Share

WAY IX: SHELTER OF LIES

TULALA na pinagmamasdan ni Lander ang asawa na walang malay at langong lango sa alak. Pinupunasan ito ni Manang Cristina dahil basang basa ito sa ulan. Naabutan ni Lander si Lorie sa gitna ng daan na wala sa sarili.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan. Ito din ang unang beses na nagtagal si Lander sa silid nila ng asawa.Ngayon niya lang din nakita ng buo ang silid na iyon. Hindi siya makapaniwala na puno ng libro at iba’t-ibang klase ng instrumento sa pagtutog ang laman ng silid na iyon.

“Ikaw ba ay may kailangan pa?” Tanong sakaniya ni Manang Cristina. Bakas ang galit sa boses nito. Hindi makapaniwala na muntik ng masagsaan ng rumaragasang sasakyan ang alaga.

Kakaalis lang din ni Dr.Galvez na sa kabila ng malakas na ulan ay  nagmamadali paring pumunta sa bahay nila Lorie ng malaman ang nangyari sa pasyente. Sinabi din ni Dr. Galvez ang tunay na nangyayari kay Lorie na kinabigla ni Lander at Manang Cristina.

Hindi na nakasagot si Lander. Ang totoo ay matapos ihatid si Kiesha sa condo nito ay mabilis siyang umuwi sa bahay nila upang malaman ang kalagayan ng asawa. Nang makauwi ay hindi niya naabutan ang asawa sa bahay kaya naman ay nagsimula na siyang maghanap sa mga posible nitong puntahan. Pero maski isa sa mga pinuntahan niya ay walang bakas ng asawa ang naiwan don. Nararamdaman din ni Lander ang galit kay Manang Cristina na tumayong nanay ni Lorie. Gusto niyang humingi ng tawad, ngunit, parang hinila ang dila niya para hindi makapagsalita.

Napatigil si Manang Cristina sa ginagawa at seryosong tiningnan si Lander. “Ipagpaumanhin mo Ijo ang mga sasabihin ko. Hindi ko gusto na makialam sa pagsasama niyo ng alaga ko pero hindi kona kayang manahimik pa.” Pauna nitong sabi.

Napayuko naman si Lander at hinihintay ang mga sasabihin sakaniya ng matanda. “Alam ko ang mga dahilan kung bakit ganito ang inyong pagsasama. Nababalot ang puso mo ng galit kung kaya’t kahit pagtingin sa mga mata ng iyong asawa ay hindi mo magawa. Alam natin na hindi din ginusto ni Lorie ang matali sayo. Parehas kayong nagulat sa mga desisyon ng magulang niyo. Alam ko din na iyon ang dahilan kung bakit sagad sa buto ang galit mo kay Lorie, pero sana ilugar mo ang iyong galit dahil ginagawa naman ni Lorie ang tungkulin niya bilang iyong asawa.”

“Hindi kasalanan ni Lorie ang mga nangyayari sa’yo. Mabuti ang puso ng aking alaga, kahit na kanino mo siya ipakilala ay magiging kasundo niya dahil sa galing niya makisama. Dahil sa taglay niyang kabaitan ay inuuna niya palagi ang iba kesa sa kaniyang sarili, maging ang iyon kasalanan ay kaniyang hinuhugasan upang manatili ang malinis at maganda mong pangalan sa iyong mga magulang.” Dagdag pa nito saka nilabas ang puting bagay na nakuha niya sa basurahan. Inabot naman ni Manang Cristina ang pregnancy test kay Lander. “Nakita ko iyan na tinapon ni Lorie sa basurahan. Agad ko siyang kinompromta tungkol sa bagay na iyan, alam mo ba ang sinabi niya saakin…?” Tanong nito saka hinaplos ang muka ni Lorie. Napatitig naman si Lander sa muka ng asawa. Ngayon lamang niya nakita na bumagsak na pala ang timbang nito at bakas sa muka ang pagod at hirap.

“ Tutulungan niya ang iyong nabuntis, at gagawan niya ng paraan upang hindi masira ang iyong pangalan sa iyong mga magulang. Sa totoo lang ay nais ko ng ipagtapat kay Don Marvy ang mga pinaranas ng kaniya anak sa pamamahay na ito, ngunit pinigilan ako ni Lorie at hayaan ko daw siyang ayusin ang sariling problema. Hanggang sa huli ay kapakanan pa rin ng iba ang kaniyang iniisip. Kahit na mali ang kaniyang pinapanigan at kaniyang kinakalimutan ang kaniyang sariling kapakanan.” Batid ni Manang Cristina na labis ang mga salitang binitawan niya. Pero para sa alaga ay gagawin niya ang lahat upang mabalik ang maayos at payapa nitong buhay. Hindi niya pinalaki at inaalagaan si Lorie mula pagkabata para lamang maging misirable ang buhay nito.

Nanatiling tahimik si Lander at nagsisisi sa mga nagawa niya sa asawa. Nais niyang humingi ng tawad at bumawi, ngunit pinangungunahan siya ng takot at kaba. Lalo na ngayon ay may malaki siyang problema na kinakaharap.

NALIMPUNGATAN si Lorie dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mata. Agad siyang napahawak sa kaniyang ulo ng maramdaman ang pagsakit non. Panatingin siya sa pamilyar na silid at kisame, at agad na nailipat iyon sa pintong bumukas at pumasok si Manang Cristina at Cristel na may dalang almusal.

“Gising ka na pala. Kamusta ang iyong pakiramdam? Inumin mo ito Ija.” Wika ni Manang Cristina sabay abot sa alaga ng mainit na gatas. “Tawagan mo si Dr. Galvez anak.” Utos nito. Akmang aalis na si Cristel ng hiwakan siya ni Lorie at pigilan.

“Wag na po. Maayos na ang pakiramdam ko. Wag na natin istorbohin si Dr. Galvez.” Sabi nito saka nagsimulang kumain.

Nagtataka si Cristel na napatingin kay Lorie dahil sa unang pagkakataon ay hindi niya narinig na binanggit ng amo ang pangalan ng asawa nito. Nagtataka man ay mas pinili ni Cristel ang manahimik dahil baka masama lang ang pakiramdam ng kaniyang amo at mahigpit na bilin sakaniya ng kaniyang ina na huwag manghihimasok sa buhay na may buhay.

“Nakarating na rin kay Lhinelle ang nangyari at sinabihan ko siya na wag muna sabihin sa daddy mo ang lahat ng nangyari.” Dagdag ni Manang Cristina. Napangiti si Lorie ng maalala niya ang mga nangyari kagabi, muntik na siyang masagasaan ng sasakyan ngunit saktong tumigil ito sa kaniyang harapan. Akala niya ay Matatapos na ang kaniyang buhay.

Hindi na nagtanong si Lorie kung paano siya nakarating sa kanilang tanahan. Ang mahalaga ay maayos ang kaniyang lagay. “Anong oras po dadating si Kuya?” Tanong niya.

“Sigurado, ano mang oras ay darating na siya.” Sagot sakaniya ng tagapag-alaga, nang may busina silang narinig sa labas.

“Nanjan na si Kuya Lhinelle!” masayang anunsyo ni Cristel at patakbong bumaba upang pagbuksan ng gate si Lhinelle.

Akmang bababa na si Lorie sa kama ng pigilan siya ni Manang Cristina. “Magpahinga ka nalamang jan, kami na ang bahala sa hapunan. Papaakyatin ko na lamang si Lhinelle dito.” Sabi nito. Napatango naman si Lorie bilang pagsang-ayon.

Lumabas ng kwarto si Manang Cristina na sakto namang dating ni Lhinelle. May sinabi pa ang tagapag-alaga kay Lhinelle bago ito tapikin sa balikat at tuluyan silang iwan na dalawa.

Ngumiti si Lhinelle kay Lorie, “Kamusta? Kaya pa ba?” Tanong nito sakaniya. Panangiti ng mapait si Lorie ng mapagtanto na double meaning ang pinaparating sakaniya ng bayaw. “Mag pakatatag ka dahil nay malaking problema ka pang kakaharapin.”

“Buntis si Kiesha…” Aniya, gulat na napatingin sakaniya si Lhinelle. Hindi makapaniwala na nalaman agad niya ang problemang tinutukoy niya. “Nakita ko sila ni Lander na pumasok sa hospital, kaya sigurado akong si Lander ang ama ng pinagbubuntis niya.” Nakayukong sabi ni Lorie. Gusto niyang mamangha sa sarili dahil sa pagkakataong ito ay walang luha na lumabas sa kaniyang mga mata. Mukang wala na siyang luha na mailalabas pa dahil naubos na iyon dahil sa labis niyang pagluha sa mga nagdaan tao, bwan at araw.

“What’s your plan then?” Tanong ni Lhinelle. Nag-angat naman ng tingin si Lorie at tiningnan ng walang emosyon ang bayaw. Gulat man ay hindi na nagsalita si Lhinelle dahil baka ay natauhan na sa katotohanan si Lorie.

“Hindi ko alam. Blangko ang isip ko ngayon.” Aniya saka ngumiti. “Magpapa-alam din sana ako. Gusto ko muna mag isip-isip kaya mawawala muna ako bg ilang linggo.” Patuloy niya. Napangiti naman si Lhinelle dahil sa wakas ay sarili naman ni Lorie ang inisip nito.

“Sure. Tell me where you’re going baka makapag book ako ng flight.” Wika ni Lhinelle, isang ngiti namaj ang sinukli ni Lorie saka inaya ang bayaw sa baba upang kumain.

Tahimik na kumain si Lorie. Masyadong inuukupa ang utak niya ng iba’t-ibang problema. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa asawa at sa magiging anak nito sa iba. Mas mabuti nang lumayo muna siya sa problema at bigyan ang sarili niya ng pahinga. Nang matapos kumain ay agad na nagpaalam si Lorie na aakyat muna sakaniyang kwarto upang magpahinga, habang sila Manang Cristiba, Cristel, at Lhinelle ay naiwan sa sala.

“Nay, bakit po hindi hinanap ni Ate Lorie si Kuya Lander?” Agad na tanong ni Cristel sa kaniyang nanay.

“Huwag na muna natin banggitin ang pangalan ni Kuya Lander mo sa harapan ni ate Lorie mo. Hayaan natin na siya ang mag bukas ng usapan tungkol sa kaniyang asawa.” Paliwanag ni Manang Cristina sa anak.

“Nasan pala si Lander Manang?” tanong ni Lander.

“Maaga umalis ang isang yon. Kailangan niya sumunod sa magulang niyo sa Canada para ayusin ang mga kailangan niyang gawin don.”

“Sabi pala ni Lorie na may balak siyang magbakasyon. Hindi ako sigurado kung kaylan. Pinaalam mo lang sainyo para hindi na kayo mag-alala pa.” Dagdag ni Lhinelle. Napatango naman si Manang Cristina.

“Mabuti naman ay naisip din niya ang sarili niya.” Wika ni Manang Cristina, hanggang sa marinig nila ang tunog ng piano mula sa silid ni Lorie. “Madalas na tugtugin iyan ni Lorie noong bata pa siya sa tuwing nalulungkot siya o kaya namimiss niya ang mommy niya.” Mulungkot na sabi ng matanda.

“Human ang title ng kantang iyan nanay. Narinig ko na iyang kantang iyan isang beses na kinakanta ni ate Lorie.” Singit ni Cristel saka umupo sa tabi ni Lhinelle. “Masakit ang kantang iyan dahil ang mensahe ng kantang iyan ay paghihirap at pagsuko.” Dagdag pa nito saka pangalumbaba. Walang alam si Cristel sa nangyayari sa paligid, pero alam niya kung ano ang trato ni Lander kay Lorie. Nalulungkot siya para kay Lorie pero wala naman siyang karapatan na manghimasok sa buhay ng mag-asawa. Malaki ang utang na loob niya kay Lorie dahil kung hindi kay Lorie ay sigurado na natigil na siya sa pag-aaral.

Sa kabilang banda, nang matapos si Lorie sa pagtugtog ay agad siyang naglagay ng damit sa bagahe. Sapat na damit lamang ang dinala niya dahil wala naman siyang balak mag tagal kung saan man ang pupuntahan niya. Nang matapos sa pag-iimpake ay nag ayos siya ng kaniyang sarili upang puntahan ang daddy niya upang magpaalam ng maayos.

Umuwi na din si Lhinelle at hindi na nag-abala pang magpaalam kay Lorie sa kaalamang natutulog ito.

“Bibisitahin ko muna po si Daddy.” Paalam niya kay Manang Cristina. Agad namang pumayag si Manang Cristina at sinabihan pa siyang mag-ingat dahil madulas ang daan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakarating si Lorie sa kumpanya na pagmamay-ari ng daddy niya. Ilang pagbati pa ang ginawa niya sa mga nakakasalubong niya bago makasakay sa elevator na maghahatid sakaniya sa opisina ng daddy niya.

“Come in.” Boses ng daddy niya ng kumatok siya. Agad niya binuksan ang pinto at pumasok. Abala ang daddy niya sa harap ng computer at may binasa, hindi ata naramdaman ang presensya niya.

“Dad.” Aniya. Gulat na napa-angat ng tingin si Marvy sa anak ng marinig ang boses nito. Napa ngiti naman si Lorie dahil sa naging reaksyon ang daddy niya.

“Anak…” wika nito saka mabilis na tumayo at nilapitan siya. “Upo ka… What brings you here?” tanong nito ng maka-upo siya.

“Magpapa-alam lang po sana ako.” Aniya habang naka ngiti. Nawala naman ang ngiti ng daddy niya at napalitan ng pagtataka.

“Magpapa-alam saan?” Nagtataka nitong tanong.

“Nakatanggap po kase ako ng tawag galing kay Trish. Malapit na po siya mangank. Gusto ko po sana pumunta sa Laguna para bisitahin siya .” Paalam niya. Totoong nakatanggap siya ng tawag mula kay Trisha na pinsan ni Lander. Gusto nito na bisitahin siya nito bago o pagkatapos nitong manganak. Ginamit na din ni Lorie ang pagkakataon na iyon upang magpahinga at lumayo sa problema. Ayaw niya ding makita si Lander kahit na ilang linggo lang.

Napatango naman si Marvy sa sinabi ng anak. “Ilang araw ka mawawala?” Tanong nito. Kahit talaga may asawa na siya ay hindi nawawala ang pag-aalala sakaniya ng kaniyang ama. Dahil para kay Marvy kahit na pumuti ang pumuti na ang buhok ng anak ay mananatili pa rin itong bata sa paningin niya.

“Siguro dalawang linggo. O kaya isang bwan .” Sagot niya. “Gusto ko din po kasing tulungan sa pag-aalaga ng bata si Trish. Para na din po matuto ako kung sakaling magkaanak kami ni Lander.” Pagsisinungaling niya. Napangiti naman ng malaki si Marvy dahil sa sinabi ng anak. Tatlong taon na din siyang naghihintay ng apo. At sa pagkakataong ito ay mukang mangyayari na ang inaasam niya.

“Kaylan ang alis mo?” Tanong ulit nito.

“Sa sabado po. Tatlong araw po mula ngayon.”  Aniya. Madami pang pinag-usapan si Lorie at Marvy tungkol sa iba’t-ibang bagay, tungkol sa planong pag-aanak ni Lorie— Walang ideya sa tunay na nangyayari sa anak.

Ayaw man magsinungaling ni Lorie sa ama, pero wala din siyang balak na sirain ang kasiyahan ng ama. Hindi din niya maiwasan malungkot dahil, apo lang naman ang hinihingi sakaniya ng ama ngunit hindi niya mabigay. Paano sila magkaka-anak ni Lander kung hindi ito natabi sakaniya sa pagtulog. Sa ibang babae pa may anak ang asawa niya, dahil ibang babae ang tinatabihan nito sa kama.

Hindi mapigilan ni Lorie na mapangiti ng mapait sa isiping iyon. Wala na siyang luha na ilalabas pa kaya wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat na nangyayari sa buhay niya at umaktong malakas.

Matapos bumisita sa ama ay sunod naman siyang pumunta sa simbahan upang mag-abot ng konting donasyon. Nag paalam din siya sa mga madre na hindi siya makakadalo sa darating na anibersaryo ng simabahan dahil isang bwan siyang mawawala papunta sa Laguna. Nalungkot man ay naintindihan naman siya ng mga madre at nagpasalamat sa dala niyang donasyon at mga regalo para sa mga bata. Hindi na rin siya nag-abala na magpakita sa mga bata dahil oras ng siyesta—lahat ng bata ay nagpapahinga. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan dahil sa bagyo na tumama sa lugar nila.

Nang sumapit ang ala’s singko ay saka lang naisipan ni Lorie ang umuwi sa bahay nila. Katulad ng dati ay si Manang Cristina lang ang naabutan niya at si Cristel na abala sa ginagawang proyekto.

Dumeretso si Lorie sa silid ay nag-iwan ng mensahe kay Lhinelle… na wag na itong mag-abala pang maghanda ng ticket dahil sa laguna lang naman siya pupunta. Alam niya sa loob ng ilang bwan ay marami ng mangyayari sa buhay niya at kay Lander, maraming pagdadaanan na problema. At sa unang pagkakataon ay gusto niyang takasan ang mga iyon.

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Athena Anne Osibro
pa unlock plss
goodnovel comment avatar
Andy Soberano
pa inlock naman po please🥹🥹🥹🥹🥹
goodnovel comment avatar
Julieta Delos Santos
unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status