Share

Nanghihinayang

Nevertheless, umiral pa rin ang pagka professional ko at wala akong ginawa kundi ang mag maang-maangan.

"I think alam mo ang ibig kong sabihin.  Gusto kita, name your price!"  Seryoso siyang sumagot at ni hindi man lang kumurap ang kanyang mga mata.

Ang yabang niya kung makapagsalita.  Akala mo kayang bilhin lahat ng pera.  Not me, ano!  I don't care how much money he has, hindi niya kayang bayaran ang puri at dangal ko.  Tse!

Actually, to be honest--kung maging boyfriend ko sya, who knows… baka then, ibigay ko ang bandera ng Pilipinas sa kanya.  Hahaha! Joke lang.

Sa totoo lang ay hindi ko nakakalimutan ang pangaral ng parents ko na magtapos muna ng pagaaral bago makipag boyfriend.  At--wag ilalaglag ang bandera ng Pilipinas hangat hindi pa kasal.  Amen!

Well, tapos na ako ng pag aaral, at wala pa rin akong boyfriend so, nakataas pa rin ang bandera na Pilipinas at pumapagaypay ng maiigi.  Basically, virgin pa po ako!  Never been kissed, never been touched, and it will remain that way hangat hindi ko nakikilala ang aking firest love.

"So?!  What's you answer?"  Nagulat ako ng marinig ko ang kanyang tanong?

"What do you mean, what's my answer?  Ok ka lang?  It's a given na ang answer ko ay--OVER MY DEAD BODY!--JERK!"  Sabay tapak ko sa paa niya ng takong ng sandals ko bago mabilis akong naglakad papalayo sa kanya.

"OUCH!"  Ang huli kong words na narinig galing sa kanya habang papalayo ako.

Nang sa palagay ko a malayo layo na rin ang nalakad ko, lumingon ako at tiningnan kung nandoon pa rin siya kung saan ko siya iniwan.

"Ay! Diyos ko po!"  Biglang may kamay na humatak sa braso ko at hinila ako papalapit sa kanya.  Then…

Naglanding ako sa dibdib niya at napayakap ng hindi oras.  Wow! Ang tigas hah!-- Nang didid niya, iyon ang ibig kong sabihin.

Matangkad siya, pero hindi masyado ang layo ng height namin.  Isang ulo lang naman… Kaya naman ng itinaas ko ang mukha ko upang tingnan siya na masama, halos magkapalit na ang aming mukha sa lapit.  Dahil nakayuko siya ng konti.

Ilang sandali rin kaming nagkatitigan, ang puso ko ay halos lumundag na sa aking dibid.  Oh' my God!!!  Ang haba... --nang pilk-mata niya.  Dahil sa sobrang lapit naming dalawa, kitang kita ko tagala.

Ang mga labi… Hay! Pwedeng pwede kong lapain sa pula.  Nagli-lipstik kaya siya?  Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko.  Curious na curious talaga ako, hindi ko alam ay nahuhulog na pala ang… PUSO KO!

Bigla na lang akong nagulat ng maitulak niya ako at lumagapak ang pwetan ko sa malamig na aspalto.

Grabe!  Sobra naman siya sa pagkakatulak sa akin, masakit kaya!.  Dahil sa bigla ng pangyayari, napasigaw tuloy ako .

"MY GOD!  SOBRA KA KUNG MAKATULAK, AKALA MO MY KETONG AKO!"  Mangiyak ngiyak ako sa sakit na nararamdaman.  Hindi lamang sa pwetan ko, pati puso at damdamin.

I felt so humilated, hindi ko malaman kung tatayo pa ba ako or mag stay na lang sa kinalalagyan ko?

Nanaig ang pride ko at nagsimula na akong tumayo.  Nang bigla na lang may kamay na lumantad sa harapan ko.  Gentleman din pala!

Tinabig ko ang kamay na inaabot niya at mabilis akong tumayo at pinagpag ang pwetan na naglanding sa maduming aspalto na daan.

"Salamat sa wala!"  Sabay irap ko at tumalikod upang magpatuloy sa paglalakad ng walang lingon-lingon'.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa harapang ng motel.  Hindi ako nagpakundangan at dire-diretso lang na pumasok at hinanap ang room.  Sa awa ng diyos, hindi naman ako nahirapan at nakita ko ito kaagad.  Mabilis ko itong binuksan at pumasok.

Pagkapasok ko, sarado kaagad ng pintuan at isinandal ko ang aking likuran sa nakasaradong pintuan, saka pa lang ako naka hinga ng maluwag.

"Hay!  Diyos ko po! Sumunod kaya siya? " Tanong ko sa sarili dahil wala naman akong kasama at kausap.  Para makasigurado, sumilip ako sa viewing glass upang tingnan.

Bigla akong napaatras ng makita ko na nakatayo siya sa harapan ng pintuan.

"Oh, Shit!"  Lang ang nasabi ko, bako mabilis akong lumayo sa pintuan at umupo sa kama.

Iniisip ko, papaano na lang kung kumatok siya sa pintuan?  Pagbubuksan ko ba?  Kung ano anong katanungan ang tumatakbo sa isipan ko, pero deep inside--gusto kong kumatok siya.

Nang ilang sandali na ang nakaraan at wala pa rin akong narinig na katok, alam ko nang umalis na siya at bumalik sa barko.  Of course, nadismaya ako ng konti.  Pero hindi naman sobra para hindi ako makatulog.  Kaya naman pagkatapos kong maligo, tulog kaagad ako.

===

Umaga na ng magising ako.  Isang malakas na katok ang narinig ko sa pintuan at ng buksan ko ito, si mukha ni Linda ang bumungad.  Bigla niyang itinulak ang pintuan at dire-diretso siya sa loob ng kwarto na may hinahanap. 

"Ano?  Nandito pa ba siya?"  Tanong niya sa akin, pero ng makita niya na ako lang ang nasa loob.  Hindi na nagantay ng sagot sa akin at hinila niya ako papunta ng kama at umupo kami.

"Tell me, ano ang nangyari?  Sabi ng boyfriend ko, kumuha daw ng room si kapitan-sungit at pinabigay sa iyo ang susi.  Pagkatapos ay sinabihan siya na magkunwaring may kukunin sa kabina, at pabayaan kang bumaba mag-isa.  Totoo ba? Ano?!"

Sa sobrang dami ng kanyang sinabi, wala akong maisagot.  Tumango' na lang ako at tumayo upang mag hilamos.

"So!"  Malakas ang boses ni Linda na nagtanong habang nanlalaki at namimilog ang mga mata sa excitement. 

"Wala lang, kung ano ang sinabi sa iyo ng boyfriend mo, iyon ang nangyari.  Except na mag-isa akong natulog.  Ano--satisfied?!"  Sagot ko habang nagsasabon ng aking mukha, kaya hindi ko nakita kung ano ang reaction niya sa sagot ko.

Tumayo si Linda at minadali ako sa paghihilamos. 

"Dali!  Bilisan mo na at nang maauban pa natin ang barko nila bago umalis.  I forgot to tell you na they only stay here 24 hours, tapos umaalis agad sila.  Tara na!  Dali!"

Ni hindi pa ako tapos mag punas ng mukha ng hinaltak na ako ni Linda papalabas ng room bitbit na niya ang bag ko at cellphone.  Ako naman si gaga', sunud-sunuran lang na wala pa sa sarili at kagigising lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status