Share

Oh, My Gulay!

Dahil na confined and dad ko, kailangan kong tulungan si mommy sa business.  Minabuti kong mag request ng dalawang linggo ng bakasyon sa trabaho ko para maibuhos ko ang oras sa business ng parents ko.  I actually feel bad kasi dapat ay ng makatapos ako sa pag aaral, dapat hindi ako nagtatrabaho sa iba at tinulungan ko ang parents ko.  Kaya lang hindi ko type ang business nila.  Kaya ng may mag recruit sa akin bago pa ako nag graduate, tinanggap ko ng walang alinlangan.

Anyway, for the next two weeks naging busy ako.  Ni hindi ako nagkaroon ng panahon na maisip pang muli si kapitan sungit.  Lalo na at nag enjoy ako sa company ni Chief Mate na saksakan ng bait.

Katulad ng ipinangako ko sa kanya, inilabas ko siya at dinala sa Busch Garden at nag enjoy naman kami.  Naging palagay ang loob ko sa kanya at magaan.  Pero hanggang doon lang, walang kislap at parang kapatid lang ang naramdaman ko para sa kanya at for some reason, ganoon din ang pakikitungo niya sa akin.  Walang malisya at tunay kaming naging magkaibigan pagkaraan ng ilang beses namin paglalakwatsa.

"Chief, baka gusto mong sumama mamayang gabi, mag clubbing kami ng mga friends ko at nang makilala mo na rin sila?"  It's Friday at dahil walang mga trabaho ang friends ko, niyaya nila akong mag clubbing.  Naisip ko na bakit hindi, kaya tinawagan ko si Chief Mate to see baka gusto niya ring sumama.

"Tonight?"  Tanong niya habang parang nagaalintana siya.  Narinig ko na parang may kausap siya, bago siya nagsalita muli.

"Okay! Pwede ako, hindi raw lalabas si Chief Eng. so, merong mag stay na office in charge habang wala ako.  Alam mo naman wala pa si kapitan."  Aniya ni Chief sa kabilang linya.

Ang laking tuwa ko ng sinabi niyang makakasama siya. Gusto ko talagang ipinakilala siya sa mga friends ko at baka sakaling isa sa kanila ay magustuhan ni Chief Mate.

"Sige! I will come and pick you up mga 10 p.m.  malapit lang naman ang pupuntahan natin, mga ilang kanto lang galing diyan sa shipyard.  Sige, magkita na lang tayo mamaya.  Tapusin ko muna itong ginagawa ko."  Sabay hang up ko ng telepono.

Pagkatapos kong makipagusap kay Chief, minadali kong tapusin ang mga papeles upang makauwi kaagad ako at makapag paganda.

===

"Cheers!"  Sigaw naming lahat. Bago sabay sabay naming pinagdikit ang aming mga 'shots ng tequila'  

"Bang-bang-bang!" Lahat kami sabay sabay na hinahampas ang lamesa, bago tinunga ang alak.

"Let's party!"  Sigaw ni Linda, bago hinaltak niya si Chief Mate papunta sa gitna ng dancing floor.  Hindi naman ito tumanggi' maya maya lang ay kitang kita kong masayang masay silang yumuyugyug sa musika.  Dahilan upang maingit ako at nakisali na ring rumampa sa gitna ng dance floor.

Ilang oras ang nakaraan, lahat kami ay may tama na.  Isa isang nawala ang mga friends ko at ang natira na lang ay si Linda na kitang kita na may kursunada siya kay Chief Mate.  Nang tingnan ko si Chief Mate, napansin ko na type niya rin si LInda, so minabuti kong bigyan sila ng panahon sa isat-isa. 

Hindi na ako nagpaalam sa kanila para hindi nila ako pigilan.  Mabilis akong lumabas at kumuha ng taxi, iniwan ko na lang ang kotse at hindi ko na kayang mag maneho.  Plus, ayaw ko rin mahuli ng police, mahirap na.

Sa awa ng diyos ay nakarating ako ng maayos sa bahay.  Tulog na ang mom at dad ko, kaya naman dahan dahan ako ng pagpasok at pag akyat sa room ko.  Kahit ang pagbubukas at pag sarado ng pinto, dinahan dahan ko.  Mahirap na baka magising ang parents ko, eh di masesermunan ako dahil umuwi akong lasing.

Nang makapasok na ako sa loob ng room ko, bagsak kaagad ako sa ibabaw ng kama at ilang sandali lang ay tulog...

===

The next weekend, nagyaya ang mga friends ko na pumunta ng Orlando Florida at mag clubbing daw kami sa Pleasure Island, isang lugar na maraming ibat-ibang club.  Hindi naman ako nag atubili at mabilis na pumayag.  Kailangan ko ring namang mag relax sa sobrang stress sa business nila mom and dad.

Naisipan kong imbitahin si Chief Mate, incase na pwede siya.  Pero laking gulat ko ng sabihin niya sa akin na inimbitahan na daw siya ni Linda at sasama siya kasama ang ilang crew ng barko.  Ganoon!  Ang taray din ng friend ko na si Linda, naunahan pa akong mag imbita.

Anyway, it was set.  Minabuti naming mag rent ng minivan na pang sampung katao para isang sasakyan lang ang gamitin.  

Weekend came at eto na nga ready na kaming lahat.  Tatlong crew plus si Chief Mate, lima kaming magkakaibigan, so partner partner sila, habang ako lang ang wala. Bigla ko tuloy naiisip si kapitan sunging Lim.  Paano na alang kaya kung mag krus ang landas namin sa Orlando?  E-di type!

Sa madaling salita, nakarating kami sa Orlando an hour later.  Bandang lunchtime na kaya nagpasya ang lahat na mag lunch muna kami sa isang Filipino restaurant.  'Kamayan'

Pagdating namin sa 'Kamayan' maraming kumakain at me pila para makaupo.  Minabuti na muna naming mag tingin tingin sa malapit na gift shops.  Nag volunteer so Linda at Chief Mate na pipila at tatawagan na lang kami kapag ready na ang lamesa.  Natuwa naman kaming lahat at iniwan namin ang dalawa ng walang lingon lingon.

Nahiwa-hiwalay kami pagdating sa loob ng gift shop.  Dahil nga partner partner sila, ako lang ang nag iisa at walang kasama.  Tingin tingin ako, pero wala akong nakursunadahan.  So, I decided na lang na bumalik sa restaurant at ako na lang ang pipila.

Dahan dahan akong naglakad pabalik sa restaurant na malayo ang iniisip.  Nagulat na lang akong bigla ng bumundol ako sa isang tao.

"Ay!  Pasensya na po!"  Aniya ko habang umaatras ako.

"It's okay!"  Aniya ng taong nakabanga ko, bago naramdaman ko na hinawakan niya ang braso ko para pigilan akong mabanga ang tao sa likuran ko.

"Carefull!"  Aniya habang hawak pa rin niya ang isang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya.

Magpapasalamat sana akong muli, pero natameme ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko...  Si kapitan-sungit Lim!  'Oh my gulay!' sa isipan ko...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status