Ryuu's POV
Pinagmamasdan ko mula sa labas ng glass wall ang naglalakihang building. Nakasanayan ko nang gawin ito lalo na sa tuwing may malalim akong iniisip.
One message receive.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon at nang tingnan ko si Kim pala ang nag-message sa 'kin.
"Barry paki-check sa email mo nag-send si Mint ng mga photos ng mga models, last na daw 'yan kaya sana may mapili ka na. Maawa ka naman sa 'min pagod na pagod na kami kakautos mo!"
Pagkatapos kong basahin ang message ni Kim, napailing na lang ako at napakamot ng ulo. Kahit kailan talaga si Kim ang daming reklamo sa buhay. Hindi na lang gawin ang trabaho n'ya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa at nagpunta sa table kung saan nakapatong ang laptop para tingnan ang sinend na email ni Mint.
Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga pictures ay muli lang akong napapailing, wala kasing pumapasa sa 'kin. Hindi ko mahanap ang perpektong modelo para sa Mall. Ang gusto ko kasi ay isang simpleng babae na may magandang ngiti na hahanap-hanapin at hindi nakakasawa tingnan. Bukod dito ayaw ko ng pustiso ang ngipin dapat maputi at pantay-pantay. Gusto ko rin ay maganda at may maamong mukha.Sa isiping ito, biglang may imahe sa alaala ko ang lumabas. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero may pangalang nasambit ang bibig ko "Yumi", bulong ng isip ko ngunit kaagad akong umiling para mawala ito sa isip ko.
"Honey..."
Narinig kong boses ng babae na nagpakunot ng noo ko, tuluyan nang nawala ang mga naiisip ko kanina.
"Carla?" nagtatakang tanong ko. Ano na naman ba kasi ang ginagawa ng babaeng 'to dito!
"Honey naman parang ayaw mo naman akong makita..." sabi n'ya sa 'kin na sinasadya pang mag-pout ng lips n'ya at palandiin ang boses. May katotohanan naman ang sinabi n'ya, ayaw ko talaga s'yang makita. Sagabal lang s'ya sa buhay ko pero siyempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya nang harapan, lagot ako kay Daddy.
Siya si Carla ang soon to be wife ko daw. Actually, ayaw na ayaw ko talaga sa kanya. Bukod sa makapal n'yang make-up kulang na lang maging clown. Ayaw ko rin sa babae na unang nagbibigay ng motibo para gustuhin ng lalaki. Ganitong-ganito ang ugali ni Carla, halos lahat ng ayaw ko sa babae sinalo n'ya lahat.
Dahil lang sa utos ni Daddy kaya papakasalan ko si Carla. Sabagay na 'to wala naman akong magiging problema, susundin ko si Daddy papakasalan ko si Carla. Pero ang hindi ko maipapangako ay ang pag-ibig ko, hindi ko 'to maibibigay ng buo kay Carla. Ayaw ko sa kanya hindi na magbabago 'yon. Makuntento na lang s'ya sa kasal pero sa pakikisama at pagmamahal ko magdusa s'ya.
Sinarado na ko na ang puso ko 7 years ago pagkatapos akong saktan ng babaeng sobrang minahal ko. Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal at tiwala ko ngunit ang isinukli lang n'ya sa 'kin ay sakit at pait. Hindi lang 'yon winasak na nga n'ya ang puso at buhay ko, kinuha n'ya pa ang taong mahalaga sa' kin. Dahil sa kanya nawalan ako ng kapatid! Mga manloloko sila! Simula nang lokohin nila ako, naging cold na ang puso ko hindi na ako naniniwala sa pag-ibig.
"Honey, dinner tayo," napatingin ako kay Carla nang nagsalita ulit s'ya, saka ko lang naalala na nandito nga pala s'ya.
"I'm busy," cold na sabi ko sa kanya. Naiinis talaga ako sa tuwing makikita ko si Carla.
Hindi pa nakuntento si Carla, sapilitan s'yang naupo sa kandungan ko. Sa inis ko hindi ko sinasadya naitulak ko s'ya.
"Hindi ka ba talaga nakakaintindi! Kakasabi ko lang busy ako! Umalis ka na nga!"
"Malapit na ang kasal natin Barry, kailan ba magbabago ang trato mo sa 'kin!" galit na galit na sabi ni Carla.
"Wala akong pakeilam sa kasal natin, magpasalamat ka na lang at pumayag akong pakasalan ka! At pwede ba, huwag na huwag mo akong tatawaging Barry. Dahil una, hindi tayo close. Ikalawa hindi kita itinuturing na pamilya! Ikatlo, ikakasal lang tayo sa papel kaya naman huwag kang umasa na mamahalin kita!"
"Makakarating lahat 'to kay Daddy!"
"Go! Magsumbong ka! Wala akong pakeilam!" eh 'di magsumbong s'ya samahan ko pa s'ya. Kabisado ko na ugali ni Carla napakasumbongera n'ya sipsip pa sa Daddy ko. Palagi ko namang pinapaliwanag kay Daddy na tama na ang sinunod ko s'ya na magpakasal kay Carla pero suklian sya ng pag-ibig, ikailan ma'y hindi ko magagawa.
Nagdadabog na nagwalk-out si Carla at habang palabas s'ya, nakita ko na nakabangga n'ya ang papasok na si Mark. Isa pa 'to, ano na naman kaya ang ginagawa n'ya dito?
"Anong nangyari? Kulang na lang magsapakan kayo huh," sabi ni Mark sa 'kin pagpasok n'ya. Alam ko naman na narinig n'ya lahat ng pinag-usapan namin, napaka-chismoso n'ya daig pa ang babae. Hindi ko lubos maisip kung bakit pumayag si Kim na pakasalan s'ya.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito? Ang akala ko inaasikaso mo ang resort mo sa Batangas? Akala ko pa naman matagal kong hindi makikita ang pagmumukha mo." sabi ko kay Mark. Hindi ko na inintindi ang tanong n'ya kanina, alam ko naman kasi na mang-aasar lang s'ya.
"Masama bang dalawin ka?" sabi ni Mark at naupo s'ya sa kaharap na upuan.
"Bakit may sakit ba ako para dalawin mo?"
"Tsk! Sungit."
"Alam ko na, nagsumbong ba sa 'yo ang magaling kong kapatid?"
"Kahit hindi magsumbong si Kim, malalaman ko pa rin kung ano ang nangyari. Ikaw ang tampulan ng chismis dito Ice Prince hahaha."
Siya si Mark Prim, asawa ng kapatid kong si Kim. Saksi ako sa away at bati nilang relasyon, umabot pa nga na naghiwalay sila dahil habulin ng mga babae si Mark at si Kim naman napakaselosa. Kaya nga hindi na ako umasa pa noon na magkakabalikan pa sila at ngayon naging mag-asawa na.
Nakikita ko naman kung gaano kamahal ni Mark si Kim. Sa katunayan nga eh under na under si Mark, konting galit ni Kim nanginginig na sa takot si Mark. Successful din ang business ni Mark na resort sa Batangas, may-ari rin s'ya ng ibat-ibang branch ng sweet shop. Ewan ko ba kay Mark masyadong naging matamis ang buhay mula ng maging asawa si Kim. Anak na lang ang kulang sa pangarap nilang dalawa.
Matagal na din kaming magkakilala. Ako, sila Nychaa, Masu, Mint, Kim at Mark. Sa katunayan lahat kami magkababata, mayro'n pang isa kaya lang ayaw na ayaw kong naririnig o nababanggit ang pangalan n'ya. S'ya ang sumunod sa 'kin na kapatid namin ni Kim.
"Hindi lang sa mga tabloid maingay ang pangalan mo Barry, dito sa Mall ay sikat na sikat ka may codename nga silang ginagamit tinatawag ka nilang Ice Prince hahaha," patuloy na pang-aasar ni Mark.
"Magtatayo na ba ako ng fansclub mo Ice Prince? Hahaha," dugtong pa n'ya.
"Pwede ba Mark, tumigil ka na. Nakakairita na eh, kung wala kang magawa tulungan mo na lang ako nang mayro'n ka namang magawang tama sa buhay mo!" mariing kong sabi kay Mark. Sumunod naman s'ya, lumipat s'ya sa pwesto ko at nakisilip sa laptop.
"Ano ba 'yan?"
"Mga modelo na sinend ni Mint para sa new image ng Mall."
Tiningnan namin ni Mark isa-isa ang mga pictures hanggang huminto s'ya sa isang picture ng modelo.
"S'ya, sigurado ako na s'ya ang bagay maging new image ng Mall."
"Sigurado ka?"
"Oo Barry, sa pagkakaalam ko s'ya si Regine bagong rising star model. Namamayagpag ang career n'ya ngayon at pwede mong gamitin ang pagkakataong ito para maging image model s'ya ng Mall."
"Gaano ka naman kasigurado sa kanya Mark?"
"Basta sigurado ako, si Regine na ang piliin mo huwag mo na masyadong pahirapan sila Kim , okay na 'yan."
Sa tulong ni Mark, nakapili rin ako sa wakas ng bagong image model ng Mall pero parang may kulang pa rin. Sinunod ko lang si Mark, iniisip ko rin naman sila Kim baka kasi masyado na nila akong isumpa dahil sa ugali ko. Kaya naman okay na rin naman siguro na sundin ko si Mark tutal maganda naman si Regine pero hindi pa rin n'ya nakuha ang atensyon ko para sa image model na hinahanap ko.
**************************************
Game of Love Lahat kami ay nasa isang mahabang lamesa at sunod-sunod na nakahilera. Ngayon kasi namin mami-meet ang bagong image model ng Mall. Malaki ang pasasalamat nila kay Mark kasi tinulungan n'ya akong makapili ng modelo kung hindi namomroblema pa rin sila hanggang ngayon. Wala akong ideya sa sinasabi ni Kim na huling baraha. Sabi kasi ni Kim may inihanda daw si Mint na huling baraha na siguradong hindi ko matatanggihan na maging model ng Mall. Bigla tuloy akong na-curious kung sino s'ya, hindi ko daw matatanggihan? Tsk! Asa sila, itong si Regine nga napilitan lang akong piliin na model para sa Mall para hindi na sila ma-stress eh kung may choice pa, hindi naman s'ya ang pipiliin ko. "Sa wakas nakapili rin 'tong kumag na 'to." bulong ni Kim nang mahina kay Mint. Pero naririnig ko naman dahil katabi ko lang s'ya. Sumunod si Mint na katabi n'ya. Sa kabilang side naman sila Nychaa at Masu
Game of Love Mint's POV Nagpatawag si Barry ng isang meeting kaya naman lahat kami ay nagmamadaling nagpunta sa Mall. "Sigurado ba kayo na pina-background check n'yo si Ms. Regine?" tanong ni Barry sa 'min nang makita n'ya na kumpleto na kami. Lahat kami ay nagulantang at hindi mapakapaniwala dahil sa isang masamang balita, hindi namin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. "Oo naman, okay ang profile n'ya. Wala s'yang kaaway at mahal s'ya ng mga tao kaya imposible talaga ito na mangyari," paliwanag ni Kim na hindi mapakali. Lakad s'ya nang lakad at tila ba kinakabahan, kaya naman hinawakan s'ya ni Mark sa magkabilang balikat at iniupo s'ya para kumalma. Si Regine na dapat sana na magiging image model ng Kugimiya Mall ay natagpuang patay sa sarili nitong condo unit, grabe ang pangto-torture na ginawa sa kanya. Walang awa a
Game of Love Kim's POV Nagdadabog ako na pumasok sa room namin ni Mark. Sobrang sama ng loob ko, gusto kong sumigaw at magwala. Nababaliw na si Mint, ang dami-daming pwedeng maging model ng Mall, si Yumi pa talaga ang napili n'ya. Sa sobrang inis ko, lahat ng madampot ko ay ibinabato ko. Nadampot ko ang isang libro sa mini bookshelf, hinagis ko 'to. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro. Lumapit ako para damputin. Nakita ko ang isang picture. Isang lumang picture kasama ko sila Mint, Nychaa at Yumi. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko. Nilamukos ko ang lumang picture. "Bakit ba hindi kita matapon!" sabi ko habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa picture. Kuha ito 7 years ago sa Happy House Apartment nang una naming ma-meet si Yumi. At sa isiping ito, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.............
Game of Love Hawak ng team nila Danika at Alan ang case ni Regine, ang rising star model na natagpuan sa condo unit n'ya na wala ng buhay. Sina SPO1 Danika Prachom at SPO2 Alan Philipe ang naka-assign na mag-imbestiga sa kaso ni Regine. Pumasok si Alan sa opisina ni Danika dala-dala n'ya ang result ng autopsy. "Na sa 'kin na ang result ng autopsy," sabi ni Alan. Lumapit s'ya kay Danika at hinila ang sigarilyo sa bibig nito. Inihinulog sa sahig at tinapakan pagkatapos pinitik n'ya ang bibig ni Danika. "Aray naman!" " Sabi ko sayo, tigilan mo na paninigarilyo! " "Tsk! Patingin nga ng result!" Binasa ni Danika saglit ang resulta ng autopsy. "Lumalabas na hindi ni-rape si Regine. Wala ring anumang bagay na ninakaw sa condo n'ya. Ang ibig sabihin ba? Ang motibo ng killer ay patayin lamang s'ya?"
Game of Love Yumi's POV Hapong-hapo akong naupo sa mahabang sofa pag-uwi namin ng bahay. Nakakapagod kasi sobra, may mga ilang photoshoot pa kasi kaming tinapos pagkatapos nag-guesting pa sa isang TV show. Tapos na nga ang contract ko, pinapagod pa nila ako ng ganito. Humiga ako at ipinatong ang paa ko kay Kevin, sinimulan n'ya naman itong hilutin. "Yumi, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi sa 'kin ni Kevin. "Ano?" "About sa new contract mo." Napaupo ako dahil sa sinabi ni Kevin, tinitigan ko s'yang maigi. "Nakapili ka na ba ng new agency na may magandang offer? Saang bansa tayo lilipat?" "Oo sana, alam mo kasi Yumi maganda ang offer nila. Nag-email sa 'kin 'yong isang Creative Director. Actually, no'ng una nagpa-audition sila pero wala silang napili para maging model." "Model
Game of Love Mario's POV Bababa sana ako para uminom ng tubig pero hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan may narinig akong boses ng babae, sumisigaw. Nang mapagtanto ko na boses ni Yumi 'yon, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya. "Yumi! Yumi! " sigaw ko habang ginigising si Yumi. Binabangungot na naman kasi s'ya. Tinatawag ang Tatay n'ya. "Tay... Tay..." patuloy na sigaw n'ya. Nag-aalala na ako dahil hindi pa rin s'ya nagigising kaya naman sinampal ko s'ya nang mahina. "Junior! Naya!" muling sigaw ko katabi lang kasi nila ang kwarto ng Mommy nila. Pupungas-pungas pa ang mga ito nang pumasok sa loob. "What's wrong Daddy Mario?" sabi ni Junior na nag-aalala. Bigla silang nagising nang makita ang sitwasyon ng Mommy nila. "Mamamee! " paiyak na sambit ni Naya.
Game of Love Mario's POV Minabuti kong dumaan muna sa kwarto ni Yumi para silipin s'ya saglit. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at nakita ko ang nakatulalang si Yumi. Nakatulala s'ya sa kawalan, alam ko namang nahihirapan s'ya pero gano'n paman kailangan n'ya pa ring magpakatatag at lakasan ang loob n'ya. Naalala ko no'n, sa tuwing mag-uusap kami ni Yumi. Tinatanong n'ya sa'kin kung may Diyos ba talaga at kung may Diyos nga bakit hinayaan n'ya na dumating sa punto na mangyari 'to lahat sa kanya. Napakarami n'yang tanong sa 'kin na bakit, bakit ganito? Bakit ganyan? Ang daming tanong pero hindi ko naman alam ang isasagot ko. Nakita ko na nakatitig s'ya sa gitara sa gilid ng kama n'ya. Lumapit s'ya dito, kinuha n'ya at naupo sa gilid ng kama. Noon pa man mahilig na sa music si Yumi. Isa rin ito sa mga nagpapagaan ng loob n'ya. Kadalasan, tumutugto
Game of Love Katulad ng usapan, nauna ng bumalik ng Pilipinas si Mario at ngayon naman pasunod na sina Yumi at Kevin. Nasa loob s'ya ng kwarto at nag-iimpake ng mga gamit habang pinagmamasdan s'ya ng kambal madaling araw kasi ang flight nila ni Kevin. "Mamamee, are you going back to the Philippines now?" tanong ni Naya kay Yumi. "Yes Baby Bunny pero don't worry after one or two weeks susunod naman kayo nila Lola n'yo eh." Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Naya. "Huwag ka nang masyadong mag-alala Mommy habang wala ka, akong bahala kay Naya at Lola. I can take care of them, hindi ko sila pababayaan," ang sabi naman ni Junior. "Big boy na talaga ang Baby Bear ko, halika nga rito pa-hug ako," sabi ni Yumi at mahigpit na niyakap si Junior. "Paano naman ato? Hindi mo ba ato love," naka-pout na sabi ni Naya kaya naman biglang n