Share

WAY VIII: LIES

KINABUKASAN. Tulala lang sa hardin si Lorie habang patuloy na tumutulo ang kaniyang luha. Umalis na naman si Lander at wala siyang kasiguraduhan kung kaylan ulit ito uuwi. Siya ang tunay na asawa pero parang siya pa ang nakikihati sa oras ng asawa. Ano nga ba ang aasahan niya sa asawa, tingnan nga siya sa mata ay hindi nito magawa.

Ilang oras pa siyang nanatili doon bago napag pasyahan pumunta sa hospital upang magpatingin kay Dr. Galvez. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na may iba pang paraan para gumaling siya.

Nang makarating sa hospital ay agad siyang dumeretcho sa clinic ni Dr. Galvez. May katandaan na ito at napag-alaman niya rin na malapit na ito mag retiro at ang anak naman nitong babae ang papalit sa posisyon nito. Malaki ang utang na loob niya sa Doctor dahil simula bata ay ito na ang gumagamot sakaniya.

“Nakapag-isip ka na ba?” Tanong sakaniya ng doctor. Mapait namang napangiti si Lorie saka tumango.

“Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na may ibang paraan pa para gumaling ako, pero mukang malabo ang pag-asang iyon,” Panimula niya saka tumingin sa Doctor. “Pupuntahan ko po ang kaibigan na sinasabi niyo. Pwede po bang ikaw na mismo ang mag sabi na darating ako?” Patuloy niya. Napangiti naman si Dr. Galvez dahil sa wakas ay pumayag na si Lorie. Gusto niya kase ay bago siya magretiro ay magaling na ang pinaka paburito niyang pasyente.

“Good Choice. Thank you for trusting me. Get well soon.”

Palabas na si Lorie sa Hospital nang makita niya ang taong hindi niya inaasahan na makita. Agad na nagtago sa gilid si Lorie upang hindi siya makita. Halos walang kurap na nakatitig si Lorie sa itsura ng lalaki. Nakangiti ito habang kausap ang babaeng nakakapit sa kaniyang braso.

Halos gumuho ang mundo ni Lorie. Hindi siya makapaniwala na madadatnan niya ngayon si Lander habang masayang nakikipag-usap kay Kiesha. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa pumasok ito sa isang kwarto.

Mas lalong napaluha si Lorie ng makita kung anong kwarto ang pinasukan ng asawa. Ngayon, sigurado na siya na ang asawa niya ang ama ng dinadalang bata ni Kiesha.

Hindi malaman ni Lorie kung bakit siya sumunod sa asawa at nag hintay sa labas ng ob gyn clinic. Nakayuko lang siya at pino-proseso sa utak ang mga nangyayari. Ilang minuto pa ay narinig ni Lorie na bumukas ang pinto.

“Rai.” Nag-angat ng tingin si Lorie at bumungad sakaniya ang gulat na itsura si Kiesha at ng asawa. Hindi makapaniwala na nabunyag ni Lorie ang malaking sekreto na kanilang tinatago.

Hindi pinansin ni Lorie ang itsura ng dalawang kaharap, bagkus, ay nilipat nito ang paningin sa tyan ni Kiesha. Hindi pa ito halata dahil bago pa lang naman ang pinagbubuntis nito. Isa-isang pumatak ang luha niya at mapait na napangiti si Lorie habang nailing. Nag-angat siya ng tingin sa asawa at sa unang pagkakataon, nakita niya ang pagbabago ng emosyon ng asawa at nagawa siya nitong tingnan sa mata. Habang nakatitig si Lorie sa asawa ay hindi niya mabasa kung anong emosyon ang pinapakita nito, dahil halo halo ang nakikita niya. May gulat,galit, awa pero hindi alam kung may lungkot at paghingi ng tawad na makikita dito.

Agad na nag-iwas ng tingin si Lorie at tinalikuran ang dalawa, akma na siyang aalis doon ng mag salita si Kiesha.

“Lorie, please hear me out.” Sabi nito. Napangiti si Lorie dahil hindi siya makapaniwala na hihingi pa ito ng pabor para maipaliwag ang sarili.

“Sapat na lahat ng nakita at nasa-isip ko.” Aniya ng hindi lumilingon. Magsasalita na sana si Lander, nang tumunog ang cellphone ni Lorie. Agad niya itong sinagot ng hindi lumilingon sa asawa.

“Pupunta na po ako” Aniya saka pinatay ang tawag at mabilis na umalis doon. Narinig niya pa ang ilang beses na pagtawag ni Kiesha sa pangalan niya pero hindi na siya lumingon pa dahil sa paglingon niya ay sakit lang ang mapapala niya.

May sasakyan mang dala ay mas pinili ni Lorie ang sumasakay sa taxi dahil wala siya sa wisyo para magmaneho, baka dahil sa labis na pagluha ay hindi niya makita ang daan at masangkot sa isang banggaan. Tahimik na lumuluha sa daan si Lorie habang sakay ng taxi. Ilang beses na din siyang tinanong ng driver kung anong nangyari sakaniya pero hindi niya magawang sagutin ito kaya naman sa huli ay tumahimik nalang ang driver at inabutan si Lorie ng Tissue—na agad naman nitong tinanggap at nagpasalamat.

Nangmakarating sa paroroonan, ay pinakalma pa muna si Lorie ang sarili bago pumasok sa physiatrist center. Pumunta pa muna siya sa restroom at naglagay ng make-up sa muka para kahit papaano ay matakpan ang namamaga niyang mata. Nangmakuntento sa sarili ay saka siya Kumatok sa isang kwarto na may pangalang Dra. Dein Miller. Nang marinig ang boses ng Dra. Sa loob ay saka siya pumasok.

“Good afternoon po” mahina niyang sabi. Inanyayahan siya nitong umupo na agad naman siyang sinunod.

“Base sa kwinento ni Dr. Galvez, mukang may mas malalim ka pang pinagdadaanan maliban sa insomnia at trauma mo .” Wika ni Dra. Miller. Isang mapait na ngiti naman ang sinukli ni Lorie.

“Mukang magaling nga po kayo, dahil isang titig niyo lang po saakin ay nalaman niyo na ang tunay kong problema.” Sagot naman ni Lorie. Napangiti naman si Dra. Miller at sumandal sa upuan nito at tinitigan si Lorie. Nasa edad singkwenta na si Dr. Miller, at halatang malakas pa ito. Nag-iisa nalang ito sa buhay dahil namatay sa isang car accident ang nag-iisa nitong anak na babae.At nang makita nito si Lorie ay gumaan ang loob niya dahil nakikita nito ang sariling anak sa bagong pasyente. Kasing edad at parehas na maganda ang anak niya at si Lorie. Ang tanging pinagka-iba lang ni Lorie sa kaniyang anak… Ang anak niya ay masiyahin at hindi mo makikitaan ng kahit ang problema sa muka—na siyang kabaliktaran ni Lorie. Puno ng sakit at hinagpis ang puso nito at sobrang lungkot ng mga mata.

“Pwede na nating simulan ngayon ang session mo.”Sabi ng Dra. Ng maipaliwanag niya kay Lorie ang mga gagawin nila sa loob ng isang bwan. Gulat man ay walang nagawa si Lorie nang muling magsalita si Dra. Miller.

“Simulan natin sa dinaramdam mo ngayon…”

Pigil na iyak ni Lorie kwinento lahat kay Dra. Dein ang lahat ng mga hinanakit niya para sa asawa. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagagawa niyang sabihin lahat ng iyon sa hindi kilalang tao, pero ang mas hindi niya maintindihan kung bakit ang gaan ng loob niya sa Dra.

“Sigurado ka na ba na ang asawa mo ang ama ng bata?” Tanong nito kay Lorie. Isang tipid na tango naman ang sinagot ni Lorie.

“Sana nga ay mali ang iniisip ko. Dahil kung totoo man ay hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat ng nangyari sa magulang namin.” Dagdag na sagot ni Lorie.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Dra. Dein, “I will ask you some question. But, you need to answer it honestly.” Panimulang sabi ni Dra. Dein. Tumango naman si Lorie bilang sagot.

“Mahal mo parin ba ang asawa mo sa kabila ng lahat ng ginawa niya sayo?” Paunang tanong nito sakaniya. Walang pagdadalawang isip na tumango si Lorie.

“opo” aniya, napangiti naman si Dra. Dein.

“Base sa kwento mo, Nangako ka sa simbahan na mamahalin mo ang iyong asawa hanggang sa dulo ng iyong hininga. Nasisigurado mo bang pagmamahal pa rin ang nararamdaman mo o isa na lamang na pangako na binitawan mo o responsibilidad mo bilang asawa?” Sunod na tanong ni Dra. Dein na siyang nagpatahimik ng tuluyan kay Lorie. Tinamaan siya sa tanong ni Dra. Dein, at nalunod ang sarili niya sa parehas na tanong. Maging siya ay naitanong niya sa sarili niya kung mahal niya ba talaga ang asawa, pero sa huli ay isa parin ang nasasagot niya.

“I got you” sabi ni Dra. Dein. Napa-angat naman ng tingin si Lorie at hinintay ang mga sunod na sasabihin nito. “Sometimes in life, Love is not enough. Hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao para masabi mong sapat na ang lahat para sayo, na masaya kana sa ganito, na nasayo na ang lahat. Sa buhay natin laging may phases. Hindi pwedeng stick lang tayo sa isa, for example…” Pauna nitong sabi. “In every success there’s a failure, In able to felt the Happiness you need to feel sadness first; at yung nararamdam mo ay ang love… kung saan ang love ay pwede ring may kadugtong na pain, hate,sacrifices, consequences, and success.” Dagdag nito saka tumayo sa harapan ni Lorei. “Why do I add success with those painful words? Easy, because, in every failure, Pain, hatred, and consequences there’s the success. Pero bago mo makuha ang success… you need to sacrifice. Now, let me ask you again,” Pagpapatuloy nito saka seryosong tiningnan si Lorie. “Kung totoo nga ang lahat ng nasa-isip mo, kung nagbunga nga ang kataksilan na ginawa ng asawa mo. Ano ang kaya mong isakripisyo?”

“Kaya mo bang iwan ang asawa mo?”

A love that only forced is bound end tragically. Tragedy should be utilized as a source of strength.’No matter what sort of difficulties, how painful experience is, if we lose our hope, that’s our real disaster.

Tulalang naka tingin si Lorie hawak na baso na puno ng alak, kinakain siya ng mga katanungan na hindi niya masagot, para sakaniya, Love is unfair, It’s not fair how we can be brave enough to wear our heart on our sleeve and then get screwed over for it. It’s not fair how someone we did everything for can decided, we still didn’t do enough. It’ not fair how someone who doesn’t deserve our love can make us feel like we are the problem, like we did something wrong, like we have to work on ourself if we ever want to find happiness.

Kasalukuyan siyang nasa bar para mag labas ng sama ng loob, masyado na siyang kinakain ng galit, galit na hindi sa ibang tao kundi galit para sa kaniyang sarili. Hanggang kaylan ba kayang itiisin ng puso ang sakit? Hanggang kaylangan ba matututo ang puso na sumuko? Hanggang kaylangan ba kayang panindigan ng tao ang salitang PAGMAMAHAL?

Siya kase, ay hindi na niya kaya. Hindi na niya kaya na mawalay sa asawa kahit sobrang sakit na. Hindi niya kayang iwan ang asawa kahit hindi na niya talaga kaya. Sobrang na niya sa mata ng ibang tao pero ano bang pakeelam niya sa sasabihin nila? Anong pakeelam niya sa opinyon nila?

“Miss may sundo po ba kayo? Mag sasarado napo kase kami, kayo nalang po ang tao dito maliban sa’ming mga crew” Napa tingin si Lorie sa lalaking nagsasalita sa harapan niya, hindi na siya sumagot pa at agad na tumayo kahit sobrang umiikot na ang paningin niya. “Tulungan napo kitang tumawag ng taxi” wika ng crew pero winagayway ni Lorei ang sariling kamay.

“Thanks but no thanks. I can manage” sabi niya nalang saka pinilit maglakad kahit na medyo hilo pa siya.

Lumabas ng bar si Lorie at tiningnan ang paligid. May tama na siya ng alak at kahit ano mg oras kay babagsak na dahil sa kalasingan. Sinilip niya ang paligid, “ Madilim– katulad ng buhay ko, walang tao– katulad ko nag–iisa.” Bulong niya sa sarili.

Ilang minuto pa siyang naghintay doon pero maski isang taxi ay walang dumadaan kaya na pag pasyahan niya nalang ang mag lakad. Malamig ang simoy ng hangit, mayroon ding mga kulog na naririnig. Mukang uulan pa yata. Hanggang sa maramdaman niya sa kaniyang balat ang ilang butil ng patak ng ulan… nag sisimula nang umulan.

Wala si Lorie sa sariling napa tingin sa madilim na kalangitan hindi alintana ang mga malalaking patak ng ulan na galing sa kalangitan. Kasabay non ang pag-agos ng luha niya na para bang nakikisabay ito sa nararamdaman niya. Unti unti niyang minulat ang mata niya ng maaninag ni Lorie sa gilid niya ang liwanag. Liwanag na hindi galing sa street light, kundi liwanag galing sa paparating na sasakyan.

Dahil sa lakas ng ulan mukang hindi siya nakikita ng nagmamaneho non, gustuhin niya mang umalis doon upang sagipin ang sarili, pero kahit pag hakbang ay hindi niya magawa, para bang naka dikit na doon ang kaniyang mga paa. Totoo nga na kapag nasa bingit kana ng kamatayan ay maaalala mo ang mga memoryang labis na tumatak sa iyong isipan.

Muli niyang pinikit ang mata niya kasabay ang pag pasok ng memoryang labis na nagpasakit sa puso niya.

“Can you stop this bullshits Lorei? Kaylan kaba gagawa ng walang kadugtong na problema? ” sigaw saakin ni Lander ng subukang ayusin ni Lorie ang gripo nila sa banyo, sira na kasi iyon at may tagas na. Hindi na siya tumawag ng mag aayos dahil sayang lang sa pera.

“I don’t know why dad let me marry a stupid like you. You’re so annoying, no, everything about you is annoying. So get out of my sight!” dagdag pa ni Lander pero walang nagawa si Lorie kundi ang tanggapin ang masasakit nitong salita at ngitian nalang ang asawa.

“Hindi kita mahal, at hindi kita magagawang mahalin.” Isang araw, nag away sila, tinanong niya ang asawa kung may katiting ba na pagmamahal siyang natitira para sakaniya pero nagalit nanaman si Lander at binato siya ng mga masasakit na salita. Tulad ng dati walang nagawa si Lorie kundi ang tanggapin iyon at ngumiti na parang ayos lang ang lahat.

Isang taon pa lamang silang mag-asawa, nang magdala ng babae si Lander sa bahay nila.“Ry sino yung–” naputol ang sinasabi niya ng biglang may kumapit sa braso ni Lander. Yung kasama niya kagabi at katabi nito matulog.

“babe let’s go” sabi ng babae habang kapit na kapit sa braso ni Lander. Walang nagawa si Lorie kundi ang sundan ng tingin ang asawa hanggang sa makalabas ito. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ay agad siyang nanghina at sunod sunod na tumulo ang luha.

Mapait na napangiti si Lorie sa sasakyang sasalubong sa kanya. Wala manlang siyang masayang ala-ala na maibabaon. Muli niyang pinikit ang mata at hinanda ang sarili sa pag tama ng kung ano sakaniya.

“KAYLAN KABA MAWAWALA SA BUHAY KO!?”

“ Ito nayun, ito na ang pinaka hihintay mo. Sana maging masaya ang buhay mo. Maraming salamat sa sakit na dinulot mo.” Bulong ni Lorie sa sarili kasabay ng pagtulo ng kaniyang huling luha.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elle
Ang sakittttttt ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status