Share

Chapter 27 – Underground Painting Exhibit

Michael brought me in another room. Pero this time, hindi na mga lumang papel ang makakasama ko.

Hindi na ako ginapos ni Michael. Tutal hindi ko rin naman kakayanin na labanan siya.

“Now, here’s the star of the night.”

Hindi tulad ng kabuuan ng District Five, naiilawan ang silid na iyon ng mga malamlam na emergency lights sa bawat sulok. At base sa mga nakikita kong computers, bookshelves at samu’t-saring charts sa dingding, alam kong nasa Kryptos kami, ang silid kung saan namumugad ang mga Cryptographer ng distrito. Pero hindi ang mga ‘yon ang umagaw sa pansin ko kundi ang mga painting na nakahanay sa isang bahagi ng silid—mga painting ng yumao kong ama.

Bukod sa amin nina Michael at ng traydor na Senior Agent 7, may dalawang tao pa sa loob—another two supposedly missing corpses.

Ang isa ay ang babaeng natagpuang patay noon sa damuhan. Balingkinitan ang katawan niya, may mahaba at alun-alon na buhok

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status