Share

Kabanata 8

Game of Love

Kim's POV

Nagdadabog ako na pumasok sa room namin ni Mark. Sobrang sama ng loob ko, gusto kong sumigaw at magwala. Nababaliw na si Mint, ang dami-daming pwedeng maging model ng Mall, si Yumi pa talaga ang napili n'ya.

Sa sobrang inis ko, lahat ng madampot ko ay ibinabato ko. Nadampot ko ang isang libro sa mini bookshelf, hinagis ko 'to. Nagkalat ang mga papel na nakaipit sa libro. Lumapit ako para damputin.

Nakita ko ang isang picture. Isang lumang picture kasama ko sila Mint, Nychaa at Yumi. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko. Nilamukos ko ang lumang picture.

"Bakit ba hindi kita matapon!" sabi ko habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa picture. Kuha ito 7 years ago sa Happy House Apartment nang una naming ma-meet si Yumi. At sa isiping ito, hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan.............

***********Flash back************

Back in college, Sunday no'n at wala kaming pasok. Nasa bahay lang kaming lahat, ako nanunuod lang ng TV habang nakataas ang paa sa mesa. Naglilinis kasi ako ng kuko sa paa. Si Nychaa naman nasa tabi ng bintana, nakataas din ang paa nakapatong sa bintana habang may hawak na libro. Samantalang si Mint, nakatambay sa may hagdan habang may hawak na cellphone. Nasa ikalawang palapag kasi kami ng bahay. Lahat kami ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.

"Hindi ba kayo nagugutom? 11:30 am na, wala kayong balak kumain?" sabi ko sa kanila dahil kumakalam na ang sikmura ko.

"As if naman may marunong magluto sa 'tin, gusto mong sumabog 'tong bahay?" sambit naman ni Nychaa.

Tumayo ako at lumapit kay Nychaa.

"Huli ka!" hila ko sa book na hawak ni Nychaa.

"Kunwari ka pang nag-aaral, naglalandi ka lang naman!" Paano? Nakatago kasi sa libro 'yong phone ni Nychaa at inii-stalk ang crush n'yang si Masu, isang varsity player sa Kugimiya University.

"Simpleng malandi ka rin eh nuh, hindi ka naman crush ng crush mo."

"G*go mo, pakeilamera," sagot ni Nychaa sabay tinadyakan ako.

"King*na talo na naman!" napatingin kaming dalawa kay Mint dahil sa malakas na mura n'ya. Kung mayro'n mang brutal sa 'ming tatlo ay walang iba kung hindi si Mint. Lalo na sa pananalita, kababaeng tao puro mura ang lumalabas sa bibig.

Aaminin ko hindi naman ako perpekto, sa katunayan sakit ako sa ulo ng pamilya namin at palamura rin ako pero hindi naman ako katulad ni Mint na minu-minuto yatang nagmumura. Isa pa certified adik din s'ya, adik sa online games. Dito na nga halos nauubos ang allowance n'ya sa kakapusta sa online games.

"G*go talo ako, pustahan pa naman 'to!" inis na inis na sabi ni Mint. Lumalapit s'ya sa 'min ni Nychaa.

"Oh anong gagawin namin? Kami ba 'yong nakipagpustahan? Saka pwede ba? Kaysa kung ano-ano inaatupag n'yo, bakit hindi na lang kaya kayo mag-review para sa exam natin?" sabi ko sa kanila.

"Kapal ng mukha neto manermon, ikaw nga d'yan magdamag ka sa inuman eh!" sabi naman ni Nychaa. Kaya napakamot na lang ako sa ulo.

"Saka bago ka manermon, ayusin mo sarili mo. Kadiri ka, mag-bra ka nga bakat na bakat 'yang dede mo ang laki pa naman!" natatawang sabi ni Mint. Ako naman biglang hawak sa dibdib, nakapa ko ang umbok nito.

"Hehe, oo nga noh nakalimutan ko pa lang mag-bra," sabi ko sabay takbo papasok sa kwarto. Nawala sa isip ko na mag-bra haha.

"Maganda lang si Kim noh pero tanga at balahura pa," bulong ni Mint kay Nychaa na hindi ko alam kung bulong ba talaga dahil rinig na rinig ko boses n'ya.

"Hoy! Tarantado ka, naririnig kita!" sigaw ko sa loob ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto siyempre, nagsuot na 'ko ng bra at nag-ayos na rin kaya naman nag-fashion show ako sa harap 'nong dalawa.

"Oh...Pak... Pak..." nakatakip lang ng mata 'yong dalawa lalo na nang nag-sexy dance ako sa harapan nila.

"Ano ba 'yan Kim? Maawa ka sa 'min, nakakasuka!" sabi ni Nychaa. Si Mint naman hindi na kinaya, umay na umay na kasi s'ya. Hinila n'ya ako para maupo sa tabi nila.

"Arte n'yong dalawa! Ang galing-galing kong sumayaw!"

"G*go, sa bar ka sumayaw siguradong bebenta 'yan!"  sabi ni Mint pero binatukan ko s'ya ng malakas.

"Aray naman!"

"Bunganga mo puro na lang mura!"

"Hoy! Mga siraulo kayo, wala ba kayong naalala?" biglang tayo ni Nychaa sa harapan namin. Akala mo naman may nangyaring kung ano na.

"Wala naman, bukod sa utang mo sa 'kin bayaran mo na dali," sabi ni Mint.

"Baliw, hindi 'yon!"

"Eh ano?" sabi ko.

" 'Yong bagong housemate natin, ngayon darating!"

"Oo nga pala!" sabay naming sambit ni Mint. Bakit nga ba nawala sa isip namin, ngayon darating ang bago naming housemate. Good for four persons naman itong apartment saka pamilya namin ang may ari. Malaki naman kaya pumayag ako na magdagdag pa kami ng isa.

Hindi na kami nakapagsalita dahil may huminto na sasakyan sa tapat ng apartment. Nagtakbuhan kami sa harap ng bintana para makita ang itchura ng bago naming housemate.

Bumaba sa jeep ang isang babae, mahaba at kulot ang buhok. May suot na makapal na salamin sa mata, nakapaldang mahaba na halos sumayad na sa sahig. Naka long-sleeve na white.

"Ano 'yan? Ermitanya yata?" bulong ni Nychaa.

"Tangek, mangkukulam 'yan," ganting bulong ni Mint.

"Tumahimik nga kayo!" sabi ko. Piningot ko silang dalawa dahil kung ano-ano ang sinasabi. Hinila ko sila sa sofa hihintayin na lang namin na maka-akyat 'yong babae.

Pumasok ang babae, nakayuko sa harapan namin at may dalang maleta.

"Hi," nakangiting bati ko sa kanya.

"Sabi ko sa 'yo mangkukulam 'yan eh," bulong ni Mint kaya naman nakatanggap s'ya ng isang kurot sa 'kin.

"Ah hi, anong pangalan mo?" tanong ni Nychaa.

"M-mayumi Sperbund, p-pero tawagin n'yo na lang akong Yumi, 'yon kasi ang nickname ko."

"Okay, so?  What's your talent, anong ipapakita mo sa 'min? Show me what you got," sabi ni Mint.

"H-huh?" tanong ni Yumi na naguguluhan. Minsan talaga si Mint aning-aning din eh.

"Siraulo, ano to? Pilipinas got talent?" sabi ko at binatukan ko si Mint nang malakas.

"Yumi, pasensya kana huh. Hindi, kasi naturukan ng gamot 'to eh," sabi ko kay Yumi sabay tumayo.

" By the way, ako nga pala si Kimberley Ann Rangsan but you can call me Kim if you want," inabot ko ang kamay kay Yumi at nakipagkamay.

"At ako naman si Mint Adisuan. Mint for short 19 years old, maganda lang pero walang pera,"

"Paano, laging talo sa online games,"  bulong ni Nychaa kaya naman sinamaan s'ya ng tingin ni Mint.

"At siyempre, ako naman si Nychaa Wattanaw. Nychaa for short, ako ang pinakamaganda sa 'ming tatlo," sabay namin s'yang binatukan ni Mint. Masyado kasing feelingera.

"Aray naman!" daing ni Nychaa dahil sa masakit na batok.

"Halika Yumi, hatid kita sa room mo." Hinatid ko si Yumi sa kwarto n'ya para makapagpahinga na rin s'ya.

Habang nag-aayos si Yumi sa kwarto n'ya, kami naman ay hindi mapakali sa labas.

"Nagugutom na talaga ako," sabi ni Mint.

"So? Ano, dating gawi? Bato-bato pick, kung sino ang matalo s'ya ang manlilibre," sabi ko sa kanila. Ganito kasi ang ginagawa namin lalo sa gawaing bahay, mga tamad kasi kami, literal.

Ako at si Mint ang unang naglaban.

"Bato-bato pick!" Bato ang ginamit ko, gunting naman kay Mint.

"Talo ka."

"Bakit, sino ba ang nagsabing gunting 'to?" paliwanag ni Mint

"Bakit, Ano ba 'yan?" sabi naman ni Nychaa.

"Barena 'to, tanga! Talo 'yang bato mo!"

"Bakit? Sino rin ba ang nagsabi sayo na bato 'to?"

"Oh, ano naman yan?" sabi ni Nychaa.

"Bulalakaw 'to, tanga!"

Palabas ng kwarto si Yumi at nakita ang kalokohang ginagawa namin.

"Ah, e-excuse me. Anong gingawa n'yo?" tanong ni Yumi sa 'min.

"Ah eh hehe, wala lang 'to" paliwanag ko kay Yumi.

"Nagbabato-bato pick kami, kung sinong matalo manlilibre ng pagkain. Seryosong labanan 'to budget ang nakasalalay," seryosong sabi ni Mint na akala mo naman lalaban sa pambansang palaro at s'ya ang pambato.

"Wala ba kayong stock na pagkain?" tanong ni Yumi sa 'min.

"Meron naman, kaso hindi kami marunong magluto kaya kailangan naming gawin 'to para makakain," sabi naman ni Nychaa na nag-stretching pa iniisip kung ano ang ipangtatapat na tira. Sila na kasi ni Mint ang maglalaban.

"Marunong ako magluto, baka makatulong ako kung gusto n'yo lang naman."

"Talaga?" bigla kaming nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Yumi.

"Hulog ka ng langit sa 'min! " sabi ko kay Yumi at halos kaladkarin ko na s'ya papunta sa kusina. Gutom na gutom na kasi talaga ako.

Hangang-hanga kaming tatlo habang pinagmamasdang magluto si Yumi. Pakiramdam namin nanunuod kami sa TV na tulad ng mga chef na nagluluto. Kulang na lang tumulo ang mga laway namin. Kahit pa na isang simpleng chicken adobo at pork sinigang lang ang niluluto n'ya. No choice rin naman dahil ito lang ang pwedeng lutuin.

"I like her na," bulong ni Mint.

"Ako rin, hindi ko lang s'ya like love ko na s'ya," sabi naman ni Nychaa habang nagniningning pa ang mga mata.

"Gusto n'yong batukan ko kayo! Anong sabi mo kanina Nychaa? Ermintanya! At ikaw naman Mint, mangkukulam! Ano! Biglang nagbago ang ihip ng hangin?"

"Pwede namang magbago huh," nakangusong sabi ni  Mint.

   

"Okay na, luto na" Narinig naming sabi ni Yumi. Para namang si flash 'yong dalawa. Isang malaking himala dahil nag-ayos sila ng lamesa at naghanda ng kakainan namin.

"Mga patay gutom," bulong ko.

******

"G*go ka Kim, ang sarap tikman mo!" sigaw ni Mint.

"Tengena neto ni Mint, hindi na lang kumain nang kumain!" saway ko kay Mint.

"Wooh, sarap nga! Teka Yumi, wala ba itong lason na galing sa province n'yo? Baka mayro'n itong gayuma huh," sabi naman ni Nychaa. Binato ko s'ya ng kutsara, dami pa kasi sinasabi hindi na lang kumain nang kumain.

"Dami mong alam, kung ayaw mong kumain sa 'kin nalang 'yan," sabi naman ni Mint sabay hila sa plato ni Nychaa. si Nychaa naman kinawkaw 'yong pagkain n'ya puno kasi ng sabaw ng sinigang kaya 'yon literal na hinugasan n'ya ng kamay.

"Sige kainin mo, lasang kamay ko na 'yan! haha."

"Iwww kadiri!"

"Ang bababoy n'yo!" sabi ko naman sa kanila sabay bato ng buto na pinagngatngatan ko do'n sa dalawa.

Si Yumi natutulala lang sa 'min, feeling n'ya siguro maling bahay ang napasukan n'ya. Nagdadalawang isip na siguro s'ya kung apartment ba 'to o mental hospital.

"Tumigil na nga kayo, baka isipin ni Yumi mga praning tayo," saway ko kila Nychaa at Mint.

"Sa lagay na 'yan, hindi pa ba kayo mga praning?" sabi ni Yumi.

"Grabe mo naman sa 'min, pero seryoso Yumi ang sarap talaga ng luto mo. The best sobra," sabi ni Mint.

"Salamat, mukha ngang nagustuhan n'yo. Simot eh hehe," sabi ni Yumi.

"Super like na kita, ang gaan ng loob ko sayo " sabi ni Mint.

" Dahil d'yan, bibigyan ka namin ng tip para makaiwas sa bully sa university lalo na't bago ka," sabi ni Nychaa.

"Teka, ano bang course mo?" tanong ko.

" Law student ako, iskolar sa university."

"Matalino ka pala. Kaya lang iskolar ka, Yari tayo d'yan! Lagot ka!" sabi ni Mint.

"Bakit? " nagtatakang tanong ni Yumi.

"Takaw bully kasi ang mga scholar lalo na ganyan pa ang itchura mo," sabi ni Nychaa.

"Sa province kasi ako lumaki, ang tatay ko magsasaka. Ang nanay naman labandera. Kaya lang ako pumayag na mag-aral dito sa Manila para matupad ko ang pangarap nila na maging lawyer ako balang araw. "

"Ang swerte mo sa mga magulang mo, ako kasi walang pakeilam sa 'kin parents ko. Bahala ako kung anong gawin ko sa buhay ko," sabi ni Mint.

"Pero teka, Yumi. Paano pala ang pang-budget mo? Kahit kasi iskolar ka kailangan mo pa rin ng extra money. Siyempre, bukod pa 'yong padala ng parents mo? " tanong ko kay Yumi.

"Maghahanap ako ng part-time job para dagdag income," sagot ni Yumi sa tanong ko.

"Ano bang alam mong work?" tanong naman ni Mint.

"Sa province kasi ang pinagkakakitaan ko, sumasali ako sa mga singing contest."

"Wow, singer ka pala. Sakto! Hindi ba Mint may bar si Mario, 'yong manliligaw mo. Baka pwede mong ipasok do'n si Yumi na part-time singer," sabi ni Nychaa.

"Sige try ko," sambit ni Mint.

"By the way, Yumi balik tayo sa university." Kinuha ko ang phone ko at may pinakitang picture.

"Ito ang mga dapat mong iwasan sa university," dugtong ko pa. "Umpisahan natin sa varsity boys. Una, ang leader nila ang tukmol kong kapatid. Ultimate playboy, madami na 'yang pinaiyak na babae kaya don't fall in love with him. Iwasan mo si Ryuu Kugimiya."

"Kapatid mo? Pero, bakit magkaiba kayo ng apelyido?"

"Magkaiba kami ng Nanay, actually tatlo kami si Ryuu, Mario at ako pero s'ya lang ang nakakuha ng apelyido ng Daddy, at 'yong university magulang namin ang may-ari "

"Talaga? Mayaman pala kayo."

"Ganun na nga. So, 'yon na nga si Ryuu ang una. Ang pangalawa naman ay  si Mark Prim, ultimate

playboy rin."

"Pati s'ya, nabiktima ni Mark ex n'ya nga pala 'yon haha, " sabi ni Mint sabay turo sa 'kin.

"The third one is Mario Onizuka, manliligaw s'ya ni Mint. S'ya 'yong sinasabi ko na kapatid pa namin na isa. Buwan lang ang tanda n'ya sa 'kin. Sa totoo lang si Mario ang pinakamabait do'n sa apat. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw s'yang sagutin ni Mint."

"Hindi ko naman kasi alam kung seryoso talaga s'ya sa 'kin. Ikaw nga hiniwalayan mo si Mark kasi sabi mo playboy at madaming babae kahit hindi mo naman napatunayan. Masyado ka lang selosa kaya napa-paranoid ka," paliwanag ni Mint.

"Hay naku, huwag na nga natin s'yang pag-usapan. Do'n na tayo sa pang-apat si Masu Junyang."    

"Baby ko 'yon hehe," sabay sabi ni Nychaa.

"Huwag kang maniwala, wala namang silang relasyon. Mataas lang talaga ang pangarap n'yang si Nychaa," paliwanag ni Mint.

"Grabe mo naman sa 'kin, hintayin mo mapapasagot ko rin si Masu!" naka-pout na sabi ni Nychaa.

"At siyempre, si Charlene at ang squad n'ya. Mga baliw sila kay Barry kaya dapat kang mag-ingat."

"Sino naman si Barry?" tanong ni Yumi.

"Nickname 'yon ni Ryuu pero bawal mo s'yang tawagin sa name na 'yon kung hindi kayo close." Kamot ulo na lang si Yumi dahil naguguluhan s'ya.

"Ah okay."

"Siyempre ang panghuli ay si Chad!  Kung mayro'n mang dapat iwasan sa lahat ay walang iba kung hindi si Chad isa s'yang masamang tao."

"Teka-teka hindi n'yo naman kailangang ipaliwanag lahat. Kasi tingin ko, hindi naman ako mai-involve kahit isa sa kanila. Kasi nandito ako para mag-aral at tuparin ang pangarap ng mga magulang ko," paliwanag ni Yumi.

"Oh s'ya, groupie na lang tayo for the new friendship," kinuha ni Nychaa ang cellphone n'ya. Nag-compress kami para magkasya sa kuha ng phone. Ako, si Yumi, Mint at Nychaa.

"Say cheese."

"Cheese."

Dito nag-umpisa ang pagkakaibigan namin, nadagdag ang bagong kapamilya at si Yumi 'yon.

***********End of flashback*********

" Okay naman tayo dati Yumi eh, bakit kasi ginawa mo 'yon! Bakit mo sinira lahat pinagsamahan natin!"

Ibinalik ko ang picture na hawak ko. Inipit ko ulit sa libro sabay ibinagsak ang katawan sa kama. Gusto ko na lang matulog, ayaw ko ng isipin pa ang nakaraan.

**************************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status