Share

WAY VII: SECRETS

ORAS ng agahan, Halos walang kibo at tulala lang si Lorie na nakatanaw sa bintana ng kanilang silid. Wala na siyang balak na lumabas ng kwarto dahil ayaw niyang makita ang kaniyang asawa.

“Ate nakahanda na po ang agahan” Boses ni Cristel sa labas ng pinto ng kwarto.

“Wala akong gana,” wika ni Lorie ng hindi lumilingon. Ayaw niyang makita ang asawa sa kadahilanang ayaw niya maalala ang mga binitawan nitong salita.

Nang mawalan ng malay si Lorie ay agad na sumaklolo si Manang Cristina at hiningi ang tulong ni Lander. Maingat nila itong inilapag sa kama at pinalitan ni Manang Cristina ang alaga ng damit. Inaapoy ito ng lagnat dahil sa ulan at pagod na kaniyang nararamdaman.

Hanggang ngayon ay masama parin ang pakiramdam ni Lorie at nilalagnat pa rin siya ngunit mas pinili niya ang mag kulong sa kwarto kesa makasabay sa hapag ang sariling asawa. Hindi niya matanggap na hanggang ngayon ay si Kiesha pa rin ang laman ng puso’t isip ng kaniyang asawa kahit na tinalikuran at pinag taksilan siya nito ng ilang beses.

Magsasalita pa sana si Cristel ng biglang sumulpot si Lhinell at kumatok sa pinto ng kwarto nila.

“Hahayaan mo ba akong kumain mag-isa?” Wika nito. Napa-ayos ng upo si Lorie ng makilala niya ang boses na iyon. Gulat siyang napalingon sa pintuan at mabilis na binuksan iyon.

“K-Kuya” aniya.

“Dalawang araw lang tayo hindi nagkita, ay nagkaganyan kana” Pabirong saad ni Lhinelle saka ginulo ang buhok ni Lorie. Mabait, at maasahan si Lhinell sa buhay, hindi lang ito makasundo ng kapatid na si Lander dahil nagkagusto si Kiesha sakaniya at mas pinili nito si Lhinelle kesa kay Lander. Pero kahit konting pag-ibig ay walang nararamdaman si Lhinelle para kay Kiesha dahil mahal niya ang kanyang kapatid at ayaw niya itong masaktan. Pero sadyang mapag laro ang tadhana dahil gumawa ng kwento si Kiesha upang masira ang relasyon ng dalawang magkapatid. Ngayon naman ay si Lhinell na ang galit kay Lander sa kadahilanang hindi niya masikmura ang panglolokong ginagawa ng kapatid sa sarili nitong asawa.

Tinuturing nang nakababatang kapatid ni Lhinell si Lorie, at katulad ng nakakatandang kapatid ay gusto niyang maging masaya ito. Pero wala siyang magawa kundi ang damayan at pagaanin ang loob ni Lorie dahil ang dahilan ng pagluha nito ay ang kaniyang kapatid.

“Totoo nga ang sinabi ni Cristel, mataas ang lagnat mo. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” Tanong nito, bakas ang pag-aalala sa muka. Agad namang ngumiti si Lorie at umiling. Agad namang pinagmasdan ni Lhinell ang muka ni Lorie, kaya naman ay agad na kinusot ni Lorie ang mata para hindi mahalatang magdamag siyang umiyak.

“Kulang lang ako sa tulog kaya ganito ang itsura ko.” Sagot niya pilit na iniiba ang usapan. “Kumain na muna tayo kuya, siguradong nag handa ng masarap na agahan si Manang” Aya niya kay Lhinell. Nakita niyang lumabas sa kwarto si Lander pero hindi na niya ito binati katulad ng araw-araw niyang ginagawa, bagkus ay tuloy tuloy siyang naglakad pababa sa dining area ng hindi tinatapunan ng tingin ang asawa.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Lander sa kapatid.

“Bisita ako ng asawa mo” sagot ni Lhinelle.

“Umuwi ka na” Seryoso at may halong pagbabanta na sabi ni Lander.

Napangisi naman si Lhinelle, “Bakit natatakot ka na malaman ko lahat ng kalokohan mo? Wag kang mag-alala. Alam ko na lahat bago pa malaman ng asawa mo.”

“Hindi ko kaylangan ng opinyon mo.”

“Pero, ang asawa mo, Oo.” Aniya saka lumapit sa kapatid. “Ito ang tatandaan mo, gagawin ko ang lahat para mawala si Lorie sa buhay mo” Bulong nito bago tuluyang lagpasan ang kapatid at sumunod sa dining area.

Nang makarating sa hapag ay agad na pinag timpla ni Lorei ng kape si Lhinelle habang si Lhinelle naman ay nakikipag laban ng tingin kay Lander na naka upo na sa tapat niya.

“Mabuti naman ay naisipan mong kumain Lorie, kagabi pang walang lamang ang tiyan mo.” Basag ni Manang Cristina sa katahimikan.

Nilapag ni Lorie ang kape sa tapat ng asawa at sa tapat ni Lhinell, at umupo sa tabi ni Lander.

“Nakaramdam na din po ako ng gutom.” Maikling sagot ni Lorie.

“Tumawag ang daddy ko. Bisitahin mo daw si Dr. Galvez sa clinic niya.” Dagdag pa ni Manang Cristina.

“Ngayon nalang po ako pupunta. Isasabay ko na si Cristel pag-alis.” Aniya saka agad na tumayo. “Kay kuya Lhinelle nalang po kami sasabay.”Huling sabi niya saka bumalik sa kwarto nilang mag-asawa upang maghanda sa pag-alis. Nagsoot lang siya ng black jeans at oversize hoodie at pinabayaan lang ang mahaba niyang buhok na nakalugay.

Nang makababa siya ay paalis na din si Lander. “Tara na Cristel” Tawag niya sa bata. “Alis na po kami Manang dito na rin po kami magtatanghalian.” Aniya saka nilagpasan ang asawa at nagpaunang lumabas ng bahay kasama si Cristel habang naka sunod naman sa likod niya si Lhinell na swabeng naglalakad habang may ngiti sa labi.

Hindi niya inaasahan ang pagiging malamig ni Lorie, iniisip niya ay napuno na si Lorie at handa nang iwan ang kapatid niya. Sumakay siya sa sasakyan niya at nagmaneho papunta sa paaralan ni Cristel.

“Anong baon mo Cristel?” Tanong ni Lorie sa Bata.

“Bacon po tapos yung tirang pancake kanina.” Mabilis na sagot sakaniya ni Cristel.

“Mabubusog ka ba jan? Tara drive tru muna tayo” Aya ni Lhinelle na sinang-ayunan naman ni Lorie. Malapit din ang loob ni Lhinell kay Cristel at tinuturing na din niya itong bunsong kapatid. Lahat ng malapit kay Lorie ay kinakaibigan niya at inaalam ang mga ugali nito.

“1 Regular meal and 2 coffee” Sabi ni Lorie sa order nila. “Wala kana bang idadagdag?” Baling niya kay Lhinelle. Agad namang umiling si Lhinelle kaya na naayos na ang order nila. Ilang minuto lang ang hinintay nila bago makuha ang order at nagpatuloy sa pagmamaneho papunta sa paaralan ni Cristel.

“Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo sa daan!” Paalam ni Cristel nang makarating sila, kumaway pa siya bago tuluyang paandarin ni Lhinelle ang sasakyan papunta sa hospital ni Dr. Galvez.

“Anong gagawin mo sa clinic ni Dr. Galvez?” Pagbubukas sa usapan ni Lhinelle.

“Ilang bwan na din akong hindi pumupunta sa monthly check up ko kaya sigurado akong tungkol sa Insomnia ang babanggitin niya saakin.” Sagot niya sa bayaw.

“Alam ko ang tunay na nangyari kung bakit ka nagkakaganyan. Wag ka ng kumapit pa kung alam mong nasasaktan ka na.” Pag-iiba nito sa usapan. Napatingin si Lorie sa daan at pinakinggan lang ang mga sinasabi ng bayaw.

“Marupok ang tali na kinakapitan mo, wag mo nang hintayin pang patigtal ito hanngang sa mahulog ka ng tuluyan at sa dulo ikaw pa rin ang masasaktan.” Dagdag nito na siyang kinatahimik ng tuluyan ni Lorie. Muli nanaman siyang tinamaan sa mga binitawang salita ng bayaw.

Nakarating sila sa hospital at dumeretcho sa clinic ni Dr. Galvez.

“Good morning po” bati ni Lorie ng makapasok siya sa clinic. Naiwan si Lhinelle sa labas para hintayin si Lorie na makipag-usap kay Dr. Galvez. Nang may makita si Lhinelle na pamilyar na tao. Mabilis siyang kumilos at sinundan ang isang babae.

Hindi niya akalain na sa mahabang panahon ay sa gantong pagkakataon pa niya makikita ang isang taong kinamumuhian niya. Ang tao na siyang dahilan ng bawat luha ngayon ni Lorie.

Sinundan niya ito hanggang sa tumigil sa isang kwarto at doon pumasok. Napuno ng galit ang buong sistema ni Lhinelle ng malaman kung anong kwarto ajg pinasukan ng babae. Hinintay niya ito ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na itong lumabas.

Bakas ang gulat sa itsura ng babae ng makita niya si Lhinell na nakasandal sa harapan niya at masama ang tingin sakaniya.

“Lhinelle”

“Buntis ka?” Naka ngisi nitong tanong. “Ang kapatid ko ba ang ama?”

Samantala, kanina pa naghihintay si Lorie kay Lhinelle dahil bigla nalang itong nawala. Ilang saglit pa ay dumating na si Lhinelle na seryoso siyang binalingan.

“Tara na” wika nito na kinataka niya. Alam ni Lorie na galit ito, pero hindi niya alam kung ano ang dahilan. Sumunod na lamang siya at hindi na nagsalita pa.

“Hindi na po ako kakain. May gagawin pa pala ako.” Wika ni Lhinelle ng makarating sila sa bahay nila Lorie. Inanyayahan ni Manang Cristina na doon mag hapunan si Lhinelle pero tumanggi na ito dahil may importante siyang dapat gawin. At ayun ang alamin ang lahat ng mga nalaman niya ngayong araw.

Samantala, simula ng lumabas si Lorie sa clinc ni Dr. Galvez ay ginugulo na ang isipan niya ang lahat ng sinabi nito sakaniya.

“Mabuti naman at bumisita ka na ngayon. Kamusta ang buhay may-asawa?” Tanong nito sakaniya nang maka-upo sa tapat nito.

Pekeng ngiti naman ang sinukli ni Lorie, “Maayos naman po. Sorry po kung ngayon lang ako nakapunta. Naging busy lang sa bahay.” Pagdadahilan niya. Napangiti naman si Dr. Galvez at sinimulang tingnan ang records ni Lorie at sinimulang mag tanong.

“Bumabalik pa rin ba ang ilala mo tuwing natutulog ka?” tanong nito. Tumango naman si Lorie bilang sagot.

“Isa din po iyon sa dahilan kung bakit ako nahihirapan matulog.”

Napatango naman si Dr. Galvez at nagsimula nang magtipa. Ilang minuto pa ang hinintay ni Lorie bago siya tuluyang harapin ni Dr. Galvez.

“I suggest na sa physiatrist ka na pumunta. Nangangamba ako na baka dalin mo habang buhay ang mapait na alala na gusto mo nang kalitan. I have a friend na physiatrist she can help you with your situation.” Wika nito saka abot kay Lorie ng business card. Binasa niya ang pangalan na nakalagay doon.

Dein Miller

“Pag-isipan mo ng mabuti ang magiging desisyon mo. Tawagan mo iyan kapag nakapagdesisyon kana.” Dagdag nito. Tumango at nag pasalamat nalang si Lorie bago tuluyang lumabas ng clinic. Napatitig siya sa busisness card na binigay sakaniya ni Dr. Galvez. Hindi siya makapaniwalang kailangan niyang pumunta sa physiatrist para lang gumaling, hindi siya makapaniwala na hahantong ang buhay niya sa ganon. Ang gusto niyo lang naman ay maging mabuting may bahay at pagsilbihan ang asawa hangga’t siya ay nabubuhay.

ISANG linngo na ang nakakalipas. Naging tahimik ang buhay ni Lorie dahil isang linggo na din na hindi umuuwi si Lander. Nag-aalala na siya dito at gusto na niyang tawagan pero hindi niya magawa dahil mahigpit na bilin ng asawa ay huwag na huwag siyang tatawag sa opisina—hindi niya din naman alam ang numero ng asawa para personal itong maka-usap. Oras na ng tanghalian at sabay na kumakain si Lorie at Manang Cristina. Naihatid na din niya si Cristel sa eskwelahan at dumaan sa simbahan para bisitahin ang mga bata saka dumeretchong umuwi para saluhan ang tagapag-alaga sa pagkain.

Hindi maiwasan ni Manang Cristina na mag-alala para sa alaga dahil madalas na itong umaalis at kapag-umuwi naman ay walang ibang ginagawa kundi ang tumulala sa kawalan. Paminsan minsan pa ay nagugulat nalang ito kapag kinakausap niya ang alaga. Isang beses habang abala si Lorie sa pagdidilig ng mga halaman ay napagdesisyunan niya ang maglinis sa kwartong ng alaga, hanggang sa hindi niya sinasadya na makita ang isang papel at business card na galing kay Dr. Galvez.

“Lorie,” Pagtawag niya atensyon ng alaga. Tumingin naman si Lorie sakaniya at hinihintay ang sasabihin ng tagapag-alaga. “May gusto ka bang sabihin saakin?” Tanong niya dito. Gusto niya na ang alaga mismo ang mag sabi sakaniya ng mga natuklasan.

Napatitig naman saglit si Lorie kay Manang Cristina at saka mabilis na umiling. Gusto man niyang sabihin dito ang mga nangyayari sakaniya ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang mag-alala ito sakaniya. Masyado nang matanda si Manang Cristina upang mag-isip pa ng kung ano-ano.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Manang Cristina at saka seryosong tiningnan sa mata ang alaga. “Ano man ang gumugulo sa isipan mo ay wag kang magdadalawang isip na sabihin saakin. Ako na ang tumayong nanay mo simula ng mawala ang mommy mo, kaya alam ko kung kaylan mo kailangan ng tulong at payo. Hindi kita pipilitin na sabihin saakin ngayon, maghihintay ako kung kaylan mo kaya na buksan ang usapan na iyon.” Sabi nito sa alaga at saka tumayo para iligpit ang kanilang pinag kainan.

Samantala, nang matapos kumain ay bumalik na si Lorie sa kaniyang silid upang isipin ang mga binitawang salita ni Manang Cristina sakaniya. Muli siyang napatitig sa isang papel na naglalanan ng resulta ng check up niya kay doctor Galvez. Hindi na niya alam ang gagawin at hindi niya rin gusto na ipaalam kahit na kanino ang pinagdadaanan niyang problema ngayon.

Wala sa sarili si Lorie kaya hindi niya alam na dumating na pala ang asawa niya. Pinag buksan ni manang Cristina si Lander ng pintuan, napatitig siya sa amo dahil bakas ang pagod sa itsura nito. Para bang wala itong tulog at kahit magpahinga ay hindi nito magawa.

Matapos ang mahabang pag-iisip ay napag pasyahan ni Lorie ang sabihin sa tagapag-alaga ang tungkol sa pinag-usapan nila ni Dr. Galvez. Tulala siyang naglalakad pababa pero agad din siyang nabalik sa katinuan ng makita niya ang asawa na papasok ng bahay, kaya naman ay dali dali siyang bumaba upang lapitan ang asawa. Agad na nag-alala si Lorie ng makita ang itsura ang asawa.

“Kumain kana ba? Mukang wala kang tulog, magpahinga ka muna ako na ang bahala sa sabihan si Daddy para pansamantalang bantayan ang kumpanya.” Sunod sunod na sabi ni Lorie pero maski isang sulyap lang ay hindi niya nakuha galing sa asawa, para bang hangin lang siya dito. Akmang lalagpasan na siya ni Lander ng hawakan ni Lorie ang pulsuhan nito dahilan upang matigil sa paglalakad si Lander. Walang emosyon siya nitong tiningnan… ngumiti si lorie ng mapait at binitawan ang asawa. “Hubarin mo na ang coat mo, maglalaba kase ako” Pagdadahilan niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lander saka hinubad ang soot na coat. Masyado siyang pagod para makipag away sa asawa kaya naman ay wala na siyang ginawa kundi sundin ang gusto nito. Marahas niyang inabot ang coat kay Lorie at saka pumasok sa dining area para kumain. Napatitig naman si Lorie sa hinubad ng asawa ng maamoy niya ang isang hindi pamilyar na pabango. Hindi lang basta pabango dahil amoy pangbabae ito.

Nagsimulang mangilid ang luha ni Lorie, pero, agad niya ding pinigilan ang sarili at saka pumunta sa likod bahay upang ilagay doon ang labahan ng asawa. Pinagpag pa niya ito nang may malaglag na isang bagay galing sa bulsa ng coat ng asawa. Nagtatakang kinuha iyon ni Lorie, at halos manghina siya at mapa-upo sa sahig ng makita niya kung anong bagay ang hawak niya ngayon.

Lumuluhang tinitigan ni Lorie ang bagay na iyon habang hawak hawak ang dibdib niyang naninikip. Kung ang pangbabae nga ng asawa niya ay halos mawala na siya sa sarili. Ano pa kaya ngayon sa nakita at nahawakan niyang bagay na galing sa hinubad ng asawa.

Hindi alam ni Lorie ang gagawin niya sa asawa niya at sa kabit nito, lalo na ngayon sigurado siyang pagmamay-ari ni Kiesha ang pregnancy test na hawak niya at sigurado siyang buntis ito dahil sa dalawang guhit ang lumabas dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status