya at saka hinalikan siya sa kaniyang pisngi bago kami tuluyang kumain.

We arrived at the University just before my class starts. Madami pang binilin sa akin si Dad bago siya umalis patungo sa kaniyang trabaho— na mag-aral daw ako nang maigi, make some friends which what I am planning to do, and huwag daw magbulakbol which is hinding-hindi ko naman gagawin.

’Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay agad akong sinalubong ng yakap nina Mira at Cassey habang si Mark ay nakangiti lamang na sumalubong sa akin.

Mira is wearing a white medical uniform, she wants to be a nurse someday, while Cassey wears a simple pencil skirt, a brown sleeve and a heels— katulad ng sa akin. We are in the same course and building, which is Architecture habang si Mark naman ay nakasuot ng simpleng uniform lang din na nagpapakilala sa kaniya bilang isang Engineering student.

“Welcome to college life! And let us be your tour guide,” masiglang sambit ni Mira sa amin ni Cassey.

“Hindi ako aware na tour guide ka na pala ngayon at hindi nursing student,” biro ni Cassey sa kaniya.

“Ngayon lang ’to, ano ka ba, habang hindi pa kami busy ni Mark,” aniya saka hila sa braso ng kakambal niya.

“Right?”

“Yeah, right. This way please,” Mark said. Cassey and I just chuckled as we follow them. Unang stop namin ay ang library.

“Ito ang library ng mga Architecture and Engineering student. Bawat course ay may nakalaan na library. Since Engineering and Architectures are related, pinagsama na lang sila,” paliwanag pa ni Mira saka kami pumasok sa loob.

Bumungad sa akin ang maganda at naka-re-relax na theme ng library, may mga ilang estudyante doon na nagbabasa habang ang iba ay nag-iikot sa bawat shelf. “As you can see, tanging kaparehas n’yo lang na uniform ang nakikita n’yo katulad ng sabi ko for Engineering and Architectures lang exclusive ang library n’yo, and may dalawang phases yan. The Phase 1 is for Architecture students while the Phase 2 is for Engineering students. Hindi na kayo mahihirapan maghanap dahil ang laki naman ng signage,” dagdag pa ni Mira. Tumango-tango lamang kami sa kaniya ni Cassey.

“Geez! Excited na akong mag-cram dito!” biro pa ni Cassey na naging dahilan para mapatawa kami ngunit mahina lamang dahil nasa loob pa rin kami ng library.

Sunod-sunod na ipinaliwanag sa amin ni Mira at Mark ang mga hinintuan naming classrooms and buildings. Ilan sa mga ito ay ang school's auditorium, school’s landmark na may kasama pang history sa lecture nila, faculties at iba pa. Binanggit din nila sa amin ang mga school rule and regulation at kung ano-ano pa hanggang sa huminto kami sa cafeteria para kumain.

Hindi katulad ng cafeteria na nakikita ko sa mga palabas, mas malaki ang cafeteria nila dito. Expected na ang maraming tao kahit na maaga pa. May isang oras pa bago magsimula ang klase kaya naman ay may oras pa kami para magkwentuhan habang kumakain.

“Anong club ang pinasukan mo Cassey?” Biglang tanong ni Mira kay Cassey na sarap na sarap sa kinakain niya. Inubos niya muna ang laman ng bibig niya saka uminom ng chocolate drink bago tuluyang sumagot.

“Art club,”  sagot niya.

“Ikaw Lorei?” biglang baling sa akin ni Mark.

“Music Club, right?” sabay pa na sabi nina Mira at Cassey saka natatawang nag-apir. Alam na alam nila ang takbo ng utak ko. Tumango na lamang ako.

“Paano niyo alam?” takang tanong ni Mark sa kanila.

“Gosh, Marky, ’di pa ba obvious? Lorei loves music so much kaya hindi na ako magugulat kung sa music club siya sasali,” Cassey said while eating a pizza.

“Besides, Lorei had a great voice kaya ka nga na— AWWW!” Hindi na natapos ang sinasabi ni Mira nang bigla siyang mapaaray. Nagsisimula na naman silang magtalo at mag-asarang tatlo, hindi ko sila ma-gets kung bakit sila “yieee” nang “yieee” kay Mark na parang inaasar nila sa crush nito. Nanlaki ang mata ko sa sariling ideya.

Oh, my gosh!

“MAY CRUSH KA NA MARK!?” Bigla kong singit sa asaran nila na kinatahimik nilang tatlo.

“H-HUH? W-Wala, ah! P-pano mo naman nasabi na may c-crush na ako,” pagtanggi niya pero halata namang nagsisinungaling siya dahil nauutal pa siya. Tiningnan ko siya nang seryoso— mata sa mata pero pilit niyang iniiwas ang tingin niya sa akin kaya sure na talaga ako na nagsisinungaling siya.

“Ang daya. Bakit alam nila, ako hindi?” kunwaring nagtatampo na sabi ko.

“Maganda sana manhid lang.”

“Wala na ’tong pag-asa.”

Rinig kong bulong nina Mira at Cassey pero hindi ko na sila pinansin dahil hindi ko naman alam kung sino ang sinasabihan nila.

“Wala naman akong crush, Lorei. Huwag kang magpaniwala diyan sa dalawang ’yan may saltik lang ang utak nila,” sabi pa ni Mark, nakipagtitigan ako sa kaniya, but for this time ay nakikipaglaban na siya ng tingin kaya naman ay bumuntong-hininga na lang ako.

“Fine!” sabi ko. Nagpatuloy ang pagkain namin na may kasamang kwentuhan at tawanan. Hindi rin nawala ang asaran hanggang sa nagbangayan na nga sila. Pero bigla silang tumigil nang may lumapit sa aming lalaki. Malalaki ang ngiti nila sa amin, or should I say sa akin lang?

“Hi!” wika ng isang lalaki sa akin habang may malawak na ngiti sa kaniyang mukha. Hindi ko maiwasang mamangha sa mapuputi at magaganda niyang ngipin pero bigla na lamang akong nailang.

“Hi?” hindi sure na sagot ko kaya natawa siya nang bahagya.

“I’m Cristoff, and you are?” sabi niya habang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Napatingin ako kina Mira at Cassey na parehas na nakangisi sa akin habang si Mark ay kunot-noong nakatingin kay Cristoff. Agad kong tinaggap ang kamay niya dahil baka nangangalay na siya, nakakahiya naman.

“Lorei,” maikling pakilala ko saka ko agad binawi ang kamay ko.

“Nice to meet you, Lorie. Oh, by the way, Architecture student ka ba? If yes, I’m an Architecture student din,” sabi pa niya. Isang tipid na ngiti na lang ang sinukli ko dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kaniya.

“And I heard na sa music club ka sasali. I’m one of the officers in Music club. I can help you sa audition,” aniya na ikinaliwanag ng mata ko.

“Talaga!?” excited na tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango.

“So, let’s meet after class para maipakilala kita sa kanilang lahat," aniya. Nagpasalamat muna ako sa kaniya bago niya kami tuluyang talikuran. Hindi ko tuloy maiwasang ma-excite dahil mukhang natupad partially ang mga dasal ko kagabi. Oo, partially kasi may pag-asa akong makuha sa audition sa tulong ni Cristoff.

Time passed by and as usual, puro pagpapakilala ang ginawa lang namin at pagpapaliwanag ng kinuha naming kurso sa first day of classes. Hanggang sa nagka-30 minutes break na kami para sa pagpili namin ng gusto naming club, at para na rin magpa-register. Sabay kaming lumabas ni Cassey pero agad din siyang nagpaalam ng makarating siya sa Art club. Habang ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makita ko si Cristoff na kumaway pa sa akin kaya agad akong lumapit sa kaniya.

“I’m sure na maraming mag-re-register ngayon. Hindi ka na mahihirapan ’cause I got your back. Ako ang bahala sayo,” aniya habang papasok kami isang open room. Tama nga siya, ang daming tao sa loob para magpa-register. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty dahil sila ay matiyagang naghihintay habang ako ay kapit lang kay Cristoff, kaya kailangan kong galingan para naman hindi siya mapahiya sa mga kasamahan niya.

“Yow, guys! Meet Lorei,” pagkuha niya sa atensyon ng mga kasamahan niya. Kaniya-kaniya naman silang bumati sa akin na may ngiti sa labi.

“Gagi, ang ganda mo. Sana all! Halatang anak mayaman. Ang kinis tapos ang lambot ng balat.” Nahiya ako bigla kung pa’no ako tingnan ni Feli— ang assistant ng president daw nila.

 “Sino ang magulang mo?” dagdag pa niya.

“L-Lancelot Marque—” naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang sumigaw at nanlalaki ang mata na tumingin sa akin.

“O em ji! Anak ng may-ari ng The Marquez Corporation!? The daughter of one of the successful

businessmen in the world!? Is this for real?” hindi makapaniwalang saad niya sa akin.

“Feli, can you tone down your voice? Naiilang na si Lorei sa’yo.” suway sa kaniya ni Cristoff. Bigla namangmay sumingit sa usapan namin.

“Tsk, another brat!” ani nito sabay irap sa akin. Huh? Ano raw?

“Huwag mo pansinin ’yan, Lei. Galit talaga yan sa magaganda,” bulong saakin ni Feli.

“It’s okay,” ang tanging nasabi ko na lamang. Nagsimula na nga ang audition. Maraming mga magagaling sa paggamit ng instrument ang ilan sa mga sumali at siyempre, hindi rin mawawala ang mga magagaling kumanta. Bigla akong kinabahan dahil sa galing nila at baka mapahiya ko si Cristoff kapag nagkataon.

“Next.” Boses ng isang lalaki— seryoso, buong buo at nakatatakot.

“You can do it!” bulong sa akin ni Cristoff. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang tumayo at umakyat sa stage.

“G-Good morning. I’m Lorei Marquez, 18, taking BS Architecture,” I introduce myself.

“What song are you going to perform, Lei?” Feli said while smiling at me.

“A-Ah, Scared to death by Kz.”

“Okay, you may start,” aniya. Napatingin muna ako kay Cristoff na binigyan ako ng malaking ngiti habang sinasabi sa hangin ang salitang ‘You can do it’.

Akmang magsisimula na sana ako nang biglang magsalita ang president nila.

“Can you play a guitar?” tanong niya. Tipid naman akong tumango bilang sagot. May inabot namang electric guitar sa akin ’yong isa nilang member.

Ni-testing ko muna ito— kung ito ba ay nasa tono. Nang maayos ko na ay nagsimula na akong ni-strum ang gitara saka kumanta. Ipinikit ko ang mata ko dahil hindi ako sanay kumanta na may mga bagong mukha na nanonood sa akin. Ang ginagawa ko kasi rati ay nakikipagkaibigan muna ako para maging komportable ako sa pagkanta. Wala pa kasi akong confidence masiyado kapag kumakanta sa harapan ng maraming tao.

Natapos ko ng maayos ang kanta nang biglang may mga palakpakan akong narinig. Bigla ko na lamang naimulat ang aking mga mata.

“Ang galing!”

“Nice!”

“Go, Lei!”

Nahihiya man ay mas nanaig sa akin ang saya. Agad akong nilapitan ni Feli at niyakap.

“Ang galing mo!” aniya pa.

“Thank you”

Nairaos ko ang audition na may ngiti sa labi kaya naman pati sina Mira, Mark at Cassey ay nag-aya na kumain sa mall upang mag-celebrate.

Wala namang naging epesyal sa araw ko maliban sa pagkapasa ko sa music club. Nagpatuloy ang klase at nang sumapit ang uwian ay katulad ng plano, pumunta nga kami sa mall para magdiwang. Pamilya nina Mark at Mira ang may-ari ng mall, habang ang pamilya naman ni Cassey ang may- ari ng ilang mga sikat na hotel sa buong mundo. Pero kahit ganito ang buhay namin, katulad pa rin kami ng ibang mga tao na kapag may problema ay walang ibang kakapitan kundi ang mga sarili namin.

Katulad na lang ni Cassey, not in good terms ang parents niya, while Mira and Mark naman, their parents are dead kaya ang tumatayong magulang na lang nila ay ang grandparents nila, while me? Mom died and I have trauma from my past.

Totoo nga ang lahat ng tao ay pantay pantay na ginawa ng Diyos, pero hindi tayo pantay-pantay ng estado sa buhay. Pantay-pantay tayo sa paraan na pare- pareho tayong may pinagdadaanang problema pero hindi pare- pareho kung paano natin ito lalampasan o sosolusyonan. But always remember that life is precious; that life is a gift from God.

It's amazing to see the beauty of the world. It's so beautiful and so harsh at the same time. It's a reminder that every second of life is precious. So we should live to the fullest.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status