Share

Thinking about You

Andaming tao ngayon dito sa gym. Ngayong araw kasi yung sinasabing friendly game nina Cedric.

Nakapwesto na din kami ni Mindy dito sa loob. Medyo malapit kami sa side ng grupo nina Cedric. Kalaban nila yung taga ibang school.

I checked my wrist watch. Malapit ng magsimula pero wala pa rin si Ryanne. Saan naman kaya yun?

"Besh, did you see Ryanne?" tanong ko kay Mindy na kasalukuyang busy sa cellphone. For sure babae na naman niya yung katext niya "Mag-uumpisa na wala pa rin siya."

"She's on her way here na." Sagot niya na di inaalis ang paningin sa cellphone niya.

"How did you know?" taka namang tanong ko sa kanya.

"She texted me." this time nag-angat na siya ng ulo saka tumingin sakin at pinakita yung text ni Ryanne.

Kumunot naman ang noo ko "You have each other's number?"

Mindy paused for a second "Ahmm...yeah?" she shrugged shoulders "Wait, mag-sstart na" excited niyang sabi.

Nag-umpisa na nga ang laro ng dalawang school. Mga ilang minuto din ang lumipas ng dumating si Ryanne.

"Hey!" bungad niya "Sorry, I'm late." nilapit niya yung mukha niya sa bandang tenga ko habang sinasabi ang mga salitang yun.

"It's okay!" Sabi ko na lang sa kanya. Hindi ko alam bat siya nagsosorry sakin eh wala naman siyang ginawang masama. Parang nalate lang siya eh tsaka wala akong pakialam kung malate man siya or kelan siya darating no.

We paid attention to the game. Kahit na wala akong maintindihan masyado sa laro basta makascore lang yung school namin especially si Cedric ay napapalakpak ako ng sobra. Tamang cheer lang haha.

Half an hour later ay nagtime-out yung kabilang team.

"Bes, punta lang ako C.R." tinangoan ko lang si Mindy.

Nakatingin lang ako sa unahan ng mga oras na yun. Napansin ko naman ang pagkaway ng kamay ni Cedric kay Ryanne habang nakangiti. Kinawayan din siya ni Ryanne. Nasa tabi naman ni Cedric si Lance na ngayon ay kinakawayan din ako. I awkwardly wave back at him.

"You're really his type, I see." di ko pinansin yung sinabi ni Ryanne kunwari di ko narinig "Di mo naman siya type, right?" this time napatingin na ako sa kanya.

"Sino? Si Lance?"

"Hmm—mm. Alangan naman si Cedric eh alam ko naman na type mo talaga yung jowa ko." natatawa niyang sabi.

I rolled my eyes on her then shook my head "Di ko type si Lance, okay."

Yung seryoso niyang mukha kanina napalitan yun ng masayang ekspresyon "Good!"

Napakunot naman ako ng aking noo "Bakit naman good?"

She laughed a bit "Good kasi di mo siya type."

Tumingin ulit ako sa unahan at di na lang binigyan pansin yung sinabi niya.

"Gov?" tawag sakin ni Ryanne.

"Hmm?"

"I think gumagana na yung ring." mabilis akong napatingin sa kanya "what?"

"I said I think gumagana na yung ring. Tinatablan na ata ako." sabi niya na di inaalis ang paningin sakin. Napadako yung mga tingin ko sa singsing.

"What do you mean tinatablan?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Parang ang bilis naman ata gumana nang love ring na yan. Wala pang 48 hours eh tinablan agad.

"I couldn't stop thinking about you last night." sabi niya habang nakangiti. She's resting her cheeks on her palm while looking at me intently still smiling. Ewan pero para akong napapaso sa mga titig niya kaya naman umiwas na ako ng tingin.

"Stop messing with me, Ryanne." suway ko sa kanya. For sure gusto lang akong asarin ng babaeng to.

"I'm not messing with you Celestine." napatingin ulit ako sa kanya nung binanggit niya yung name ko instead of Gov. The moment I looked at her, she smile even more.

Ang ganda talaga ni Ryanne. No wonder andaming nagccrush sa kanya.

"Stop looking at me like that! And what's with that smile?" Yung ngiti niya kasi nakakainis. 

"What? Di ka na pwede tignan? Di ka pwede ngitian?" bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sakin "Bakit? si Cedric lang gusto mong tumingin at ngumiti sayo ng ganito?" She looked at me straight in the eyes while smiling sweetly. Para akong ice cream na natutunaw sa titig niya.

Ayokong matunaw ng tuluyan kaya tinulak ko ng bahagya yung noo niya gamit ang hintuturo ko. "You're creeping me out."

"I'm creeping you out? Well, sa ganda kong to mangingilabot ka talaga." tumawa siya. Parang ang yabang ng babaitang to sarap kurutin. Taas baba naman yung kilay niya na nakatingin sakin.

"Stop.Messing.with me." I said emphasizing each words sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray ko! Bat ka nangungurot? Eh di nga ako nakikipaglokohan sayo! I'm dead serious Gov," kung kanina ngumingiti pa siya ngayon seryoso na ang mukha niya "kagabi kapa nandito sa isip ko. Napapagod na nga ako actually kakaisip sayo."

Di ko alam kung banat yun or what pero ang cute niya nung sinabi niya yun. Sumandal siya sa upuan niya saka nagcross arms. Magkasalubong yung mga kilay niya ngayon habang nakapout. Cutie. Para siyang owl na nagmamaktol. Lihim akong napangiti.

"You have to stop that." utos ko sa kanya.

"Stop what?"

"Thinking about me..." sagot ko sa kanya. Actually yung tinutukoy ko talaga yung pagiging cute niya. She has to stop acting cute baka makurot ko pa siya ulit at panggigilan ang pagmumukha niya.

"Believe me, I tried but it didn't work. Di ganun kadali yung sinasabi mo."

I sighed.

Bakit kasi sinuot suot pa niya yung singsing. Hindi sana siya nahihirapan ngayon.

I grabbed her hand. I massaged her ring finger together with the ring. Ginalaw-galaw ko yun. I'm just trying to get rid of it. Baka kasi biglang matanggal. Malay mo lang naman.

Naramdaman ko naman na parang nakatingin siya sakin kaya inangat ko yung paningin ko sa kanya and tama nga ako, nakatingin siya sakin.

Binitawan ko na yung kamay niya "Sinuot-suot mo pa kasi eh." I mumbled.

"Malay ko ba naman kasi na may ganito palang klaseng ring." narinig niya yung sinabi ko.

"Ano man ang maramdaman mo just try to control it. Di ka pwede magpadala," I looked at her side "di ka pwedeng magkagusto sakin." napatingin na din siya sakin.

"You don't want me to like you?"

"Mismo." She heaved a sigh.

"But what if magkagusto ako sayo? What will you do?" She curiously asked.

"I don't know. Avoid you?" I said as I shrugged my shoulders.

"Eh pano naman kung iwas ka ng iwas pero lapit naman ako ng lapit sayo?" Daming tanong naman ng babaeng to.

"Di kita papansinin. Simple as that."

"Eh pano kung nagpapapansin ako sayo? Pano kung ayaw kitang tigilan hangga't sa bigyan mo na ako ng atensyon?"

"Eh bat ba kasi ang dami mong tanong?" sabat ko sa kanya.

"Curious lang naman ako." sabi niya.

"Look, Ryanne. You have to keep in mind na kung ano man ang maramdaman mo, it's all because of the ring. Kung magkagusto ka man sakin, you have to remind yourself that it is not true. Na nagkakagusto ka lang sakin ng dahil sa singsing na yan at hindi dahil sa gusto mo talaga ako."

After kung sabihin yun ay napansin ko na parang nag-iba ang emosyon ng kanyang mga mata. Para bang nalungkot. Natalo. Ewan di ko mabasa.

"You get me Ryanne?" tanong ko sa kanya. Gusto kong makasiguro na naiintindihan niya yung sinasabi ko at yung mga kailangan niya gawin if ever na magsimula na ngang tumalab ang singsing sa kanya.

"Yup! Noted." she forced a smile then binaling ang paningin sa court.

Pagkatapos ng conversation namin sakto naman ang dating ni Mindy galing C.R.

Nag-umpisa na rin ang laro kanina habang nag-uusap kami ni Ryanne.

"What did I miss?" Mindy was referring to the game.

Medyo nakakalamang na yung school namin. At the end, nanalo ang kampo nina Cedric.

Nakalabas na kaming tatlo ng gym at etong si Ryanne kanina pa tahimik magmula nung last convo namin kanina.

"Babe!" si Cedric. How I wish ako yung tinatawag niyang babe char.

"Hey!" Cedric kissed Ryanne in front of Mindy and I.

Napatingin sakin si Mindy. Nagtaas lang ako ng dalawang kilay saka tumingin na lang sa ibang direksyon.

"Congrats!" bati ni Ryanne kay Cedric "Aww, thanks babe!" He kissed her in her cheeks.

"Congrats Cedric!" Nakipaghigh five naman si Mindy sa kanya "Thanks, Minds!"

"Congrats sa team niyo!" masaya ko ring bati sa kanya.

"Thanks, girls." he smiles "Ah nga pala babe lalabas kami ng team baka gusto niyong sumama?" Yaya naman ni Cedric samin.

Tatanggi sana ako kaso itong si Mindy pinilit ako. Ambilis talaga ng beshy ko pagdating sa mga galaan lalo na paglibre. Hayss...

Kaya wala na akong nagawa kundi sumama na lang. Wala din naman akong gagawin sa bahay kaya umoo na lang din ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status