Araw ng linggo, oras ng siyesta. Abala lahat ng mga katulong sa bahay dahil ngayong araw magaganap ang ika’tlong anibersaryo namin ni Lander. Sa loob ng tatlong taon ay masasabi kong hindi maganda ang pagsasama namin. Dahil ang mga binitawang salita ni Lander saakin noon ay pinanghahawakan niya parin hanggang ngayon. Pero katulad ng sabi ko, wala akonh balak na sumuko. Magkatulong na sinabit ng dalawang kasambahay ang puting kurtina na may burdang bulaklak.
Ang sahig ang paulit-ulit na pinakintab, ang mga nakasabit na paintaings ay paulit ulit ding pinunasan hanggang sa ito’y luminis.
Mga sariwang bulaklak ng rosas ay maingat na pinapatong sa mesa at sa gilid ng bintana. Halos mapa ngiti ako ng maamoy ko ang putahe na pinahanda ko. Ang paburitong ulam ni Lander— ang Caldereta.
“Ma’am Lorie! Tingnan niyo po ang rosas na ito!” tawag ni Cristel saakin. Tumatakbo ito palapit saakin habang hawak ang vase na may lamang rosas.
“Sabi ko sayo ate ang itawag mo saakin” suway ko sakaniya ng makalapit siya. “Patingin nga” kinuha ko naman ang vase na hawak niya at tiningnan ang ilang maliliit na rosas sa loob nito. “Aba! Nagbunga na pala ang rosas na itinanim natin”
“Opo, parang gusto pong sumali sa celebration natin ngayon” ngiti na sabi ni Cristel. Labing anim na taong gulang pa lamang si Cristel ng dalin siya at ipakilala saakin ni Aling Cristina—ang nanay niya. Tinutulungan ko si Cristel sa kanyang pag-aaral kapalit ng pagta-trabaho niya saakin. To be honest ay mas pipiliin kong mag focus nalang siya sa pag-aaral kesa ang magtrabaho pa pero nahihiya sila masyado saakin kaya wala akong nagawa kundi ang pagbigyan ang gusto nila.
Napangiti ako saka pinagmasdan ang magandang rosas. Nakahiligan ko din ang pagtatanim ng kahit na anong halaman o bulaklak, sa tulong narin ni aling Cristina. Sa lahat ng kasambahay ko ay si aling Cristina lang ang pinag kakatiwalaan ko ng lubos dahil mula pagkabata ay siya na ang nag alaga saakin.
Sunod ko namang tiningnan ang kurtina na naka sabit na sa bawat bintana. Hindi ko mapigilan mapa ngiti dahil ang ganda ng kinalabasan ng binurda namin nila Aling Cristina at Cristel. Sa loob ng tatlong taon ay madami akong natutunan para maging mabuting asawa. Natuto akong mag luto, mag laba, mag linis ng bahay at kung ano ano pang gawain ng simple at normal na may bahay. Sabi nga ni Daddy ay hindi kona kailangan pang aralin ang lahat ng iyon dahil may kkatulong naman ako sa bahay, pero hindi ako pumayag dahil mas gusto kong ako ang mag sisilbi para kay Lander. Ako ang asawa niya at hindi ang kasambahay namin kaya dapat ako ang mag-asikaso sakaniya.
“Lorie” Boses ni Mama Lacey— ang mother in law ko at step mother ni Lander. Naka ngiti ko naman siyang hinarap. Kung gaano katigas ang puso ni Lander ay siya namang nilambot ng puso ni mama Lacey.
“Ma, anong oras po darating si Papa?” tanong ko ng hindi ko mapansin si Papa Rainer sa paligid.
“Darating na din iyon.” Ani nito saka ako hinawakan sa braso. “Kamusta kayo ni Lander? Nakuha mona ba ang loob niya kahit na konti?” tanong pa nito. Alam ni Mama Lacey ang sitwasyon namin ni Lander at naiintindihan niya naman ako, dahil maging sakaniya ay parehas lang ang trato sakaniya ni Lander.
“Konting tiis nalang po Ma, bibigay din po ang anak niyo” and that’s a lie. Kahit kaylan ay hindi naging maganda ang pagsasama namin ni Lander, at hindi ko alam kung hanggang kaylangan ko pa ba sasabihin ang salitang ‘konting tiis nalang’.
“Mabuti naman kung ganon. Oo nga pala, hindi kami mag tatagal ng Papa Rainer mo dahil may business kaming dapat asikasuhin sa Canada”
“Okay lang po ma. Ang mahalaga ay nakapunta kayo kahit saglit na oras” nakangiti kong sabi.
“Siya nga pala. Nasaan na si Lander, kanina pa ako nandito maski anino niya ay hindi ko nakita.” Tanong ni Mama Lacey na nakapag patahimik saakin. Napatingin ako kay Aling Cristina na siyang kasama ko araw araw sa bahay. Sa totoo lang ay tatlong araw ng hindi umuuwi si Lander, walang kasiguraduhan kung uuwi ba siya ngayon. Pero sana umuwi siya para naman kahit papano ay masabi ko na maayos ang pagsasama namin— kahit ngayong araw lang.
“S-Siguro po ay mamayang gabi po uuwi si Lander para makasalo po natin siya sa hapunan” sabi ko, hindi ako maka tingin sa mata ni Mama dahil baka mahuli niya akong hindi nagsasabi ng totoo.
“Siguro? Wala kang kasiguraduhan?” Hinarap ako ni mama. Naka tayo kami sa may bintana habang patuloy sa paglilinis at pag-aayos ang mga kasambahay sa paligid ng bahay.
Umihip ng marahan ang hangin na siyang nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko. “Masyado pong abala si Lander sa kanyang trabaho kaya hindi napo niya nagagawang umuwi dito”
Isang buntong hininga ang narinig ko sa bandang likod ko dahilan para mapa tingin ako sa gawing iyon. “Tiyakin lamang niya na makakarating siya ngayon.” Si Daddy kasama si Papa Rainer at Kuya Lhinell— ang step brother ni Lander.
“Dad, papa and Kuya nanjan na po pala kayo” sabi ko at agad na yumakap sakanila isa isa.
“Totoo ba ang narinig ko? Tatlong araw na hindi umuuwi ang asawa mo?” Ulit na tanong ni Papa. Napa lunok ako at umiwas ng tingin.
“abala lang po si Lander sa trabaho”
“Tss, trabaho? O baka iba ang tinatrabaho.” Rinig kong sabi ni Kuya Lhinell kaya napa lunok ako ng matindi.
“Lhinell shut up” suway sakaniya ni Mama Lacey.
“Fine. You know Mom, Dad. Stop putting Lorie in the hot seat. Come on babes maypapakilala ako sayo” aniya sabay akbay saakin. Nagpaalam muna ako saglit bago tuluyang magpahatak kay Kuya Lhinell. Nang tuluyan kaming makalayo ay agad kong hinampas sa braso si Kuya Lhinell dahilan para mapa-aray siya.
“What was that for!?”
“For putting Lander in danger!”
“I don’t care I’m just telling the truth and whatever happened to him I don’t care coz he deserve it.” He added, Napa buntong hininga ako at saka umupo sa swing. Sa garden niya ako dinadala at ito ang favorite spot ko sa buong bahay.
Umupo naman si Kuya Lhinell sa harapan ko at tiningnan ako ng seryoso.
“Iwan mona si Lander. Wala siyang mabuting naidudulot sayo. You deserve someone better, and someone deserves and will appreciate you more. And that’s not Lander.”
“Yeah, I know. But—”
“You love him?” putol niya sa sinasabi ko. “Alam mo Lorie, sa isang relasyon hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao, hindi sapat ang pagmamahal para mag work and nag grow ang relationship niyo.” Dagdag niya pa habang nakatingin sa mga mata ko.
“Please give me some time” Yun na lamang ang nasabi ko saka ako tuluyang tumayo. “Sabi mo may papakilala ka…Sino?” Pag-iiba ko sa usapan.
“Just an excuse” aniya. Napa-iling nalang ako.
“Nakahanda na ang pagkain. Tara na” singit bigla ni Mama. Agad itong kumapit sa braso ko para mahila ako papunta sa dining area. Habang nakain ay nagsimula nang mag kwentuhan sila Dad at Papa ng kung ano-ano tungkol sa business na inaasikaso nila.
Tumagal ang Salo-Salo. Hindi kona mabilang kung ilang paglingon ang ginawa ko sa tuwing nakakarinig ako ng sasakyan sa labas, sa pag-a-akalang si Lander na ang dumating.
“Mukang hindi na dadating ang asawa mo anak.” Kampante man pero masama ang tono ng boses si Papa. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa kaba na nararamdaman ko.
“N-Nag text po saakin si Lander. M-Mamaya pa daw po siya makakauwi. B-Babawi daw po siya saakin.” Pagdadahilan ko nanaman.
“Come on dad, it's not new, almost three anniversaries, christmas, new years and birthdays have passed but at least one of them was not able to be attended by Lander.” Sabi ni Kuya Lhinell. Napayuko nalang ako dahil totoo naman ang sinasabi niya.
“Ano ba talaga ang nangyayari sainyo ni Lander anak?” Tanong ni Dad. Those Questions that hurt my heart. Questions that I always answer with lies. Tanong na hindi ko alam kung masasagot ko pa ba ng katotohanan. Pero sa huli, pinipili ko paring pangalagaan ang pangalan ni Lander… Kahit sa pamamagitan ng kasinungalingan, kahit sarili ko na ang nahihirapan. Dahil umaasa parin ako na mabubuksan ni Lander ang puso niya at tatanggapin ako ng buong buo.
°°°°°°°°
Ala’s nueba na nang gabi nang matapos ang salo-salo sa tahanan nila Lander at Lorie, pero maski anino ni Lander ay hindi dumating.
“Lorie ija, bibisitahin ulit kita pag-uwi namin galing Canada.” Wika ni Lacey. Isang ngiti at tango naman ang sinukli ni Lorie sa biyenan.
“Ipaghahanda ko po kayo ng paburito niyong ulam.”
Sunod na nagpaalam kay Lorie ang kanyang ama. “Sabihin mo saakin agad kapag nahihirapan kana anak.” Sabi ng ama bago ito tuluyang sumakay sa sasakyan at mawala sa paningin niya. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Lorie at nanlulumong pumasok sa loob ng bahay. Sa buong araw na pag-aasikaso niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng pagod, sinabayan pa ng lungkot dahil sa hindi pagsipot ni Lander sa kanilang anibersaryo.
“Lorie, Ija wag mo na isipin ang nangyari. Hindi na ito bago dapat masanay kana” sulpot ni Aling Cristina dala ang isang baso ng gatas. Tuwing sasapit ang gabi ay lagi nitong pinagtitimpla ng gatas si Lorie upang makatulog agad. Dahil sa nagdaang taon ay nakakaranas ng insomnia si Lorie dahil sa labis na pag-iisip.
“Hindi naman po iyon magagawa saakin ni Lander diba?” Hindi na napigilan ni Lorie ang paghikbi dahil sa labis na kalungkutan na nararamdaman. “Ang pangangaliwa at pagtataksil. Hindi naman iyon magagawa ni Lander saakin diba? Dahil sarado ang puso niya, hindi niya magagawa ba magmahal pa ng iba.”
Halos walang kurap na nakatingin si Cristina sa alaga, walang magawa kundi ang damayan si Lorie. Simula pagkabata ay nabibilang lamang sa daliri ang panahon na labis na nasaktan si Lorie, pero ngayong pagtanda ng alaga ay wala ng araw na hindi ito umiiyak at umaasa na mahalin ito ng sariling asawa.
Sa huli, tulad ng dati, ay ngumiti lang si Lorie saka pinunasan ang luha. “Ayos lang po ako, tulad ng bulaklak na rosas ang pag-ibig ni Lander. Upang makuha at mahawakan ang magandang bulaklak kailangan mo muna masugatan.” Pilit na pinapagaan ni Lorie ang nararamdaman niya.
“Lorie anak,” Pagtawag ni Cristina sa atensyon ng alaga. Hindi lang basta alaga ang tingin nito kay Lorie dahil napalapit na si Lorie sa kanyang puso at tinuturing na niya itong anak. “ Lagi mong tatandaan. Ang mga bagay na labis na nagpapahirap sa iyo ay kailangan mo ng pakawalan at tanggapin na hanggang doon lang ang kayang tanggapin ng puso mo. Ang labis ay nakakasama. Walang tuwid na tao. Lahat tayo ay nagkakamali. Pero sana piliin mo ang tama at ang makakabuti naman sa sarili mo.” Pinilit na lamang ni Lorie ngumiti kahit na ang sinasabi ni Cristina ay tumatagos sa kanyang puso.
“Sigurado ako na pagod na po kayo. Samahan niyo na po si Cristel, ako na ang bahala dito.” Pag-iiba ni Lorie sa usapan.
“Sigurado ka bang ayos ka lang?” Nagdadalawang isip na tanong ni Cristina. Isang tango at ngiti ang naging tugon ni Lorie sa tagapag-alaga.
Mag-isa na nililigpit ni Lorie ang lahat ng ginamit sa hapag. Ang mga kasambahay kanina na katulong niya ay umuwi na sa mansion ng kaniyang ama. Tumatawag lamang si Lorie sa kanyang ama ka pag kailangan nito ng madaming katulong sa bahay nila. Maliban kay Lander ay si Manang Cristina at Cristel lamang ang nakakasama niya sa bahay. Pilitin man ng ama na kumuha ng sariling kasambahay ay pilit itong tinatanggihan ni Lorie, dahil sa kagustuhang pagsilbihan si Lander habang nabubuhay siya.
Natigil si Lorie sa pagliligpit mapansin niya ang isang ipit na kulay ginto. “Malamang kay Mama ito.” Aniya, akmang itatago na nang tumunog ang doorbell ng bahay niya. Nasa-isip ni Lorie ay bumalik si Lacey dahil sa naiwan nitong gamit kaya dali-dali siyang tumakbo upang buksan ang pinto.
Nang buksan niya ang pinto ay halos manlaki ang mata ni Lorie ng bumungad sakaniya ang isang lalaki na matangkad, mestizo, at gwapong muka ng lalaki na araw araw niyang hinihiling sa Diyos.
Isang blangkong ekspresyon ang sumalubong sakaniya, tila na hindi ito nagagalak na makita siya. Pero binaliwala ito ni Lorie dahil masaya siya na makita ang asawa niya.
“L-Lander.”
“L-Lander” sabi ko ng makita ko ang asawa ko sa labas ng pintuan namin. Nanatili siyang tahimik saka diretchong pumasok sa loob. Kukunin ko sana ang gamit niya pero baka magalit na naman siya kapag hinawakan ko siya o ano mang gamit niya. “Kakauwi lang nila Mama at Papa, May tinabi akong pagkain para sayo. Kumain ka muna.”“Kumain nako” malamig na sabi niya. Natahimik nalang ako ng diretso siyang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya. Ayaw niya talaga tumabi saakin kahit sa pagtulog.Mabilis akong kumilos at naglagay ng gatas sa baso. Kumatok pa muna ako bago pumasok, naghuhubad na siya ng kanyang coat ng maabutan ko. Inilapag ko sa side table ang baso ng gatas at tiningnan siya.“Hinahanap ka pala ni Papa kanina tinatanong niya kung kaylan ka darating dahil kakausapin ka niya. Ganon din si Mama, dadaan daw sila dito pag-uwi nila galing sa Canada” maingat kong kwento. &l
MAAYOS na nakarating si Lorie sa simbahan at tahimik na pumasok sa loob at umupo sa pinakaharapan. Nakatitig lamang si Lorie sa harapan habang lumuluha ang mga mata. Gustuhin niya mang mag tanong ay hindi niya ginawa dahil hindi iyon maganda. Maling-mali ang kwestyunin ang Diyos dahil lamang sa mga problemang pinagda-daanan natin.Habang lumuluha ay hindi mawala sa isip ni Lorie ang mga sinabi ni Cristel, hindi niya lubos na maisip na kahit anong gawin niya para sa asawa ay hindi niya magagawang palitan si Kiesha sa puso nito.“Hindi ko na po kaya” Sa unang pagkakataon ay nasabi ni Lorie ang mga katagang iyon. Hindi man sa harap ng asawa o sa harap ng ibang tao, kundi sa harap ng Diyos na siyang sinasandalan niya oras-oras. “Hindi ko din po alam kung hanggang kaylan ko panghahawakan ang mga pangako na binitawan ko sa harapan ninyo ng maikasal ako.” Mahinang bulong ni Lorie sa sarili. Patuloy siyang lumuha hanggang sa
ORAS ng agahan, Halos walang kibo at tulala lang si Lorie na nakatanaw sa bintana ng kanilang silid. Wala na siyang balak na lumabas ng kwarto dahil ayaw niyang makita ang kaniyang asawa.“Ate nakahanda na po ang agahan” Boses ni Cristel sa labas ng pinto ng kwarto.“Wala akong gana,” wika ni Lorie ng hindi lumilingon. Ayaw niyang makita ang asawa sa kadahilanang ayaw niya maalala ang mga binitawan nitong salita.Nang mawalan ng malay si Lorie ay agad na sumaklolo si Manang Cristina at hiningi ang tulong ni Lander. Maingat nila itong inilapag sa kama at pinalitan ni Manang Cristina ang alaga ng damit. Inaapoy ito ng lagnat dahil sa ulan at pagod na kaniyang nararamdaman.Hanggang ngayon ay masama parin ang pakiramdam ni Lorie at nilalagnat pa rin siya ngunit mas pinili niya ang mag kulong sa kwarto kesa makasabay sa hapag ang sariling asawa. Hindi niya matanggap na hanggang ng
KINABUKASAN. Tulala lang sa hardin si Lorie habang patuloy na tumutulo ang kaniyang luha. Umalis na naman si Lander at wala siyang kasiguraduhan kung kaylan ulit ito uuwi. Siya ang tunay na asawa pero parang siya pa ang nakikihati sa oras ng asawa. Ano nga ba ang aasahan niya sa asawa, tingnan nga siya sa mata ay hindi nito magawa.Ilang oras pa siyang nanatili doon bago napag pasyahan pumunta sa hospital upang magpatingin kay Dr. Galvez. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na may iba pang paraan para gumaling siya.Nang makarating sa hospital ay agad siyang dumeretcho sa clinic ni Dr. Galvez. May katandaan na ito at napag-alaman niya rin na malapit na ito mag retiro at ang anak naman nitong babae ang papalit sa posisyon nito. Malaki ang utang na loob niya sa Doctor dahil simula bata ay ito na ang gumagamot sakaniya.“Nakapag-isip ka na ba?” Tanong sakaniya ng doctor. Mapait namang napangiti s
TULALA na pinagmamasdan ni Lander ang asawa na walang malay at langong lango sa alak. Pinupunasan ito ni Manang Cristina dahil basang basa ito sa ulan. Naabutan ni Lander si Lorie sa gitna ng daan na wala sa sarili.Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan. Ito din ang unang beses na nagtagal si Lander sa silid nila ng asawa.Ngayon niya lang din nakita ng buo ang silid na iyon. Hindi siya makapaniwala na puno ng libro at iba’t-ibang klase ng instrumento sa pagtutog ang laman ng silid na iyon.“Ikaw ba ay may kailangan pa?” Tanong sakaniya ni Manang Cristina. Bakas ang galit sa boses nito. Hindi makapaniwala na muntik ng masagsaan ng rumaragasang sasakyan ang alaga.Kakaalis lang din ni Dr.Galvez na sa kabila ng malakas na ulan ay nagmamadali paring pumunta sa bahay nila Lorie ng malaman ang nangyari sa pasyente. Sinabi din ni Dr. Galvez ang tunay na nangyayari kay Lorie na
NAG-AAGAW dilim na nang makarating si Lander sa tahanan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa Bulacan. Tatlong araw din siyang nanatili sa Canada para ayusin ang ibang nga gusot sa trabaho ng kaniyang ama. Ngayon naman ay nasa Bulacan siya dumeretcho upang asikasuhin ang ilang lupa na pinagbibili nila.Inilapag ni Lander ang bagahe na dala niya at umupo sa dulo ng kaniyang kama. Tinanggal isa-isa ang soot niya, hanggang sa matira nalang ang puting polo at pants.Napatingin siya sa mga kupol ng papel na nakalagay sa lamesa. Iyon ang mga kontrata ng lupain na pinapa-asikaso sakaniya ng aniyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit sakaniya pinapagawa ang lahat ng iyon, kung nanjan naman ang nakakatanda niyang kapatid na si Lhinelle na wala namang ginagawa kundi gambalain ang buhay nila ng kaniyang asawa.Napatulala si Lander sa isiping iyon. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang mga pangyayari na gumugulo sa kaniy
5 years later… MAAGANG gumising ang Pamilya ni Lander, upang sama sama na pumunta sa simenteryo para sa ika-limang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie. Umaga pa lang ay pumunta na si Lacey simabahan upang mag-alay ng dasal. Habang si Trisha naman, kasama ang asawa at dalawang anak ay maaga ring nag tungo sa Simenteryo upang mag-alay ng paburitong bulaklak ni Lorie—ang rosas. Sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkamatay ni Lorie at maagang pumupunta sa simenteryo ang pamilya ni Lander dahil gusto ni Lacey na suklian ang kabutihan na pinakita ni Lorie sa pamilya nila. Kung gaano kaaga gumising si Lorie upang ipag handa ng pagkain si Lander ay ganon din ang oras din sila gumigising upang bisitahin ang puntod ni Lorie sa Makati—kung saan nakalibing din ang katawan ng yumaon nitong ina. Dahil sa pagkawala ni Lorie ay labis ang nagdamdam si ama nitong ni Marvy. Napabayaan nito ang Kumpanya, at halos
WALA nang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ni Lorie ngayon. Dahil ngayong araw na sila uuwi ng ina sa Maynila. Sabik na sabik na siyang makita ang matalik na kaibigan na si Tifany. Dalawang taon na silang magkaibigan at nakilala niya ito ng lapitan siya nito upang magpakilala. Mas bata si Tifany ng isang taon kay Lorie. Mabait at maganda si Tifany dahil may lahi itong Chinese. Ilang bwan din silang hindi nag kita ng matalik na kaibigan dahil umuwi ito sa China upang ipadiwang ang bagong taong, kung saan nagaganap tuwing bwan ng febrero. Maagang umalis sa Makati si Lorie at Dein upang maaga ding makabalik sa maynila. Kahit na may katandaan na ay malakas pa rin si Dein at nagagawa pang makapag trabaho bilang Physiatrist. Ilang oras na ang nilagi nila sa daan bago tuluyang makarating sa malaking bahay. Mabilis na niligpit ni Lorie ang mga gamit niya ng makatanggap ng text mula kay Tifany at sinasa