Share

Love At First Sight

Para kaming hinahabol ni kamatayan habang tumatakbo palabas ng motel.  Halos hindi na ako magakahinga ng kami ay tumigil upang tingnan kung nasa labas pa si Captain Lim. 

"Hah, hah, hah!"  Habol ko sa hininga ko habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko at naninikip.  Putsa! Itong friend kong si Linda, pagdating sa lalake eh, parang mauubusan.

"Shit! Nakaalis na siya!"  Angal ni Linda habang siya rin ay hinahabol ang hininga.

"Ano ba ang binabalak mong gawin at kung makatakbo ka eh, akala mo me sunog.  Kursunada mo ba ang masungit na kapitan na iyon?"  Tanong ko ng pabiro.  Alam ko naman na para sa akin ang ginagawa ni Linda, pero para sa akin--kung hindi uukol--hindi bubukol. 

Tinapik ako ni Linda sa balikat.  "Loka! Wala akong gusto doon ano! Anyway, mukhang nakabalik na siya sa barko nila at alam kong paalis na rin ang mga iyon maya maya lang. Halika nga at gisingin na natin ang mga bruha at ng makauwi na tayo.  Malayo-layo pa naman ang byahe natin."

Bumalik na lang kami sa loob ng motel at inisa isa namin ang mga kwarto ng mga friends namin at kinatok.  

"Hoy!!! Mga malalandi, gumising na kayo at mahaba pa ang byahe natin!" Sigaw ni Linda habang nagaantay kami sa labas ng pintuan.

Siguro sa sobrang lakas ng boses niya, pati ang katabing kwarto ay nagbukas ng pintuan at napagalitan pa tuloy kami dahil malakas daw masyado ang boses namin.  Tse!  Ni  hindi nga ako nagsasalita eh!

Of course, humingi na lang ako ng pasensya, ano pa nga ba ang magagawa ko.  Totoo namang malakas ang boses ni Linda.

Sa awa ng diyos, nagsipagtayuan din ang mga bruha.  Halos mga nakapikit pa ang mga mata ng buksan nila ang mga pintuan ng kanilang kwarto.  Kitang kita na nakipag-dervy sila all night long.  Talagang sinulit nila ang ibinayad sa motel ha!

"Almusal muna tayo sa barko ni kapitang jokla, malayo rin ang biyahe natin.  Isa pa sabi ng boyfriend ko, ipagluluto daw niya tayo ng masarap na almusal."  Aniya ni Aida.  Ang boyfriend niya ay ang cook ng barko, na may pagka cute din naman.  Medyo may edad na nga lang at sa palagay ko eh, may iniwan sa Pilipinas na nagaantay sa kanyang pag-uwi.  In other words--may asawa.

Pumayag naman ang tatlo na doon kami mag almusal sa barko, wala akong nagawa kundi ang sumama.  

Nasa bridge si kapitang jokla at naghahanda na sa kanilang pag alis.  In a couple of hours, maglalayag na sila at busy lahat ng mga crew.  Nang makita kami ni kapitan na paparating, malayo pa ay kumakaway na siya.  

"Good morning mga beauty!  Mabuti naman at hindi pa pala kayo umuwi.  Mabuti iyan at masarap daw ang almusal na niluto ni kusinero!"  Sigaw ni kapitan habang nagmamadaling bumaba galing sa bridge papunta sa mess hall.

Nang makaakyat kami, dinala kami ng messman na boyfriend ni Linda sa officer's mess.  Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng hinanda ni kusinero.  Pakiwari ko ay niluto na yata niyang lahat ng provision nila para sa buong linggo.  Hahaha!  kakaloka!  Ang pagibig nga naman, lahat gagawin mapaligaya lang ang kanyang mahal.  

I just fell bad kasi ang pakiwari ko eh may asawa na si kusinero.  I don't feel it's right na mambabae siya dahil lang malayo sa misis niya.  Dahilan upang hindi ko makuhang gumaan ang loob kay kusinero.  Nagpasalamat lang ako sa pagkain, tapos wala lang.

"Bakit ka nakasimangot diyan?"  Tanong sa akin ni kapitan na nakapansin na hindi maipinta ang mukha ko habang kumakain.

"Ay! Sorry po! Marami lang akong iniisip."  Sagot ko, pero sa isipan ko...  'Tanungin ko kaya si kapitan kung may asawa na itong si kusinero?  Kaya lang baka naman isipin ni kapitan eh' pakialamero ako.  Wag nalang.'

Minabuti ko na lang na kumain at manahimik.  Tutal naman ay hindi ko na uli sila makikita pa, so why bother.  Ang friends ko na lang ang tatanungin ko at kung meron ngang asawa si kusinero, pipilitin ko siyang itigil na ito.  Dahil sa naisip ko, isang ngiti ang lumabas aking labi at naparami ang aking nakain.  Siya namang ikinatuwa ni kusinero at ni kapitan.

Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na kami na aalisa dahil malayo pa ang byahe.  Nagpilit si kapitang jokla na magkwentuhan muna kami habang binibigyan niya kami ng tour sa brigde ng barko.  Hindi naman kami nakatangi' dahil sa ganda ng pakikisama sa amin ng lahat ng crew ng barko kasama na ang kapitan.

So, to make the long story short... Kung hind pa dumating ang piloto ng barko, hindi pa kami bababa.

===

Ilang sandali pa ay lulan na kami ng kotse ko at si Linda ang nag drive pabalik na kami sa Tampa.

Habang nasa daan kami, walang tigil ang mga bungaga ng mga friends ko at tinutukso ako.  Akala nila ay maynangyari sa amin ni Captain Lim at hindi ko lang sinasabi sa kanila.  Wish ko lang!  

Para hind na nila ako tuksuhin, nagtulog-tulugan na lang ako kahit pa kagigisin ko lang.  Habang nakapikit ang mga mata ko, hindi ko maiwasang isipin ang nakaraang gabi.  Naguguluhan ako kung ano talaga ang intensyon niya ng ikuha niya ako ng room sa motel?  

May gusto ba siya sa akin o' talagang nalilibugan lang at gustong mag paraos?  Ay ewan!  Minabuti ko na lang isang tabi ang mga nangyari at kalimutan siya dahil malabo namang magkita pa kami. 

There's no way in hell na sasama pa ako sa mga friends ko kung sakaling yayain nila akong muli.

===

Lumipas ang mga araw, minsan minsan naiisip ko siya at nag wonder ako kung magkikita pa kaming muli.  Ewan ko ba, sa tanang buhay ko noon lang ako nakaramdam ng ganoon.  Iyon bang nagiisip tungkol sa isang lalake, nagmumuni-muni kung naiisip niya rin ba ako?

Anyway, nakalipas ang isang buwan nagulat at medyo nakalimutan ko na siya.  Ibinuhos ko ang sarili ko sa work ko at pagtulong sa business ng parent ko.  One day papaalis ang dad ko upang pumunta sa barko at magpa pirma ng resibo ng bigla na lang siyang atakihin sa puso.

Mabilis akong tumawag ng 911 at nadala naman kaagad ang dad ko sa hospital.  Sa awa ng diyos, naagapan siya at kailangan lang ma confine ng ilang araw.  Laking luwag ng dibdib ko at ng mommy ko ng sinabi iyon ng doctor.  Akala ko talaga ay iiwanan na kami ni daddy.  

Dahil na confine si dad, someone needs to go the ship para magpa-pirma.  Eh' hindi naman pwede ang mom ko dahil kailangan niyang mag stay sa hospital.  So, ang nangyari ako ang nautusan.

Ayaw ko sana at balak na utusan ang isa sa empleyado namin.  Pero ng makita ko ang pangalan ng barko, narealized ko na barko ito ni Captain-sungit Lim.  Eh, di mabilis pa ako sa alas-kwatro na nagpaalam sa parents ko.   Na love at first sight yata ako!  Tse!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status