Share

Chapter 7 (The mean guys)

Naglalakad nang mag-isa si Ken sa hallway patungong sports room subalit pinagbubulungbulungan siya, at pinagtatawanan ng mga estudyanteng naroon. Tila maraming mga mata ang nakitingin, at maraming hintuturo ang nakaturo sa kanya habang naglalakad mag-isa ngunit di niya na lamang ito pinansin, at patuloy na lamang siya sa paglalakad. 

Di kalauna'y pumasok na siya sa sports room, at tumungo sa locker upang ipasok ang mga gamit nitong dala datapwa't naririnig niya pa rin ang ngaw-ngaw ng mga estudyanteng naroon, at inda niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pinalabas niya na lamang sa kabilang taynga habang nagliligpit ng gamit sa locker bagama't biglang tumambad sa kanya ang Alpha team. 

"Hoy Ken! Nagawa mo ba 'yong assignment namin?" maangas na saad ni Nico at umakbay sa kanya habang nakapaligid rin ang ibang myembro ng Alpha team. 

"Ah... Oo, nagawa ko na," mahinahong tugon ni Ken. Kinuha nito ang mga notebook sa bag at iginawad nito sa Alpha team."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status