Share

Kabanata 2

Game of Love

"Just a few seconds more and this photoshoot will end," inis na bulong ko at muling tumingin sa camera. Nakahiga ako sa kama at nakasabog ang kinulot na buhok sa puting bedsheet. I wear nothing except for a pair of red lacey lingerie. Sa totoo lang hindi ko mapigilan ang hindi mailang kahit pa na may pitong taon ko na itong ginagawa. Naiilang kasi akong  pinagtitinginan ng mga tao. Idagdag pa sa inis ko ay ang photographer na wagas kung makatitig sa 'kin plus badtrip pa ako dahil pinilit ni Kevin na mag-photoshoot pa rin kahit na ayoko. Sumenyas ang photographer na mag-break muna kaya naman lumapit si Kevin sa 'kin at ibinalot ang katawan ko.

"Saang planeta ba nila nakuha 'yang photographer? Nakakairita eh," tanong ko kay Kevin.

"Sssshhhh, ano ba? Wag ka ngang maingay baka may makarinig sa 'yo." Tinakpan ni Kevin ang bibig ko dahil medyo napalakas ang boses ko.

"Engot neto nasa Thailand tayo, kaya kahit lakasan ko pa boses ko hindi nila tayo maiiintindihan," sabi ko kay Kevin.

"Tsk! maski na, bakit ba? Ano bang problema mo do'n sa tao?  "

"Mukha kasing manyak eh, pakiramdam ko ginagahasa na niya ako sa isip niya."

"Hayaan mo lang siyang maglaway, hanggang tingin lang naman 'yan "

Bumalik ang isang staff at sinabihan kami na mag-ready na for the next shoot kaya naman muli kong chineck ang suot ko. Naiilang talaga ako kapag nakikita ko ang sarili ko nang ganito, ngunit ano nga ba ang magagawa ko? Hindi ako pwedeng magreklamo dahil sa estado ng trabaho na pinasok ko.

"Please bent your back a little Yumi!" sigaw ng photographer na sinunod ko naman kahit naiiinis ako sa kanya.

"That's good! Now look here, I want a seductive look! Yes, that's great!" At paulit-ulit na nag-flash ang camera.

Sumasakit na ang balat ko dahil sa init ng ilaw na nakatuon sa 'kin pero gaya ng sinabi ko kanina hindi ako pwedeng magreklamo. Pinilit ko na lang sundin ang lahat ng sinasabi ng photographer. Ang tanging nasa isip ko lang ay sana matapos na ang photoshoot katulad ng mga nagdaang photoshoot sa nakalipas na mga taon. The lacey lingerie I'm wearing is very daring different from my personal taste but that's what my image need to portray so I had no right to complain besides I've been doing this for 7 years. Inabot na kami ng hatinggabi kaka-photoshoot. Ang dami ding change outfit na nangyari kaya naman sobrang pagod na ako at sa wakas natapos din.

My name is Mayumi Sperbund or mas kilala bilang Yumi. "Sex Goddess of modeling world," yan ang title na ibinigay nila simula nang pasukin ko ang modeling. Sa totoo lang hilig ko talaga ang pagkanta at gumawa ng mga liriko nito, gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag nagtitipa ng gitara at nakakagawa ng kanta kaya lang hindi ko na napagtuunan ng pansin nang magsimula na ako sa pagmomodelo.

Modeling world considered me as the "Sex Goddess", kinaiinggitan ng mga kababaihan at pantasya ng mga kalalakihan. Top 1 din ako sa survey na gustong maging asawa o pakasalan ng mga mayayaman at makapangyarihang tao sa mundo pero para sa 'kin isang malaking kalokohan 'yon masyadong nagulo ang buhay ko nang dahil dito. Hindi lang 'yon ang dami ko rin natatanggap na death treat dahil sa mga asawa ng mga negosyante na kung ano-ano ang binibintang sa 'kin at hindi na 'yon nakakatuwa. Kung alam lang ng mga naiinggit sa 'kin kung gaano kahirap na maging si Yumi at ang tunay na pinagdaraanan ko iidolohin pa kaya nila ako?

My sexy billboards we're all over the country, puro mukha ko din ang makikita sa commercial adds sa TV, calendar girl din ako ng isang international liquor brand even FHM magazine hailed me as a top sexiest woman in the world entitled "FACE OF THE YEAR" and hold that title for five consecutive years. Kung papakinggan napakaganda at nakakaakit ngunit para sa 'kin ako pa din 'yong simpleng babae na ang tanging pangarap lang ay mabigyan ng magandang buhay ang aking pamilya.

*****************

"Napakagaling mo talaga Yumi, Bravo!Bravo!" palakpak ni Kevin nang makapasok na kami sa dressing room.

"I know beks, para saan pa ang title kong Sex Goddess of modeling world kung hindi ako magaling?" pagtataray ko sa kanya with matching irap pa na alam ko namang hindi uubra sa kanya.

"Minsan may pagkamahangin ka din eh nuh, pasalamat ka mahal kita. "

"And I love you too haha."

"Baliw ka talaga." Walang pag-aalinlangan na naghubad ako sa harapan ni Kevin para magpalit ng damit, naka-bra at panty lang ako kaya naman napatulala siya.

"Hey beks! I know, I'm not your type." Alam ko naman na hindi ako type ni Kevin naiinggit siya sa katawan ko kaya nga lalo ko pa siyang iniingit.

"Gaga kadiri nuh, hindi kita type, ang type ko ay 'yang katawan mo. Kailan ko kaya ma-aachive ang ganyang sexy body?"

"Tsk! Wag ka nang mangarap kahit sa panaginip hindi mo ma-aachive 'to." sabay bato kay Kevin ng pinaghubaran kong dress.

"Ouch huh! Salamat, sinira mo ang pangarap ko," sabi ni Kevin sabay irap pa sa 'kin. Lumapit siya at iniharap ako sa salamin.

"Ano naman ibig sabihin nito?" tanong ko. Nagtataka kasi ako sa ginawa niya.

"Gusto ko kasing makita mo ang sarili mo sa salamin."

"Nakita ko na, sobrang ganda ko hehe," sabi ko pero binatukan  niya lang ako nang mahina.

"Aray naman!"

"Ikaw kasi eh napakapilosopo mo!"

"Eh ano ba kasing pinaglalaban mo?"

"I want you to look yourself in the mirror and tell me what you see."

Sa sinabi niya saglit na nagseryoso ako at nag-isip bago ulit nagsalita.

"The woman in the reflection look so liberated, para bang professional sa paglalaro ng apoy."

"That exactly what I mean, you look so liberated, yan ang tingin sa 'yo ng mga taong hindi alam ang tunay na pagkatao mo. You're a bitch mapaglaro kung sino- sino ang ka-date, kung ano-anong issues ang ibinabato sa 'yo para lang hilahin ka pababa. Sa lahat ng 'to gusto ko lang sabihin sa 'yo na wag kang susuko,  hindi kita iiwan, hindi ka namin iiwan."

"Thank you Kevin."

"Kung meron mang nakakaalam ng tunay na Mayumi Sperbund, kami lang

'yon. Kami ng pamilya mo."

"Sige nga, sino ba ang totoong ako?"

"Yumi is kind, soft and cheerful, may pagka-isip bata nga lang, abnormal din kung minsan, siraulo at baliw,   mongoloid ano pa nga ba ang kulang? "

"Hahaha g*go ka talaga becks, pero ito seryoso thank you for everything. Dahil sa 'yo nakabangon ulit ako, naging malakas para kalimutan ang nakaraan. Ikaw ang dahilan kung nasaan ako ngayon at dahil sa 'yo nadugtungan ang buhay ni Nanay."

"That's enough, bakit ba ang drama natin? Hindi pa naman ako mamamatay huh."

"Ano ka ba becks, malay mo bukas mamatay ka na at least may tribute message na ako sa 'yo hahaha."

"Tarantada ka talaga Yumi ahahaha."

"Pero ako din gusto kong magpasalamat sa 'yo Yumi. Tinupad mo kasi ang pangarap ko na magkaroon ng model na magiging superstar saka salamat kasi hindi ka nagbago ikaw pa rin ung Yumi na nakilala ko seven years ago."

"Pwede bang tigilan na natin 'tong kadramahan? Ang baduy talaga promise."

"Oo nga eh pansin mo din pala baka magka-iyakan pa tayo rito haha. Oh siya maiwan muna kita, gusto nga pala akong makausap ng Creative Director."

"Oo lumayas ka na at nang makapagbihis na din ako, kanina pa naka-expose 'tong sexy body ko." Mabilis na lumabas si Kevin nag-flying kiss pa siya bago tuluyang umalis.

Pagka-alis ni Kevin nagpatuloy na ako sa pagbibihis nagsuot lang ako ng sneakers, pants at white T-shirt. Sinuot ko rin ang salamin ko at hinayaang nakalugay ang aking mahabang buhok, muli akong napatingin  sa salamin.

"Kahit na sexy image na ang kadikit ng pangalan ko kahit papaano ay conservative naman ako," bigla kong naibulong sa sarili ko. Back in college, someone even teased me that I'm miss goody two shoes and an ultimate nerdy girl however I don't care para kasi sa 'kin ito ang alaala ng magandang katauhan ko.

"Until he came into your life and treat you like a rag," anang ng isang boses sa isip ko bigla tuloy nawala ang ngiti ko. Umiling-iling ako para mawaksi ito sa isip ko at tumingin ulit sa salamin.

"Wake up Yumi! Hindi na ikaw 'yong kawawa, 'yong nerd at pinagtatawanan nila dati! You're a strong woman now," sabi ko sa sarili ko habang sinasampal ko ang magkabilang pisngi nang mahina nagbabakasakaling bumalik ako sa katinuan.

"Yumi darling, aren't you done yet?" boses ni Kevin ang nagpagising sa 'kin nakabalik na pala siya.

"Yes, I'm done."

Pagpasok ni Kevin nagtataka ako sa kanya natulala kasi ito habang nakatitig sa 'kin mula ulo hangang paa.

"What?"

"Wala naman, diyan sa suot mo kasi bigla kong naalala ang old Yumi seven years ago, 'yong una kitang na-meet."

"Tinanggal ko na kasi ang contact lense ko, masakit na mata ko kung hindi naman ako magsasalamin wala na akong makikita."

"Kahit ano namang suotin mo maganda ka pa din. By the way, nakausap ko 'yong mga staffs at Creative Director they're all asking kung gusto mo sa kanila sumabay kumain and if you want to hang out with them tonight?"

"Can you just tell them I can't, pagod na kasi ako isa pa miss ko na 'yong twins."

"Okay sige ako nang bahala."

"Pero if you want becks, ikaw na lang ang sumama."

"Is it okay with you? Gusto ko nga sana eh marami kasing gwapo do'n."

"Oo naman."

"Eh paano ka?"

"Hindi naman ako baldado saka marunong ako umuwi, sige na bye."

Tumakbo na ako palabas baka kasi magbago pa ang isip ni Kevin saka isa pa hindi pa naman talaga ako uuwi, may usapan kasi kami ni Carlo na magkikita sa Tent Vendor. Si Carlo ang basketball player na na-issue na kasama ko sa motel may pag-uusapan kasi kaming importante kaya naman nagmamadali na akong nagpunta sa parking at sumakay sa kotse pinaharurut ko ito paalis.

Ilang sandali pa nakarating na ako sa Tent Vendor.

"Manang isang beer pa nga!" sigaw na order ko dun sa Manang kaya lang bigla akong napakamot sa ulo nang mapagtanto ang sinabi ko." Bakit nga pala ako nagta-Tagalog? Hindi nga pala niya ako naiintindihan," bulong ko sa sarili. Hindi rin naman ako marunong mag-Thai pumunta lang kami dito sa Thailand at nag-stay dahil sa contract at ngayong tapos na nga ito hindi ko na alam kung saan na naman kaming lupalop ng mundo mapapadpad.

"I mean, can I order one more beer?"

"Yes Mam."

Dito namin naisipan na magkita ni Carlo dahil hindi masyadong matao at tago itong lugar. Isa pa gabi na rin naman kaya wala talagang makakakita na mga reporters na trip na trip i-feature ang buhay ko sa mga balita at kung saan-saan pa. Masarap dito ang chicken at beer kaya ito muna ang nilalantakan ko habang hinihintay ko si Carlo. Bukod sa masarap kumain at mag-inom dito, feel at home kasi kahit kumain ka nang nakakamay o kahit pa nakataas ang paa ay okay lang.

"Yumi sorry, I'm late" sabi ni Carlo kasabay ng pagkagat ko sa chicken  nagmamadali ito at humihingal pa. Naupo siya sa kaharap na upuan.

"Why are you so late? I've been here for a while saka bakit ka hingal na hingal? Lumaban ka ba sa marathon?" sabi ko kay Carlo pero nginitian niya lang ako.

"Sorry," sabi ni Carlo sa pagitan nang paghingal dahil pinapakalma pa niya ang sarili niya.

"I want to apologize for what happen because of me ---"

"Hey!" awat ko kay Carlo kasi malamang sa alamang magdadrama na naman 'to.

"Like what I've said to you before let's forget about that besides Kevin fix the issue already. Ang mahalaga naman ikaw at si Elise ay ayos na." May dugong pinoy si Carlo kaya naman nakakaintindi ito ng Tagalog.

"Thank you Yumi, You're the best."

"Mag-inom na lang tayo wag ka nang magdrama huh pwede ba 'yon?" Sabay nginitian ko siya as in yung malaking ngiti talaga kaya naman hindi na niya napigilang tumawa.

"Hahaha ibang klase ka talaga ang cute mo," sabi niya sa 'kin sabay itinaas ang bote ng beer na hawak niya.

"Cheers!" Sabay naming pinag-umpog ang bote ng beer at masayang nag-inuman at nagkwentuhan.

Sa totoo lang ako ang naging way para magbati si Carlo at ang girlfriend niya. Nagpatulong kasi si Carlo na makausap si Elise at kaya naman kami nasa motel, si Elise lang naman ang owner nito. Tago rin ang relasyon nila.

Naaawa ako sa sitwasyon nila dahil nga sikat na basketball player si Carlo kadikit din ng pangalan niya ang mga kung ano-anong issues.

Lagi ko tuloy naitatanong sa sarili ko na hindi ba pwedeng magmahalan na lang sila ng masaya? Bakit kasi kapag nagmamahal ang daming hadlang sa pag-ibig, tsk! Hay ewan ramdam ko sila eh kasi pati ako naranasan ko na mapaglaruan ng lintik na pag-ibig na 'yan. Ganyan naman talaga ang laro ng pag-ibig na kapag sino ang unang sumuko siya ang talo at ang isa maiiwanang luhaan at sugatan.

Saktong inihatid ako ni Carlo sa labas ng motel at ito naman ang nakita na eksena ng mga chismosang paparazzi at ginawa na nilang issue. Ang hirap kasi sa mga tao masyadong mapanghusga, 'yong akala mo kung makapag-post at comment alam na alam ang pagkatao mo, 'yong iba naman naniniwala sa fake news shine-share pa, at 'yong iba naman alam naman ang katotohanan sa hindi nagtatanga-tangahan at nagbubulag- bulagan pa pinagpipilitan ang paniniwala nila.

Lalo ko tuloy naisip na sobrang viral ko na ngayon sa social media, kung saan- saan ko kasi naririnig ang tungkol sa issue namin ni Carlo kahit pa naayos na ito ni Kevin hindi pa rin mamatay- matay. Mawawala lang 'to kapag may bago na silang mapagdidiskitahan o may bago na naman silang makitang ikaka-issue ng buhay ko. Mga tao nga naman tsk!

**************************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status