Kim's POV
Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng Mall, pagkababa ko ng kotse inihagis ko na lang ang susi kay Manong guard para s'ya na ang mag-parking ng kotse ko. Halos takbuhin ko na papasok sa loob ni hindi ko na nga napapansin ang mga empleyado na bumabati sa 'kin. Ang tanging nasa-isip ko ay mabilis na makapunta sa office ni Barry.
Ako si Kimberley Ann Rangsan o mas kilala bilang Kim, ako ang nakababatang kapatid ni Ryuu kung ipinagtataka n'yo kung bakit hindi kami pareho ng apelyido ay dahil magkaiba kami ng Nanay. Sa totoo lang tatlo kaming magkakapatid at iba-iba ang Nanay pero ayaw ko nang pag-usapan pa kung sino 'yong isang kapatid namin na sinasabi ko nawalan na ako ng amor sa kanya 7 years ago pagkatapos nang ginawa n'ya kay Barry.
Tanging si Barry lamang ang nakakuha ng apelyido ni Daddy at wala naman kaming angal tungkol dito nagpapasalamat pa ako dahil hindi kami pinabayaan ni Daddy at tinuring akong totoong kapatid ni Barry. Sa katunayan ako ang manager ng Mall, ako si Manager Kim.
Si Ryuu at Barry ay iisa lamang. Kami lang ang pinahihintulutan n'ya na tawagin s'ya sa kanyang nickname.
"Alam n'yo sumosobra na talaga 'yang si Ice Prince! " narinig kong usapan ng mga nagtutumpukang saleslady sa Mall kaya naman bigla akong napapreno. Hinanap ko ang mga boses ng nagchichismisan at nakita ko ang mga ito na nasa swimwear section. Sumandal ako sa isang istante at saglit na pinakinggan ang usapan nila.
"Sinisante n'ya 'yong saleslady na minanyak ng VIP customer tama ba 'yon? Pati si Director Cruz dinamay n'ya pa, hindi ba napakasama n'ya?" sabi ng isang saleslady. Alam ko naman na ang tungkol sa nangyari naibalita na sa 'kin, nakokonsensya ako kasi ako ang isa sa dahilan kung bakit nasisante si Director Cruz. Paano ba naman kasi maski ako na kapatid ni Barry sinusungitan n'ya masyado pa s'yang nagmamadali para sa bagong image model ng Mall at hindi gano'n kadali maghanap lalo na't ang gusto n'ya 'yong perpektong modelo tsk! Kung hindi ko lang kapatid 'yon nabatukan ko na s'ya malamang.
"Lumuhod na nga daw si Director Cruz pero tinulak lang ni Ice Prince," sabi naman ng isa pang saleslady na ikinagulat ko. Lumuhod? tama ba ang pagkakarinig ko? Alam kong nasisante si Director Cruz pero hindi ko alam na may pagluhod pa lang naganap. Kilala ko si Director Cruz dahil kahit papaano'y naging close naman kami at sa pagkakaalam ko s'ya lang ang sinasandalan ng pamilya n'ya. Lahat sila sa kanya umaasa, ngayong wala na s'yang trabaho paano na ang mag-anak n'ya?
"Siguro broken-hearted 'yan si Ice Prince, nagmahal, nasaktan tapos iniwan kaya siguro nagkaganyan. Galit sa mundo kaya pati tayo dinadamay." sabi pa ng isang saleslady.
"Teka? 'yong sinasabi n'yo ba na Ice Prince at si sir Ryuu ay iisa?" tanong ng isa pang saleslady, bago pa lang kasi s'ya sa trabaho kaya wala pang alam masyado.
"Oo girl si Ice Prince at si sir Ryuu ay iisa lang."
"Eh bakit Ice Prince? Kung masama talaga ang ugali n'ya at super cold bakit hindi Ice Monster ang ginawa n'yong codename n'ya?" curious na tanong n'ya ulit na ikinatawa ko. Oo nga noh, bakit hindi na lang Ice Monster ang ginawang codename nila kay Barry eh marami namang galit sa kanya.
"Eh kasi girl sobrang gwapo ni sir makalaglag panty ang kagwapuhan. Lahat kami dito pinapantasya s'ya kahit na sobrang sungit. Idagdag pa na s'ya ay tall, dark and handsome tapos plus pa 'yong dalawang dimples n'ya sa pisngi kahit na hindi ngumingiti puro simangot at laging galit lumalabas pa din. Lalo pa kaya kung ngumiti siya baka dalhin na kami sa mental lahat," mahabang paliwanag ng isa habang kinikilig pa. Napakamot na lang ako ng ulo at unti-unting lumapit sa kanila pero hindi pa rin nila ako napapansin.
"At ano naman ang nagustuhan n'yo sa taong 'yon? Ubod ng sungit at walang awa?" sabat ko sa kanila habang wala pa rin silang kaalam-alam.
"Kahit masungit si--- "
Hindi na n'ya natuloy ang sasabihin n'ya nang makita akong nasa tabi na nila.
"Manager Kim!" nanlalaki ang mga matang gulat na sambit nilang lahat.
"Oras ng trabaho nagchichismisan kayo! Tingnan n'yo napakaraming customers! May palaglag panty pa kayong nalalaman d'yan, pagkukurutin ko 'yang mga singit n'yo eh!" sermon ko sa kanila pero hindi naman ako galit sinadya ko lang pataasin ang boses ko para itigil na nila ang pag chichismisan. Lagot sila kung si Barry ang nakakita sa kanila malamang sisante na silang lahat.
"Sorry po Manager Kim."
"Oh s'ya go back to work!" Saka lamang sila nagtakbuhan para asikasuhin ang mga customers. Samantalang ako naman tinungo na ang daan papuntang elevator para puntahan si Barry.
**********
Hindi na ako kumatok sa pinto ng office ni Barry dumiretso na ako sa loob at nakita ko s'yang nakatanaw sa labas ng glass wall pinagmamasdan ang mga naglalakihang building sa labas.
"Barry" tawag ko sa kanya. Tumingin s'ya saglit sa 'kin at sabay tinalikuran, tinuloy ulit ang ginagawa n'ya kanina. Lumapit ako sa kanya at nakitanaw rin sa labas.
"Nacu-curious na ako sayo Barry, ano bang tinitingnan mo dyan? Hindi ka ba naboboring puro building natatanaw
mo?""Pakeilam mo ba! What do you want? Bakit ka nandito?" pagsusungit n'ya sa 'kin pero hindi ko na pinansin kasi sanay naman na ako sa kasungitan n'ya. Tinalikuran ulit ako ni Barry at naupo s'ya sa sofa, tulad kanina sinundan ko lang s'ya at naupo sa harapan n'ya.
"Hoy Barry,"
"What! "
"Sungit naman nito."
"Ano ba kasi 'yon?"
"About sa saleslady saka kay Director Cruz parang sumosobra ka naman na yata, babae rin ako Barry. What if kung ako ung binastos, hahayaan mo lang ba? Pababayaan mo rin ba ako? Saka kasalanan ko naman talaga, ang bilin ko kay Director Cruz maghintay lang."
"Pagdating sa 'yo ibang usapan na 'yon Kim."
"Pero bakit pinabayaan mo 'yong saleslady? Dahil ba wala kang pakeilam sa kanya? Mga empleyado natin sila, wag mong kakalimutan na dahil sa kanila kaya kumikita ang Mall."
"Please Kim, kung sesermonan mo lang ako umalis ka na hindi ko kailangan ng opinyon mo."
"Wag mo nga akong sungitan hindi naman uubra sa 'kin 'yang pagsusungit mo, saka kapatid mo kaya ako. Please naman konting respeto kapag kausap ako, pwede ba 'yon? "
"Ang kulit mo kasi eh."
"Ay! Oo nga pala muntik ko nang makalimutan, here oh." sabi ko sa kanya sabay abot ng isang folder, muntik ko nang makalimutan dala ko na pala ang profile ng mga modelo na pwede n'yang pagpilian para sa image model ng Mall.
"What is this? "
"Pictures 'yan ng top 10 models na pinakasikat dito sa Pilipinas, tingnan mo kung may magugugustuhan kang maging image model ng Kugimiya Mall, at sana naman meron na hindi ba?" Kinuha ni Barry ang folder at may ilang minutong pinagmasdan ito, pero nakasimangot lang s'ya ng matapos.
"What's wrong?"
"This is the best you can do? Kim this is nonsense."
"And why? I have a hard time just to find it tapos sasabihin mo nonsense!"
"Look Kim, hindi lang image model ang hinahanap natin dito. Buong Kugimiya Group of companies ang nakasalalay."
"I know, kaya nga top 10 famous na 'yang kinuha ko pero kahit isa wala ka
pa ring napili.""How about the modeling agency? Puntahan mo kaya si Mint baka may nahanap na s'ya."
"Oo pupunta naman talaga ako do'n kasi nga itatanong ko rin kung may napili sila sa mga models na nag-audition."
"Ngayon na."
"Huh? As in now na?"
"Oo, bakit may reklamo ka?"
"Wala, bakit may sinabi ba akong nagrereklamo ako?" nakasimangot akong tumayo at naglakad papalayo. Sa totoo lang gusto ko na talagang batukan si Barry para man lang makaganti sa pagpapahirap n'ya. Wala kasi s'yang awa pati ako hindi pinalagpas sobrang pagod na ako sa kakautos n'ya.
********************
Ilang minuto lang naman ang layo ng modeling agency sa Mall kaya naman mabilis akong nakarating.
"Nandyan ba si Mint?" tanong ko sa isang staff do'n nang makapasok ako.
"Yes mam nasa audition room puntahan mo na lang po."
"Okay, thank you," nginitian ko muna 'yong babae bago tuluyang pumasok. Hindi naman kasi ako katulad ni Barry na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang buhay, haizt! Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ang ginawa n'ya at siyempre nakokonsensya rin. Bubuksan ko na sana ang pinto kung nasaan si Mint pero bigla na itong bumukas. Lumabas ang babaeng sobrang kapal ng make-up daig pa 'yong nasubsob sa espasol. Inirapan n'ya ako at nilagpasan.
"Ay ganda ka te?" tanging nasabi ko na lang. Ang akala mo kasi ang ganda n'ya mukha namang espasol sarap sabunutan ng kilay eh. Nakita ko si Mint na busy kakapindot sa laptop n'ya. Sina Masu at Nychaa naman inaayos ang mga camera nila.
"Knock knock!" pukaw ko sa atensyon nilang lahat, masyado kasi silang busy.
"Oh Kim nandyan ka na pala, come in," nakangiting sabi ni Mint sa 'kin. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Mint, nakitingin ako sa laptop n'ya.
"Anong balita?" sabi ni Nychaa, naupo na rin sa tabi namin kasunod si Masu.
"As we expected, rejected lahat 'yong top 10 models na isinudggest natin kay Barry, sumosobra na talaga s'ya." nakabusangot na paliwanag ko sa kanila habang napapabuntonghininga.
"Eh paano 'yan? Ano nang gagawin natin? Mga mukha pa namang hipon 'yong mga nag-audition kanina." sabi naman ni Masu na kamot ulo na lang ang tanging nagawa.
"Ang sama ng ugali neto," baling ni Nychaa kay Masu.
"Totoo naman eh, kanina nga 'yong nakasalubong kong lumabas dito parang nasubsob sa espasol sa kapal ng make-up," natatawang sabat ko sa kanila. Naalala ko na naman tuloy kala mo ang ganda eh tsk!
"Tama na nga 'yan puro kayo kalokohan, here oh." sabi ni Mint sabay iniharap sa 'min ang laptop n'ya.
"This is the last one."
"Paano kung wala pa ring napili dito si Barry? Ano nang gagawin natin?" tanong ni Masu.
"Don't worry may isa pa akong baraha, mapipilitan akong ilabas ito kapag wala pa ring napili si Barry," sagot naman ni Mint.
"The who?" sabay-sabay naming sambit. Maski ako wala akong ideya kung sino 'yong huling barahang sinasabi n'ya.
"Sa ngayon, secret muna pero sinisigurado ko sa inyo na s'ya ang perpektong modelo para maging image model ng Kugimiya Mall."
"Ang daya naman neto," sabi ni Masu.
Ang sabi ni Mint sa 'min in-email na n'ya kay Barry ang mga pictures ng last top 10 models na inipon n'ya para pagpilian sa image model ng Mall. Mapipilitan talagang ilabas ni Mint ang huling baraha n'ya kung sakaling i-reject na naman ni Barry ang mga models. Maski ako napapa-isip kung sino talaga ang sinasabi ni Mint. Malalaman ko rin naman 'yon kapag ni-reject ni Barry lahat ng models na in-email ni Mint.
Game of Love Ryuu's POV Pinagmamasdan ko mula sa labas ng glass wall ang naglalakihang building. Nakasanayan ko nang gawin ito lalo na sa tuwing may malalim akong iniisip. One message receive. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon at nang tingnan ko si Kim pala ang nag-message sa 'kin. "Barry paki-check sa email mo nag-send si Mint ng mga photos ng mga models, last na daw 'yan kaya sana may mapili ka na. Maawa ka naman sa 'min pagod na pagod na kami kakautos mo!" Pagkatapos kong basahin ang message ni Kim, napailing na lang ako at napakamot ng ulo. Kahit kailan talaga si Kim ang daming reklamo sa buhay. Hindi na lang gawin ang trabaho n'ya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa at nagpunta sa table kung saan nakapatong ang laptop para tingnan ang sinend na email ni Mint.Hab
Game of Love Lahat kami ay nasa isang mahabang lamesa at sunod-sunod na nakahilera. Ngayon kasi namin mami-meet ang bagong image model ng Mall. Malaki ang pasasalamat nila kay Mark kasi tinulungan n'ya akong makapili ng modelo kung hindi namomroblema pa rin sila hanggang ngayon. Wala akong ideya sa sinasabi ni Kim na huling baraha. Sabi kasi ni Kim may inihanda daw si Mint na huling baraha na siguradong hindi ko matatanggihan na maging model ng Mall. Bigla tuloy akong na-curious kung sino s'ya, hindi ko daw matatanggihan? Tsk! Asa sila, itong si Regine nga napilitan lang akong piliin na model para sa Mall para hindi na sila ma-stress eh kung may choice pa, hindi naman s'ya ang pipiliin ko. "Sa wakas nakapili rin 'tong kumag na 'to." bulong ni Kim nang mahina kay Mint. Pero naririnig ko naman dahil katabi ko lang s'ya. Sumunod si Mint na katabi n'ya. Sa kabilang side naman sila Nychaa at Masu
Game of Love Mint's POV Nagpatawag si Barry ng isang meeting kaya naman lahat kami ay nagmamadaling nagpunta sa Mall. "Sigurado ba kayo na pina-background check n'yo si Ms. Regine?" tanong ni Barry sa 'min nang makita n'ya na kumpleto na kami. Lahat kami ay nagulantang at hindi mapakapaniwala dahil sa isang masamang balita, hindi namin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. "Oo naman, okay ang profile n'ya. Wala s'yang kaaway at mahal s'ya ng mga tao kaya imposible talaga ito na mangyari," paliwanag ni Kim na hindi mapakali. Lakad s'ya nang lakad at tila ba kinakabahan, kaya naman hinawakan s'ya ni Mark sa magkabilang balikat at iniupo s'ya para kumalma. Si Regine na dapat sana na magiging image model ng Kugimiya Mall ay natagpuang patay sa sarili nitong condo unit, grabe ang pangto-torture na ginawa sa kanya. Walang awa a
Game of Love Kim's POV Nagdadabog ako na pumasok sa room namin ni Mark. Sobrang sama ng loob ko, gusto kong sumigaw at magwala. Nababaliw na si Mint, ang dami-daming pwedeng maging model ng Mall, si Yumi pa talaga ang napili n'ya. Sa sobrang inis ko, lahat ng madampot ko ay ibinabato ko. Nadampot ko ang isang libro sa mini bookshelf, hinagis ko 'to. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro. Lumapit ako para damputin. Nakita ko ang isang picture. Isang lumang picture kasama ko sila Mint, Nychaa at Yumi. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko. Nilamukos ko ang lumang picture. "Bakit ba hindi kita matapon!" sabi ko habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa picture. Kuha ito 7 years ago sa Happy House Apartment nang una naming ma-meet si Yumi. At sa isiping ito, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.............
Game of Love Hawak ng team nila Danika at Alan ang case ni Regine, ang rising star model na natagpuan sa condo unit n'ya na wala ng buhay. Sina SPO1 Danika Prachom at SPO2 Alan Philipe ang naka-assign na mag-imbestiga sa kaso ni Regine. Pumasok si Alan sa opisina ni Danika dala-dala n'ya ang result ng autopsy. "Na sa 'kin na ang result ng autopsy," sabi ni Alan. Lumapit s'ya kay Danika at hinila ang sigarilyo sa bibig nito. Inihinulog sa sahig at tinapakan pagkatapos pinitik n'ya ang bibig ni Danika. "Aray naman!" " Sabi ko sayo, tigilan mo na paninigarilyo! " "Tsk! Patingin nga ng result!" Binasa ni Danika saglit ang resulta ng autopsy. "Lumalabas na hindi ni-rape si Regine. Wala ring anumang bagay na ninakaw sa condo n'ya. Ang ibig sabihin ba? Ang motibo ng killer ay patayin lamang s'ya?"
Game of Love Yumi's POV Hapong-hapo akong naupo sa mahabang sofa pag-uwi namin ng bahay. Nakakapagod kasi sobra, may mga ilang photoshoot pa kasi kaming tinapos pagkatapos nag-guesting pa sa isang TV show. Tapos na nga ang contract ko, pinapagod pa nila ako ng ganito. Humiga ako at ipinatong ang paa ko kay Kevin, sinimulan n'ya naman itong hilutin. "Yumi, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi sa 'kin ni Kevin. "Ano?" "About sa new contract mo." Napaupo ako dahil sa sinabi ni Kevin, tinitigan ko s'yang maigi. "Nakapili ka na ba ng new agency na may magandang offer? Saang bansa tayo lilipat?" "Oo sana, alam mo kasi Yumi maganda ang offer nila. Nag-email sa 'kin 'yong isang Creative Director. Actually, no'ng una nagpa-audition sila pero wala silang napili para maging model." "Model
Game of Love Mario's POV Bababa sana ako para uminom ng tubig pero hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan may narinig akong boses ng babae, sumisigaw. Nang mapagtanto ko na boses ni Yumi 'yon, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya. "Yumi! Yumi! " sigaw ko habang ginigising si Yumi. Binabangungot na naman kasi s'ya. Tinatawag ang Tatay n'ya. "Tay... Tay..." patuloy na sigaw n'ya. Nag-aalala na ako dahil hindi pa rin s'ya nagigising kaya naman sinampal ko s'ya nang mahina. "Junior! Naya!" muling sigaw ko katabi lang kasi nila ang kwarto ng Mommy nila. Pupungas-pungas pa ang mga ito nang pumasok sa loob. "What's wrong Daddy Mario?" sabi ni Junior na nag-aalala. Bigla silang nagising nang makita ang sitwasyon ng Mommy nila. "Mamamee! " paiyak na sambit ni Naya.
Game of Love Mario's POV Minabuti kong dumaan muna sa kwarto ni Yumi para silipin s'ya saglit. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at nakita ko ang nakatulalang si Yumi. Nakatulala s'ya sa kawalan, alam ko namang nahihirapan s'ya pero gano'n paman kailangan n'ya pa ring magpakatatag at lakasan ang loob n'ya. Naalala ko no'n, sa tuwing mag-uusap kami ni Yumi. Tinatanong n'ya sa'kin kung may Diyos ba talaga at kung may Diyos nga bakit hinayaan n'ya na dumating sa punto na mangyari 'to lahat sa kanya. Napakarami n'yang tanong sa 'kin na bakit, bakit ganito? Bakit ganyan? Ang daming tanong pero hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nakita ko na nakatitig s'ya sa gitara sa gilid ng kama n'ya. Lumapit s'ya dito, kinuha n'ya at naupo sa gilid ng kama. Noon pa man mahilig na sa music si Yumi. Isa rin ito sa mga nagpapagaan ng loob n'ya. Kadalasan, tumutugto