Share

Chapter 3 – The Top Secret Coded in Black

We don’t yet know what kind of monster the killer or killers are, but we are sure it isn’t human.

I stared blankly on the dark horizon before me while my mind drifted off to the far corner of imagination. The case was by far the most ridiculous thing that would ever happen to me.

Hindi ko maitatangging naexcite ako ng ibigay nila ang kaso sa amin. Unang beses ko kasi iyon na hahawak ng isang kasong coded Black.

All cases the organization handled were sorted according to how dangerous the case was and how much time it required. It was sorted in four colors: White, Grey, Brown and Black. White coded cases were the easiest. Three days was the longest timeframe for those cases to be solved. It also needed only one agent to solve it. Grey coded were the cases that required a week or two. Often it involved one or two agents. Sometimes it required a team. The brown coded ones were the cases which remain unresolved for the long period of time. Hindi basta-basta ang mga ito dahil walang time frame na inilalaan sa pag-solve ng ganoong uri ng mga kaso. Minsan dahil sa tagal na ng mga kasong ‘yon, kulang-kulang na ang mga ebidensiya kaya’t taon pa rin ang inaabot bago tuluyang maresolbahan.

Sa mga kasong ‘yon nagsimula ang career ng Psyche Underground.

Ang dami na kasing natambak na unresolved cases sa bansa kaya sa kabutihang loob ng magkapatid na SPO2 Antonio de Leon at Atty. Helena de Leon-Soriano at ng tatlo pang tao, itinayo ang Psyche Underground Intelligence Agency higit tatlumpung taon na ang nakakalipas. Nagsimula sa limang miyembro, lumaki ito hanggang sa magkaroon ng labing-tatlong distrito.

Ang black coded cases naman ay ang mga kasong delikado, walang identified suspect at kinakailangan ng sapat na panahon para maresolbahan. Kaya nga nagtataka ako kung bakit kami isinali sa pag-resolve ng isang black coded case. They were supposed to be assigned to a Senior Agent.

The case was a confusing one too. Masyadong maraming kulang. Another thing, I didn’t want to support their theory for the case. However, it was the better theory next to a megalomaniac serial killer.

And even though I was itching to see the corpses of the victims, it was impossible. All corpses went missing three days after they were found.

We already had the copy of the autopsy report for the two victims, but the remaining three had not been examined yet before they went missing. The police and two of District Five’s detectives investigated the morgue where the bodies were brought, but they arrived at the same absurd conclusion: the dead resurrected.

I came out of my deep thoughts when someone knocked. Napalingon ako sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko, pero hindi nag-abalang tumayo at pagbuksan ang sinuman. Bahala siyang isiping tulog na ako.

Inilipat ko ang tingin sa puting folder sa ibabaw ng mesang nasa harapan ko. Hindi ko pa pinagkaabalahang basahin ang nasa loob nun dahil binabagabag na ako ng mga sinabi ni Agent 7 kanina.

I looked back at the wide earth before me. Malawak ang lupang kinatitirikan ng District Five katulad din ng iba pang distritong napuntahan ko, pero ang pinakanai-iiba ay ang District Zero kung saan isang pang-mayamang night club ang itinayong balatkayo ng organisasyon. Palibhasa, puro mga lalaking agents ang naroon. Ako lang at ang sekretarya ni Agent Zero (ang dakilang agent na misteryo pa rin sa akin hanggang ngayon) ang tanging mga babae sa distrito.

Tumigil na rin sa pagkatok ang kung sinuman, pero maya-maya lang tumalon mula sa kabilang terrace ang isang nakangising hoodlum.

“Anong ginagawa mo rito?” pagtataray ko. The sweet evening breeze suddenly became a raging wind.

Justin sat across me and crossed his arms on his broad chest. He also put his feet on the vacant chair on his right. He was eyeing me like a madman. “Good evening din sa ‘yo, Nyx.”

Nyx was my nickname which also happened to be the Greek goddess of the night.

Ibinalik ko ang tingin sa kawalan. “Maninira ka ba ng gabi ko?”

“Oo sana kaso mukhang sasamain na naman ako sa ‘yo kung gagawin ko.”

“Buti naman alam mo,” sabi kong nakangisi. Sumeryoso ako nang maalala ko ang kaso. “Ipaliwanang mo nga sa’kin ang laman ng folder na ‘yan.”

Kinunutan niya ako ng noo. “Bakit? Hindi mo pa ba binabasa?”

Umiling ako. “Tinitimbang ko pa ang mga sinabi ng matanda kanina.”

Bumuntong-hininga ito. “May mali sa kasong ‘to. Hindi ko lang matukoy kung ano kaya ayaw ko munang mag-conclude. Dahil sa linya ng trabaho natin, wala ng imposible.” Seryosong sabi nito. Eto ang maganda kay Justin, nakakausap ng matino pagdating sa trabaho.

Ewan ba, pero sang-ayon ako sa sinabi niyang may mali nga sa kaso. Malakas ang pakiramdam kong malaking bahagi ng pagkatao ko ang sangkot dito hindi lang ang trabaho ko.

“Apat na biktima ng pagpatay, pare-parehong estudyante ng kilalang university. Ang ika-lima, pulitiko sa capital city ng probinsiya. Nababalitang tatakbo raw bilang mayor ng lungsod sa eleksyon next year.” Panimula nito.

“At hindi nila itinuturing na isolated case ang pulitiko?” paglilinaw ko.

“Hindi, dahil ayon daw sa mga pulis at sa mga detective ng Singko, pare-pareho daw ang paraan ng pagpatay. Four puncture wounds sa leeg, nothing more.”

“Ano ang interval ng pagpatay?”

“Two to four days after a corpse went missing.”

Odd. Really odd.

“Aside from that, anong meron sa mga biktima at bakit sila ang mga piniling patayin?” tanong ko.

“So far, walang hint. The students are just ordinary students like what everybody believes. ‘Yung pulitiko…” He shrugged. “’Yun nga running for mayor. And…” He typed something on his phone and showed it to me.

Dey r hiding somting from us.

I looked him in the eyes. He seemed convinced of his thought. Another reason why the organization could not kick Justin out despite his arrogance was his accurate instincts. So if he believed District Five was hiding something from us, then I had to agree.

“But why us? I mean, it’s an honor to work on a black coded case lalo na at Junior Agents pa lang tayo—“

“Top Junior Agents,” paalala ni Justin.

“Yeah, the top two and three Junior Agents plus a Novice,” paglilinaw ko naman. Of course, I was better than Justin, but someone was better than the two of us combined in the Junior Agents Division. “Why not ask the Hunter? He’s the best Junior Agent.”

Naputol ang usapan namin nang biglang may kumalabog sa likuran ko.

“Hindi mo ako pinagbuksan, pero nandito ‘yang walang modo na ‘yan,” sabi ni Apollo at hinila ang upuang kinapapatungan ng mga paa ni Justin. Inilapit nya ito sa tabi ko at umupo.

So, it was Apollo who was knocking a while ago.

Nakangisi lang si Justin sa sinabi ni Apollo at umayos ng upo. “A real agent needs not to knock. Ask her,” sabi nito at itinuro ako.

I smirked. “I don’t know. I’ll kick the door if I can't help it.”

Mahinang natawa ang dalawa sa tinuran ko.

“So anong ginagawa niyo ngayon sa harap ko?” Tanong ko sa dalawa. Tuluyan nang nasira ang katahimikan ko. “Baka kayo ang sipain ko ng tig-isa diyan.”

“Ewan ko diyan sa boyfriend mo. Basta ako nakikitambay lang,” sagot ni Justin. Inirapan ko ang kumag. ‘Yon lang ang ayaw ko na kasama ang dalawang ‘yon. Uulanin ako ng sakit ng ulo.

Wala sa amin ni Apollo ang nakapagtama ng term na “boyfriend” (kahit alam kong hindi naman siya papalag) dahil tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa.

Pinulot ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. Dad ang pangalang lumabas sa screen.

“Keep your mouth shut for a while,” mariing paalala ko sa dalawa bago sinagot ang tawag.

I adjusted my voice to a cheerful tone of an excited daughter. “Hello, Dad!”

“Hello, Nickie,” bati ng baritonong boses ng aking ama.

Apollo snickered beside me and I glared at him in return. Plano pa yata niyang ibuko ako sa tatay ko.

“Dad, napatawag ka?”

“Kakamustahin lang sana kita. How’s your trip?”

Ang alam ng daddy ko ay nasa probinsya ako dahil sa isa ko pang trabaho. I was a landscape and food photographer of a magazine company my mom owned. The career I chose was very much appropriate to cover my job as a secret agent. Walang naghihinala kung saan ako pumupunta dahil kapag bumabalik ako sa kompanya ay marami akong litrato at kwentong dala.

“It’s fine, Dad. The place is wonderful. Don’t worry, uuwian ko kayo ng pasalubong ni Mommy at ni Aaron. Hindi ko lang alam kung gaano ako magtatagal kasi may nakita akong mga kakilalang videographers and they are asking me if I wanted to do a film with them.” It was a good excuse and my dad would not suspect the lie.

“Really?” In the tone of my father’s voice, I was sure I was right. “Good for you. At least you will not be nagging me anymore about trying another job.” He chuckled. Haayy, Dad. Kung alam mo lang.

“Anyway,” pagpapatuloy niya. “Your brother is going home next week. You know, he’s taking a vacation after a case. I just thought na baka gusto mong umuwi para magka-bonding kayong dalawa pati na rin si Aaron. Naku, kinukulit ako kung kelan ka daw uuwi at namomroblema na daw siya sa Algebra niya.”

Natawa ako. Aaron was in second year college already, pero he would still pester me about helping him in his lessons. Sobrang malapit kami sa isa’t isa hindi tulad ng relasyon ko sa nakatatandang kapatid namin. Hindi alam ng mga magulang namin na sa tuwing magkasama kami ni Kuya Dominic ay kulang na lang magka-earthquake at tsunami.

Simula pa man noong maliliit kami ay hindi na lingid sa kaalaman ko ang pagkasuklam sa akin ng kuya ko. Hindi lang namin ipinakikita sa mga magulang namin lalo na kay mama dahil may sakit ito sa puso. Kung may pagkakasunduan man kami sa isang bagay, ‘yun ay ang ‘wag ng pasamain pa lalo ang kalagayan ni mama.

At siya nga pala, hindi ko sila tunay na mga magulang at mga kapatid.

“Okay, I’ll do my best to come home next week. Miss ko na rin si kuya eh,” pagsisinungaling ko. Imposibleng makakauwi ako next week, pero alang-alang sa kapakanan ng mga magulang na itinuring akong tunay na anak, makikipag-bonding ako sa demonyo kahit isang araw lang.

“Sige. Asahan namin ‘yan. Tsaka nga pala, kinakamusta ka ng ninong Raphael mo.”

“Okay po. I’ll just text him to tell I’m okay.”

“Sige. Take care of yourself, ha.”

“Yes, always.”

“Okay. Bye, Nickie.”

“Bye, Dad,” and we both hanged up. Napabuntong hininga ako pagkatapos. Parang gusto kong ibato ang cellphone dahil sa bigat ng loob na nararamdaman ko.

“Nickie.”

I almost forgot na may kasama pala ako. Tinapunan ko ng masamang tingin si Justin.

“Shut up,” I hissed at him. Tumawa lang ito.

“You know, I forgot to tell you something. The first time we met, I felt something dark in you, then when I learned that you’re related to Samuel Velchez and Raphael Vittorio, I confirmed the feeling.”

Binigyan ko ng blankong tingin si Justin. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi niya, pero dahil si Justin siya, alam kong tama siya.

“Whatever you say, dela Riva,” ang tangi kong nasabi.

Tumayo na ito at naghandang tumalon sa katabing terrace. “The great Agent Night knows nothing about the most important thing in her life,” sabi nito at lumukso na sa kabila.

“Mamatay ka na!” pahabol ko bago siya tumatawang pumasok sa kwarto niya.

I heard Apollo sighed. Tumayo na rin ito.

“We’ll just talk about the case tomorrow. Alam kong pagod ka na. I should have known, Agent 15 is that arrogant,” sabi nito.

“Yeah, he’s really an SOB, pero maasahan natin siya sa trabaho. I can tolerate his nasty attitude just like how I survive every single second I’m with you.”

Apollo laughed. Kung hayagan siyang umaamin na gusto niya ako, hayagan rin akong umaamin na ayaw ko sa kanya.

“I know, sweetheart,” sabi niya at mabilis pa sa kidlat na ginawaran ako ng halik sa labi.

Bago pa ako makahuma at matadyakan siya sa kanyang kayaman ay mabilis na siyang nakatalon pabalik sa terrace ng kwarto niya.

“’Langya ka talaga, Torralba!” Galit kong sigaw sa kabila ng pagbilis na naman ng tibok ng pesteng puso ko.

“I love you, too!” Ganting sigaw niya bago pumasok sa kwarto.

I gritted my teeth out of frustration. Nasubok talaga ang pasensya ko sa kasong ‘yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status