Share

Ma at Pa! [Malay Ko!, Paki Ko!]

Nanlaki at namilog ang aking mga mata habang nakatitig ako sa gwapo niyang mukha.  Ang puso ko sobra ang lakas ng kabog, parang gustong lumabas sa dibdib ko.

*Thud-thud-thud-thud!!!!*

Ilang sandali rin na nagtitigan lang kami at walang sinabi sa isat-isa.  I'm not sure kung na shocked din siya at nakita niya ako, dahil hindi rin siya kumikilos.  Para kaming mga tuod na nakatayo lang habang nakahawak pa rin siya sa mga braso ko at sobra ang lapit namin sa isat-isa...

Dahilan upang mapagmasdan ko kung gaano kahaba ang kanyang pilik mata, ang pula ng kanyang kissable lips, at... Oh my god! ang bango' ng kanyang hininga. Amoy na amoy ko sa sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Captain Lim!  Hahaha!"  Bigla kong narinig sa likuran ko. Si Chief Mate ang nagsalita, ewan ko kung saan siya nanggaling?  

Dahilan upang matauhan ako at mabilis na tinangal ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko, sabay atras papalayo.  "I'm sorry! It was rude of me to stare at you like that!"  Aniya ko sabay alis ng walang lingon' lingon.  Dire-diretso akong pumunta kung nasaas si Linda.

Tamang tama na dumating ako, nakita kong kausap ni Linda ang isang empleyado ng restaurant. Mabilis akong lumapit upang alamin kung ready na ba ang lamesa para matawagan ko na ang iba ko pang friends at ang mga kasama nila.

"Oh, mabuti naman at dumating ka na!"  Aniya ni Linda habang papalapit ako.

"Bakit namumula ang mukha mo at hapong' hapo ka?"  Nagtatakang tanong niya habang nakatingin siya sa likuran ko na parang may hinahanap.

"Nasaan sila?  Bakit ikaw lang?  Hindi mo ba nakasalubon si Chief Mate?"  Sunod-sunod ang kanyang pagtatanong, ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataong sagutin kahit isa man lang.

Sasagot na sana ako, nang "Linda--ready na ba ang table?"  Si, Chief Mate, dumating na pala at kasama si Captain Lim na blanko lang ang emosyon sa mukha.  Hindi siya galit, pero hindi rin siya ngumingiti.  Dedma lang ba...

Nagulat si Linda ng mamataan niya kung sino ang katabi ni Chief Mate, pero hindi siya nagpahalat.  Ngumiti lang siya ng pagkaganda-ganda, bago... "Captain Lim! Kumusta na?  Hahaha! What a small world, diba?"

Si Captain Lim ay tumango' lang bilang pagsagot sa mga katanungan ni Linda, ni hindi man lang siya bumati ng hello pabalik.  'Ano ba ang taong ito, bato?' Sa isipan ko habang tahimik lang ako sa isang tabi.

Mabuti na lang at bumalik na ang iba pa naming kasama at pwede na kaming umupo.  Nauna na ako para makalayo ako kaagad sa masusuring mata ni Captain sungit. Napansin ko na nakatingin siya ng pasikreto sa akin, hindi lang siya nagpapahala.

Nang makaupo na kaming lahat, saka pa lang ako ng survey ng sorrounding.  Busy at maraming tao, nakita ko sa karatig na lamesa na mukhang masarap ang pagkain.  Hindi sa may kalayuan, namataan ko si Captain Lim at may kasama siyang isang babae na mga kasing edad ko, at isang may kaidarang lalake at babae.  Ewan ko ba kung bakit biglang kumirot ang puso ko habang nakatitig ako sa kanila ng babae na ang ganda ng kwentuhan.

Maya maya lang ay tumayo si Chief Mate, "Guys! Excuse me lang muna, i'll be right back." Sinundan ko ng tingin kung saan papunta si Chief, at tama nga ang hinala ko--sa lamesa nila Captain Lim.

Nakita kong tumayo ang lahat except kay Captain Lim.  Isa isa itong niyakap ni Chief Mate.  They said a few words with each other, tapos bumalik kaagad sa lamesa namin si Chief Mate after saying something to Captain Lim.

Nakita kong tumingin si Captain Lim sa akin, mabilis akong yumuko at kunwari ay binabasa ang menu.  Nang tumingin ako muli, busy na uli siya sa pagkain habang nakikipagusap sa mga kasama niya.

===

Habang nagaantay kami sa mga pagkaing inorder naming lahat, hindi ko maiwasan ang hindi sumimple ng tingin sa direksyon ni Captain Lim.  Dahil ang upuan niya ay nakaharap sa direksyon ko, ilang beses ko siyang nahuli na sumusulyap paminsan minsan.  Nailang tuloy ako at nag decide na makipagpalit ng upuan upang nakatalikod ako sa kanya.

"Chief Mate, pwede ba tayong magpalit ng upuan?  Gusto ko kasing nakikita ang labas.  Pwede?" Nakalabas lahat ng puti kong ngipin ng ako at magtanong.  Sabay tumingin ako sa direksyon ng lamesa ni Captain Lim at nakita kong biglang kumunot ang kanyang nuo at halos magpangabot ang dalawa niyang kilay.

'Ano kaya ang problema ng taong iyon? Kani-kanina lang eh, ang ganda ng ngiti habang nagkekwentuhan sila, tapos ngayon at isangbakul ang mukha.  Ay, ewan! Sala sa lamig, sala sa init.' Sa isipan ko habang inaantay ko ang sagot ni Chief Mate.

"Sure!" Sabay tayo ni Chief Mate upang lumipat.  Tumayo na rin ako at mabilis akong umupo sa dating inuupusan ni Chief Mate, upang hindi ko na mapagmasdan ang kanyang mukha ni Captain sungit.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng dumating ang aming pagkain at masaya kaming nagsalo-salo.  Enjoy na enjoy ang lahat ng kasama ko, habang busy silang nagkekwentuhan ng mga kapartner nila.  Paminsan minsan, naalala nila na nadoon din ako at binibigyan ng pansin.  Pero, mostly I just silently ate and listen to their conversations.

Nang matapos na akong kumain, humingi ako ng pasintabi at pumunta sa banyo. Sumama naman sa akin si Linda at Aida para lang mag tsismis.

"Friend, sa palagay mo kaya ay girlfriend ni Captain Lim iyong babae?" Si Linda ang unang bumulong sa akin habang naglalakad kami after niyang sumulyap sa direkson ng lamesa nila Captain Lim.

"Friend, ma at pa! okay!" Sabay binilisan ko ang lakad at nang makalayo ako agad.  Alam ko hindi ako titigilan ni Linda hanggat hindi ako ang explain.

"Sophia! Sophia! Wait a minute!  Anong ibig mong sabihin na ma at pa?  Elaborate nga ng konti?" Pasigaw na tanong ni Linda habang halos tumakbo na upang maabutan ako.

Tamang nakarating na kami sa banyo at nakapasok.  Dumiretso ako sa isang bakanten stool at ni lock ang pinto.  Habang gumagamit ako ng banyo, sinagot ko ang katanungan niya.

"Okay! Mag elaborate ako sa iyo kung ano ang ibig sabihin. You should know it, ma at pa... Ang ibig kung sabihin ay malay ko at paki ko!  Get mo?!"  Sabay flush ko ng toilet, so hindi narinig kung ano ang sagot niya...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meowchii Magno
masyado mahal..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status