Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na pala ang nakalipas.
Graduation is coming. Sa mga nakalipas na taon ay masasabi kong iba’t ibang pagsubok ang pinagdaanan ko. Marami ring nangyari na hindi ko inaasahan. Katulad na lang ng pagkakaroon ng boyfriend ni Cassey. Si Feli at Cristoff naman ay nagka-aminan na rin ang feelings kaya ayon nasa dating status na sila. Si Mira naman ay naging isang ganap ng nurse. At si Mark naman ay Engineer na. H
Habang ako? Ito nakukuntento na lang sa panonood sa mga kaibigan ko na maging masaya. Kung tinatanong niyo kung kamusta kami ni Lander. Ang sagot diyan ay wala. Dahil nang matapos ang ang commemoration ng 10th death year anniversary ng mga estudyanteng namatay sa sunog sa University, naglaho na lamang si Lander na parang bula.
Let’s go back 3 years ago.
Naging matagumpay at maayos ang performance namin kaya naman ay napagpasyahan naming mag-celebrate kasama ang lahat ng tumulong para maging successful ang tribute na ginawa namin.
Sa bar na pagma-may-ari ng kaibigan ni Cristoff nila napiling mag-celebrate. Nasa VIP kami kaya malaya kaming gawin ang gusto namin. Buti na lang kasama si Cassey sa Art club kaya kasama ko siya ngayon pero lasing na si Cassey dahil sumasayaw na siya sa dance floor, ako naman ay aminadong may tama na ng alak pero nasa katinuan pa naman ang pag-iisip ko. Ang iba sa amin ay nasa dance floor na, at ang iba naman ay bagsak na dahil sa kalasingan.
“Why don’t you join your friends in the dance floor?” tanong sa akin ni Lander na siyang natitirang matibay sa lahat. Parang walang talab ang alak na iniinom niya dahil mukha pa naman siyang normal.
“Hindi ako mahilig sumayaw,” sagot ko naman habang nakatanaw kay Cassey. “Going to this kind of place is not my thing. Mas gusto ko kasing nasa bahay lang ako. I hate crowded place and loud noises.”
“Why?” tanong niya ulit kaya naman ay napatingin ako sa kaniya kaya nagtama ang tingin namin. Agad din akong umiwas dahil nagsisimula na namang tumibok nang mabilis ang puso ko. Mabilis akong nagsalin ng alak sa baso ko at inisahang lagok lang iyon.
“if you’re not comfortable answering it, it’s fine with me,” dagdag pa niya.
“I’m suffering from trauma,” diretso kong sagot sa kaniya. “I was kidnapped when I was 7 years old. Those who kidnapped me wanted some money from my dad. Mom was killed because she used her body to protect me from gun's bullets,” kwento ko saka ako muling uminom ng alak. “I’m sorry. I’m not yet ready to open up,” wika ko saka mapait na napangiti.
“It’s okay. And I’m sorry for asking,” aniya, tipid na ngiti na lang ang ginanti ko sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, masiyadong magulo, at maingay. Pero hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga naglalampungan sa gilid.
“Do you believe in love?” Muli akong napatingin kay Lander ng bigla siyang magtanong. “Do love really exist?” dagdag pa niya habang titig na titig sa baso niyang hawak na may laman pang alak.
“Yes, I believe that love exist. May iba’t ibang klase ng pagmamahal ang nag-e-exist naman sa mundo,” sagot ko. Nag-angat naman siya ng tingin at mukhang handang makinig sa mga sasabihin ko.
“May pagmamahal na para pamilya, para sa kaibigan, para sa karelasyon at para sa sarili,” sabi ko saka sinalinan ng alak ang baso niya. “Pero para sa akin isa lang ang sigurado ako.”
“What?”
“Na ang tunay na nagmamahal ay nakasasakit, nagsasakripisyo at nagtitiis. Sabi nga sa bible ‘Love is patient, love is kind
It does not envy, it does not boast…It is not proud, it is not rude…It is not self-seeking…It is not easily angered… It keeps no record of wrongs…Love does not delight of evil, but rejoices with the truth…It always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres,” dagdag ko pa sa kaniya na may ngiti sa labi.
“I envy you,” aniya na ikinataka ko.
“What do you mean?” naguguluhan kong tanong. Uminom muna siya sa baso niya bago niya ako tuluyang sagutin.
“Sinarado ko na kasi ‘to,” sambit niya sabay turo sa dibdib niya. “I was really hurt from my past relationship. She chose my step bother over me that’s why I swore to myself that I won’t open my heart again… never again.”
Muli akong napangiti nang mapait ng maalala ko na naman ang tagpong iyon. Hindi man lang ako nagkaroon ng pag-asang umamin sa kaniya bago siya tuluyang naglaho na parang bula.
Lumipas ang ilang araw ay hindi na muling nagpakita si Lander, maski isang salita ay wala siyang iniwan. Basta na lang siyang nawala na parang bula. Kaya naman ay napagdesisyunan ko na pumunta sa head master’s office para magtanong.
“Good morning Ms. Marquez. What can I do for you?” sabi ni Head Master nang makaupo ako sa tapat niya.
“I just want to ask If Mr. Rylander Esperro happened to come here,” agad na tanong ko, walang sinayang na kahit anong oras.
“Oh, I thought nagpaalam siya sa inyo bago umalis,” sabi ni Head Master na kinakunot ng noo ko.
“What do you mean?"
“Nag-file ng drop out si Mr. Esperro a day after the tribute. He didn’t tell his reasons, however. Maybe its confidential,” kibit-balikat na sabi ni Head Master. Lumabas ako ng office na maraming tanong sa isipan.
Bakit siya umalis? Anong dahilan niya? Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Ano bang problema niya? May nangyari bang masama?
“Lorie, ngiti naman diyan!” Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ni Mira na siyang may hawak ng camera. Nang matapos ay inabot namin kay Feli ang camera para kaming apat naman nila Mira, Mark at Cassey ang kuhaan nila ng litrato. At ang panghuli, kaming dalawa ni Daddy ang kinuhaan nila ng litrato. Nang matapos ay kaniya-kaniya na silang bumalik sa family nila para mag-picture.
“Congratulations, princess. I’m sure your mom is proud of you,” sabi ni daddy. Nakangiti man ay bakas ang nagbabadyang luha sa mata niya. Agad kong hinubad ang medal na nakasabit sa akin at sinuot iyon kay daddy.
“It all happened because of your hardship, Dad. Now that I’m already grown up, let me take care of you like,” sabi ko na siyang nagpatulo ng tuluyan sa luha ni Daddy. “I love you dad.”
“I love you so much, princess.”
*****
“To celebrate the 22nd birthday of Ms. Lorie Maureen Marquez, let’s make this celebration unforgettable!” anunsyo ng Emcee bilang panimula sa party. Isang malaking pagtitipon ang ginawa namin kung saan hindi lang kaanak, mahal sa buhay at mga kaibigan namin ang imbitado dahil maging ang mga business partner ni Dad ay nandito, may ilang sikat na artista ring dumalo.
“Sure ka na ba sa desisyon mo Lei?” bulong sa akin ni Feli habang nasa isang table kami sa harapan. Nakatingin din sa akin sila Cassey, Mira at Mark na parang wala sa mood.
“Yes.”
“Kilala na ba naba kung sino 'yong lalaking ‘yon,” dagdag pa na tanong ni Mira.
“Actually wala akong ideya, kahapon lang din binanggit sa akin ni daddy ang plano niya. Kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya,” tanging nasagot ko na lamang hanggang sa tawagin na ako sa harapan kasama si daddy.
“Good evening, everyone. Thank you for attending my daughter’s 22nd birthday. My princess is already a fine young woman,” paunang salita ni Daddy saka ako tiningnan.
“Happy birthday my little angel, my princess and now my Lorie. Daddy wants the best for you and I will make everything just to make you happy. I can be your genie in the bottle to grant your wishes. I can be your favorite comedy movie just to make you laugh everyday. Dad can also be your pillow that you can lean on every time you feel loss, lonely and sad. Dad wants to make you happy and I’m hoping that you will find your own happiness in life. I love you, my daughter,” pagpapatuloy ni daddy. Napaiwas ako ng tingin dahil malapit nang tumulo ang luha ko. Pero bago pa man iyon mangyari ay pinigilan ko na dahil baka masira pa ang make up ko.
“I want you all to know that, we have a double celebration tonight. I happily announce to you that we will be also celebrating the engagement celebration of my daughter Lorie Maureen Marquez and the son of my business partner. Please, welcome Mr. Rylander Esperro!”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan dahil sa mga pangyayari. Gulat akong napatingin sa gawi ng isang lalaking naglalakad papalapit sa akin. Walang emosyon ang mukha na para bang isang kahibangan lang sa kaniya ang lahat ng nangyayari.
Tama kahibangan nga ito.
“Anong ginagawa mo dito?” mahina kong bulong sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit sa amin at tumabi sa akin.
“Hindi mo ba narinig? Ako ang magiging asawa mo,” aniya. Hindi ako nakasagot dahil umurong na ang dila ko. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Naiinis ako na natutuwa sa hindi malamang dahilan. Aaminin ko na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ako sa kaniya dahil nang nawala siya sa school ay hindi naman naputol ang koneksyon ko sa kaniya. Ginawa ko ang lahat para mahanap siya. Syempre hindi niya alam at wala din siyang ideya na alam ko na kung bakit siya umalis sa school.
Natapos na ang mga sinasabi ni daddy at ng daddy ni Lander kaya naman ay walang pasabi na umalis na ang lalaki. Gusto ko sanang sundan siya pero hindi ako pwedeng umalis habang hindi pa nagsisimulang kumain.
“May we listen to a message from celebrant before we eat?” sabi ng emcee bago ibigay sa akin ang mic.
“A-Ah, t-thank you for joining me tonight to celebrate my 22nd birthday and my engagement celebration. Ang dami na nang yari sa buhay ko, ang dami ko na ring problemang hinarap. Hindi ko akalain na aabot ako hanggang dito. Thank you everyone, please enjoy your food,” sabi ko saka mabilis na bumaba ng stage at lumabas ng venue.
Kailangan kong makausap si Lander. Marahil nasa rooftop siya ngayon. Sumakay ako ng elevator papunta sa pinakatuktok ng building kung saan perfect para mag-isip-isip dahil sa masarap na hangin, maganda pa ang tanawin na puno ng iba’t ibang kulay ng ilaw na nagmula sa mga building, bahay, billboards at sasakyan. Hindi naman ako nabigo sa paghahanap dahil agad kong nakita si Lander— tahimik na nakamasid sa paligid.
“Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan tayo muling mag kikita,” paunang sabi niya nang hindi ako tinitingnan. Naramdaman niya yata ako.
“Hmmm…” tanging nasambit ko. “Kamusta ka?” pag-iiba ko ng usapan, pero hindi niya ako sinagot bagkus ay muli na naman siyang nagtanong.
“Masaya ka ba sa mga desisyon mo?”
Masaya ba ako?
“Noon bago ako umalis ay tinanong kita kung naniniwala ka ba sa pagmamahal, ang sagot mo ay oo at ang sagot ko naman ay hindi,” aniya pa saka tuluyan akong tiningnan.
“Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi mong pagmamahal. Kaya huwag mong aasahang mamahalin kita katulad ng pinapaniwalaan ,” dagdag pa niya saka ako tuluyang tinalikuran. Para akong sinaksak ng ilang daang karayom sa puso dahil sa mga binitawan niyang salita.
“Okay lang sa akin, Lander,” wika ko dahilan para mapatigil siya sa pagalakad pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.
“Gagawin ko ang lahat para mabalik ang tiwala mo sa salitang pagmamahal.”
“Hindi na mangyayari iyon.”
“Hihintayin kong magbukas muli ang puso mo!”
“Huwag ka nang umasa pa. Sasayangin mo lang ang oras mo,” aniya saka tuluyan nang umalis.
“Kakatok ako hanggang sa pagbuksan mo ako at papasukin sa puso mo!” pahabol ko pang sigaw. Hindi ko alam kung narinig niya iyon o hindi. Bahala na.
Araw ng linggo, oras ng siyesta. Abala lahat ng mga katulong sa bahay dahil ngayong araw magaganap ang ika’tlong anibersaryo namin ni Lander. Sa loob ng tatlong taon ay masasabi kong hindi maganda ang pagsasama namin. Dahil ang mga binitawang salita ni Lander saakin noon ay pinanghahawakan niya parin hanggang ngayon. Pero katulad ng sabi ko, wala akonh balak na sumuko. Magkatulong na sinabit ng dalawang kasambahay ang puting kurtina na may burdang bulaklak.Ang sahig ang paulit-ulit na pinakintab, ang mga nakasabit na paintaings ay paulit ulit ding pinunasan hanggang sa ito’y luminis.Mga sariwang bulaklak ng rosas ay maingat na pinapatong sa mesa at sa gilid ng bintana. Halos mapa ngiti ako ng maamoy ko ang putahe na pinahanda ko. Ang paburitong ulam ni Lander— ang Caldereta.“Ma’am Lorie! Tingnan niyo po ang rosas na ito!” tawag ni Cristel saakin. Tumatakbo ito palapit saakin habang
“L-Lander” sabi ko ng makita ko ang asawa ko sa labas ng pintuan namin. Nanatili siyang tahimik saka diretchong pumasok sa loob. Kukunin ko sana ang gamit niya pero baka magalit na naman siya kapag hinawakan ko siya o ano mang gamit niya. “Kakauwi lang nila Mama at Papa, May tinabi akong pagkain para sayo. Kumain ka muna.”“Kumain nako” malamig na sabi niya. Natahimik nalang ako ng diretso siyang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya. Ayaw niya talaga tumabi saakin kahit sa pagtulog.Mabilis akong kumilos at naglagay ng gatas sa baso. Kumatok pa muna ako bago pumasok, naghuhubad na siya ng kanyang coat ng maabutan ko. Inilapag ko sa side table ang baso ng gatas at tiningnan siya.“Hinahanap ka pala ni Papa kanina tinatanong niya kung kaylan ka darating dahil kakausapin ka niya. Ganon din si Mama, dadaan daw sila dito pag-uwi nila galing sa Canada” maingat kong kwento. &l
MAAYOS na nakarating si Lorie sa simbahan at tahimik na pumasok sa loob at umupo sa pinakaharapan. Nakatitig lamang si Lorie sa harapan habang lumuluha ang mga mata. Gustuhin niya mang mag tanong ay hindi niya ginawa dahil hindi iyon maganda. Maling-mali ang kwestyunin ang Diyos dahil lamang sa mga problemang pinagda-daanan natin.Habang lumuluha ay hindi mawala sa isip ni Lorie ang mga sinabi ni Cristel, hindi niya lubos na maisip na kahit anong gawin niya para sa asawa ay hindi niya magagawang palitan si Kiesha sa puso nito.“Hindi ko na po kaya” Sa unang pagkakataon ay nasabi ni Lorie ang mga katagang iyon. Hindi man sa harap ng asawa o sa harap ng ibang tao, kundi sa harap ng Diyos na siyang sinasandalan niya oras-oras. “Hindi ko din po alam kung hanggang kaylan ko panghahawakan ang mga pangako na binitawan ko sa harapan ninyo ng maikasal ako.” Mahinang bulong ni Lorie sa sarili. Patuloy siyang lumuha hanggang sa
ORAS ng agahan, Halos walang kibo at tulala lang si Lorie na nakatanaw sa bintana ng kanilang silid. Wala na siyang balak na lumabas ng kwarto dahil ayaw niyang makita ang kaniyang asawa.“Ate nakahanda na po ang agahan” Boses ni Cristel sa labas ng pinto ng kwarto.“Wala akong gana,” wika ni Lorie ng hindi lumilingon. Ayaw niyang makita ang asawa sa kadahilanang ayaw niya maalala ang mga binitawan nitong salita.Nang mawalan ng malay si Lorie ay agad na sumaklolo si Manang Cristina at hiningi ang tulong ni Lander. Maingat nila itong inilapag sa kama at pinalitan ni Manang Cristina ang alaga ng damit. Inaapoy ito ng lagnat dahil sa ulan at pagod na kaniyang nararamdaman.Hanggang ngayon ay masama parin ang pakiramdam ni Lorie at nilalagnat pa rin siya ngunit mas pinili niya ang mag kulong sa kwarto kesa makasabay sa hapag ang sariling asawa. Hindi niya matanggap na hanggang ng
KINABUKASAN. Tulala lang sa hardin si Lorie habang patuloy na tumutulo ang kaniyang luha. Umalis na naman si Lander at wala siyang kasiguraduhan kung kaylan ulit ito uuwi. Siya ang tunay na asawa pero parang siya pa ang nakikihati sa oras ng asawa. Ano nga ba ang aasahan niya sa asawa, tingnan nga siya sa mata ay hindi nito magawa.Ilang oras pa siyang nanatili doon bago napag pasyahan pumunta sa hospital upang magpatingin kay Dr. Galvez. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na may iba pang paraan para gumaling siya.Nang makarating sa hospital ay agad siyang dumeretcho sa clinic ni Dr. Galvez. May katandaan na ito at napag-alaman niya rin na malapit na ito mag retiro at ang anak naman nitong babae ang papalit sa posisyon nito. Malaki ang utang na loob niya sa Doctor dahil simula bata ay ito na ang gumagamot sakaniya.“Nakapag-isip ka na ba?” Tanong sakaniya ng doctor. Mapait namang napangiti s
TULALA na pinagmamasdan ni Lander ang asawa na walang malay at langong lango sa alak. Pinupunasan ito ni Manang Cristina dahil basang basa ito sa ulan. Naabutan ni Lander si Lorie sa gitna ng daan na wala sa sarili.Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan. Ito din ang unang beses na nagtagal si Lander sa silid nila ng asawa.Ngayon niya lang din nakita ng buo ang silid na iyon. Hindi siya makapaniwala na puno ng libro at iba’t-ibang klase ng instrumento sa pagtutog ang laman ng silid na iyon.“Ikaw ba ay may kailangan pa?” Tanong sakaniya ni Manang Cristina. Bakas ang galit sa boses nito. Hindi makapaniwala na muntik ng masagsaan ng rumaragasang sasakyan ang alaga.Kakaalis lang din ni Dr.Galvez na sa kabila ng malakas na ulan ay nagmamadali paring pumunta sa bahay nila Lorie ng malaman ang nangyari sa pasyente. Sinabi din ni Dr. Galvez ang tunay na nangyayari kay Lorie na
NAG-AAGAW dilim na nang makarating si Lander sa tahanan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa Bulacan. Tatlong araw din siyang nanatili sa Canada para ayusin ang ibang nga gusot sa trabaho ng kaniyang ama. Ngayon naman ay nasa Bulacan siya dumeretcho upang asikasuhin ang ilang lupa na pinagbibili nila.Inilapag ni Lander ang bagahe na dala niya at umupo sa dulo ng kaniyang kama. Tinanggal isa-isa ang soot niya, hanggang sa matira nalang ang puting polo at pants.Napatingin siya sa mga kupol ng papel na nakalagay sa lamesa. Iyon ang mga kontrata ng lupain na pinapa-asikaso sakaniya ng aniyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit sakaniya pinapagawa ang lahat ng iyon, kung nanjan naman ang nakakatanda niyang kapatid na si Lhinelle na wala namang ginagawa kundi gambalain ang buhay nila ng kaniyang asawa.Napatulala si Lander sa isiping iyon. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang mga pangyayari na gumugulo sa kaniy
5 years later… MAAGANG gumising ang Pamilya ni Lander, upang sama sama na pumunta sa simenteryo para sa ika-limang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie. Umaga pa lang ay pumunta na si Lacey simabahan upang mag-alay ng dasal. Habang si Trisha naman, kasama ang asawa at dalawang anak ay maaga ring nag tungo sa Simenteryo upang mag-alay ng paburitong bulaklak ni Lorie—ang rosas. Sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie at maagang pumupunta sa simenteryo ang pamilya ni Lander dahil gusto ni Lacey na suklian ang kabutihan na pinakita ni Lorie sa pamilya nila. Kung gaano kaaga gumising si Lorie upang ipag handa ng pagkain si Lander ay ganon din ang oras din sila gumigising upang bisitahin ang puntod ni Lorie sa Makati—kung saan nakalibing din ang katawan ng yumaon nitong ina. Dahil sa pagkawala ni Lorie ay labis ang nagdamdam si ama nitong ni Marvy. Napabayaan nito ang Kumpanya, at halos