Share

No Answer!

Bandang alas onse na nang gabi ng matapos ang contract signing namin at finally, nakauwi din ako.

Imbes na umuwi ako sa bahay at magbihis muna ng damit, dumiretso na lang ako sa pantalan kung saan nakatali ang barko nila Captain Lim.

Tamang tama na naiparada ko ang kotse, nakita ko na itinataas na ang gangway nila at mukhang maglalayag na sila. Bigla akong nalungkot at hindi ko malaman kung tutuloy pa ba ako or hindi na?

Nanaig ang pagka missed ko sa kanya, at nagpasya akong lapitan ang barko kahit na hindi ako makaakyat. Nang malapit na ako sa barko, nakita ko ang mga friends ko na nasa ibaba at mga nakasambakol ang mukha dahil ayaw silang paakyatin ni Captain Lim.

Nakita ako ni Linda at mabilis itong tumayo at sinalubong ako na nagrereklamo. "Friend, tawagan mo naman si Captain sungit at sabihin mo na paakyatin kami. Mag testing daw ang barko sa anchorage, gusto naming sumama dahil baka bukas na bukas din ay aalis na sila.  Sige na naman friend!!!"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status