Share

WAY II: PAINFUL MEMORIES

It’s so hard to forget the pain, but it's even harder to forget the days when sweetness was still around us. But, we can’t be better if everyday is filled with happiness. We learn so little from peace.

The worst part of holding the memories is not the pain. It’s the loneliness we can get from keeping ourselves remembering them. There are wounds inside us that will never heal or can be healed but it takes time. I heaved a deep sigh and diverted my thoughts from those memories that are still haunting me until now.

Months had passed by, my performance in school was going smooth. Everything is under controlled— nothing to worry about, and nothing to be scared of. I already built a friendly relationship to Feli and Cristoff. Maliban sa kanilang dalawa, wala na akong ini-entertain na iba sa music club. I don’t know, maybe they don’t like me or we didn’t have the same vibes. Lalo na si Rylander—ang President namin. Masiyado siyang seryoso sa buhay, ayaw na ayaw niyang may lumalapit at  kumakausap sa kaniya kung wala namang importanteng sasabihin. He hates a nonsense attention.

“Attention to all!” pagtawag ni Rylander sa atensiyon naming lahat.

 “The University is going to commemorate again the incident happened ten years ago as a tribute for those who died on that event. This year would be the school’s 10th year death anniversary. And music club is going to perform at least one song. Any suggestion?” tanong niya.

Oo nga pala, nakwento sa amin ni Mark and Mira ang history ng school na ito. Ten years ago, this school was burned down because of unknown reasons. Some were injured, and many died, so whenever that day comes, the school would commemorate that tragic event.

“Si Lorie na lang ang kumanta since siya ang bago nating vocalist,” biglang suhestiyon ni Feli na siyang ikinalaki ng mata ko.

“Hoy, manahimik—”

“Oo nga!”

“Siya na lang, Pres!”

“Kayang-kaya na ’yan ni Lorei!”

Sunod-sunod nilang sabi, wala akong nagawa kundi ang tumango na lang bilang pagsang-ayon sa kanila. Maliban sa akin, makakasama ko sa pag-perform sina Feli na s’yang bahala sa piano, si Cristoff sa drum, and si Rylander naman na s’yang bahala sa electric guitar.

                              —*****—

Days passed by...

Naging sobrang busy ako dahil sa malapit nang matapos ang first sem, sumabay pa ang araw-araw naming practice para sa darating na sabado kung saan magaganap ang 10th year death anniversary na pinaghahandaan namin. Ngayon ay nasa music club ulit ako upang mag-practice, tanging ako, si Feli, Cristoff, Rylander at ibang Art club members na lang ang natitira sa school dahil nag-uwian na ang ibang mga estudyante.

“For more references, may pinasa sa aking background si Alicia,” paunang sabi ni Cristoff saka pinindot ang play bottom sa laptop niya kung saan nakakonekta sa projector kaya naman ay pinanood muna namin iyon.

Sa hindi malamang dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“That’s East National Morian University before. A simple but elegant school I ever seen,” sabi pa ni Feli.

 Napako ang paningin ko sa white screen kung saan nagpi-play ang video ng old school ng ENMU. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla iyong sumakit kasabay ang pagdidilim ng paningin ko at unti-unting bumabalik sa akin ang mga memoryang matagal ko ng gustong kalimutan.

“Magkano kaya aang madilim na silid ay may isang batang babae na humihingi ng tulong. May piring ito at may tela sa bunng makukuha nating pera sa tatay nito?” Boses ng isang lalaki iyon.

“Jackpot tayo diyan boss, isang bilyong piso agad . Sigurado naman akong ibibigay niya ang hinihingi natin kapalit ang buhay ng pinakamamahal niyang anak.” Boses pa ng isang lalaki saka sabay silang tumawa. Rinig na rinig ng batang si Lorei ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki at wala na siyang magawa kundi ang umiyak at magdasal na sana ay dumating na ang daddy niya para kunin siya sa dalawang masamang lalaki na iyon.

“Boss, nandiyan na sila.” Boses pa ng isang lalaki, hindi alam ng batang si Lorei ay hindi lamang dalawang lalaki ang nakapalibot sa kaniya kundi lima.

“Mom, Dad please be careful,” tanging bulong na lang ng batang si Lorei sa sarili niya habang naluluha.

“Where’s my daughter!?” Boses ng daddy niya iyon at alam niyang hindi sila gaano kalayo sa kuwartong kinalalagyan niya. “Lorie, where are you baby!”

“Huwag kang masiyadong excited, Mr. Marquez. Nasaan ang pera? Isang bilyon ang—” hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng umalingawngaw ang malakas na putok ng baril mula sa labas.

“T*ngina! Kunin niyo ang bata!” Dinig na sigaw ni Lorei hanggang sa may nagtanggal ng piring sa mata niya at unti-unti niyang naaninag ang mommy niya. Mas lalong naiyak si Lorie nang yakapin siya ng mommy niya.

“Shhh, don’t cry mommy is here,” sabi nito, nang akmang tatakas na sila nang may biglang humarang sa daan nila palabas. Isa iyon sa mga lalaking nanghihingi ng ransom sa pamilya niya.

“Saan niyo balak pumunta? Sabay-sabay tayong mamamatay rito,” sabi ng lalaki sabay tutok ng baril sa nanay ni Lorie, agad nitong tinago sa likod ng anak sa takot na baka ito ang tamaan.

“Please pakawalan mo na kami, gagawin ko ang lahat para mapawalang sala ka. Please!” pagmamakaawa ng mommy ni Lorei. Pero tumawa lang ang lalaki— tawa na para bang nababaliw na ito.

“Anong tingin mo sa akin? Tanga na maniniwala sa mga sinasabi mo?” sabi nito at saka tinapat ang baril sa batang si Lorie.

 “See you soon, angel,” anito at akmang ipuputok na ang baril ng yakapin siya ng mommy niya at ito ang natamaan ng bala.

“M-Mommy!”

“I love you my little, angel.”

Wala sa sarili akong napatayo at mabilis na lumabas ng music club. Dinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko sila magawang lingunin. Kailangan ko munang umalis sa lugar na ito. Para akong dinala sa lugar kung saan nawala ang lahat sa akin, para akong sinasakal ng memoryang gustong pumatay sa akin. Naninikip ang dibdib ko sa ideyang ako ang dahilan kung bakit namatay si Mommy.

Mabilis akong sumakay sa taxi at nagpahatid sa village namin. Wala maski isang gamit akong nadala. Habol-habol ko ang aking hininga habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa village. Dumukot ako ng pera saka inabot iyon sa driver. Wala akong pakialam kung magkano iyon ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makauwi ako.

I hate getting flashbacks from things I don’t want to remember. Every night, I lie awake with my mom’s memories flooding me in my head and that make my eyes automatically burst into tears.

“How’s my daughter?” dinig kong tanong ni Daddy sa private doctor namin mula sa labas ng kwarto ko.

“She’s totally fine, Bumalik lang ang trauma niya for some reasons. I advice that you should take her to psychiatrist as soon as possible. She needs treatment.”

Iniisip ba nilang nababaliw na ako? Sana nga gano’n na lang, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang dalhin ang mga memoryang iyon. Minsan nga ay hinihiling ko na lang na magkaroon ng amnesia para makalimutan ko na lang ang lahat at magsimula ng panibagong buhay.

I have nightmares every single night. But still, I'm not used to them. Painful memories can lead you to nightmares— nightmares that will haunt you forever.

Dahil sa pagod sa pag-iyak, hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan, ayaw sana akong papasukin ni Dad but I did not agree. Hindi na bago sa akin ang pakiramdam na ito kaya wala na dapat silang ikabahala dahil kaya ko naman ang sarili ko. Kakayanin ko.

“Here are your things.” Inabot sa akin ni Cassey ang bag na naiwan ko kahapon.

“Are you sure that you are totally fine now?” Mark asked, I nodded at him. Mira wasn’t here because my duty siya— a graduating stuff.

“Don’t worry, I can manage,” I assured to them with a smile para naman maniwala sila sa akin na totoo ang sinasabi ko.

“Fine, let’s go baka ma-late pa tayo pare- parehas,” aya ni Cassey sabay kapit sa braso ko para magkasabay kami sa paglalakad.

“Sabay-sabay na tayo mag-lunch mamaya,” sabi ni Mark nang maihatid niya kami sa tapat ng room namin.

“Sure, bye! Galingan mo, ah!” pahabol ko pa bago kumaway sa kaniya. Akmang papasok na ako ng biglang may humawak sa pala- pulsuhan ko.

“Lorie.” It was Cristoff.

“Oh, good morning. May practice ba tayo mamaya?”

“Yes, same time. Ayos ka lang ba? Bigla ka na lang kasi umalis kagabi, hinahabol ka namin ni Feli pero ang bilis mo,” aniya at bakas ang pag-a-alala sa mga mata niya.

“Ah, I’m sorry sumakit kasi ang tiyan ko.” That’s only a lie.

“Ah, okay. Don’t worry, I will explain myself later. Balik ka na sa block mo baka ma-late ka pa. Bye!” tuluyang paalam ko bago pumasok sa loob at tumabi kay Cassey.

“Hindi nila alam? At ayaw mo ipaalam,” sabi niya nang makaupo ako.

“Wala naman silang magagawa kung malaman nila. Kakaawaan lang nila ako, and I hate that idea.”

“But maybe they can help you,” pagpupumilit pa ni Cassey.

“In what way?”

“’Pag naulit muli ’yong scenario kahapon. Kung alam nila ang tungkol sa trauma mo maybe they won’t show that video to you again,” aniya, hindi na ako nakasagot pa dahil dumating na ang prof namin.

The discussion has started but my mind didn’t cooperate. Natutulala na lang ako bigla at hindi tinatanggap ng utak ko ang mga sinasabi ng prof namin. Good thing Cassey is here, I will ask her later to lend me a copy of dicussion.

 What if mom is here— alive and kicking? What if hindi ako na-kidnap? May magbabago ba sa buhay ko? Do I still need to live with a nightmare?

Why mom? Bakit hindi na lang ako? Bakit kailangang mamatay ka pa?

“Ang lalim na 'yan, baka malunod ka na sa sarili mong iniisip.” Nabalik ako sa reyalidad ng kalabitin ako ni Cassey. Napatingin ako sa paligid, Nagsisilabasan na sila dala ang kaniya-kaniya nilang gamit.

“Tumunog na ang buzzen, sis. Masiyado kasing malayo ang nilalakbay ng utak mo kaya hindi mo alam ang nangyayari sa paligid. Let’s go na. Nandiyan na si Mark, oh!” aniya sabay turo sa labas kung saan naghihintay si Mark sa amin. Agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko para lumabas.

“Lets go,” aya ko. Katulad ng plano ay sabay-sabay kaming nag-lunch. Wala pa rin si Mira dahil masiyadong busy. Panay ang kuwento ni Cassey na sinasabayan naman ni Mark. Hindi ako nag-attempt magsalita dahil unang-una ay wala naman akong sasabihin o ikukwento. Kung magtatanong sila ay saka lang ako sasagot.

Time flew so fast. Nasa music club na naman ako pero for this time kaming dalawa na lang ni Rylander ang nandito.

“Where are they?” tanong ko saka ko nilapag ang gamit ko.

“Late sila pareho dahil may meeting ang students councils,” sagot niya. Napatango naman ako saka lumapit sa kaniya. Busy siya sa pag-testing ng gitara na hawak niya.

“I’m sorry about kahapon. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko,” panimula ko, nakuha ko naman ang atensyon niya dahil binaba niya ang gitara na hawak niya at tiningnan ako. ’Yong tingin na parang sinusuri ako.

“How are you?” biglang tanong niya na ikinabigla ko. Akala ko pa naman magagalit siya dahil ang bastos sa part niya ang pag-alis ko na lang bigla nang walang paalam.

“O-okay lang”

“Good, I don’t want to waste my time… Go back to your position and let’s get started,” utos niya, kaya naman ay aligaga akong lumapit sa mic stand. Si Rylander naman ay nagsimula nang mag-strum ng chords ng ‘Tears of Heaven’

Nasa kalagitnaan na ako ng kanta nang biglang tumigil sa pag-strum ng gitara si Lander. Napatingin ako sa kaniya pero nakayuko lang siya habang nakatingin sa gitara niya.

“Is there something wrong?” tanong ko sa kaniya. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago niya binigay sa akin ang gitara.

“You’ll play alone. Makikinig muna ako,” aniya saka didretsong umupo sa harapan ko.

“Go, you may start,” aniya. Kaya naman sinuot ko iyon at nagsimulang mag-strum. Muli kong sinimulan ang pagkant. Pipikit na sana ako pero napako ang tingin ko kay Lander nang napagtanto kong nakatitig lang pala siya sa akin pero halatang wala siya sa sarili niya. Malalim ang iniisip niya na parang halos malunod na siya sa kaniyang isipan. May halong kalungkutan ang kaniyang mga mata at mukhang anumang oras ay iiyak na siya. Pero hindi iyon nangyari.

Sadyang magaling nga ang mga lalaki na magtago ng emosyon nila. Napapikit si Lander at sinandal ang ulo niya para bang dinadama niya masiyado ang aking pagkanta.

"Here in heaven,” pagtatapos ko sa kanta na sakto namang pagdilat ni Lander.

“Can you play ‘I Wanna Grow Old With You’ by Westlife?” Bigla niyang tanong. Kahit nagtataka ay pumayag na lang ako. Buti na lang at alam ko ang kantang iyon at alam ko kung paano tugtugin iyon gamit ang gitara.

Magsisimula na sana ako nang magsalita na naman siya.

“Wait, I want to record it,” dagdag pa niya saka nilapit sa akin ang cellphone niya. Naguguluhan man ay nagsimula na lang akong kumanta.

Sinumulan ko ang pagkanta at pinagpatuloy lamang ang aking ginagawa. Napatitig ako kay Lander sa hindi malamang dahilan at kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko na para bang gusto na nitong kumawala.

Ngayon ko lang din na-appreciate ang matikas niyang physical appearance, ngiti na lang ang kulang sa kaniya. Teka, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ang weird.

Napatitig na lamang ako sa kaniya at biglang magtama ang paningin namin.

“Sharing in everything you do… I wanna grow old with you.”

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan hanggang sa umiwas na siya nang kusa at tinalikuran ako para bumalik sa upuan niya. Napahawak ako sa puso ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

“Thanks,” aniya na may ngiti sa labi.

N-Nginitian niya ako…

“W-Welcome,” sabi ko saka aligagang uminom ng tubig upang pakalmahin ang sarili ko.

Another week passed by. The long wait is over. Sa loob ng isang linggo ay madaming nangyari sa buhay ko, pero kung may isa mang pangyayari na hindi ko makalilimutan sa nakaraang linggo ay ang biglaang pagiging interesado ko kay Lander sa hindi ko malaman na dahilan. Gustong-gusto ko siyang makita kaya excited ako palagi tuwing may practice kami pero kapag nasa harapan ko na siya ay umuurong ang dila ko at sobra akong nahihiya sa kaniya. Gustong ko ulit makita ang ngiti niya.

“Good morning, everyone. Welcome to the 10th year death anniversary of past East National Morian University. We are all here to give a tribute to all the victims of that incident 10 years ago. So let’s welcome the Music Club with their newest vocalist!” anunsyo ni Asel, ang president ng student council.

Nagsimulang mag-strum ng gitara si Lander saka sinabayan ni Feli hanggang sa pumasok si Cristoff gamit ang bass drum. Nang maging soft ang tugtog ay saka ako nagsimulang kumanta. Pinikit ko ang mata ko at dinama ang kanta, saka ako nag-angat ng tingin sa paligid, kitang-kita ko si Cassey at Mira na patuloy ang pagkuha ng video sa akin habang si Mark ay matamang pinapanood lamang kami habang nakangiti sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

Inilipat ko naman ang tingin ko kay Cristoff na nakatingin din pala sa akin. Nang magtama ang mga mata namin, bigla na lang niya akong kinindatan. Napailing na lang ako sa kaniya saka ko binalingan si Feli na nakangiti sa akin kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. At huli kong tiningnan si Lander na hindi inaalis ang mata niya sa gitara, seryoso pa siyang tumutugtog. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya, pinag-aaralan ang bawat anggulo ng mukha niya. Nang makuntento na ako ay inalis ko na ang tingin sa kaniya at muling pinikit ang mata ko para damhin ang kanta.

“It's been a long day without you, my friend…

When I see you again...

See you again,” pagtatapos ko sa kanta. Napuno ng palakpakan ang buong paligid, habang ang iba ay nagpupunas pa ng luha. Lalo na ang mga magulang na nawalan ng anak dahil sa sunog na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status