Share

Chapter 7 – December 24, 1850

Pagkatapos ng klase namin, hindi agad kami nakaalis ng classroom. Sasadyain sana naming magpahuli na lalabas tulad ng mga nakasanayan kaso inulan na agad kami ng interview ng mga kaklase namin.

Ang daming tanong—kesyo, saang school daw kami galing, bakit kami lumipat, gaano na katagal ang relasyon namin (na masayang sinagot ni Apollo ng dalawang taon), paano nanligaw sa akin si Apollo, anong pabangong gamit ko, paboritong ulam, pangalan ng aso ko, etcetera, etcetera, etcetera. May nag-imbita rin sa amin na umattend ng Acquaintance Party sa darating na byernes ng gabi.

Hinayaan ko na si Apollo na sumagot sa mga tanong nila. Matipid na ngiti, tango at iling lang ang isinasagot ko. Kahit na kating-kati na ako lumabas at sundan ang lalaki sa unahan ko, hindi ko na nagawa dahil mabilis pa sa alas-kwatro itong lumabas pagkasabing ‘class dismiss’ ng professor.

Paglabas namin ng room (sa wakas!) ay dumiretso kami sa canteen ng college para bumili ng makakain bago kami naglakad-lakad sa may oval. Sinadya naming magtungo roon dahil doon natagpuan ang bangkay ng isa sa mga napatay. Napapalibutan pa nga ng yellow line ang crime scene.

“I’m wondering…” turan ko. Saglit akong huminto habang nakalingon sa bahaging iyon ng damuhan. Kating-kati ako lumapit, pero pinigil ko ang sarili ko. Wala kasing naglalakad sa may oval, umiiwas sa crime scene kaya’t kahina-hinala kung lalapit kami roon.

“What about?” tanong ni Apollo. Nakatingin din siya doon.

“The police report stated, the girl died where she was found. And she died sometime at nine o’clock in the evening according to her autopsy report. Nagtataka ako kung bakit walang witness. Nine p.m is still early, right?”

Hindi agad sumagot ang kasama ko, halatang nag-iisip. “It’s either, nine o’clock in the evening is already late for witnesses or the crime scene was staged.” Aniya kapagdaka.

“What was she doing here kung masyado ng late ang alas nwebe para sa mga estudyante dito sa university?”

Nilingon niya ako, nakakunot ang noo. “Hindi mo pa ba binabasa ‘yung mga files?”

I looked at him. “Binasa ko na. And the girl was a member of the student council. So what? She died on a Sunday. Siguro naman nagpapahinga rin ng linggo ang mga pulitiko ng university.”

“Pulitiko?”

I rolled my eyes. “It’s politics for me. Leadership is an illusion. Anyway, nakakapagtaka lang. Kung nagpunta siya rito at inabot ng alas nwebe dahil sa council-related activity, again, bakit walang witness? Siguro naman kasama nya ‘yung mga co-officers niya, ‘di ba?”

“Yeah. No witness. Which means nga, nagtungo siya rito on a Sunday, staying until nine pm ng walang kasama or, again, the crime scene might be staged.”

“Staged.” I repeated the word like a magic spell. Sa salitang ‘yon naalala ko ang nakita kanina. I had never seen a staged crime scene. ‘Yung tipong aayusin ng criminal ang isang lugar at palalabasing doon nangyari ang krimen upang itago ang totoong mga nangyari.

I sighed and stopped thinking about what I learned earlier. Hindi ko rin naman iyon ire-report sa deductive members ng Argonauts. Kung tama si Justin at may itinatago nga ang Singko sa amin, patas lang na may itago ako sa kanila. Bahala si Justin kung sasabihin niya ang tungkol sa singsing. Basta ang tungkol sa burnt mark na nakita ko sa bangkay at sa lalaki kanina, sasarilinin ko muna habang wala pa kaming nakakalap na karagdagang impormasyon.

“Anong nangyari kanina? Bigla ka na lang nawala sa sarili mo,” out-of-nowhere na tanong ni Apollo na bigla na lang kinalimutan ang pinag-uusapan namin. Apparently, he thought my trance was more important than thinking why the heck there was no witnesses.

I sighed. “I fell into a trance again, but this time it was involuntary,” sagot ko. “It was unexpected. Bigla na lang naglakbay ang utak ko sa hallway sa labas ng classroom. The last time that happened was five years ago. The day when they approached me.”

“PUGITA,” he muttered knowingly. Naikwento ko na sa kanya ‘yung araw na lumapit sa akin ang isang agent ng Psyche para i-recruit ako. Second year college ako noon.

“Tapos sinundan mo ng tingin ‘yung lalaki pagpasok niya.” Pagpapatuloy niya. “You were drooling.”

Tinignan ko siya ng masama. “Selos ka naman?”

He shrugged. “Hindi. Ako boyfriend mo, eh.”

Pinangangatawanan niya talaga. “Feel na feel naman.”

“Pero ‘di nga. Sinundan mo talaga siya ng tingin.” Pagseseryoso uli nito.

Naalala ko ang lalaki. “Ewan. Masama ang kutob ko sa lalaking ‘yun.” At parang may tenga ang lupang nakita kong naglalakad patungo sa kung saan ang pinag-uusapan.

I saw him throw us a glance before shifting his gaze to where he was going. He was spying on us.

“Loosen up.” Pinasadahan ni Apollo ng kanyang palad ang noo ko. Tsaka ko lang napansing nakakunot ang noo ko dahil sa malalim na pag-iisip.

“Tss.” Tinignan ko lang siya ng masama. Ibinalik ko ang atensiyon sa lalaki, pero nakalayo na ito.

“December 24, 1850?” Narinig kong mahinang sambit ni Apollo.

Nilingon ko siya. Matagal-tagal kasi siyang tahimik. Paglingon ko, nakita kong nakatingin siya sa cellphone niya at nakakunot ang noo.

“December 24, 1850!” Bulalas nito. “Shit!”

December 24, 1850? Crypt…crypt…crypt…Oh, my G-O-S-H! District Five was on fire!

Nagpatiunang tumakbo si Apollo papunta sa kinaroroonan ng kotse niya. Sumunod naman ako. Tinatawag ko ang pangalan niya, pero hindi siya humihinto sa pagtakbo.

“Apollo, wait!” I grasped his arm to stop him halfway towards his car. “Should we tell Justin and Xander?”

“They probably knew already,” sagot niya.

“But we should not go there. It’s dangerous. It can be a trap.”

Napaisip siya. Maya-maya, medyo nag-relax ang anyo nito. “Yeah. You’re right,” aniya at bumuntong-hininga. He took my hand to his. “Sorry. I’m just worried. I’ll call December then.”

December was the code we call District Five. The twelve districts (District One, Three, Five, Seven, Nine, Eleven, Thirteen, Fifteen, Seventeen, Nineteen, Twenty-one and Twenty-three) were coded in the name of months in alphabetical order (April, August, December, February, January, July, June, March, May, November, October and September) when we talked about them outside the headquarters. We called District Zero as Olympus.

“Okay, I’ll find Justin,” sabi ko.

We parted ways. Pumunta muna siya sa kotse para doon tumawag sa headquarters samantalang hinanap ko si Justin sa college building.

I decided to call Justin when I didn’t find him in the offices at the ground floor. Ang kaso, nagri-ring lang ang cellphone nito. Parang abala pa yata sa pagtuturo.

Nasa harap ako ng faculty office when I decided to go back to Apollo ngunit natigilan ako pag-ikot ko. The mysterious guy was following me and now, he was blocking my way. Ibinalik ko sa bulsa ng blouse ko ang cellphone at hindi ipinahalata ang pagtataka ko. Dire-diretso ko lang sana siyang lalagpasan, pero hinigit nito ang braso ko.

“Hey, masakit!” Daing ko, pero wala ‘ata itong pakialam kahit maputol pa ang braso ko.

“What are you doing here?” madiing tanong niya.

Nagkunot-noo ako. Malamang nag-aaral. Nasa university ako, eh. “Anong ibig mong sabihin?”

Hinigit niya ako palapit sa kanya. Biglang nagbanta ang puso kong malaglag. “You exactly know what I mean.”

Nagtangis ang mga bagang ko at matapang na nakipagpalitan ng matatalim na tingin sa estranghero. Sino ba talaga ang lalaking ‘yon?

“Hey, what are you doing to my sister?”

Agad akong binitiwan ng lalaki. Buti na lang dumating si Justin.

Hinimas-himas ko ang namumulang braso ko. Masakit din ‘yun, ah.

Sa halip na sumagot, tinapunan lang ng lalaki si Justin ng masamang tingin bago kami iniwan.

“Sino ‘yun?” tanong sa akin ni Justin ng tuluyan ng makalayo ang lalaki.

“Kaklase namin.”

He frowned, but didn’t ask further. He knew not to dwell on my own problems. “Did you receive the news?” pag-iiba nito.

“No, but Apollo did.”

“Bakit hindi pa kayo lumilipad papunta r’on?”

“’Yan nga sana ang gagawin ni Apollo kanina kaso pinigilan ko. Mahirap na baka bitag ‘yun.”

Tumangu-tango ito. “Susundin pa rin natin ang mga schedule natin ngayon. Mamaya na natin alamin ang mga nangyari pagdating sa bahay,” sabi nito.

It happened once in District One. May cryptic message na na-receive ang dalawang field agents na nagta-trabaho sa isang Grey Coded case. They hurriedly went back to their headquarters assuming that it was on fire. Tapos hindi kalayuan sa kinaroroonan ng headquarters, tinambangan sila ng mga armadong lalaki at parehong napatay. Nagawa pa nilang makipagpalitan ng putok, pero bandang huli, napatay din sila.

They were just newly wed that time. Pero dahil kamatayan na ang sumalubong sa kanila, sa kabilang buhay na nila naipagpatuloy ang buhay mag-asawa.

Because of that incident kinailangang alisin sa stack of keys ang ginamit na code ng kung sinumang nagpadala ng message. Pinalitan din ang mga Crypts ng Uno dahil dun.

“Tara. I still have one class to meet,” aya ni Justin.

Hahakbang pa lang kami nang matanawan ko na ang iniiwasan kong makita. Naglalakad ito sa lobby patungo sa pintuan ng building. Agad akong tumalikod, ganun din si Justin.

Sabi ko na nga ba, magku-krus din ang landas namin ng magaling kong kapatid.

Kakaripas na sana ako paakyat sa hagdang katabi ng Registrar’s office when I heard him call my name.

“Nickie?”

Oh! Dammit!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status