Share

Game of Love
Game of Love
Author: Dhine

Kabanata 1

Prologue

Kapag past na ba hindi na pwedeng balikan? Kapag past na ba dapat nang kalimutan? Kapag past na ba bawal nang lingunin kasi nga nakaraan na? Kapag past na ba kailangan mo nang itapon o sunugin ang mga bagay na nagpapaalala sa nakaraan? Ang nakaraan ay parang problemang pilit nating tinatakbuhan at kinakalimutan. Pero hindi ba natin naisip na kapag tinakbuhan natin ito, lahat ba ay matatapos? Hindi na ba tayo babalikan ng mga bangungot na pilit nating kinakalimutan? Sakit, sugat, kirot at pagsisisi ng nakaraan na gusto mo mang balikan hindi na maaari, na kung sana lumaban ka at hindi ka sumuko ano kayang kinahantungan nito? Face your fear ika nga, 'yan ang paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo pero hindi mo magawa. Wala kang lakas ng loob at ayaw mo nang lingunin pa ang nakaraan.

"Tay parang awa mo na po patawarin mo na ako..."

"Patawarin! Lahat ginawa namin para sa 'yo ng Nanay mo tapos ito lang ang isusukli mo sa lahat ng pagsasakrispisyo namin!" emosyonal na sigaw ng Tatay niya habang sinusuntok nito ang pader  na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping plywood.

"Tay hindi ko po sinasadya..."

"Hindi sinasadya? Hindi mo sinasadya na magpabuntis sa kung sinong dimuhong lalaki lang!"

"Tay please..."

"Lumayas ka!"

"P-pero Tay---"

"Lumayas ka at huwag ka nang babalik pa!"

Wala namang nagawa ang babae kung hindi sundin ang sinabi ng Tatay niya. Tumayo ito at nagpunas ng luha, pinilit palakasin ang loob, nagbuntonghininga nang malalim sabay tumingin ulit sa Tatay niya.

"Tay mahal na mahal ko po kayo ni Nanay. Sana po sa pagbalik ko napatawad niyo na po ako."

Pagkatapos sabihin 'to ay pikit mata siyang umalis sa bahay nila, at muli siyang nagbuntonghininga at ipinangako sa sarili na gagawin n'ya ang lahat para mapatawad siya ng kanyang Nanay at Tatay.

**************************************

Kabanata 1

Yumi's POV

Sunod-sunod ang pagbuntonghininga ko habang nakatitig sa kisame at muli ilang beses pa akong naghithit-buga ng hangin, binangungot na naman kasi ako. Ewan ko ba kung bakit ayaw akong tantanan ng multo ng nakaraan, pinipilit ko namang iwaksi ito sa isipan ko pero nabibigo lang ako. Sinusunod ko naman ang bilin ng doctor at hindi naman ako pumapalya sa pag-inom ng gamot pero wala pa din nangyayari, naisip ko tuloy sa tuwing nagpapa-counseling ako na tuluyan lang akong gagaling sa depression na pinagdaraanan ko kung babalikan ko lamang 'yong pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko o babalikan 'yong mga taong naging parte ng nakaraan ko.

Sa nakalipas na pitong taon ay nagpapalipat-lipat kami ng tirahan dahil sa aking trabaho. Wala kaming permanenteng tirahan at ngayon nga ay nasa Thailand kami para sa isang photoshoot sa men's magazine. Pagkatapos nito hindi ko na alam kung saang lupalop na naman kami ng mundo makakarating, depende kung saang lugar makakakuha ng kontrata ang manager kong si Kevin.

"Mamamee..." tinig ng isang maliit na boses. Nakita ko ang isang batang babae na papalapit sa 'kin. Siya si Naya ang Baby Bunny ko, sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nakapasok na pala siya sa kwarto.

"You're dreaming badly again Mamamee?" dugtong pa ni Naya. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.

"Otey ta na ba Mamamee? Lagi ka na lang nananaginip ng matama." Napangiti ako bigla dahil sa itsura ni Naya naka-pout kasi siya at tila ba siya ang namomroblema sa bangungot ko idagdag pa ang pananalita niya na bulol-bulol.

"What's wrong Mommy? Nanaginip ka na naman ba ng masama?" Napatingin kaming dalawa ni Naya sa isa pang maliit na boses galing sa pinto ng kwarto papasok na siya sa loob. Siya naman si Junior ang Baby Bear ko. Siya at si Naya ay kambal nauna lang ng 3 minutes si Junior sa kanya 7 years old sila pareho.

"Okay lang ako Baby Bear, wag ka na masyadong mag-alala."

"I told you naman kasi Mommy hindi ba inumin mo ang gamot mo before you sleep. Nagkakaganito ka lang naman kapag nakakalimutan mong uminom ng gamot."

"Opo Tatay hindi ko na po kakalimutan uminom ng gamot." Minsan talaga hindi ko alam kung bata ba ang kausap ko, masyado kasing mature ang pag-iisip ni Junior kaysa kay Naya.

Si Junior at Naya ay fraternal twins.  Magkaiba talaga sila pati ng ugali. Si Junior ay tisoy ang sabi ni Nanay nakuha n'ya ang kulay ko maputi at makinis ang balat pero ang ugali n'ya ayaw ko mang aminin pero sa tingin ko minana n'ya sa Daddy n'ya may pagkaseryoso sa buhay at mature kung mag-isip at dahil nang ipinanganak ko si Junior ay balbon nakahiligan na namin siyang tawagin na Baby Bear hanggang ngayong sa kasalukuyan.

Samantalang si Naya naman ay cheerful girl, makulit, madaldal at masayahin,  morena naman ang kulay ng balat n'ya and again nakuha naman n'ya ang kulay na moreno sa Daddy n'ya idagdag pa ang dalawang lubog na dimples sa pisngi. Bukod dito bulol si Naya hirap siyang magbanggit ng mga salita pero may mga tumatama naman kahit paano nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong bata pa ako bulol din ako at may dalawang malaking ngipin sa unahan at dahil dito binigyan siya ng nickname ng Lola niya na Baby Bunny. Ang sabi naman ng doctor tutuwid pa daw ang pananalita ni Naya at naniniwala naman ako dahil pinagdaanan ko rin ito.

"Anak halina kayo sa ibaba nakahain na ang almusal." Muli akong napatingin sa pinto ng kwarto at nakita ko si Nanay Celine.

"Kamusta? binangungot ka na naman ba?" tanong ni Nanay sa akin. Lahat na lang sila ito ang tinatanong lalo lang tuloy akong naii-stress.

"Okay ka na ba anak? Nanaginip ka na naman ba ng masama?"

"Okay lang ako Nay, siguro stress lang po sa trabaho, magdamag kasi ang photoshoot kagabi."

"Wag mong masyadong pagurin ang sarili mo anak, tao ka hindi ka robot. Saka please wag ka nang masyadong mag-isip lalo na ang Tatay mo. Matagal ka na niyang napatawad, kung nasaan man siya ngayon masaya na siya para sa 'yo, lalo na't nagkaroon siya ng kambal na mga apo na napakagwapo at napakaganda."

"Sinusubukan ko naman po Nay na wag nang isipin ang nakaraan."

"Ang palagi mong iisipin ay mga anak mo, sila ang gawin mong lakas."

" Opo Nay, sila naman palagi ang nasa isip ko kung bakit ako lumalaban at kung bakit ko nakakayanan ang lahat ng 'to, at siyempre kasama kayo do'n. Ikaw, si Naya, Junior, Kevin at Mario,  kayo ang dahilan kung bakit ako nagiging malakas."

"Yumi anak, pakakatandaang mong maigi na nandito lang kaming pamilya mo hindi ka namin iiwan."

"Salamat po Nay."

"Hi Mother Earth pwede ko bang putulin muna ang pagdadramahan ninyong mag-ina? Hihiramin ko muna si Yumi kailangan na kasi naming gumora para sa photoshoot" Pareho kaming napatingin ni Nanay Celine sa nagsalita, si Kevin pala pumipipilantik pa ang mga daliri n'ya at kumekembot ang baywang papunta sa 'min ni Nanay.

"Oh siya sige, aasikasuhin ko na din muna 'yong kambal," sabi ni Nanay Celine. Napatingin naman kami sa kambal at tulad ng dati nagtatalo na naman sila parang mga aso't pusa palagi pero hindi naman maikakaila na love na love ni Junior si Naya kahit pa na palagi niyang inaasar.

"I'm hungly na Tuya," sabi ni Naya.

"Naya hungry hindi hungly bulol mo talaga!" pang-aasar ni Junior.

"Hindi to taya eh basta hungly na ato," naka-pout na sagot ni Naya. Naiiling na lang kami. Lumapit si Nanay at sumenyas na lang sa amin ni Kevin, pagkatapos inakay niya na ang kambal pababa para pakainin ng almusal.

"At ikaw naman babaita, tumayo ka na d'yan, maligo ka na at late na tayo dali!" baling na sambit ni Kevin sa 'kin.

"Antok pa ako," bagot na kinuha ko ang kumot humiga at nagtalukbong. Totoo naman eh sobrang pagod na ang katawang lupa ko. Kulang na kulang pa ako sa tulog parang gusto ko na lang matulog nang matulog nang matulog.

"Yumi naman, araw-araw na lang ba tayong ganito!" sigaw ni Kevin na nagpapadyak pa ng paa sa sahig.

Si Kevin ang long-time manager ko palagi na lang sumasakit ang ulo niya ng dahil sa akin pero kahit ganoon pa man love na love ako niyan. Si Kevin ay gwapo at matipuno, sa totoo lang maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya kaya lang lalaki rin kasi ang bet niya. Ito rin ang isa sa malaking sikreto ng buhay niya. Isa siyang becky, becks,  gay, bayot, berde ang dugo o sa madaling salita bakla. Oo, bakla si Kevin at kung ikukumpara nga eh mas malandi pa siya kaysa sa 'kin. Kami lang ng pamilya ko ang nakakaalam ng totoong pagkatao niya. Ang alam ko lang hindi siya tanggap ng mga magulang niya kung ano talaga siya, nag-iisang anak kasi siya at hanggang sa mawala ang mga magulang niya hindi na sila nagkita pang muli.

"Yumi ngayon ang last day shooting ng men's magazine kaya naman tumayo ka na d'yan, hindi tayo pwedeng ma-late."  Sa sinabi ni Kevin bigla akong napaisip. Oo nga pala ngayon ang last day contract ko sa men's magazine,  pagkatapos nito saang lupalop na naman kaya kami ng mundo mapapadpad? Sa buong pitong taon na nagdaan kung saan-saang lugar kami napapadpad, tuwing matatapos ang kontrata kukuha na naman si Kevin ng panibago at do'n naman kami magpupunta at magpapatuloy ng buhay pati tuloy pag-aaral ng kambal palaging nauudlot at hindi namin alam kung saan ba sila makakapag-aral ng maayos at tuloy-tuloy.

"Becks pwede bang i-cancel mo muna ang photoshoot? Antok pa talaga ako promise," pakiusap ko kay Kevin. Ewan ko ba wala talaga ako sa mood gusto ko na lang matulog.

"Gag* ka ba? Cancel ko yang mukha mo,  gusto mo bang mademanda tayo?"

"Gag* ka rin hayaan mo silang magdemanda," pang-aasar ko pa lalo kay Kevin ang sarap sarap kasi niyang asarin.

"Gaga ka! Alam mo bang naubos na ang pera ko sa katatapal sa mga chismosang reporter at paparazzi na nakabantay sa 'yo bente kwatro oras! At ano na naman ba itong bagong issue may nakakita daw sa 'yo na pumasok sa isang motel kasama 'yong sikat na basketball player! Ipaliwanag mo nga!"

"Pero becks naayos mo naman na 'yong issue di ba?"

"Naayos ko naman kaya lang---" Hindi na niya natapos ang sasabihn niya dahil inunahan ko na siya sa pagsasalita.

" 'Yon naman pala eh naayos mo na tapos ang dami dami mo pang sinasabi d'yan," pagkasabi ko nito ay nagtalukbong ako ulit at nahiga sa kama.

"Yumiiiii!" tili ni Kevin na umalingawngaw sa bawat sulok ng kwarto, ang sakit sa tenga tsk! Umayos ako ng upo at seryosong tumingin kay Kevin.

"Hey beks, ano ba sa tingin mo ginagawa ng babae at lalaki kapag nagpupunta sa motel?"

"Ano pa ba? edi nagchuchukchakan!" Biglang nanlaki ang mga mata ni Kevin saka niya lang na-realize ang pang-iinis ko lalo sa kanya kaya lalo lang siyang napikon at tumili.

"Put* ka talaga Yumi!"

"Ahahaha," malakas kong tawa na parang nabubuang. Kahit paano nawawala stress ko sa pang-iinis ko kay Kevin.

"Taenamo naman Yumi eh!"

"Ahahahhahaha."

Lumapit si Kevin sa 'kin at hinila ang kumot.

"Tumayo ka na d'yan, kakalbuhin kita!"

"Ayaw..."

"Tayo na!" Muling hinila ni Kevin ang kumot na nakabalot sa 'kin kaya naman na-out of balance ako at nahulog sa sahig.

"Wahhhh, aray naman!"

"Ayaw mo pa kasing tumayo, gusto pa nasasaktan eh!" Masakit ang puwet ko dahil sa pagkakabagsak sa sahig kaya naman gumapang ako papunta ng banyo, as in yung literal na gapang pang-horror scene, sadako lang ang peg idagdag pang nakatakip ang mahabang buhok sa mukha ko.

"Hay naku Yumi, kung alam lang nila na kung anong kinaganda mo ganun ka din kabalahura at abnormal." Narinig ko pang bulong ni Kevin na kamot ulo, umiiling sabay buntonghininga nang malalim.

**************************************

Comments (1)
goodnovel comment avatar
JD Vlog
umapisa pa lang maganda na ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status